Chapter 10

1333 Words
Lunes na at gaya ng usual naming ginagawa alas kwatro palang bumangon na kami at ginawa ang mga gawain. Paglalabas ko ay nandon sina nanay, Ling at tatay. "Anak tara na andito na kape mo" Yaya ni nanay saakin. "Salamat Nay. Si Andy? Tulog pa? " Tanong ko sya lang kasi ang wala eh. "Hindi. Nasa labas bumibili ng pandesal " Sagot ni tatay habang naghihiwalay ng rekados. Napatango nalang ako saka kinuha ng cup. "Anak narinig ko yung paguusap nyo ni Klave" Sabi ni nanay na nagpatigil sa akin. "Nagsisimula na silang mag tanong anong plano?" Seryosong tanong pa nito. "Ganon pa din Nay. Mas okay ng palabasin na patay na ang tatay nila kaysa umasa pa sila. Ayoko ng maranasan pa ni Klave at Kate ang barasan namin noon ni Ciro sa puder ng ama nya. Tsaka alam ko namang masaya na sya sa pamilya nya" Pumiyok ako sa huli kong sinabi. May simpatiya akong tinignan ni Nanay at niyakap naman ako ni Ling. "Mahal mo pa din" Hindi iyon tanong, sinabi nya iyon na parang siguradong sigurado sya. Tinanguan ko muna ito saka muli nagsalita. "Oo. Pero alam ko namang wala din naman itong patutunguhan. Ang masakit lang ay habang sila ng pamilya nya ay nagpapakasasa sa karangyaan, nagliliwaliw at nililibot ang buong mundo. Ang mga anak ko naman ay nagdudusa. Tinutukso, inaalipusta at wala man lang akong magawa. Masakit para sa kin na di ko man lang naibigay ang mga pangangailangan nila. Di nya man lang ba naisip na hanapin si Ciro na anak nya din naman. Kahit si Ciro nalang." Umiiyak na sabi ko. "Uyy! Bakit ka umiiyak? " Nagulat kami ng sumulpot sa harap namin si Andy. Agad akong tumalikod at pinunasan ang luha ko. "Sige Nay, Tay aayusin ko na ang gagamiting pangeskwela ng tatlo" Sabi ko na tinanguan naman nila Nanay. Ngumiti kay Andy ay Ling. Saka pumasok ulit sa kwarto. Para kunin ang mga uniporme at nag nila. Pag labas ko ulit ay nakatingin na ng seryoso sa akin si Andy. Nabaling ang tingin ko kay Ling ng magsalita ito. "Ate nagpapasama nga pala ang kambal sa bayan magpaparehistro daw si Kate sa Little Miss San Vicente at si Klave naman ay sa Spelling Test" Sabi nito. "Wala silang sinasabi sa akin na sasali sila sa ganyan" Naguguluhang tanong. "Gusto daw nilang mapanalunan yung prize para makatulong daw sayo" Nakangiting sabi nito na ikinaluha. "Kailan yun? " "Sa makalawa na" "Sakto day off ni Ando yun makikipagpalit ako ng sched" "Nay" Pupungas pungas na sabi ni Ciro habang ang isang kamay ay kinukusot ang mata at ang isa ay nakataas na animo ay gustong magpakarga. Ganyan si Ciro pag umaga gusto laging lalambingin. Kaya lang tuwa ko talaga pagganto sya dahil parang bumabalik yung Ciro na kilala nung kami palang ang nagkasama anlaki kasi talaga ng pinagbago nya simula nung lumabas sila Kate at Klave. Mas naging seryoso at mature sya kaysa sa edad nya. Agad ko itong nilapitan at saka niyakap at hinalikan sa pisnge. "Anak oh bakit ang aga mo? Magalmusal ka na. Maliligo na ko" Malambing na sabi ko dito. "Si Totoy namin baby pa talaga" Pangaasar ni Andy dito. Ang hilig kasing Asaran ni Andy si Ciro tuwang tuwa ito pagnaiinis na ang bata. Napapailing nalang ako dyan sa dalawa away bati lagi. Hanggang sa makapasok ako sa banyo ay Dinig ko pa din ang bangayan ng dalawa. Pagkatapos kong maligo at maayos ay pinuntahan ko muna ang kambal na mahimbing pading natutulog habang magkayakap napangiti ako sa aking nasilayan. Ten pa kasi ang klase nila habang si Ciro naman ay Alas syete. Bago umalis ay hinalikan ko muna sila sa noo. Paglabas ko ay nakita ko si Andy at Ciro na masamang nakatingin sa isat isa. "Alis na ko nak huh. Maligo ka na. Andy yung dalawa" Aligagang bilin ko sa kanila saka hinalikan sa ulo si Ciro. "Alis na ko" Paalam ko sa kanila. "Ingat" Sabay nilang sabi. Nagsimula na akong maglakad papuntang resort. Nilalagad