CHAPTER 4 PROMISES

895 Words
TIME, WEEKS has passed since that incident about my family. Pero naging malakas parin ako, binigyan ng chance ang asawa ko. Kitang-kita ko naman ang pag-babago rito dahil gaya ng dati Sunday is our family date. Maaga narin itong umuuwi galing work, may biglaan mang ot pero he'll make sure na nakakapag-update ito saakin. I'm still hoping na sana hindi na ito mag-kamali pa. Kasalukuyan akong nag-luluto na ng hapunan dahil tumawag ito na on his way na, so I decided to cook his favorite kare-kare. Buti nalang mabait ang mga anak ko nanunod sila ng tv sa may sala kaya naman ako ito minamadali ang pagluto habang mabait Pa ang isa sa mga anak ko. Makalipas ang isang oras ay natapos din ako sa aking pagluluto. Nandito narin ako sa sala kasama ng mga anak ko nakaligo narin ako. Medyo malayo-layo rin kasi ang trabaho ng asawa ko kaya wala pa rin ito. Maya-maya Pa ay may kumatok na sa aming pintuan. Kaya tumayo muna ako upang pagbuksan ito. Alam Kong si Jonathan na ito, kaya pagbukas ko ay hindi nga ako nagkamali at si Jonathan na nga. Hinalikan naman ako nito sa labi upang pagbati narin nito. Pagkapasok niya ay agad niyang tinawag ang aming anak. "Jiro! Angel!" Agad namang nagsi-takbuhan ang dalawa papunta sa kanilang ama. Tulad ng dati ay lagi itong may pasalubong na laruan sa dalawa. Tuwang-tuwa ako habang pinag-mamasdan ang aking mag-aama. Sana lang hindi na muli pang mag-loko si Jonathan. Nilapitan ko ang mga ito ng matapos ibigay ni Jonathan sa mga anak nito ang laruang binili nito. Kinuha ko naman agad ang kaniyang bag at kinuha ang maruming damit nito sa loob ng bag. Isang konduktor ng isang bus si Jonathan, hindi ito mareklamo sa trabaho kaya kahit papano ay maswerte parin ako dahil matyaga ito. Simpleng pamumuhay lang mayroon kami, nakakaraos din sa araw-araw. "Mag-pahinga ka muna riyan at ihahain ko na ang ating hapunan." Wika ko rito, tumango lamang ito bilang sagot. Nagtungo narin ako sa kusina para maghain ng aming hapunan. Tinawag ko narin ang mga bata para makapag-hugas ng kanilang kamay. "Jiro! Angel! Halina kayo at mag-hugas na ng kamay at kakain na." Sigaw ko rito, agad namang nagsi-takbuhan ang dalawa papunta sa kusina upang mag-hugas ng kamay. "Punasan niyo ang mga kamy niyo sa towel 'dyan sa ref huh, saka pumuwesto na kayo." Dugtong Kong utos sa aking mga anak. Pagkatapos Kong maihain ang aming pagkain sa mesa ay tinawag ko narin si Jonathan upang kumain. Nilapitan ko ito sa sala. "Mahal halika na, kakain na." Nakangiti naman itong tumayo at hinapit ang aking bewang at sabay kaming nagtungo sa kusina. Pagkarating namin sa mesa ay umupo na kami sa aming upuan at masayang nagsalo sa hapag. -- ANDITO na kami sa aming kuwarto, tulog narin ang mga bata. Nakahiga kaming dalawa sa kama habang ako ay yakap xa at naka-unan sa kaniyang braso. I really don't know but I am happy right now. He deserve the second chance, kita ko naman lahat ng iyon. "Mahal sorry for what happen, I am lucky bastard. I promise hindi ko na kayo ulit sasaktan pa, babawi ako sainyo ng mga bata mahal. I'm really sorry. Sobrang tanga lang ako dahil ginawa ko ang mga bagay na 'yon." Hindi ko alam pero gusto Kong umiyak sa sinabi nito. Ramdam ko lahat ng kaniyang pagbabago. "Iloveyou Mary Jane Ronquillo." "Iloveyoutoo Jonathan Ronquillo." Siniil ako nito ng halik sa aking labi, sobrang ligaya ang aking nararamdaman sa mga oras na ito. Sana hindi na matapos ang gabing ito na kasama ang taong pinangakuan ko ng habang buhay. Lahat ay aking titiisin mabigyan lang ng kompletong pamilya ang aking mga anak. At isa lang masasabi ko, this night was so amazing... --- JONATHAN'S POV PAGMULAT ko ng aking mata ay agad na mukha ng aking asawa ang bumungad saakin. Nagui-guilty ako sa nangyari, sobra ang pagsisisi na nararamdaman ko. Hindi deserve ng pamilya ko ang ginawa ko. Sobrang swerte ko dahil nagkaroon ako ng asawa na tulad ni Mary Jane. Hinalikan ko ito sa kaniyang noo at saka tumayo sa pagkakahiga. Araw ng linggo ngayon kaya I decided to cook for them. Kaya pagkatapos Kong mag-bihis ay lumabas na ako ng kuwarto. At pagkalabas ko ay dumeretso muna ako sa kuwarto ng aking dalawang anak. Tulog na tulog pa ang mga ito, kaya lumabas narin ako sa kuwarto ng aking mga anak at nagtungo sa kusina. Nagprepare ako ng hotdog, bacon, at itlog para sa agahan namin. Abala ako sa pagluluto ng may yumakap saakin mula sa aking likuran. "Goodmorning mahal." Wika nito. "Goodmorning, gising kana pala. Dibale malapit narin itong matapos, gisingin mo na ang mga bata mahal." Wika ko kay Mary Jane at sumunod naman ito sa aking pinag-uutos. Pagbalik nito ay kasama na nito ang mga bata. At nagsi-upo na ang mga ito sa hapag. Lumapit naman ako at hinalikan ang mga ito. "Goodmorning babies." Wika ko at sabay halik sa noo nila Jiro at Angel. Pagkatapos ay umupo narin ako sa tabi ni Mary Jane habang kunakain. Kitang-kita ko ang ligaya ng aking pamilya, hindi nila deserve ang ginawa ko kaya lahat gagawin ko para lamang mabalik ang tiwala ng mga ito. Sana lang hindi magsawa ang aking asawa sa pag-iintindi saakin. Wala na akong maihihiling pa kundi sana hindi magsawa ang aking pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD