NANLULUMO si Grego na pumasok sa madilim niyang kwarto. He didn’t even bother to open the lights. Ayaw niya lang makaramdam ng emptiness sa tuwing makikita niya ang kama na wala si Pauline. Mahigit dalawang linggo na rin simula nang iwan niya si Pauline sa ospital ng San Rafael. Hindi na niya ito nagawang bisitahin dahil nakaabang sa kaniya ang media at naghihintay sa mga sagot niya tungkol sa naging escapade niya kasama ang asawa. Makakasama kay Pauline ang stress lalo na’t hindi pa nito naaalala ang lahat. Kabilin-bilinan ng doktor na bawal kay Pauline ang matinding stress kaya gagawin niya ang lahat para mailayo si Pauline sa stress at confusion,kahit ang maging bunga no’n ay ang ilang araw o linggo niya hindi mayayakap at mahahalikan ang asawa. "Pau…" He closed his eyes firmly. Pili

