Kinabukasan ay alas singko palang nasa trabaho na ako ngayon kasi ang labas ng bagong schedule. Mabuti at maaga ding nagising si Ciro sinabi ko sa kanya na sabihin nalang sa kambal ang napagusapan namin ni Nanay kagabi. Sinadya ko rin dahil alam kong magmamaktol ang dalawa di kasi sila makapaglaro pag nasa palengke sila di tulad dito sa resort tiyak mapipilit nanaman nila ako dahil sa pagmamakawa nila. Di pa ako handang makita sila ng ama nila kaya hanggat kaya pang itago ay itatago ko muna sila kung maaari nga lang ay di na magtagpo ang landas nila maging kay Ciro ayoko ng masaktan sya ulit tiyak kong saglit lang sila dito.
Nang makita ko ang sched ko halos mapatalon ako sa tuwa ng ganon pa din ito biglang lumapit si Sir Rob.
"Lena sa top floor ka" Sabi nito na ikinagulat ko.
"Po? Diba po kay Mang Karding yun? " Naguguluhang tanong ko dito.
"Oo nga ewan ko din kay Sir Charles yun lang sabi nya sakin" Sabi nya bago bumaling Ana.
Kinakabahang napabuntong hininga ako. Alam ko kung sino ngayon ang namamalagi doon.
Nagdadalawang isip ako habang nasa tapat ng pinto ng penthouse kung papasok ba ako o hindi napahinga nalang ako ng malalim at inalis ang kaba ko at inisip nalang na trabaho ito dapat professional. Dahan dahan kong pinindot ang buzzer.
"Come in! " Sigaw ng maliit na tinig. Pumasok na ako at nakita ko si Kanvin na masayang sinusubuan ang anak nya. Napatingin sya saakin kaya bigla akong napaiwas ng tingin.
"Good morning Sir. I'm Lena from housekeeping department" Nagpapasalamat ako ng hindi ako nautal. Ganon kasi lagi ang sasabihin namin at yuyuko bago magsimulang maglinis. Tinanguan lang ako nito at yun na ang hudyat ko na para magsimula na.
"Dad I want to swim! " Biglang sigaw ng bata.
"Go to yaya. She'll help you to change your clothes " Malambing nitong sabi.
"Yehey!" Sigaw nito bago pumasok sa isang pinto. Ang cute nya mukha syang prinsesa halatang spoiled at alagang alaga din ito. Siguro ay kaedad lang ito ni Kate at Klave napangiti nalang ako ng mapait.
Nabigla ako ng may malalaking kamay na humawak sa braso ko at pabalibag akong sinandal sa may pader. Napaigik ako sa sakit nung tumama ang ulo ko sa pader.
"Nice to see you again" Madilim ang mukha nitong sabi sabay sandal ng isang kamay nito sa kaliwa ko.
"Sir excuse me po" Kinakabahan kong sabi at akmang kakawala na ako ng ilagay nya naman ang isa nya pang kamay sa kanan ko. "Sir may trabaho pa ako" Di makatingin kong sabi. Ayoko syang tignan ramdam ko kasi ang matatalim nyang tingin na di ko alam kung para saan. Di ba dapat ako ang galit dito?
"Playing dumb are we?" May panguuyam sa boses nito at sinabayan pa ng tawang nakakakilabot. Pilit ko syang itinutulak pero parang pader lang ang itinutulak ko dahil di man lang sya matalaw sa pwesto nya.
"Ano ba?!" Sigaw ko dito ng mainis ako.
"Wow the kitten knows how to fight back now" May ngiting malademonyo nitong sabi. Sinamaan ko sya ng tingin. Ano bang problema nya? Bored nanaman sya? Pwes wala akong oras sa mga kalokohan nya.
"Ano bang problema mo?!" Galit kong tanong sakanya. Nakita ko ang pagseseryoso nito at bumalik nanaman ang nakakatakot nyang tingin.
"Where is my son? " Cold noting takong sa akin. Natawa ako ng pagak sa tanong nya.
"Son? O bakit sakin mo hinahanap. Sir? " Umaarte kong sabi na parang di ko alam ang sinasabi nya ipinagdiinan ko pa ang salitang Sir.
"Bullshit Heleina! Where is my son? How dare you take him away from me!" Galit nitong sigaw sabay suntok sa pader. Bahagya akong napapikit sa kaba at gulat. Pero agad ko ding minulat at matapang syang hinarap.
"Ako pa? Ako pa talaga Kanvin!" Sigaw ko pabalik at malakas na tinulak ang dibdib nito na bahagya nitong ikina atras. "Baka nakakalimutan mo kung paano mo sya ipagtulakan at sabihan na di mo sya anak! Tapos ngayon ano? Tanggap mo na sya handa ka ng maging tatay. Bakit? Nakokonsensya ka? Putangina mo Kanvin! Ang kapal talaga ng mukha mong magpakita kung kailan maayos na kami, kung kailan di ka na namin kailangan! " Galit na galit kong sumbat dito habang dinuduro sya. Mabilis kong pinahid ang luha ko sabay malakas na pagtulak sa kanya. This time ay nagtagumpay na ako. Magsasalita pa sana sya ng biglang lumabas ang anak nya. Agad akong tumalikod.
"Dad I'm done. Let's go na!" Masaya nitong sabi.
"You go first baby. I'm right behind you" Ayan nanaman ang malambing nyang boses na naibibigay nya lang sa anak nila ni Sheena. Bago pa sumangayon ang bata ay humarap at nagsalita na ako.
"Sir tapos na po. Alis na po ako" Sabi ko sabay yuko ulit. Di ko na hinintay na may magsalita pa at agad nalang akong lumabas ulit. Nasa hallway ako ng makasalubong ko si Tony.
"Uyy Babes! Nagmamadali ka ata" Bati nito sa akin.
"Masakit ulo ko eh" Palusot ko.
"Magpahinga ka muna ako na bahala sa mga rooms na nakaassign sayo" Nagaalala nitong sabi at inalalayan pa ako. Naguilty naman ako dahil totoo talaga ang pagaalala nya.
"Hindi na. Magiging maayos din ako iiinom ko lang to ng tubig" Tanggi ko na may kasama pang iling.
"Oh ito na di pa to bawas" Dali dali nyang binuksan at inabot ang tubig. Nginitian ko sya bilang pasasalamat.
"Flirting during working hours" Madiing sabi ng boses sa likod ko. Paglingon ko ay nandoon si Kanvin hawak ang anak nya na mataray naman na nakatingin sa amin sa likod nito ay ang yaya ng bata. Agad kaming gumilid ni Tony.
"Hindi po Sir. Nahihilo po sya ka---" Di say pinatapos ni Kanvin.
"Go back to work! " Sigaw nito.
"Yes Sir. Sorry sir." Magalang nitong sabi saka dali daling umalis. Nilingon muna ako nito at nag sign language na tinanong kung okay lang ba ako. Nag okay sign ako at nginitian ko sya. Akmang aalis na ako ng tawagin ako ni Kanvin.
"Miss Lena follow us" Utos nito sabay sakay sa elevator.
"Po? Pero madami pa po akong gagawin" Sabi ko dito.
"No more buts. Follow. Me." Madiin nitong sabi. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod nalang.
Habang nasa elevator ay di ako mapakali nakayuko langa ako. Pagtingin ko sa may kanan ay nakita ko doon ang bata na masama ang tingin sa akin.
"What? " Mataray nitong tanong at namewang pa habang nakataas ang kilay. Napangiti ako sa kakyutan nito pareho sila ni Kate pag magtaray. Iling lang ang sinagot ko dito.
"Baby did you apply your sunblock already? " Tanong ni Kanvin.
"Yes daddy! " Sagot nito sabay ang pagbukas ng elevator.
"Heleina i mean Lena will assist you. I'll just talk to your Yaya and the Manager be a good girl huh? " Malambing nitong sabi sabay halik sa pisngi nito.