ko lang to araw araw sa hapon ay saka lang ako nasusundo ni tatay tuwing umaga kasi ay tinutulungan nya si Nanay mag ayos ng tindahan sa palengke. Si Andy ang magaalaga sa mga bata at ang naghahatid sa school nila ngayon. Si Ling naman ang nagpapatuloy sa pagluluto at 8:00 am kasi pasok nila sa agency na pinagtratrabahuan nila madalas kasi kailangang maaga talaga, kaya si Ciro nalang minsan ang nagaasikaso sa mga bata. Nang makarating ako ay nakita ko lahat ng empleyado sa labas. Nakita ko sila Ana, Ando at Tony. Nang mapansin ako ni Ana ay kinawayan nya ako. "Anong meron? " Tanong ko ng makalapit ako. "Nakalimutan mo ba? Ngayon ang dating ng bago nating boss" Sagot ni Ana nagtatanong palang sana ulit ako ng magsalita ulit na si Sir Charles ang manager ng Resort. "So as you can see mamayang hapon darating ang bago nating boss kasama ang pamilya nya. So kailangan nating maayos at malinis tong hotel ayokong mapahiya. Yun lang balik na kayo sa inyong trabaho" Sabi nito. At lahat ay naging abala nga buong maghapon sa paghahanda gaya ng nakagawian ay nandito nanaman ang kambal at pagkatapos kumain ay pinatulog ko na ang kambal sa locker room at pagkatapos nun ay balik ulit sa trabaho hanggang sa sumapit ang alas kwatro ay pinaghanda na kami at pwenapwesto na kami sa may entrance dahil malapit na daw ang magiging amo namin. Nagkwekwentuhan kami nila Ana, Ando at Tony habang naghihintay ng biglang pumalalakpak di Sir Charles tanda na umayos na kami lahat ng head ay nasa harap sumunod ang nasa pangalawang matataas na posisyon at kami ang nasa pinakahuling pwesto. Biglang may tumigil na tatlong magagarang kotse na itim kaya lahat ay napaayos ng tayo maging ako ay kinakabahan baka masama ang ugali ng magiging boss namin di kaya ay estrikto balita ko pa ay ito ang pinakamayaman sa Pilipinas at panglima sa pinakamayaman sa buong bansa na i-imagine ko na isa itong matabang lalaki at kulubot na ang balat saka maging sa babae, bahagya akong natawa sa naisip ko kaya siniko ako ni Ana, nagtatakang napatingin naman sa akin si Andy at Tony at tanging iling nalang ang sinagot ko dito. Sinilip ko ang nagyayari sa harap nakita kong kausap pa ata ni Sir Charles yung secretary nung bago naming amo. Nagulat ako at biglang napaayos yung tayo ng biglang bumukas ang pinto ng kotse maging ang mga katrabaho ko ay napaayos din ng tayo pati si Sir Charles at ang kausap nito ay napatingin sa kotse at biglang lumabas doon ang isang cute na cute na batang babae at nagtatakbo sa may hallway nakita kong lumabas ang yaya nito sa pangalawang kotse nalaman ko iyon base na din sa suot nito. Sinundan namin ang mga galaw ng bata. Nabaling lang ulit ang tingin namin sa harap ng tumikhim si Sir Charles at sea ang nagbukas ng pinto. Parang slow motion ang lahat hangang sa unti unti naming nasilayan ang magiging boss namin napatanga nalang ako at hiniling na sana nananaginip lang ako. Sana panaginip lang to. After all this years bakit ngayon pa? Bakit nagpakita sya ulit kung kailan maayos na kami. Anong ginagawa nya dito? Bakit nandito sya? At bakit ganto nanaman ang puso ko nagwawala nanaman? Di ko alam kung dahil sa kaba o sa ibang pakiramdam na ayaw kong pangalanan. Naguguluhan na ako puro tanong nalang ang pumapasok sa utak ko at ang mga ala alang pilit kong binbaon sa lumot ay muling nagbalik nanaman. Di ko namalayang nakakuha na ako. Ipinikit ko ulit ang mata ko at hiniling na sana ay imahinasyon lang iyon na sa pagdilat ko ay wala na sya sa harap ko. "I would like you all to meet our new boss. Mr. Monteverde. Mr. Kanvin Ciro Monteverde" Sa sinabi ni Sir Charles ay doon na tuloy tuloy na nagsilabasan ang mga luha ko. Sya nga at ang masaklap ay hindi ito isang panaginip o imahinasyon lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD