HUMAHANGOS si Grego papunta sa ospital kung saan isinugod si Rin. Nang makauwi siya ay hindi niya nadatnan doon si Rin at sinabi ng mga kapitbahay nito na isinugod daw ang asawa sa ospital kasama ang isang babaeng kamukhang-kamukha raw nito. Eve! Napahigpit ang hawak niya sa steering wheel. Kung alam niya lang na mangyayari ito ay sana hindi na siya umalis sa bahay kanina. He should've stayed! Naiinis siya sa sarili. Kung sana ay maaga siyang bumalik ay sana naagapan niya ang nangyaring kaguluhan sa bahay. Nang makarating siya sa ospital ay mabilis pa sa alas kwatrong nagpunta siya sa Nurse's station. "Miss, nasaan ang asawa ko?" "Nasa Emergency Room siya." Isang baritonong tinig ang sumagot sa kaniya mula sa likuran. It was Cholo. "Nasaan si-" hindi na niya naituloy ang mga sasabihi

