Chapter One
Chapter 1
Sa wakas, after four and a half hours na biyahe nakarating din siya sa exclusive village, kung nasaan ang Spencer Mansion.
Hindi pa siya tuluyang nakakalapit sa outpost sumensyas na siya sa gwardiya na “Patawag” para masundo siya.
“Wala ka na namang load,” komento nito paglapit niya habang kinukuha sa bewang ang wireless telephone. Kinatok niya ang salamin, para kawayan sa loob si Manong Bert na busy sa pagkain.
Umingos siya. “Low battery lang. Judgemental mo. Maglalakad na lang ako,” na wala siyang balak gawin. Nilingon siya nito nakataas pa ang kilay.
“Noong nag-aaral ka daw nilalakad mo lang naman papasok.” “Hindi kasi uso toda dito,” reklamo niya.
“Paupo,” paalam niya sa monoblock chair. Iniunat niya ang nangangalay na mga binti. Sumpa ng second day period. Idagdag pa ang maalinsangang paligid, parang hindi December.
May regla ka na nga nanlalagkit ka pa sa init. Ginawa niyang pamaypay ang panyong kanina pa basa ng mala-sirang gripo niyang kamay. Sumipol siya, umaasang makaka attract ng hangin.
Mas gusto niyang magkulong sa kwarto at lamunin ng higaan habang naka number three ang nakatutok na electric fan.
Kundi nga lang dalawang beses na niyang natanggihan ang dinner invitation ng mag-asawa, kaya nakakahiya ng tumanggi ulit lalo’t maluwag na sa trabaho.
“Okay na, paki hintay na lang daw,” imporma nito matapos ang ilang sandali. “Salamat.” Pumasok ito sa loob ng outpost.
Tinanggal niya ang suot na doll shoes. Nakaramdam ng kaginhawaan ang mga paa niyang maghapong nakulob.
“O, si Sir Henry,” anunsyo ni manong Bert paglabas nito ng outpost. Hindi niya pinag kaabalahang lingunin ang papalapit na sasakyan.
“Pinagti-tripan mo na naman ako manong,” reklamo niya. Ganoon din ang ginawa nito noong huling punta niya. “Hindi mo na ako mauuto,” proud na sabi niya. Pinagtawanan kaya ako.
“Ayaw mong maniwala bahala ka,” sumaludo ito ng tumigil sa tapat nila ang itim na Suv. Bumaba ang bintana. Napaangat ang tingin niya.
“Good evening, Sir Henry!” masayang bati ni Manong. Parang bulang nawala ang dis-interest niya ng makita ang driver.
Parang may spring ang plastic na upuan at itinulak siya patayo. Bumati rin siya, high pitch pa nga. Nagha hyperventilate siya sa sobrang tuwa na makita ito.
“Good evening Chief, Carrie,” balik bati nito na may tipid na ngiti. Intimidating ang awra nito pero hindi naman snobbish.
“Sir si Carrie papunta din sa mansyon.” Agad siyang napalingon sa nakangiting katabi. “May sundo na ‘ko di ba,” bulong niya.
“Get in Carrie,” utos ng binata. Napamaang siya. Isasabay siya nito?
“Ayaw mo?” tanong ni Manong bago hinawakan siya sa siko at iginiya sa sasakyan. Sabagay ngayon lang nangyari ang ganitong opportunity.
“New car,” bati niya. “Hindi mo alam?” Iling ang sagot niya. “Madalas si Sir dito nitong nakaraan,” imporma nito. Talaga?
Pinandilatan niya si Manong sa binuksan nitong pinto. Pwesto ng girlfriend ang gustong paglagyan sa kanya.
“Gagawin mo pang driver si Sir.” Sumakay na rin siya, baka mainip pa si Henry at magbago ang isip. Sumaludo ulit si Manong bago isinara ang pinto.
“Pinapunta ka rin nila? basag niya sa katahimikan. Hindi pa ito nakaka sagot ng may mapansin siya sa sarili.
Mabilis na itinago niya ang dalawang paa sa ilalim ng upuan. “You forgot something?” tanong nito, iiling-iling.
Napapikit siya ng mariin sa hiya. Nakalimutan niya ang hinubad na sapatos. Sumakay ka naman kasi agad, sisi niya sa sarili. Kainis lagi na lang nitong nasasaksihan ang clumsiness niya.
“No, hindi na okay lang,” pigil niya ng pipihit ito pabalik.
“Dadaanan ko na lang mamaya.” “Are you sure?” Tumango siya ng ilang ulit. “Para hindi ka na maabala. Diretso na tayo sa mansyon.”
“Dinaig mo pa si Cinderella,” nakangiting komento nito. “Oo nga. Isang pares ang iniwan ko.” Natatawa na lang din siya sa sarili.
“Pa’no ka mahahanap ni Prince Charming?” biro nito habangnnasa daan ang tingin. Hindi siya sumagot at mas piniling pagmasdan ito habang nagmamaneho ng may ngiti sa labi. Lalo itong naging gwapo sa paningin niya. Okay lang kahit shunga siya napangiti naman niya ito.
