Chapter 9

1802 Words
"Did you already find them?" He said in dangerous. "Negative Sir" May kaba sa boses na ani nito. "f**k!You idiot. It's been four years, yet you don't have any lead on where part of this goodamn country are they. I thought you're the most prominent and most skilled private investigator that's why I choose the you" Galit nitong turan at hinagis ang mga gamit na nasa mesa nito. "I'm sorry Sir I'm almost there. Just give me two more weeks to complete the information" "Make it a week. I'm running out of time. I need an heir. You can go now" Sabi nito habang nakaharap sa floor to ceiling na glass at kitang-kita ang kabuoan ng Manila. "You will be mine again my sweet Helaina" ------------------- Lena's POV "Nay tara na bilis!" Atat na sabi ni Ciro. "Teka binibihisan ko pa si Kate!" Balik kong sigaw kay Ciro nasa labas kasi ito at kanina pa inip na inip. "Ano ba naman yan. Naginarte nanaman ba si Kuting. Di ka naman mag fa-fashion show doon eh magsisimba lang tayo" Yamot nitong sabi at pumasok na sa kwarto kasunod si Klave na nakasimangot na din. Kaya naman natawa kami ni Kate magkamukhang magkamukha talaga sila. Ito kasing si Kate sinadyang tagalan ang pagpili ng damit at inuurat nanaman nya mga Kuya niya. "Ito na po mga Sir" Natatawa kong sabi saka nagapply ng kaunting lipstick. Mapula ito bigay lang ito sa akin ni Ana. Pulbo at lip bam lang kasi ang ginagamit ko pagpapasok. "Kyaaaahhh~ Nanay ang pletty mo po" Kinikilig na sabi ni Kate. Pero ang dalawang lalaki ay nakasimangot. "Sino pinapagandahan mo nay. Yung payatot ba na Tony" May himig ng inis sa boses nito. "Huh?" Naguguluhan kong sabi. "Wala po. Tara na po naghihintay na sila Lolo Tatay at Lola Nanay" Nakasimangot na nagmartsa ang dalawa palabas napailing nalang ako. Di naman sa pagmamayabang ay may nagpaparamdam at tahasang sinasabing gusto nila akong ligawan at tanggap nila ang mga anak ko na kahit tinanggihan ko na ay di pa din sumusuko. Pero pag makita na sila ng mga anak ko di pa magiisang linggo ay di na sila nagpapakita si Tony lang talaga ang tumagal ilang beses ko na itong tinanggihan pero sige pa din sya. Palabas na kami ng simbahan ng mamataan namin si Tony. "Babes!" Sigaw nito at tumakbo palapit sa amin. "Oh Tony. Di ka pumasok? Bukas pa day off mo ahh?" Nagtatakang sabi ko dito. "Nakaleave ako ng tatlong araw eh may sakit si nanay walang magbabantay. Ito nga at sinamahan kong magsimba" Nakangiti nitong sabi saka sila nanay at tatay at magalang na nagmano. Nakipag- aper pa ito kay Ling at Andy. Huling binalingan ang tatlo nakasimangot lang si Ciro at inirapan pa ito si Klave naman ay nakatingin lang sa kuya nya saka ginaya ang ginawa nito si Kate naman ay ngumiti lang sa kanya. Ngumiti nalang ako ng alanganin sa kanya at nginitian nya lang ako na parang sinasabing okay lang. "May pupuntahan pa ba kayo? Gusto nyo kumain muna? Libre ko" Aya nito. Sasagot palang sana ako ng magsalita agad si Ciro. "No. Hindi po kami gutom at family bonding namin to. No suitors allowed" Nakasimangot pa rin nitong sabi. "Yeah. No suitors allowed" Sigunda ni Klave. "Tama hihihi" Hirit pa ni Kate. Napailing nalang ako sa tatlo. "Pasensya ka na sa tatlo Tony. Naku wag ka ng magabala puntahan mo na si Aleng Tina baka naiinip na yun. Nakakaabala na kami sa inyo masyado. Tsaka may ibang lagad kami" Alanganing sabi ko dito. "Di ka-kayo ng pamilya