Pagakatapos naming kumain ay pinatulog ko muna ang kambal sa locker room naming mga utility. Maliit lang yun pero malinis naman at maayos, naglalatag lang ako ng karton doon at saka kumot para pansapin may unan din sila. Lagi kasi silang nandito wala kasing magbabantay sa kanila, di sila pwede sa palengke magulo doon at bukod pa ay maliit lang ang espasyo doon makukulit pa naman tong dalawang to. Mga alas kwatro palang ng madaling araw ay bumabangon na kami nina nanay, tatay at mga kapatid ko. Ihahanda ko ang uniform at mga baon nila si Ciro na kasi ang nagbibihis sa kanila at sabay-sabay na silang papasok sa school malapit lang naman eh, saka na ko maghahanda para sa pagpasok ko sa trabaho five thirty kasi dapat andon na. Si tatay naman ay namamasada na para mapadami ang kita nagrerenta kasi ito ng tricycle at yun ang pinagkakaabalahan nya. Si nanay naman ay nagluluto na ng mga ibebenta nya may maliit kasi itong pwesto sa palengke at ginawa nyang kainan si Ling at Andy naman ang tumutulong sa kanya pagluluto at pagwalang raket ay salitan sila sa pagbantay saka na gagawin ni nanay ang labada at pagday off ko ako naman.
Ang kambal ang unang naguuwian kaya hinihintay nila si Ciro sa tapat ng room nito. Pagkatapos ng klase ni Ciro ay saka sila sabay sabay na pupunta kay tatay sa may sakayan na malapit din sa school nila. Unang ihahatid ni tatay si Ciro sa pwesto ni nanay sa palengke at tumutulong doon pag di sya nakakasama sa kung anu-anong raket ng dalawa. Huling ihahatid ang kambal saakin pero paminsan-minsan ay sumusunod si Ciro pagmaagang nauubos ang paninda ni nanay o di kaya ay sumasabay ito sa kambal pag nandon si Ling o Andy.
Mag aalas kwatro na nung nagpatawag ang head ng utility ng meeting tiyak din na gising na ang kambal, siguro ay naglalaro nanaman ito sa may tabing dagat.
"Siguro ay alam nyo na ang balita na bago na ang may-ari ng resort" Panimula ni Sir Rob ang head ng utility. Lahat kami ay nagulat sa sinabi nya. Magsasalita palang sana si Mang Karding ay nagsalita naman si Sir Rob. "Base sa reaksyon nyo ay di nyo pa alam. Pero wag kayong mag-alala walang tatanggalin pero may mga babaguhin sa mga rules at sa resort." Saka na nya sinabi ang mga bagong rules medyo okay naman naging masyado lang estrikto yung oras ng pagpasok ay ganon pa din pero baka daw magbago ang schedule ang mga pangumaga ay baka maging panggabi na tag di-dose oras kasi kaming mga utility. Si Ando at ako ang naka- assign sa sa loob ng resort, si Mang Karding at Ana sa labas 5:30 ng umaga hanggang 5:30 ng hapon. Sa lunes pa namin malalaman ang bago naming schedule.
Napabunting hininga nalang ako sana talaga ay di magbago schedule ko kung hindi ay magaadjust nanaman kami ng panibago at kung maging panggabi ako ay malaking problema di makatulog ang kambal paghindi ako na-aamoy at kung hindi ako katabi lalong-lalo na si Klave na laging nakasiksik sa leeg ko at umiiyak yung pag nagigising sya ng madaling araw na wala ako sa tabi nya si Kate naman ay medyo di problema, solve na iyon pagnandyan Kuya Ciro nya gustong-gusto kasi nito na kinakantahan sya ng Kuya nya.
Ng matapos ang meeting ay pinaglog-out nalang kami ni Sir Rob, pwede na daw kaming umuwi magfa-five thirty na din kasi. Matapos kong mag-log out at kunin ang mga gamit ko sa locker ay pinuntahan ko na ang kambal. Napangiti ako nung marinig ko ang tawanan nila lahat ng pagod ko sa buong maghapon ay nawala nung makita ko silang masaya.
Pinagmasdan ko sila habang naglalaro. Malaki ang damit nila para sa kanila at luma na ito bigay lang yun sa kanila halos lahat nga ng suot namin ay halos mga bigay lang. Sa birthday, pasko at bagong taon ko lang sila nabibilhan ng bagong damit at bagong mga gamit. Kahit naman lahat kami ay may mga trabaho kulang pa iyon, kakarampot nalang ang natitira sa amin dahil hanggang ngayon ay binabayaran pa rin namin ang utang namin sa bangko dahil premature noon ang kambal muntik pang mawala si Kate saamin buti nalang at sa awa ng diyos okay na sya ngayon. Malaki ang naging bayarin namin sa ospital dahil tatlong buwan din sila sa ospital. Alam kong naiinggit sila sa mga kaklase nila na kahit walang okasyon ay may mga bagong gamit, pero wala akong magawa may kailangan akong unahin.
Minsan nga naisip ko kung paano kaya kung pinaalam kong buntis ako kay Kanvin? Susuportahan nya ba kami? Matatanggap nya ba ang dalawang bata? Napatawa nalang ako ng pagak sa iniisip ko. Sinong niloko ko? Ni di nga nya kami hinanap ni Ciro nung mawala kami. Ni si Ciro nga di nya matanggap. Yun pa kayang may anak na sila ni Sheena ang babaeng inaasam asam nya na iniwan sya. Ngayon siguro ay happy family na sila.
Napatingin si Klave sa akin, nanlaki ang mata nya, kaya napatingin din saakin si Kate.
"Nanay!" Sabay nilang sigaw at nagunahan sa pagtakbo papalapit sa akin at ng makalapit sila ay niyakap nila ang bewang ko. Lumuhod ako para mapantayan ko sila at gaya ng nakagawian ay pinugpog ko ng halik ang mga mukha nila ganon din sila sa akin.
" Nanay uuwi na po tayo?" Excited na tanong ni Kalev
"O---" Magsasalita palang sana ako ng sumigaw si Kate.
"Kuya Tilo!!!!" Sigaw ni Kate saka nagtatakbo palapit dito. Tumingin ako sa likod ko ag nakita ko si Ciro na karga na si Kate napailing nalang ako parang matanda na talaga sya kung kumilos.
"Kuting. Napaghahalataang namiss mo ako" Natatawang sabi nito sa kapatid at napasimangot naman si Kate pero mas nagsumiksik sa Kuya nya. Matangkad kasi si Ciro kaysa sa mga kaedad nya at pumapantay ito sa mga kaklase nya ngayon.
"Kuya!" Sigaw din Klave saka lumapit sa kuya nya at nakipag fist bam. Napangiti nalang ako sa kanila idolo kasi ni Klave si Ciro lagi nitong sinasabi na gusto nyang maging kagaya ng kuya nya. Pro-protektahan nya kami lalong-lalo na si Kate gaya ng ginagawa ng kuya nya, napailing nalang ako lagi kasi syang sinasabihan ni Ciro na protektahan nya kaming dalawa ni Kate dahil sila ang lalaki sila ang magaalaga sa amin. Naantig ako ng marinig ko iyon napaiyak pa nga ako.
"Nay!" Sigaw ni Ciro at tumakbo sya palapit sa akin habang karga pa din si Kate at hawak si Klave. Saka yumakap.
"Sino naghatid sayo dito?" Tanong ko.
"Maagang naubos paninda ni Lola Nanay maglalakad lang sana ako. Nakita ako ni Mang Naldo saktong papunta din dito yung pasahero nya sinabay nya na ako" Paliwanag nito.
"Gusto nyo tusok-tusok?" Nakangiting sabi ko sa kanila. Excited naman silang tumango. Ito lang ang bonding time namin pag sabay-sabay kaming uuwi.