"Uyy Mare lutang ka nanaman, pumikit ka nga ano ba" Inis na sabi sa akin ni Gina na ikinabalik ng ulirat ko. Dalawang araw na simula nung makita ko ulit si Kanvin pero hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi nya. Kahit nga ngayon na pageant night na ay parang di na ako makaramdam ng kaba, parang mas kinakabahan pa nga ako na makita ulit si Kanvin. "Girl ano ba maghubad ka na" Mataray na sabi sa akin ni Gina. Siguro ay inis na inis na sya sakin dahil sa kanina pa ako wala sa sarili. "Buti pa si Baby girl bihis na sige nga practice nga ulit" Malambing na baling nito kay Kate. Agad na ngumiti ng malawak si Kate at tumayo habang nasa bewang ang kamay habang nagwiwave. "Kate Cala Lomelo. Tli. Mabuhay" Bulol nitong sabi sabay flying kiss at kindat pa, natatawa at proud na

