Chapter 2
“Ano pong meron?” kanina pa siya nagtataka. Hilig ng ginang ang magluto kaya lang ang dami yata masyado. Mahigit sampung putahe para sa kanilang apat.
“This is our early celebration of Christmas.” Very early, kakasampa lang ng December. Kasumpa sumpa na rin ang traffic galing pa siyang Cavite. “Dahil busy si Henry sa trabaho at ayaw mong sumama sa amin sa States,” paliwanag nito kahit hindi naman niya naisatinig ang nasa isip. “Ah,” tanging nasabi niya.
Tahimik na kumakain siya habang nakikinig sa usapan ng tatlo. May plano pala si Henry na magtayo ng sarili nitong flying school at private plane services dito sa Pinas. Captain ito sa pinagta-trabahuhang airline company sa middle east. Wala talagang interes sa kumpanya ang panganay ni Sir Mart.
Kasalukuyang nasa California naman ang bunsong si Vince, at kumukuha ng master’s degree in global entrepreneurial management sa isang University sa San Francisco. Last year pa dapat natapos ni Vince ang masteral niya. Ayon dito sinapian daw ito at mas ginustong mag party party kaya nag quit sa pag-aaral.
He needed a break, deklara nito. Hindi rin naman niya masisi. Aral ng college, diretso trabaho sa company ng ama. After ng ilang taon nag desisyong pumunta ng Amerika para sa master’s degree naman. Mas may pag-asa si Sir Mart dito.
Dito sa Pilipinas kumuha ng bachelor at master’s degree sa larangan ng pagnenegosyo si Henry. Pinag sabay nito ang master’s at pag-aaral sa aviation school.
Ang akala ni Sir Mart added skill lang ang pag-aaral ni Henry sa aviation school. Ang hindi nito akalain, gagawin nitong propesyon ang pagpipiloto. Top student ito at kalaunan natanggap sa isang international airline at nilayasan ang Pilipinas.
Ang tagal na rin pala nito sa ibang bansa, nine years. Pinanood niya ito habang nagsasalita. Isa sa nagustuhan niya dito ang self-confidence nito. Sigurado lagi sa sarili, sa gustong gawin, handa sa gustong suungin sa buhay.
May nagbago dito, hindi niya matukoy kung ano. Kanina pa niya iniisip kung ano. Clean shaven face, neatly trimmed hair, gaya pa rin ng dati. May something talaga.
“Alam ko na!” bulalas niya ng mapagtanto kung ano. Tatlong pares ng nagtatakang mata ang nakatuon sa kanya. Sinara niya ang bibig, magkamukha sila ng isda sa plato niya.
“May..may na realize lang po ako, usap na kayo ulit.” Unang nag alis ng tingin si Henry at ni-resume ang pinag-uusapan nilang tatlo.
Mas nag mature ito. Matured na ito dati pa. Seryoso ang tamang term. Kung si Vince kengkoy at maloko, ito ang kabaliktaran. Ang level ng maturity na nakikita niya yung level na ready na sa next chapter ng buhay. ‘Yung ready ng magba-bye sa bachelor life.
O baka ‘yun lang ang gusto kong isipin. Binalingan na lang niya ang beef broccoli. Nakakamiss to ah. Kuripot kasi ang kasama niya sa bahay.
Sinulyapan niya muli si Henry. Possible naman ‘yun. Successful na siya sa chosen field. Stable sa buhay, ang sarap dumepende. Sustainable, alam mong hindi magkukulang.
Bonus na lang ang good genes nito. Ipinatong niya ang siko sa lamesa tumusok ng broccoli at dinala sa bibig. In short, may future sa kanya. Sinong babaeng hindi mag-aatract sa ganitong lalake?
“Caridad,” tinapik siya sa siko. s**t. Kinilabutan siya sa pagtama ng tinidor sa lower front teeth niya. Umayos siya ng upo ng maka recover sa pangingilo ng ngipin. “Sorry napalakas. You are zoning out,” sinulyapan ang step son.
“I need to get you back,” bulong nito. That obvious? “Sobrang obvious,” tila nabasa nito ang nasa isip niya. “You miss him,” she mouthed. Napangiwi siya sa hiya.
“Ang sabi ko kanina. I understand kung bakit hindi ka na madalas sumama sa mga out of the country namin tuwing christmas. You have your own plans.” Mula ng makapagtrabaho siya at nagrelocate sa probinsya iniiwasan talaga niya hangga’t kaya.
“Ang hindi ko maintindihan,” kumunot ang noo nito “nangako ka kay Mommy Eva last year na babalik ka for her birthday,” tukoy nito sa biyenan.
“And Vince told me you’re not coming.” Dinampot niya ang baso ng tubig. Talaga naman ang bruhong ‘yon, binibigyan siya ng no choice. Anong idadahilan ko? Ibinalik ang baso sa coaster.
“I don’t see any reason para hindi ka makapunta. You have plenty of time to file your leave,” anito matapos ngumuya. Think Carrie, think.
“You could not think of an alibi,” puna ni Sir Mart, bago itinuro ang mga daliri niyang nilalaro ang woven placemat. Hindi na siya tumanggi.
“And you,” baling nito sa anak. Napabaling din siya. “Tatlong taong birthday visit na ang utang mo sa lola mo.” Tandang tanda niya ang huling attend nito, may kasamang girlfriend.
“Nagtatampo na ang mommy sa’yo,” dagdag ni madam. Dinampot niya ang baso at nagkunwaring hindi nakatingin sa binata.
“I promise tita I won’t miss it this time,” siguradong sagot nito. “Still thirsty?” tanong nito sa kanya. Nasaid niya ang baso. “Not anymore,” ang bigat na ng tyan. Paano na ang dessert?
“Simple lang naman ang hiling ng mommy tuwing birthday niya makumpleto ang pamilya. Lalo na ngayon it’s her eightieth birthday,” si Sir Mart.
Hindi na pala tuloy ang fancy birthday party na pinaplano ng mga anak sa request na rin ng matanda. Mas gusto nito ang modest celebration na ginagawa taon taon sa bahay este mansion pala nila Sir Mart sa San Francisco.
Lima ang anak ng Spencer matriarch. Dalawa sa Canada, dalawa sa America. Si Sir Mart lang ang nasa pinas. Nasa pangangalaga naman ng kapatid na doctor ni Sir Mart si mommy Eva na sa San Francisco naka base.
“Let’s have tea in the garden Carrie,” ani madam pagkatapos nilang kumain. Liquid na naman. Nag-excuse muna siyang magbabanyo. Ihing ihi na siya.
“Vince told me what happened last year. Kung bakit ayaw mong sumama,” bungad nito pagbalik niya.
“It’s not my fault,” depensa niya agad. “I know. We know. Meg can be really absurd and stubborn. That is not a secret.” “Ayoko lang po ng gulo.”
“Mommy Eva is so found of you,” she said softly. Tila may humaplos sa puso niya. Ramdam niya ‘yon. Kapag nagbibilang ng apo ang matanda, isinasama siya nito sa bilang.
“Si mommy ang maapektuhan ng pag-iwas mo. She does not deserve that.” Point taken. “Para kay lola.” Ngumiti ito.
Parang nadagdagan ang guhit nito sa mukha. Bigla niyang na-realize, ang tagal na pala niya sa mga Spencer. “Same old thing, keep in touch with Martha.” Sir Mart’s secretary. “Opo.”