"Te halika kulutin muna natin buhok mo bilis" Excited nitong sabi habang pinapaupo ako sa harap ng salamin. "Huh? Teka kala ko ba magsusukat lang? " Tanong ko. "Dress rehearsal na to try natin kung anong bagay sa damit mo. Sa sabado na yun excited na ako girl, tiyak na kayo pinakamaganda doon" Masaya nyang sabi. Naiilang na ngumiti nalang ako. "Baby girl dito ka muna dali tulungan mo si Mamita, hayaan mo muna yang mga kuya mo" Tawag nya kay Kate. "Nay hindi ba yan magugulo?" Nakakunot noong tanong ni Klave. Natigilan kaming lahat sa tanong nya out of the blue at talagang seryoso pa ang mukha na unang nakabawi si Gina at tiwanan si Klave pati kami ay natawa na din. Ginulo ni Ciro ang buhok nya. "Anong nakakatawa? Kuya bakit kailangang ganyanin ng mga girls?" Curious na tanong ulit ni