mo ay di naman abala saamin lalong-lalo na sakin. Tsaka naiintindihan ko naman. Sige una na 'ko" Nakangiti pa rin nitong sabi saka nag lakad na papunta kay Aling Nena. Kami naman ay nakatayo pa din sa pwesto namin at inaantay silang mawala sa paningin namin. Bago ito sumakay ng tricycle ay lumingon muna ito sa amin at nagba-bye. Tumango nalang ako fahil karga ko si Kate. "Sino may gusto ng palabok. Na may madaming, madaming, madaming, madaming nilagang itlog?" Sabi ni nanay s agitna ng katahimikan. "AKO!!" Hyper na sabi ng tatlo at nagtatalon pa. "Pero sa meryenda muna iyon kailangan nyo munang matulog" Sabay-sabay na napasimangot ang tatlo sa sinabi ni nanay. "Oo kasi kailangan munang mananghalian sino may gusto ng adobong manok?" Nakangiting sabat ko sa kanila agad namang nanlaki ang kanilang mga mata bago pa sila magsalita ay nagsalita nanaman si Andy. "At malamig na malamig na RC?" Nakangiting sabi nito. Masayang masaya nanaman na nagtagalon ang tatlo magtanong si Ciro. "Anong meron?" Nakakunot noo nitong sabi. "Wala naman" Sagot ko dito at tinignan sila nanay napatango naman sila. "HAPPY BIRTHDAY KUYA!!!" Sabay-sqbay naming sigaw pwera sa dalawang kambal. "Hala huhuhu nakalimutan ko turry Kuya Klero" Papaiyak na sabi nito sabay yumakap sa kuya. "Happy biytday" Sabi pa nito at pinaghahalikan si Ciro sa pisngi. "Happy birthday kuya sorry nakalimutan ko din" Sabi ni Klave at yumakap din sa kuya nya. "I love you Kuya" Sabay na sabi ng kambal kay Ciro. "I love you too Kambal" Tungon ni Ciro at parehong hinalikan ang dalawa sa noo. Ito na ang pinakamagandang tanawin na nakita. Mga anak ko close na close at mahal na mahal nila ang isat-isa. Nakakaproud lang dahil napalaki ko sila ng maayos at di ko yan magagawa kung hindi sa tulong ng pamilya at mga kaibigan ko. Nagising ako sa pagiisip ng biglang sigaw si Ling. "Ahh. Group hug!" Sigaw nito ag niyakap kaming lahat. "Oh sya tama na ang yakapan at umuwi na tayo nakakahiya na" Napapailing na sabi ni Tatay pero nakangiti. Ng makauwi kami ay agad akong naghanda ng lulutuin ko ng matapos ay hinanda ko na amg hapag. Sila Ciro at Klave ay tumutulong kuno kay tatay at Andy na ngayon ay gumagawa ng duyan sa may bakuran. Si Kate naman ay tumutulong kuno ay Nanay at Ling mag ligpit ng mga damit. "Kakain na!" Sigaw ko agad namang nagtakbuhan ang mga baga palapit sa akin. "Opps~ teka hintayin muna natin sila Tatay" Kunwaring seryosong saway ko. "Lolo Tatay, Lola Tatay, Tito Pogi, Tita Ganda bilit na po!" Sigaw ni Kate natatawa namang pumasok sila tatay sa Kusina. "Asan na po yung RC Tito Pogi?" Tanong ni Klave. Napakamot naman ng ulo si Andy. "Aba'y makakalimutan ko ba naman yun teka bibili lang ako" Nakangiti nitong sabi. Napasimangot naman ang tatlo. "Hahaha. Biro lang" Natatawa nitong sabi saka tumayo at kinuha ang tatlong bote ng RC sa kusina agad namang nagsigawan ang mga bata. "Yehey! Pray na po tayo para kumain na" Sabi ni Klave at ayun na kumain na kami. Puro lang kami tawanan at asaran sa isat-isa. Pagkatapos ng pananghalian ay si Ling na ang nagpresintang maghugas. Pinatulog ko na ang mga bata at Nagluto na si nanay ng palabok bumili na din si Tatay ng tinapay at juice naman ang kay Andy si Ling naman banana cake. Ako naman ay ang maliliit na cupcake. Inimbitahan naman namin lhat ng malalapit sa amin at ng magising ang mga bata ay sabay- sabay naming pinagsaluhan