Aliw na aliw lang sa panonood sa kaniya ang lalaki habang kumakain siya ng mangga. Ngayon siya naniniwala na masarap talaga pala ang mangga lalo na kapag hilaw. Wala rin siyang planong bigyan ang binata dahil gusto niya ay sa kaniya lang lahat ng ito. “I’m glad na naka-recover ka na.” Ngumiti ito. Hindi siya umimik. Nanatili lamang siya pagkain hanggang sa maubos iyon. Nagulat pa siya nang abutin nito ang kaniyang pisngi at bahagyang pinisil. “You remind me of my little sister,” seryosong wika nito, at sandaling dumaan ang malungkot na kislap sa mga mata nito. “f**k! Get your filthy hands off her, Azael Aadi.” Napasinghap siya sa nakitang galit sa mukha ni Cuhen nang pasadahan niya ito ng tingin. Malalaki ang mga hakbang nito na ngayon ay palapit sa kanila. Madilim ang anyo ito at anu

