Isang linggo na simula nung magresign ako. Maaga palang ay nasa palengke na ako. Ako na nagpresinta kay Nanay na ako na magbabantay at magpahinga na muna sya. Nasabi ko na din na wala na akong trabaho naintindihan naman yun nila, nasabi ko na din kasi na si Kanvin na mayari ng resort. Si nanay na din ang naghatid at magsusundo sa mga bata. Ganto na ang naging set up namin. Minsan naman ay ako na ang naghahatid sundo sa mga banda at kada hapon ay pumupunta kami kayla Gina para magpractice.
"Uyyy Lena wala ka bang trabaho? Dalawa ngang Aroskaldo" Tanong ni Aling Pasing, isa ding tindera sa palengke.
"Wala na po. Di na ako nagtratrabaho doon" Sagot ko nalang habang nagtatakal.
"Huh? Natanggal ka din ba? Balita ko bago na may ari nun at masyado daw strikto isang pagkakamali lang ay sisante agad. Nakakatakot" Sunod-sunod nitong sabi. Nginitian ko lang sya bilang tugon. Kilala kasing dakilang tsismosa si Aling Pasing at hahaba lang ang usapan pagpatulan pa ito.
"Aling Pasing pabili nangangapit bahay nanaman kayo! " Iritang sigaw nung Manong Ben.
"Oo Nandyan na saglit!" Balik na sigaw ni Aling Pasing sabay kuha ng binili nya. "Una na ako Lena huh" Sabi nito at nagtatakbo na sa pwesto nya. Natatawang napapailing nalang ako. Alas dose na nung magsimulang dumami na ang mga tao.
"Sir ano po sa inyo? "Tanong ko habang nagtatagal ng kanin at di man lang tinignan ang bagong dating. Di ito nagsalita. Nang matapos na ako ay saka ko na ito tinignan. Medyo napaatras ako sa gulat buti nalang ay di ko nabitawan ang hawak ko.
"Hoy Lena! " Natauhan ako nung tawagin ako ni Caloy. Huminga muna ako ng malalim para pakalmahin ko ang sarili ko.
"Ito na makapagdemand ka naman parang binayaran mo to ah" Pagbubunganga ko sakanya. Sinusubukan kong umaktong ng normal dahil ang dami ng tao ang nakatuon ang tingin sa pwesto namin. Sino ba naman ang hindi? Di maipagkakaila ang malakas na dating ni Kanvin. Agaw pansin talaga ang itsura nito. Bukod sa matangkad at sa tikas ng katawan ay mapaghahalataang galing ito sa mayamang pamilya.
"Ito naman babayaran ko naman to eh" Nakasimangot nitong sabi. Inirapan ko lang si Caloy.
"Kailan pa kaya yun? Lumayas ka nga dito na aalibadbaran ako sayo!" Inis kong sabi kay Caloy. Ngumiti lang ito.
"Salamat. Lab yu. Yaan mo pagyumaman ako sagot ko na pamilya mo! " Sigaw nito.
"Baliw magtrabaho ka muna!" Sigaw ko pabalik. Kinindatan nya lang ako at nagtatakbo na paalis. Si Caloy ay kababata ko dati sa probinsya na kinalakihan ko nagulat nalang din ako ng makita ko sya dito.
"Sir ano pong inyo? "Pormal kong tanong kay Kanvin habang di pa din nakatingin sa kanya at nagbibusy-busyhan.
"Can we talk Helaina? " Tanong nya.
"Madami akong ginagawa" Walang emosyon kong sabi.
"I can wait" Agad nitong sabi.
"Uma--"
"Lena isa pang rice! " Sigaw ni Manong Ando.
"Nandyan na po!" Sigaw ko pabalik at sinumulan ng magtakal. Di ko na pinansin si Kanvin at inasikaso na ang customer.
"Lena yan ba asawa mo? Asinsado ah" Malakas na bulong ni Mang Ando alam kong rinig iyon sa pwesto ni Kanvin. Itatanggi ko na sana kung magsalita si Mang Albert.
"Kamukhang-kamukha talaga nya si Totoy at Tisoy. Ang lakas ng dugo ng hinayupak" Komento naman ni Mang Albert isang kasamahan ni Mang Ando sa construction. Di na ako nakapagsalita bumalik nalang ako sa loob.
"Helaina please I'm begging you at least just for a minute" May pagmamakawa nitong sabi naikinagulat ko. Napatingin ako sa kanya at nakita ko na magulo ang buhok nya at nangingitin ang ilalim ng mata nya ngayon ko lang din napansin ang balbas nya at nakatingin ang pagod nyang mga mata na animo ay ilang araw ng walang tulog. Bakit ganon ang unfair mukha na syang stress pero parang mas lalo lang syang gumwapo. Napailing nalang ako sa naisip ko.
"Kanvin pwede ba marami pa akong ginagawa" Inis na bulong ko.
"I told you I can wait" Determenado nitong sabi.
"Edi maghintay ka pero pwede ba wag dito nakakaharang ka eh" Pagtataboy ko dito. Nakita ko sya ngumiti at umupo sa may pinakagilid. Mabuti nalang at hindi pupunta dito yung kambal dahil sasama sila kay Gina para kunin yung gown namin at mga gagamitin namin. Nakataas ako ng kilay What's wrong with him? It's the first time I saw him beg. It's the first time I saw him smile for me.
"Lena alis na kami! " Sigaw ni Mang Ando na nagpagising sa akin. Tumango lang ako bilang tugon.
"Lena isa nga nito. Uyy daan kayo sa bahay ah may ibibigay akong mga damit kay Totoy. Sabi ni Aling Lita.
"Sige po. Maraming salamat po ah" Nakangiti kong sabi. Ngumiti din sya sakin.
"Nako wala yun mga pinaglumaan na naman yun" Sabi nito. "Nga pala yan ba asawa mo? Ang gwapo kaya pala ganon kapogi at kayganda nila eh may pinagmanahan" Kunikilig nitong komento. Naiilang na ngumiti nalang ako. Di ko alam kong anong isasagot ko. "Sige mauna na ko" Nangiting may pangaasar nitong sabi. Napabuntong hininga nalang ako napatingin ako kay Kanvin na ngayon ay nakayuko at may kinakalikot sa phone nya. Napangisi ako alam ko namang di magtatagal yan kilala ko sya pareho sila ni Ciro na maikli lang ang pasenya.
Alas tres na at nasa pwesto nya parin si Kanvin at matiyagang nagaantay. Nagulat at namutla ako ng mataw ko sila Nanay at Tatay kasama si Ciro, ang kambal at si Gina. Agad akong lumapit sa pwesto ni Kanvin, Nagtatakang nagangat sya ng tingin.
"Ahh.. ehh... Kanvin pwede nang umalis ka muna bilis! " Sabi habang hinihila ang kamay nya sa bigat nya ay nanatili lamang syang nakaupo at nagtataka nya akong tinignan.
"I thought you'll talk to me" Nakatiim bagang nitong sabi at marahas itong tumayo. Alam kong galit na sya, napapikit ako at tiningala sya.
"Oo nga pero pwede ba umalis ka muna, doon ka muna sa kotse mo, sa may eskinita nalang tayo magkita. Pangako pupunta ako doon" Napipilitang sabi ko nakita kong kumalma na ang ekspresyon. Agad ko syang tinulak "Bilis na umalis ka na" Nagmamadaling sabi ko habang nakatingin sa pwesto nila Nanay buti nalang at busy pa sila sa pagtatawanan at wala pang nakakapansin kay Kanvin. Akmang titingin si Kanvin sa tinitingnan ko ay agad ko ng hinawakan ang mukha nya at pinatingin sa akin. "Umalis ka na, pangako pupunta ako sa pinaguusapan natin" Kahit naguguluhang ay nagsimula na syang lumakad patalikod. Nakatingin lang ako sa direksyon nya hangang sa mawala sya sa aking paningin at sya naman ang paglapit nila nanay. Agad ko silang sinalubong.
"Te ano tara na? " Tanong ni Gina.
"Huh? Saan? " Nagtatakang tanong ko. Wala kasi kaming usapan ngayon.
"Duh ngayon kayo magsusukat ng gown. Bye Mudra, Pudra una na po kami!" Maingay na paalam nito at saka ako hinila.
"Teka bakla may pupuntahan pa ako" Tanggi ko dito. Agad syang huminto at namewang sa harap ko habang nakataas ang kilay.
"At saan naman yun aber? " Naghihinala nitong sabi. Agad akong napaiwas ng tingin.
"Wala di naman importante tara na" Sabi ko nalang. Siguro naman pagkalipas ng sampung minuto na wala pa ako doon ay aalis na din yun. Napakunot balikat nalang ako.