"I will Dad" Nakangiti nitong sabi at hinalikan din sa pisngi ang daddy nya. "Come on" Masungit nitong hinawakan ang kamay ko at hinila ako dali daling inabot sakin ng yaya nya ang salbabida. Tinanggap ko iyon at nagpatiuna nalang sa batang nagtatakbo ngayon papunta sa dagat. Huminto lang sya nung nasa pampang na kami at hinarap nya ako. Namewang ulit sya at tinaasan ako ng kilay.
"Do you like my dad? " Agad na tanong nito na ikinagulat at agad kong inilingan. "Good. I like you already were friends now huh. I don't like those girls who likes daddy because they are all witches they're only good to me when daddy is around and then if he's not around they are like monsters. Like my former yaya. I bet she's fired now" Mahaba nitong sabi sabay tingin sa likod ko napatingin ako sa sinasabi nya at ayon nga yung yaya nya umiiyak na nagtatakbo paakyat habang si Kanvin ay mukhang galit habang may kausap sa phone. "Hahaha. Serves her right" Tawa nito. Habang masamang nakatingin sa dati nyang yaya. Napailing nalang ako saka lumuhod upang pantayan sya.
"What's your name baby girl? " Malambing kong tanong sabay hawak sa buhok nya. Ewan ko ba kung bakit magaan ang loob ko sa kanya kahit na alam kong anak to ni Sheena, siguro ay dahil naaalala ko sa kanya si Kate.
"I'm Princess Kathlaine Monteverde three years old" Bibong pakilala nito. Natawa ako dito.
"Hi Little Princess, I'm Lena Romero at your service" Natatawa kong sabi at sumaludo pa napahagikhik ito.
"Ate Lena I wanna swim!" Masigla nitong sabi.
"Wait lang baby" Sabi ko sabay taas ng slacks na sout ko. "Tara. Sabi ko at hinawakan ang kamay nya. Masaya naman itong naghumm habang naglalakad kami. Huminto kami sa nung hanggang tuhod ko na ang tubig. "Dito na baby" Sabi ko nasa waist na nito ang tubig agad ko itong pinasakay sa salbabida at pinalutang sya. Tawa naman ito ng tawa at kung minsan ay binabasa pa ako.
Nang medyo masakit na ang sikat ng araw ay umahon na kami at nandoon si Kanvin na naka sando, khaki short at sunglasses habang may hawak na towel nakita kong napapatingin at impit na napapatili ang iilang kababaihan. Napaingos nalang ako sa kaartehan nila. Nagtatakbo sa kanya si Princess. Lumapit din ako para magpaalam.
"Mauna na po ako Sir" Magalang kong paalam. Maglalakad palang ako ng hawakan ni Princess ang kamay ko.
"Where are you going? " Tanong nya. Ngumiti ako at ginulo ang buhok nya.
"Yes baby. I have a lot things to do" Sabi ko.
"Be my nanny please. Dad I want her to be my nanny" Sabi nito at mukhang paiyak na. Lumuhod ako para pantayan sya.
"Baby I have a work already and I love my work. You can visit me if you want and let's play again" Pangaalo ko dito.
"No! No! No! " Pagtatatantrums nito at nagdadabog pa. Napailing at napangiti nalang ako pareho sila ni Kalev nagtatantrums pag di nasusunod ang gusto.
"Baby listen" Sabi ko at pinaharap ko sya sakin. "Do you want me to get mad?" Tanong ko na agad nyang inilingan "What you're doing now is what baby witches do if they want anything they can't get. Are you one of them? " Malambing kong tanong dito. Napailing iling sya. "So bye na. Be a good girl huh? " Nangiting ako ng tumango ito. Hinalikan ko muna sa sa pisngi sabay gulo ng buhok nya at tumayo na. Tinignan ko si Kanvin na tahimik lang na nakatingin sa amin.
"Mauna na po ako Sir" Paalam ko at naglakad na papunta sa kubo para mananghalian.