ang kakarampot na handa. Sinagot na ni Mang Naldo ang karaoke at nagkantahan na sa labas si Mang Dino na ang sumagot ng Beer naginuman sila kasama na si Mang Karding, Ando, Tony at Andy. Si Aling Tina ang asawa ni Mang Dino na kapitbahay namin na ang sumagot ng sisig pangpulutan ng mga lalaki. Habang kami nila nila nanay, Ling, Ana, Aling Tina at Nay Nena ay nagkwentuhan nalang. Mga alas dyes na nung maguwian ang mga bisita. Ay nagligpit na kami kasama ang mga bata. Bago matulog ay hininsawan ko na ang mga bata. "Nay. Tulog ka na po?" Tanong ni Klave saka ako tiningala. Nginitian ko lang ito. "Nay may tatay po ba kami?" Napasinghap ako sa tanong nya. Alam kong magtaganong din sila pero di ako handa ngayon. "Totoo po bang putok kami sa boho?" Tanong pa nito. "Kasi po lagi po kaming inaasar ni Kate na putok kami sa boho dahil wala daw kaming tatay minsan nga ay umiyak si Kate at nagsumbong kay Kuya. Pero sabi ni Kuya ay patay na po si Tatay at wag na daw sabihin sayo kasi malulungkot ka daw po. Totoo po bang patay na si Tatay" Napaluha ako sa sinabi nya at nakita iyon ni Klave at napaupo sya saka pinahidan ang luha ko. "Sorry po nanay dapat di na ako nagtanong" Malungkot na sabi nito. "Hindi baby okay lang. Sorry anak pero tama ang Kuya mo" Lie. Mas mabuti na ang ganto di na naman sila magkikita ng ama nya at paniguradung di kami hahanapin nun. At ayoko na silang masaktan pa kung sabihin ko ang totoo. "Okay lang po yun nanay masaya na naman tayo kahit wala sya" Malungkot na sabi nito pero pilit na pinaoasigla ang boses. "Pero may picture ka po ba sa kanya?" Umiling lang ako nakita ko ang lungkot sa mata nya pero ngumiti pa rin "Si Kuya po na kita na nya po ba si Tatay?" Tumango ako dito. "Talaga po? Ano po ba itsura nya?" Excited na tanong nito at nakikita ko ang ningning sa mga mata nya. "Kamukhang-kamukha nyo ni Kuya Ciro mo ang tatay nyo" Nakangiting sabi ko dito. Nanlaki ang mga mata nito. "Talaga po? Ibig sabihin gwapo din po sya" masayabang na turan nito. Napatawa ako ng mahina sa kanya. "Syempre naman magugustuhan ko ba yun kung pangit yun?" Pabiro kong sabi. "Pwede nyo po bang sabihin kung ano itsura nya?" Masayang sabi nito. Tumango ako sa kanya. "Makakapal ang kilay nya. Tulad ng sainyo ni Kuya Ciro mo" Sabi ko at hinawakan ang kilay nya. "Maninipis na mga labi na parang pambabae katulad ng sainyo ni Kuya Ciro mo" Hinawakan ko ang labi nya. "Ilong na matatangos tulad ng sa inyo ng Kuya mo" Hinawakan ang ilong nya. "At mga abong mata na paulit-ulit na nagpaibig sa akin tulad ng sainyo nila Kuya Ciro at Kate" Saka ko sya tinitigan sya mata. Napabuntong hininga ako. Akala ko nakalimutan ko na sya pero hindi pa pala. Hindi pa dahil sa mga iniwan nya saakin na naging buhay ko na. Dahil sa tuwing titiganan ko sila Ciro at Klave ay naaalala ko sya. Sa kabila ng lahat ng ginawa nya sakin ay di ko man lang magawang magalit. Bumuntong hininga ulit ako bago magsalita. "Di nyo na kailangan ng litrato dahil kamukhang kamukha nyo ni Ciro ang tatay nyo unang tingin palang ay makikilala mo na sya" Nakangiting sabi ko sakanya saka kinantilan ng halik ang noo at mata nya na ikinapikit nya. "Good night nanay. I love you" Malambing na sabi nito saka nagsumiksik ulit sa leeg ko. "I love you too anak. Good night" Malambing ding sabi ko dito saka pinilit na matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD