DIRETSONG uwi si Rhaime sa kanyang sariling bahay at doon umiyak ng umiyak, parang sasabog na ang kanyang puso sa sobrang sakit na nararamdaman. Mas masakit pa ito kaysa nang una niyang iwan si Dylan kahit parehong babae ang dahilan.
Habang patuloy lang siya sa pag-iyak ay patuloy din niyang kinakastigo ang sarili at sinasabing ang tanga mo kasi para hindi malaman na pinasasakay ka lang niya sa kanyang bitag. s**t sobrang sakit at paimpit na patuloy na umiyak ng umiyak.
HABANG pabalik-balik ng lakad si Dylan sa kanyang library office at patuloy na iniisip kung paano at kung saan niya pupuntahan si Rhaime dahil hindi niya alam kung saan ang bahay na tinutuluyan nito dito.
Pakiramdam niya ay mababaliw na siya. Nang biglang tumunog ang doorbell ng kanyang gate at dahil sa pag-aakala niya na si Rhaime iyon ay mabilis niyang tinungo ang gate para lang madismaya kung sino ang kaniyang napagbuksan.
"Angel, why are you here?"
"My god Dylan what happened and you looked mess." Sabay pasok sa loob ng gate na nakabukas at diretsong naglakad papasok. Mabilis naman na agad siyang sumunod kay Angel ng tuluyan itong pumasok. Ang mini bar niya ang tinutumbok nitong puntahan.
"Hey, kung gusto mo pala mag-inum dapat doon ka na lang pumunta sa isa sa mga club ni Aidemiel?" Sita niya sa kaibigan.
"Look Dylan, I know you need someone to talk to now, dahil sa itsura nang Mukha mo ngayon tila pasan mo ang problema ng mundo, diyos ko naman. And please lang huwag mo mabangit-bangit ang pangalan ng mukhang palakang iyon." Nagsalin ito ng tequila sa sariling baso at sinalinan naman ng brandy c Dylan. Naiimbyerna ako kahit pangalan lang niya." Tsaka tumawa.
"Anyway anong problema buds?" Umpisang tanong niya kay Dylan.
"Rhaime already knew at si Catleiah ang nagsabi sa kanya. Galing si Rhaime dito ngayon umaga at inabutan niya kaming mag-katabi sa kama. Hindi ko alam kung paanong nangyaring naging mag-katabi kami dahil wala akong matandaan. At isa pa wala pa akong pinahintulutan na makaulayaw sa sariling kong kama kungdi si Rhaime lang.
Napasipol bigla si Angel sa narinig at napapalatak. "Tsk..tsk..tsk.., ayan na nga ba ang sinasabi namin sa iyo ni Mond eh. Kung sana maaga pa lang sinabi mo na sa kanya ang totoong plano mo at nagbago naman na iyon ng ma-realize mo na talagang mahal mo pa siya at hindi mo na siya makakaya pang saktan, baka naintindihan ka pa niya nang maaga. Kahit kung ako siguro ang nasa katayuan ni Rhaime ngayon ganoon din mararamdaman ko. We both know buds how to be hurt when it comes to love."
"f**k Angel!, para na akong mababaliw alam mo ba iyon? Mas masakit pa ito ngayon kaysa doon sa dating pag-iwan niya sakin."
Nagsalin siya nang alak sa sariling baso at tsaka ininom iyon.
"Ni hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin, wala akong idea ni katiting man lang sa utak ko, ayoko naman pumunta sa Pampangga nang bigla-bigla para alamin kung nandoon siya dahil siguradong magtataka ang mga magulang niya."
"Kailangan mo harapin kung ano ang konsenkwenses ng mga nangyari Dylan, kung tutunganga ka lang dito walang mangyayari."
"Pero hindi ko nga alam kung saan ako mag-uumpisa ni wala akong idea Angel." Mababanaag na sa reaksyon ng mukha niya ang kawalan na nang pag-asa.
"Parang ang bilis mo naman sumuko." May kinuha ito sa bag na dala at iniabot sa kanya. Here I'm sure it might help you to come up with an idea." Sabay lapag ng cellphone ni Dylan sa mesa.
"Naiwan mo iyan kahapon sa loob ng opisina mo bago ka umatend ng meeting sa board. Nagpunta din si Catleiah at nag-stay sa office mo for a while, hihintayin ka na nga lang daw pero ilang minuto lang ang lumipas ng magpa alam na din siya agad para umalis at hindi ka na nga raw mahihintay pa. Kung hindi ako nagkakamali malamang sa pinakialaman niya iyan.
Gaano din ba kalala ang problema ng kompanya para makalimutan mo na may cellphone ka pala? At ilang beses ko rin sinabi sa iyo na maglagay ka ng password." Mahabang lintanya niya kay Dylan.
Mabilis na dinampot ito ni Dylan at hindi na pinag-aksayahan pa ng pansin ang pag-sagot sa mga tanong sa kanya ni Angel. Mabilis na hinanap niya ang pangalan ni Rhaime sa phone book na letter M dahil My Vien ang nakasulat na pangalan nito.
Agad niyang pinindot ang call botton pero walang sumasagot, hangang sa mag cannot be reach na iyon, pagpapatunay na sinadya na iyon i-off.
"Bull s**t!" malakas na mura niya. At tinungga ang alak na nasa boteng hindi na pinagkaabalahan isalin pa sa baso.
Nakamasid lang si Angel sa bawat kilos nito. Sa nakikita niya kay Dylan ngayon masasabi niyang magiging miserable nang tuluyan ang buhay nito kapag tuluyan nawala si Rhaime dito at hindi ito mapatawad.
Kasalanan ito ng pesting pag-ibig talaga kung bakit kasi kailangan pa ma-inlove ng tao eh. Kapag minalas pa at sa mali ka bumagsak kung di ka matatag mababaliw ka talaga. Gaya na lang ng nanyari sa kanya noon bulong niya.
"Easy buds there is still a way okay. Kung hindi man niya sinagot ang tawag mo, maaari ka naman magpunta sa agency na nagpadala sa iyo sa kanya. Try to get any information that will contact her. At kung wala pa rin well, umarkila ka na ng detective para hanapin siya. Mahalaga ang bawat oras Dylan kaya wag mo sayangin lalo at naka plano na kayo magpakasal. Huwag mo hayaan maulit pa sa iyo ang nakaraan kasi wala ka nang ginawang ibang paraan pa."
"Thanks Angel for helping me."
"You're welcome buds what are friends are for." Ngiti niya kay Dylan sabay tapik sa balikat nito.
Angel is right bakit nga ba hindi niya naisip ang agency na pag-aari nito. Wala dapat siyang sayangin sandali para makausap ang dalaga at ibigay ang panig niya sana maniwala ito sa paliwanag niya.
IT WAS night when Rhaime woke up, nakatulog siyang umiiyak. Tinawagan siya ni Dylan ng ilang beses pero hindi niya sinagot ang tawag nito kaya napilitan na siyang i-off na lang ang sariling cellphone. Nang sipatin niya ang sariling repleksyon sa salamin at makita ang mga mugtong mata sanhi nang labis na pag-iyak. Kinausap niya ang sarili sa harapan ng salamin.
"Kaya mo iyan Rhaime, makakaya mo, makakaya mo ang lahat." Habang nakatitig sa mukha niya sa salamin.
"Pero sobrang sakit eh, pakiramdam ko hindi ko kaya" Sagot din niya sa sarili. At ayaw man niya pero namalisbis na naman ang luha sa sariling mata at muli umiyak lang ulit siya at pilit inalis ang mga magagandang ala-ala nila ni Dylan at ang pilit na inisip ay ang pang-loloko nito sa kanya at ang ginawang pag-ganti lang nito.
WALANG sinayang na oras si Dylan nang umagang iyon. Maaga pa lang ay agad na siya nagpunta sa RhaimSans Agency sa pag-babaka sakali na makita doon ang dalaga. Dahil nga maaga pa masyado ay matyaga siyang naghintay sa pagbubukas nito habang nakasakay sa nakaparada niyang sasakyan di kalayuan sa entrada ng gusali.
Kinse minutos para alas otso ay unti-unti ng nagpapasukan ang mga empleyado ng gusaling iyon sa entrance lobby. Wala siyang pinalagpas na tignan sa mga pumapasok doon dahil baka hindi niya mapansin si Rhaime, pero bigo siyang makita ito.
Tumingin siya sa suot na rolex watch sampung minuto para mag-alas diyes na wala pa ring Rhaime.
Kaya mabilis siya umibis ng sasakyan para pumasok na sa loob. Pumunta muna siya sa desk information para itanong kung saan ang pinaka opisina ng RhaimeSans Agency dahil RhaimeSans building din pala ang pangalan ng gusaling iyon na may tatlong palapag.
Matamis ang ngiti ng babaeng iyon sa kanya na halatadong nagpapa cute, mabilis naman na sinabi kung saan niya iyon matatagpuan, nagpa salamat siya dito at ngumiti ng matipid.
Sa ikatlong palapag iyon matatagpuan kaya sumakay siya ng elevator. Malawak ang buong 3rd floor na sa kanyang hinuha ay sadyang nakalaan para sa opisina ng isang may ari.
Lumapit siya kaagad sa mesa na nasa pagitan ng dalawang pintuan doon na may nakaupong babae at kinausap niya. Marahil ito ang sekretarya ni Rhaime o kaya kay Sansky na binanggit sa kanya ni Rhaime na kaibigan .
"Hi, " tawag pansin niya dito ng makalapit dahil abala ito sa computer tsaka matipid na ngumiti ng tumingin ito sa kanya.
"Can I talk to Sansky?" Hinahanap niya si Sansky upang makatiyak na haharapin siya nito dahil kung si Rhaime ang hahanapin niya ay tiyak na hindi siya nito kakausapin.
"Sino sila para masabi ko kay Ma'am Sansky?"
"Ako si Dylan Lemuel Zalasar ako ang naghanap nang Nanny dito sa ahensya ninyo dati." Iyon lang ang sinabi niya.
"Okay Ser sandali lang sasabihin ko lang po kay Ma'am." Tumayo ito para kumatok sa kaliwang bahagi ng pinto. Maya-maya ay tipid na ngumiti sa kanya. "You can come in ser."
Pag-pasok niya ay nagulat siya ng hindi ito nag-iisa sa loob dahil may kasama itong kilalang-kilala niya na komportableng naka upo pa sa pahabang sofa na sadyang nakalaan para sa mga bisita.
"Mond anong ginagawa mo dito?" Hindi niya lang ba ito napansin kanina pumasok sa main entrance.
"Well business, eh ikaw ano naman pakay mo sa Sansky ko?"
"f**k you buds, may gusto lang ako itanong sa kanya at maliban doon wala na akong iba pang pakay sa Sansky mo."
Nagtataka man si Sansky bakit kung mag-usap ang dalawang lalaki ay tila magkakilala ang mga ito.
"Ehem...ehem...," sa kunwaring nauubo para mapunta sa kanya ang pansin.
"Mr. Zalasar right, anong maipaglilingkod ko at sinadya mo ako dito?"
Tsaka lang ito nilingon ni Dylan. Maganda rin ito kagaya ni Rhaime iyon nga lang masasabi niya na payat ito masyado pero hindi iyon kabawasan para hindi mabanaag ang taglay na ganda nito.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Kailangan ko malaman kung saan ang address ni Rhaime. I need to talk to him in person."
"Is there a problem?"
"Ayoko mag-sayang ng oras. Kaya't kung maaari lamang ibigay mo na sa akin ang kanyang address ngayon na." Sa mataas na tinig, naiinis siya kung bakit ang dami pa nitong tanong.
"Buds easy," Sabi ni Mond sabay lingon kay Sansky. " Ibigay mo na ang hinihingi niya nang makaalis na ang gagong iyan, bago ka pa matunaw sa klase ng pagkakatingin sa'yo."
Isinulat ni Sansky sa isang papel ang address ni Rhaime saka iniabot dito.
"O ayan na, nang matahimik ka."
Mabilis ito kinuha ni Dylan. Agad na nagpa salamat kay Sansky, pero bago umalis nag senyas muna ito ng bad finger gamit ang middle finger kay Mond tsaka mabilis na lumabas sa pinto para umalis na.
SA ISANG kilalang exclusive subdivision nakatira si Rhaime at mahigpit ang gwardya na nagbabantay doon. Nahirapan siyang pakiusapan ito na tuluyan siyang makapasok sa loob dahil kailangan daw muna ang pahintulot ng taong sadya bago pumasok.
Tumawag muna ito sa bahay ni Rhaime pero wala daw sumasagot kaya baka wala daw tao. Kahit anong gawin niyang pakiusap ayaw talaga siyang papasukin, malapit nang humulagpos ang tinitimpi niyang galit dahil sa panibagong prustrasyon nararamdaman.
Humanap lang siya ng magandang pwesto para maiparada ang kanyang sasakyan malapit sa main gate ng subdivision at nanatili lang sa loob ng kanyang sasakyan. Patuloy sa pag-iisip habang nakayuko ang ulo sa manibela.
Katok sa bintanang salamin ng kanyang sasakyan ang nag-paangat sa ulo niya at iyon ay ang gwardya na ayaw magpapasok sa kanya. Ibinaba niya ang salamin ng bintana para alamin kung bakit.