“Tita Venice car.” “Ha?” huling huli siya nitong nakatitig.
“Tita Venice car,” ulit nito, itinuturo ang sasakyan sa kabilang lane. Bumusina ito bago tumigil, ibinaba ang bintana.
Tumigil din ang kotse sa kabila, ibinaba ang salamin. “Good Evening Sir,” magalang na bati ni Rodney, bagong driver ni Madam.
“Good evening sweetheart,” malokong bati nito sa kanya. Kinindatan pa siya, sinagot niya ng irap. ‘Yun daw ang endearment nito kapag sinagot niya.
Hindi ito nahihiyang ipangalandakan na type siya. Ipapakisuyo niya sanang kunin nito ang sapatos niya ng unahan siya ng katabi.
“Get her shoes at the guardhouse,” may awtoridad na utos nito bago pinaandar ang sasakyan palayo.
Nakakunot ang kilay nito sa hindi niya malamang dahilan. Gusto niya ang kilay nito hindi disturbing na animo higad. Pinagsalikop niya ang kamay.
Nate-tempt kasi siyang hawakan at alisin ang pagkaka kunot nito. 'Pag naialis na niya ang kunot, ibababa niya ang hintuturo sa matangos nitong ilong, pababa sa labing katamtaman ang nipis.
Ang sarap din sigurong haplusin ng chiseled jaw nito. Umatras siya ng kaunti, at pa simpleng binistahan ang kabuuan nito. Moreno, matangkad, lean and muscular body na hindi naitago ng suot nitong black polo shirt. Biglang nanuyo ang lalamunan niya.
“Are you done?” tanong nito habang nasa daan pa rin ang tingin. Huli na naman siya na nakatitig. Nagpatay malisya siya, animo walang narinig at nagkunwaring interesado sa bottled water sa dashboard na napangalahati na. Base sa moist ng bote malamig pa ito.
“You can drink it if you want,” alok nito. Nahuli niya ang sulyap nito sa kanya. Lalong nanuyo ang lalamunan niya sa pinipigil na tuwa. Mahuli lang niya itong nakatingin sa kanya kilig na kilig na siya.
Kinuha niya ang bote at uminom kahit malapit na naman sila sa mansyon. “Sorry naubos ko, irerefil ko na lang mamaya.” Nauuhaw pala talaga siya.
“It’s okay,” tipid na sagot nito. Ilang sandali pa nasa rotonda na sila ng mansion. Nagpasalamat siya bago bumaba. “You're welcome.” Dumiretso na ito sa parking area na katapat ng malaking garden.
Bitbit ang reusable water bottle tinungo niya ang direksyon ng kusina. Hindi alintana ang lamig ng porcelain tiles sa paa.
Pinapaikot niya ang tali ng bote sa kamay ng mapagtanto na uminom siya sa inuman ni Henry. Napakagat labi siya. Parang nag-kiss na rin kami. Sinaway niya ang sarili. Hindi na siya teenager para sa mga ganitong way of thinking.
As expected, busy na si Madam Venice para sa hapunan. Nagreklamo ang tiyan niya ng makasalubong ang pagkaing bitbit ng isang staff. Pero natuwa naman ang mga paa niya sa white hardwood flooring ng kusina.
“You’re right on time, Caridad.” “Well trained niyo kaya ako.” Talagang iniiwan siya nito kapag late siya. Kaya laging siyang on time, lalo na kapag isinasama siya nito abroad. Nagbeso sila ng ginang.
“Ouch!” sinapo niya ang mata para mas dramatic. “Bakit, Carrie?”nag-aalalang tanong nito. Pilit sinisilip ang mata niya kung ano'ng problema.
Teardrop diamond earring lang naman. As in buo ang bato, na napapalibutan pa ng maliliit na dyamante paikot. Nasa bahay lang 'yan.
Alahas ang hilig ng elegante na ginang. Nakuha nito ang hilig sa ina. Naabutan niya ang namayapang donya. Mapi-feel mo talagang hampaslupa ka sa laki, garbo at rareness ng mga sinuot nitong customized jewelry pieces.
“Puro ka kalokohan.” Hindi niya masupil ang ngiti, naasar kasi ito kapag binabati niya with full exaggeration ang mga alahas nito. “You're oily,” anito, bago binalik ang atensyon sa ginagawa.
Hindi niya makita ang panyo niya, nalaglag siguro kanina. Pumilas siya ng kitchen towel at nagpunas ng mukha. Proven and tested niya na pang higop ng mantika ang daming nakuha sa kanya.
Ibinaba niya ang bag sa isang sulok bago dumiretso sa lababo para hugasan ang bote. Saang side kaya ito uminom? Para namang matatandaan ko kung saan side ng lid ako uminom. Pero na-saktohan ko kaya? Napailing siya sa sarili.
