Chapter 1
In one's relationship, time can result into two things:
This can either strengthen or end one's love for each other.
How will it be for Zac and Catherine?
Will their love for each other survive and deepen despite the challenges or will this cause their love to gradually fade away after all this time?
--------------------------------------------------
My name is Catherine, 17 years of existence. To be honest, I am not an easy person. I am this kind of person na walang ginawa kundi mag-alala sa sarili pagdating sa pag-ibig. Hindi ko kase iniisip noon na magkaroon ng responsibilidad sa ibang tao.
Pero biglang nagbago ang lahat mula noong makilala ko siya...
CHAPTER 1
It started when the first time I saw him. Huminto ang ikot ng mundo ko na unti-unting ikinahina ko dahil sa paghila ng gravity ng mundo niya.
"I already found him!" Bigla ko nalang yan nasabi sa sarili ko. Ewan ko ba, sa tingin ko isa na ako ngayong boat builder na HATE-NA-HATE ang salitang BITTER.
"Catherine, tignan mo yung lalaking iyon. Bago lang ata siya dito. Halika tanungin natin ang pangalan niya."
Oh my! Napatunganga ako sa sinabi ng kaibigan ko. Hindi ko namalayan ang pagbigay ko ng sagot na "sige."
At yun na nga, lumapit kami sakanya upang magpakilala.
"Hello, anong pangalan mo?"
At tignan niyo naman, talagang willing magpakilala etong kaibigan ko.
"Ako si Zac."
Pagbanggit pa lang ng pangalan niya nabasa ko na agad ang katangian niya. He has the characteristic of being a good person.
"Taga san ka?"
"From Mayon City pero nakatira ako ngayon sa Brgy. Pinatibo."
Aba! Ang tindi nman pala ng location netong taong toh.
"Crisha! Anjan na si ma'am!" Ang sabat ko.
At yun na nga, pumasok na kami sa classroom pero eto ako pasulyap-sulyap sa bintana. Mag katabi lang ang classroom nila at classroom namin.
"Halla,! na love at first sight nga ako!"
After a weeks...
Madalas na namin siyang nakaka-usap. Tuwing break time and lunch time. Minsan, late ako pumapasok kaya hindi ko na rin siya naaabutan sa labas ng classroom nila. Kaya hindi nakukumpleto ang araw ko pag ganun ang sitwasyon.
One time, nakasabay namin siya sa paglalakad patungong school canteen. Bago pa yun ipinagtapat ko na kay Crisha na may gusto ako kay Zac kaya dumistansiya ako ng konting space lang naman. Sa kasalukuyang paglalakad, nagulat ako sa biglang pag hablot ni Crisha ng name tag ko na may sulat sa likod na cellphone number ko.
Hinabol ko siya pero hindi ko na naabutan. Bigla niyang iniabot kay Zac yung name tag ko!
"Crisha, bakit mo binigay sakanya? Akin yun eh!"
Hindi siya sumagot ang maasarin kong kaibigan dahil tawa lang siya ng tawa.
"Akin na toh" sumbat nman ni Zac.
Napangiti na lamang ako at hindi naka-imik. Ramdam n ramdam ko ang init na nananalaytay sa mukha ko.
Saturday morning, March 12, 2016.
Incoming call..
From,unknown number..
"Hello sino toh?"
"Si Clay toh"
Teka, teka, babae ang boses pero panlalaki ang pangalan. May nang gu-good time sa'kin.
I ended the phone call, pero tawag pa rin siya ng tawag. Napa-isip ako, naalala ko yung nangyari sa school. Kaya naman sinagot ko ulit yung tawag niya. Hindi ako nagsalita dahil pinapakinggan kong mabuti ang boses niya.
"Si Clay toh, hindi mo ba ako nakikilala? ..
Hello ... Hellooo...."
Oh yes confirm! Hindi ako nagkamali boses nga ni Zac yun! Ang nakaka inis lang eh bakit kailangan pa niyang magpanggap.
Si Clay ay nanligaw sa'kin noon. Inaabutan niya ako ng love letter sa may bintana ng classroom namin kung saan naroon ang permanent seat ko. Pero kahit anong gawin niya, hindi ko makuhang gustuhin siya. Kase una pa lang hindi siya ang type ko.
Muli kong pinatay ang tawag. Kinilig ako pero sumimangot dahil sa ginawang pagpapanggap ni Zac.
1 new message..
"Si Zac toh Cath. Sorry na-offend ka ata."
Oh ayan na, nanginginig na ako sa sobrang kilig. Hindi ko namalayan naihi pa ata ako. Hehehezzzz... Kaya eto ako ngayon, pa utal-utal habang kausap siya.