"Ser, pwedi na ho kayo pumasok. Tumawag po si Mam Sansky. Bakit hindi ninyo naman po agad sinabi na Boyfriend po pala kayo ni Mam Rhaime?"
"Salamat."
Sa sinabi ng gwarya ay agad siyang nag-maniobra papasok sa loob ng subdivision, napailing siya at mapaklang tumawa. Boyfriend lang pala dapat ang sinabi nya para makapasok siya f**k kung anu-ano pa ang idinahilan niya para lang siya papasukin pero hindi umubra.
Nang matagpuan ang gate na may numero na tugma sa papel na hawak niya ay mabilis siya umibis sa sasakyan. Naka ilang doorbell siya pero wala nagbubukas ng gate. Baka nga walang tao gaya ng sabi ng gwardya. Dahil desperado na siyang talaga ay wala ng pag-aatubili pa na inakyat niya ang gate, thanks god at hindi iyon kataasan masyado.
Diretsong tinungo ang pinto at hindi iyon naka lock kaya pumasok na siya sa loob.
"Rhaime!" Tawag niya, "Rhaime!" ulit niya dahil walang sumasagot.
Pinuntahan niya ang bawat parte ng bahay nito habang patuloy sa pagtawag dahil isang palapag lang naman iyon pero malawak. Tumigil siya sa isang pinto na hinuha niya ay isa sa mga silid dito ay kay Rhaime. Akmang pipihitin na niya ang doorknob ng bumukas iyon.
Nagising si Rhaime dahil sa paulit- ulit na tawag sa pangalan niya at boses ni Dylan iyon, noong una inakala niyang nananaginip lang siya pero ng sa tingin niya ay palapit na ng palapit ang pagtawag ay napilitan na siyang bumangon sa kama na patuloy pa din ang tinig sa pag-tawag sa pangalan niya.
Agad siyang lumapit sa pinto at nang kanya na itong buksan at makita si Dylan. Umahon ang galit niya para dito.
Agad naman siyang niyakap ni Dylan ng mahigpit. "Rhaime please talk to me please." Sabi nito habang nakayakap parin sa kanya.
Nagpumilit si Rhaime na makakawala sa higpit ng yakap ni Dylan sa kanya pero bigo siya kaya hinayaan na lang niya na yakapin siya.
"Please I beg you Rhaime please listen to me let me explain what you found out."
Pilit niyang nilabanan ang pag-daloy ng kanyang luha. Hindi na dapat ako umiyak ngayon sobra-sobra na ang mga nailuha ko sayo Dylan sabi niya sa kanyang sarili.
Nanatili lang siyang walang imik. Hindi niya alam kung ilang segundo ba o minuto na siyang yakap ni Dylan.
Dahil hindi nagsasalita si Rhaime ay kumalas siya sa pagkaka-yakap dito at pilit hinuli ang paningin nito na mababanaag ang kawalan ng emosyon.
"Rhaime please I'm begging you. Listen to me. Let me tell you the reason give me a chance please."
Diretso siyang nakatingin sa mga mata ng binata na punung-puno ng pagmama-kaawa na kanyang mababanaag sa mga mata nito.
"Dahilan mo?" Aniya kay Dylan. Sinadya niya patigasin ang boses.
Bakit ko ibibigay sa iyo ang pagkakataon na hinihingi mo ngayon sa akin, kung ikaw mismo hindi mo nagawang ibigay sa akin iyon Dylan?"
"Rhaime." Mahina niyang usal sa pangalan nito.
"Kaya wala kang karapatan hingin sa akin iyan Dylan wala. Umalis ka na, at kung pwedi lang huwag na huwag ka nang babalik dito o magpapakita man lang sa akin. Tinatapos ko na kung ano man ang naumpisahan natin relasyon."
Sabay hubad sa kanyang daliri ng engagement ring na binigay nito sa kanya at kinuha ang isang palad nito para ilagay iyon doon at humakbang ng paatras.
"No Rhaime huwag mo naman gawin sa akin ito? Hindi ko na kakayanin pa ang mawala ka sa akin." Tuluyan na siyang napaluhod at hindi na nahiyang humagulgol sa pag iyak sa harapan ni Rhaime habang mahigpit na hawak ang singsing. At pa ulit ulit na nakiusap na patawarin siya.
Napatingin si Rhaime sa dalawang bagong dating at iyon ay ang bestfriend na si Sansky at isa pang lalaki.