“Manang Lena. Paki check naman kung dumating na si Henry.” “Teka titignan ko,” itinigil ang pagpupunas sa island countertop.
“Nag kasabay po kami,” agap niya. Itinabi sa bag ang hinugasang bote para hindi niya malimutang ibalik sa may-ari mamaya.
“Talaga? Nagkasabay kayo? Kaya pala hindi ka nagulat sa sinabi ni madam,” sabay sundot sa tagiliran niya. “Hindi ka kasi nag pupunta dito nitong nakaraan.”
Hindi niya gusto ang nanunudyong tingin nito. “Ilalabas ko na po ‘to,” aniya sa isang ulam, para makatakas. Hindi nahihiya si Manang Lena na asarin siya sa harap nila madam.
“O, Bakit nakayapak ka, nasaan ang sapatos mo?” puna nito bago pa man siya makalabas. Napasilip din si Madam. Nginitian niya lang ang mga ito bago tuluyang lumabas ng kusina.
Mula ng isiwalat niya noong fifteen years old siya kay Sabina, ang itinatagong paghanga kay Sir Henry, at nai-tsika agad sa nanay nito na si Manang Lena. Naging tampulan siya nang pang-aasar ng mga staff.
Mapatunganga lang siya ang hinala agad ang binata ang iniisip niya. Hindi ba pwedeng future niya o kung bakit ang hirap ng assignment niya.
Deads na deads ang kinalabasan niya. Hindi naman niya maitanggi. Iniiwasan tuloy siya ni Henry. Hindi naman niya masisi sobrang awkward kaya.
Pagbaba niya ng ulam saktong dumating si Rodney bitbit ang doll shoes niya. “Panyo ko nakita mo?”
“Panyo mo ba ‘yon, sayang. Akala ko basahan.” Inirapan niya lang ito bago kinuha sa kamay nito ang sapatos. “Salamat.”
“Liligawan ulit kita.” “Basted ka na,” laging sagot niya kapag nagsasabi ito. “Ito naman,” reklamo nito, nagkamot ng ulo.
“Hoy Rodney tigilan mo ‘yang si Carrie. Iba type niyan,” sabi ng kakalabas lang na si Manang.
“Sino? Mas gwapo ba sa akin?” habol ang tingin niya habang sinusuot niya ang sapatos. May itsura si Rodney, pero hindi niya type.
“Oo, Si Sir Henry.” Nanalaki ang mata niya sa walang kagatol gatol na sagot ni Manag Lena habang naglalatag ng plato. Proud na proud talaga itong may gusto siya kay Henry.
“Hindi ka naman magugustuhan non,” diretsahang sabi ni Rodney sa mukha niya. Inirapan niya ito.
Sunod sunod ang labas ng pagkain. “Carrie, 'paki tawag na ang mag-ama. I am sure nasa office sila,” utos ni Madam. Sinundan siya ni Rodney.
“Gwapo din naman ako, masipag. Parehas kaming driver, eroplano sa kanya, kotse nga lang ‘yung sa’kin. Ako na lang,” pangungumbinsi nito. Hindi siya kumibo, nagbingi bingihan.
“Mas maraming siyang pera. Masipag akong mag-trabaho, ganon ka din, mabubuhay natin ang future family natin.” Tinaasan niya ito ng kilay, ang layo na ng narating nito.
“No,” umiling pa siya. Ito ang ayaw niya dito mapilit at sobrang kulit. Hindi pa rin siya tinigilan kahit na nasa tapat na siya ng office. Kumatok siya.
“Subukan mo lang ako Carrie. Papaligayahin kita,” nginsihan pa siya. “No,” mahina ngunit matigas na sagot na niya. Napipikon na kasi siya. Hindi niya talaga ito type, yun lang ‘yun. Bakit ba hindi nito maintindihan?
“Sige na,” humakbang pa ito palapit. Dumistansya siya at umiling. Para itong sirang plaka, hanggang bumukas ang pinto.
“If the woman said no it's a no man,” sabi ng baritonong tinig ni Henry. Matik na lumayo si Rodney.
“Dinner is ready,” anunsyo niya. “Masama ang tama sa’yo ng batang ‘yon,” ani sir Mart pagkatapos nilang mag beso. “Harmless naman po siya.”
“Natagpuan ka na ni Prince Charming,” he smirked, nakatingin sa doll shoes niya. Sumimangot siya. Matagal ko na siyang natagpuan, ako lang ang hindi niya makita. Gusto niyang ibulalas.
Muntik na siyang mapamura sa gulat ng may sumundot sa tagiliran niya. “Manang Lena naman,” reklamo niya, at ipinagpatuloy ang naudlot na paghuhugas ng kamay. “Balita ko walang girlfriend si Sir Henry ngayon? Nababakante rin pala siya ano.”
Si Henry mababakante? Pumilas siya sa reliable kitchen towel. I don’t think so. “Ayaw maniwala nito.” Susundutin na naman ang tagiliran niya kaya lumayas na siya at bumalik sa dining area.