Umirap siya at hindi pinansin ang sinabi nito. Masyadong masarap ang manggang kinakain niya ngayon. Halos manakit ang mga paa niya sa pamamasyal nila. Para siyang batang nakawala sa kulungan kaya ganito siya ka-hyper. Bawat stall na madaraanan nila ay hindi siya pumapayag na hindi sila kumain ng bawat pagkaing naka-display. May ibang napagkakamalan silang mag-asawa ng lalaki, dahil todo alalay ito sa kaniya. Pinagbigyan nito ang lahat ng trip niya sa araw na iyon at binilhan din siya ng matitinong damit—mostly sa mga iyon ay maternal dress. Tinaasan na lang niya iyon ng kilay at hindi na nag-abalang magreklamo. Pagod na pagod siya at akmang papasok na sa kotse ng binata nang may biglang humila sa kaniyang pulsuhan. “Damn, Ellah!” malakas na sigaw ni Cuhen. Napasinghap siya sa ginawa nit