Hanggang sa sumunod na mga araw, nagpatuloy ang pag ge-getting to know each other namin. Close na close kami sa tawag pero sa personal hindi kaya feeling ko tuloy may gusto rin siya sakin. Yie❤❤
And after all I thank God. Zac admitted his feeling for me. Tuwang-tuwa ako. I can't beleived it! And then yun na nga niligawan na niya ako, eh siyempre crush na crush ko kaya hindi na ako nagpaligoy-ligo pa sinagot ko siya agad ng "OO"
Naging maayos ang relationship naming dalawa dahil totoong mahal na mahal namin ang isa't isa. Pero kahit ganon nakakabawi naman siya sakin pagbalik niya sa kasalukuyang inuuwian niya. Every monday nagpapa-abot siya sa kaibigan ko ng special chocolates. At dahil mahiyan ako minsan lang kami nagsasama.
One day again, nag aya ang barkada para mamasyal. Isinama nila ako at tinawag pati si Zac. Nagpunta kami sa isang sikat na mall.
@mall...
"Teka lang, sasakay tayo ng excalator?"
"Oo Cath bakit? Natatakot ka ba?"
Napalunok nalang ako sa sinabi ng kaibigan ko.
Bigla nalang ako hinawakan ni Zac sa mga kamay at sinabing,
"Halika na.."
Oh my! Hindi lang pala siya sweet, getleman pa. Napaka good-hearted talaga ng boyfriend ko!
Nag-enjoy akong kasama siya. Umuwi ako ng bahay dala ang isang malaking ngiti at dahil doon, natakot ako dahil paano kung hanggang dito lang toh?
After 2 months...
Bigla nalang akong nagtaka "bakit madalang nalang kaya siya pumasok sa school?" Dahil sa sobrang pag-aalala ko, naglakas-loob akong lumapit sa adviser niya para maki-balita. Close kase sila ng adiviser niya kaya madalas binibiro rin ako.
At doon ko na nalaman ang kanyang dahilan. Hindi manlang niya sinabing may sakit siya at kailangan niyang magpagaling. Hindi manlang niya sinabing may sakit siya at kailangan niyang magpagaling. Hindi na rin kase siya nagtext o tumawag simula non. Ni monthsary namin hindi na niya inalala. Pero inisip ko nalang baka kailangan pa niyang asikasuhin ang sarili niya.
After 5 months...
Bigla siyang nagparamdam. Tinawagan niya ako at sinabi lahat ng kanyang dahilan. Naniniwala ako sakanya dahil mahal ko siya. At muling nag-exist ang relasyon namin.
Pero hindi nagtagal, naulit lang ang lahat sa dati...
Kahit hindi na nagiging maayos ang relationship namin dahil sa nawala na ang oras niya sakin, patuloy ko pa rin siyang minahal. Hindi niya naman ako niloko kaya lang wala talaga siyang oras para sa'kin. Ni kamustahin ako kung maayos ba tong kalagayan ko, kung okay lang ba ako, eh wala pa.
Halos magdadalawang taon na kami pero ganito pa rin. Magulo, minsan lang ang paramdam niya. Pero sa dalawang taon na yun mas lalo ko pa siyang minahal.
Hanggang sa...
Napagod din ang puso't isip ko kakaisip sakanya. Na hanggang sa mga huling araw ay umasa pa rin akong darating siya. I tried to forget him.
After 1 year...
And this is me now. May nakilala na akong bago. Hindi siya perfect pero itinuring niya akong prinsesa.
Habang naka-upo ako sa harap ng classroom namin, narinig kong may tumawag sa pangalan ko.
"Catherine! May sasabihin ako!"
"Ha? Ano yun Claire?"
"Nakita ko si Zac, nag-aaral na pala siya ulit dito."
"Ano?"
Bigla na lang akong napa takbo sa loob ng classroom. Nagdalawang isip ako. Nagkaroon ng abridgements ang utak at puso ko. Bumalik lahat ng sakit. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, bumalik din ang feelings ko para sakanya.
Gusto kong kausapin si Zac. Gusto kong itanong at sabihing..
"Sapat na nakasama kita kahit hanggang dun lang pero sapat na nga ba toh? Na nakatingin mula sa malayo kung nasaan ka na may kasamang iba habang tinatanong ko ang sarili ko kung tanggap ko na nga ba toh?"
"Tanggap ko yun noon,kampante akong ganun na lang. Pero noon yun at nasasaktan na ako ngayon. Nasasaktan na nakikitang masaya ka kahit sinabi ko sayo noon na "Magpakasaya kana, aalis na ako. Huwag mong pababayaan ang iyong sarili." Ngunit gusto ko nang bawiin ang lahat ng iyon dahil ako na ang nasasaktan at ako ang napapabayaan."
Mula noon, hindi nagbago ang tingin ko kay Zac. At hanggang ngayon siya pa rin ang isinisigaw ng puso ko. Umaasa pa rin akong pansinin niya ulit ngunit hanggang dito nalang ata talaga ito.
---------------------------------------------------
Authors note:
"True love does not have a happy ending, because true love never ends."
So yass!! First chapter was already completed. I know it might seem boring right now but trust me, its going to be better. Oh,here's my some info.
Catherine that is my pen name.
This is my first book :)
I hope you like it! :)
Hit ?