CHAPTER 2 TEXT MESSAGE

1487 Words
KINABUKASAN ay abala ako sa paglilinis ng aming bahay. Tulad ng dati habang natutulog ang mga anak ay saka lamang makakapag-linis ng bahay. Dahil kahiy nandito si Jonathan daig ko Pa ang single mom. Papasok na muli si Jonathan sa trabaho naliligo narin ito dahil maya-maya ay aalis narin ito. Habang abala ako sa aking paglilinis ay bigla tumunog ang cellphone nito. "Jonathan ang cellphone mo may tumatawag!" Ngunit parang wala itong naririnig kaya hinintay ko nalamang na mamatay ang pagtunog nito. Hindi ko rin pwedeng sagutin ito dahil pagmumulan nanaman ng away namin pag-ginawa ko ito. Nang mamatay ang cellphone nito ay biglang may nagtext kaya hindi na ako nag-aksaya Pa ng oras kundi kinuha ko ito dahil baka importante. Ngunit ng mabasa ko ang laman ng text message ay bigla akong nanlambot, nanginginig ang aking katawan at hindi ko alam kung maiiyak ba ako o hindi. Hindi nagtagal ay lumabas sa banyo si Jonathan at nakita nitong hawak-hawak ko ang kaniyang cellphone. Kaya agad itong lumapit sakin at hinablot ang cellphone nito. Nagulat ako sa kaniyang ginawa wala na ba talagang natitirang pagmamahal ito saamin ng mga anak niya. Hindi narin ako nakatiis ay nagsalita narin ako. "Jonathan nagtiis ako sa buhay na mayroon ako ngayon! Nagtiis ako sayo kasi alam ko magbabago ka dahil may mga anak tayo! Pero ano itong ginagawa mo sakin! Six years Jonathan! Six years! Sino Yang babae mo huh! Sino Yang si Michelle!" Sigaw ko rito sa pagitan ng aking pag-iyak. Hindi ko alam pero sobrang sakit ng aking nararamdaman. Parang gusto ko nalang magwala o gumuho sa aking kinatatayuan. At muli akong nagsalita rito. "Alam mo ba sa six years nating pagsasama kung kailan tayo nagkaroon ng anak doon ka nagloko! 'Don ko naranasang pagbuhatan mo ako ng kamay! Pwersahin habang ikaw sarap na sarap sa ginagawa mo sakin! Tapos ito ang gagawin mo sakin! Saan ako nagkulang Jonathan! Saan kami nagkulang ng mga anak mo!" Sigaw ko ulit rito. Sa pagsigaw Kong 'yon ay siyang pag-iyak ng mga anak ko. Pumunta ito saakin at niyakap ako mula sa aking mga paa. "Nakikita mo ba ang mga anak mo huh, Jonathan! Ang liliit Pa nila pero danas na nila na masaktan ng walang puwang!" Hindi ko na alam kung saan Pa ako humuhugot ng lakas ng mga oras na ito. Pero ang alam ko lang gusto Kong umiyak ng umiyak. Kasabay ng aking pag-iyak ay siya 'ring pag-iyak ng aking mga anak. "Mary Jane I'm sorry, nadala ako hindi ko alam na nakakalimot na ako. Mahal ko kayo ng mga bata, siguro natukso lang ako. Ginusto ko ito oo, aaminin ko pero I'm sorry ayokong mawala kayo sakin Mary Jane." Umiiyak narin nitong wika habang nakaluhod sa aking harapan. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Pero naglakas loob na akong magtanong rito. Kahit alam Kong ako rin ang masasaktan. "Jonathan may nangyari naba sainyo? Minahal mo ba siya?" Handa ako sa mga anumang sasabihin nito. Haharapin ko ang anumang maging sagot nito. "Isang beses lang, hindi. Hindi ko siya mahal. Kayo ang mahal ko, kayo ang pamilya ko." Hawak hawak nito ang aking kamay habang sinasabi nito. "Kung ganon, bakit? Bakit mo nagawa sakin 'to? San ako nagkulang?". "Wala mahal, wala kang pagkukulang. Ako, ako ang may pagkukulang, ako ang nagkamali. Patawarin mo ako, patawarin niyo ako." Pagsusumamo nito sa pagitan ng kaniyang pag-iyak. Hindi ko alam Kong ano ang dapat gawin. Labis akong nasaktan sa ginawa nito. Babae lang din ako marunong masaktan. Pero hanggang kailan ang pagtitiis Kong ito? Kaya nakapagdesisyon na ako, aalis muna kami ng mga bata uuwi muna ako sa magulang kom "Uuwi muna kami ng mga bata sa magulang ko. Hayaan mo muna akong makapag-isip at humilom. Nasaktan mo ko Jonathan, nasaktan mo p********e ko! Ilang taon tayong nagsama, nagtiis ako sa ugaling mayroon ka ngayon na Hindi ko yan nakita noon! Ang laki ng pinagbago mo, hindi na ikaw yong minahal ko." Pagkasabi ko niyon ay umalis na ako sa harap nito at akay-akay ang aking mga anak. Dali-dali akong pumasok sa aming kuwarto at nag-impake ng mga dadalhin naming damit. Aalis muna ako dah hindi ko kakayanin ang mga narinig ko baka mabaliw ako sa kakaisip. Naisilid ko narin ang aking damit at damit ng mga anak ko at iba pang kailangan. Kaya lumabas ako ng kuwarto upang lumabas at magpunta sa kanto sa may sakayan paea kumuha ng masasakyan pauwi saamin. 'Di nagtagal ay nakakuha narin ako ng aking masasakyan sumakay na ako papunta sa bahay upang makuha ang ibang gamit namin. "Manong paantay nalang po dito sa labas ng bahay kukunin ko lang po ang mga gamit namin." Tumango lamang ang driver bilang sagot. Pagpasok ko ay nakita ko si Jonathan na nasa sala at nakaupo. Aktong tatayo ito at lalapit saakin ngunit inunahan ko na ito ng salita. "Wag mo muna akong lalapitan! Balikan mo nalang kami mag-iina mo pag wala ng kakatihan Jan sa katawan mo!" Wika ko rito sabay deretso sa kuwarto upang kunin ang ating mga dalang gamit. Pagkatapos maikarga sa motor ay kinuha ko na ang aking mga anak. "Jiro, Angel halina kayo mga anak at aalis na tayo." Pagkasabi ko niyon ay nagtungo na kaming tatlo sa nakaparadang tricycle sa harap ng bahay. Pagka-sakay namin ay agad naman kaming umalis. ------ MAKALIPAS ang halos dalawang oras ay nakarating din kami kung saan ako lumaki, nagka-isip. Lugar na kung saan alam Kong walang ibang makapananakit saakin. Pagkarating namin ay agad na kaming bumaba ng tricycle at nagbayad narin sa tricycle driver. Pagkaalis ng tricycle ay saktong paglabas ng aking nakababatang kapatid na si Gio. Laking gulat nito sa aking pagdating kaya agad itong lumapit saakin at bitbit ang aking mga dalang gamit. "Ate bakit biglaan ata ang uwi mo? Si kuya hindi mo kasama?" Tanong ni Gio na hindi ko na ito sinagot Pa. Pagkaabot ko sa bag ay naglakad na kami papasok ng bakuran at ng bahay. "Inaaaay! Andito si ate Jane!" Sigaw ni Gio sa loob ng bahay. Pagkapasok ko sa loob ay agad akong nilapitan ni inay. At saka ito nagsalita. "Owhh iha, napasugod ata kayo?" Pagkasabi 'yon ni inay ay tinignan nito ang mga dala naming bagahe mula sa sala at saka muling nagsalita. "May nangyari ba anak?" Makikita sa mukha ni inay ang pag-aalala, saka ako nito inayang umupo sa upuan sa sala. "Inay, 'nong kayo po ni itay ilang taon po ba kayo nagtiis hanggang sa maisipan ninyong maghiwalay?" Sa mga oras na ito ay parang gusto ko ng umiyak ng umiyak dahil sa mga halo-halong emosyon na nararamdaman ko. "Iha, may problema ba kayo ni Jonathan?" Tanong nito "Inay tiniis ko naman po eh, nanghawak ako sa relasyon namin! Pero napapagod na ako inay, ako nalang ang lumalaban para saaming dalawa." Tuluyan na ngang bumuhos ang aking mga luha na animo'y may sariling pag-iisip na sunod-sunod ang bagsak nito. "Mahal mo paba iha?" Tumango nalamang ako bilang sagot sa tanong ni inay. "Bigyan niyo muna ng panahon na maghilom ang mga sarili ninyo. Saka niyo ayusin pag okay na kayo." Dugtong Pa ni inay, kaya wala na akong nagawa kundi humagulgol na ako sa pag-iiyak habang yakap-yakap ako ni inay. ----- KINAGABIHAN tulog na ang aking mga anak kaya naisipan kong lumabas muna ng bahay upang makasagap ng sariwang hangin. Pero bago aku lunabas ay pinagmasdan ko muna ang aking mga anak. Naawa ako sa mga ito dahil ang babata Pa nila para maranasan ang mga nangyayari saaming pamilya. Nang masiguro Kong mahimbing na ang mga ito sa pagtulog ay lumabas na ako ng kuwarto na aming tutulugan dito sa bahay nila inay. Nagtungo ako ngayon papunta sa harapan ng bahay. Pagbukas ko ng pintuan ay dahan-dahan akong lumabas at sinara ito. Laking gulat ko ng maanigan ko ang isang pigura sa labas ng bahay na nakahiga sa may upuan. Mukhang pagod na pagod sa maghapon ang itsura ng taong ito kaya dahan-dahan ko itong nilapitan. Mas matindi Pa ang aking pagkagulat ng makitang si Jonathan ito. "....Joooo-Jonathan?" Pagkasabi ko niyon ay siyang pagmulat nito ng kaniyang mga Mata. "Mahaaal.." pagkasabi nito ng MAHAL ay agad itong tumayo at lumapit sa harapan ko. "Pleaseeeee Mary Jane umuwi na tayo hindi ko kaya na wala kayo sa tabi ko." Dugtong Pa nito na hahawakan sana nito ang aking mga kamay ngunit maagap ko itong inilayo sakaniya at napaatras ako sa ginawa nito. "Mahal? Hindi ko na iyan maramdaman pa Jonathan! Nasasabi mo 'yan dahil nakagawa ka ng kasalanan! Umuwi kana! Ayoko munang makita ang pagmumukha mo!" Wika ko rito sabay talikod sakaniya at pumasok sa loob ng bahay. Masakit saakin na makita siyang nahihirapan, pero mas masakit makita ang sarili Kong nahihirapan dahil sa mga panloloko nito saakin. Kailangan matuto siya sa mga kasalanan niya. Mahal ko si Jonathan pero kailangan ko itong tiisin upang magbago ito, hindi para saakin kundi para sa sarili nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD