CHAPTER 3 SECOND CHANCE

1078 Words
LUMIPAS ang ilang araw at linggo ay nakikita ko kung paano mageffort si Jonathan para saamin ng mga anak niya. Pero hindi ko parin maiwasang mag-isip kung patatawarin ko paba ito o magtitiwala ulit sa pagmamahal ko para rito. Gusto Kong bigyan ng magandang pamilya ang aking mga anak. Kahit alam Kong sa ngayon malabo muna. Pero buo na ang desisyon ko, ilang beses ko rin itong pinag-isipan.. Pero para sa anak ko isasantabi ko ang aking pride. Nandito naman ako ngayon sa sala kasama ko ang aking mga anak nanunuod kami ng tv habang ang bunso ko ay karga-karga ko dahil mukhang gustong magpalambing. Nang maya-maya ay lumapit ang inay at tumabi sa tabi ko at nagsalita ito. "Anak hanggang kailan mo titiisin ang asawa mo? Mukha namang pinagsisihan na niya ang ginawa niya." Wika ni inay. Alam ko pati ang inay ay naawa para saamin ng mga anak ko hindi lang nito sinasabi dahil alam ng inay lahat kakayanin ko. "Mag-uusap kami mamaya inay pag-punta niya rito. Patatawarin ko na po siya inay." Pagakasabi ko niyon ay nakita ko ang ngiti sa mga Mata ng inay. "Masaya ako para sayo anak, pero 'wag kang magaatubiling lumapit saamin ng kapatid mo pag may kailangan ka huh." Wika ni inay. Kitang-kita ko ang namumuong luha sa mga Mata nito na alam Kong pinipigilan lamang nitong maiyak ako sa harapan nito. -- KINAHAPUNAN ay abala ako sa pag-impake ng ating mga gamit dito sa kuwarto. Nang makarinig ako ng ingay sa labas kaya tumigil ako sa pagtutupi at pinakinggan kung sino ito. "Ang kapal ng mukha mong magpunta rito!" Gulat ako sa aking narinig dahil boses iyon ni Gio kaya dali-dali akong lumabas ng bahay iniwan ko na ang aking mga anak sa kuwarto. Nadatnan ko si Gio na aakmang susuntok muli kaya Jonathan habang si Jonathan ay nakahandusay at duguan ang labi nito kaya agad akong tumakbo kaya Jonathan. "Gio ano ba!" Sigaw ko rito. Pinagtitinginan narin kami ng mga kapitbahay namin dahil sa sigawan namin. "Ate tumayo ka nga riyan! Dapat lang sakaniya yan dahil sa pambabae niya!" Sigaw muli ni Gio. Kitang-kita ko ang galit sa mukha ng aking kapatid kaya sinabi ko na rito na sasama na akong muli kay Jonathan. "Gio sasama na akong muli kaya Jonathan!" Bigla itong natigilan, ganon din si Jonathan ay parang walang iniindang sakit sa kaniyang mukha at nagawa nitong humarap saakin at magsalita. "Talaga ba Mary?" Tanong ni Jonathan kaya tumango nalamang ako bilang sagot. At bigla ako nitong niyakap ng mahigpit. "Salamat Mahal, patawarin mo ako." Dugtong Pa ni Jonathan habang yakap ako nito. At tinignan ko nalamang ang palayong si Gio papunta sa loob ng bahay. Alam kong masama ang loob ng aking kapatid pero maiintindihan din ako nito balang-araw. Kaya inaya ko nalang din si Jonathan na pumasok sa loob ng bahay upang magamot ang iniinda nitong mukha na sinuntok ni Gio. Pagkapasok namin ng bahay ay naabutan namin si Gio na nasa sala at nakaupo, ang inay naman ay nilalaro ang dalawa Kong anak. Pagkaupo ko kaya Jonathan sa my upuan na naroon sa sala katabi ng upuan ni Gio. Maya-maya ay nagsalita si Gio na nakatingin ito kaya Jonathan. "Kuya! Sa susunod na saktan mo ang ate hindi lang 'yan ang aabutin mo sakin! Sana lang deserve mo 'Yang second chance na ibibigay sayo ni ate!" Wika ni Gio sabay tayo at umalis sa aming harapan. Nang mga sandaling iyon ay tahimik lamang ang inay na nakamasid saamin habang ginagamot ang labi ni Jonathan. Nang maya-maya Pa ay hinawakan ni Jonathan ang aking mga kamay saka ito nagsalita. "Mary Jane I'm very sorry for what happen. Magbabago na ako para sainyo 'wag nito lang akong iiwan. Thank-you for the second chance you gave. Iloveyou mahal." Madamdaming wika nito kaya 'di ko napigilan sarili Kong mapaiyak. "Sana 'wag mong sayangin 'yong second chance na binigay ko sayo. At sana 'wag mong sayangin 'yong tiwalang ibibigay namin ulit sayo. Sana magbago ka kahit hindi na para saamin kundi para sa sarili mo. Mahal ka namin." Wika ko rito na maluha-luha. Mahal ko ang asawa ko kahit ganito ang ginawa nito saaming pamilya. Nalulungkot ako sa tuwing makikita ko ang aking mga anak na maliliit Pa pero sira na ang pamilya? Mas lalo nadudurog ang puso ko sa isiping iyon. ---- KINABUKASAN nandito narin kami sa aming bahay. Malinis narin ito dahil naglinis pala ito ng bahay namin. Naghahain naman ako ng ating agahan at papasok Pa ito sakaniyang trabaho. Pagkatapos Kong ihain sa mesa ang ating agahan na bacon, hotdog, itlog at sangag na kanin ay nagtimpla narin ako ng gatas naming apat. Pagkatpos ay nagpunta ako sa kuwarto ng mga bata upang gisingin na ang mga ito upang sabay-sabay kaming kakain ng agahan. Tinawag ko narin si Jonathan na nagbibihis sa loob ng ating kuwarto. "Mahal halika na at mahuhuli kana sa trabho." Wika ko rito pagkapasok ko sa aming kuwarto. Agad itong lumapit saakin at siniil ako ng halik sa labi. Gumanti rin ako ng halik rito. Pero bago Pa man kung saan mapunta ang halik nito ay inilayo ko na ang aking mukha rito at saka nagsalita. "Tara na mahal ang mga bata nasa mesa na." Wika ko rito at sabay hila sa kamay nito palabas ng aming kuwarto. Ang sayang makitang buo parin ang pamilya namin sa Kabila ng nangyari saamin mag-asawa. Masayang nagkukulitan ang aking mag-aama habang ako ito minamasdan sila. Sana hindi na nito umulit Pa. Pag nakikita ko ang aking mga anak na Hindi manlang makasama ang ama nila tulad ng nakaugalian nila ay sobra akong nasasaktan para sa mga ito. Kaya lahat ng pagtitiis gagawin ko para sa mga anak ko isasantabi ko ang anumang nararamdaman ko para sa mga ito. Tumingin ako sa mukha ni Jonathan ng hawakan nito ang aking mga kamay habang kumakain at bumulong ito ng, ILOVEYOU kaya nginitian ko nalamang ito. Nang matapos kumain ay ginayak na nito ang mga gamit nito para makapasok sa trabaho. At ako naman ay ililigpit ang ating mga nagkainan. Kaya maya-maya ay nagpaalam na ito para pumasok. Lumapit ito saakin mula sa aking likuran at niyakap ako nito. "Aalis na ako, Iloveyou mahal." "Ingat ka mahal." Wika ko at hinalikan na ako nito sa aking pisngi mula sa aking likuran. At nagpaalam narin ito sa mga bata saka umalis. Sana hindi na matapos ang mga araw na ganito kami kasaya. Sana tuluyan na nga itong magbago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD