Chapter 13

1929 Words
Gaya ng nakagawian ay sabay sabay ulit kaming kumain pagkatapos nun ay bumalik na ulit sa kanya kanya naming trabaho. Saktong alas singko ay natapos ko na ang mga gawain. Niligpit ko na ang mga panglinis na ginamit ko at pinunasan ang pawis ko gamit ang mga kamay habang naglalakad sa hallway. Nakakapagod parang mas dumami kasi mga gawin ngayon. Nagulat ako ng may humila sa akin sa akin akmang sumigaw palang ako ng takpan nya ang bibig ko at hinila ako papuntang storage room. Tinanggal nya na ang kamay nya sa bibig ko pero hawak nya pa din ang dalawa kong kamay, di ko makita ang mukha nya dahil napakadilim ng paligid. "S..si.. sino ka? Ano.. anong ka.. kai..langan mo sakin? " Kinakakabahan kong tanong. Ramdam ko ang malalim nyang paghinga sa leeg ko at ang amoy nya parang pamilyar. "You smell the same" Bulong nito sa tenga ko agad na nagtindigan ang mga balahibo ko sa batok at parang malakinga ako ng maluwag ng malamang si Kanvin lang pala iyon. Pinilit ko syang itulak pero parang wala lang iyon at mas nilapit nanaman nya ang sarili nya saakin. "Ano nanaman ba to Kanvin? " Pagod kong sabi at di na nagpumiglas pa wala din namang mangyayari isa pa pagod at gutom na ako wala na akong lakas idagdag mo pa ang panlalambot ng mga tuhod dahil sa sensasyon na hatid ng pagkakalapit namin ni Kanvin. "Let's talk" Sabi nito. "Naguusap na tayo" Walang gana kong sabi. "No. What I mean is I want to talk to you properly" Sabi nya naramdaman kong lumuwag na ang kapit nya sa akin. "Ano pa ba ang dapat nating pagusapan? Gusto mong makita si Ciro? Sige payag ako pero wag muna ngayon hahanap muna ako ng tyempo para masabi ko to sa kanya" Sabi ko sabay tulak sa kanya. Napalayo sya ng kaunti sa akin. "I want the full custody of my son" Matigas nyang sabi na ikinanganga ko. Sandali kaming natahimik. Lumapit ako sa kanya at malakas ko syang sinampal. "Ang kapal talaga ng mukha mo! " Nagngingit ngit na sigaw ko di ko na pinansin ang pamamanhid ng kamay ko sa lakas ng sampal ko sa kanya. "Walang hiya ka! Baka nakakalimutan mo nga ginawa mo sa kanya! Ang kapal kapal talaga ng mukha mo. Wala kang karapatan sa kanya! " Nanggigigil na sigaw ko. "I remember all of it. I know what I've done was unforgivable, that's why I'm here to recoup my mistakes. I want to give him what a Monteverde deserve and that will only happened if he is in my custody. I can give him all what he needs, what he wants, I can even give the world if he wish to. Let me ask you what else can you give aside of you're always stay by his side with this job of yours?" Sabi nya naikinatahimik at nanaliit. Alam ko yun bukod sa pagmamahal ay wala na akong maibibigay pa sa kanya na sa murang edad ay nagtratrabaho na sya para makatulong sa akin. Masakit ang makitang di ko man lang maibigay ang lahat ng mga pangangailangan ng mga anak ko kahit anong pagsisikap ko at wala akong magagawa dahil wala akong natapos. Pero mas masakit ang ipamukha sayo mga pagkukulang mo. "Tapos ka na?" Garalgal ang boses kong sabi. "Pwede na ba akong umalis? Pagod na ako" Sabi ko at di ko na sya inintay na magsalita pa agad na akong lumabas at tumakbo di ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Napasandal nalang ako sa may pader at doon umiyak. Ewan ko kung ilang oras ako doon. Nang mahimas masan ako ay napagpasyahan ko ng umuwi. Pagkadating ko sa bahay ay madilim tanging kandila lang ang nagsisilbing liwanag. "Anong nangyari? Bakit parang tayo lang ang walang Ilaw? " Tanong ko. "Naputulan tayo anak. Tatlong buwan na tayong di nakakapagbayad. Kumain ka na kayo tapos na kami ayaw sumama saamin ng mga anak mo hihintayin ka daw nila" Sagot ni Nanay. "Nanay! " Sabay sabay nilang sigaw at nag-unahang yumakap sa akin. Natawa naman ako saka niyakap at hinalikan ko sila isa isa. "Nanay! Nanay! Naglatag at kinabit na po amin ang kulambo para di nyo na po gawin yun. Para daw di nyo na gawin yun sabi ni Kuya" Pagmamalaki ni Klave. "Tulong din po ato nanay! " Bibo namang sabi ng Prinsesa namin. Napangiti ako sa kakulitan nila. "Ang very good talaga ng mga baby ko. Tara kain na tayo di pa daw kayo kumakain" Sabi ko at inakay na sila papuntang kusina. Pinaupo lang ako ng tatlo at pinagsilbihan nila ako si Kate ang naghanda ng tubig si Ciro sa kanin at si Klave sa ulam. Ipinagsandok pa nila ako wag na daw akong kumilos dahil alam daw nilang pagod ako. Natouch naman ako ang sweet talaga ng mga anak ko at di ko kakayanin kung mawawalay ang isa man sa kanila. Panay ang kwento ng kambal sa ginawa nila sa school kami naman ni Ciro ay tumatawa lang pag kinukontra ni Kate ang sinasabi ni Klave at si Klave naman ay di nagpapatalo ipaglalaban talaga ang sinasabi nya at nagkakasagutan na sila. Napapailing nalang ako halata kasing nangaasar nanaman si Kate. Pagkatapos naming kumain ay si Ciro na ang nag presintang maghugas. Kami naman ng kambal ay pumunta na sa kwarto kinuha ko na ang pamaypay at tinabihan na sila. Ito ang mahirap pag walang kuryente pawisin kasi silang tatlo lalong lalo na si Klave kulob pa naman ang kwarto namin kaya mainit talaga. Magdamagag na paypayan nanaman to. "Good night nay" Inaantok na sabi ni Klave saka ako hinalikan sa pisngi at sumiksik sa leeg ko. "Good nayt nay" Sabi naman ni Kate at hinalikan din ako saka ako niyakap. Tinapik tapik at maghumm ako ng kanta habang pinapaypayan sila. Maya maya pa ay nakatulog na si Klave saka naman ang pagpasok ni Ciro. Pumwesto sya sa tabi ni Kate agad namang bimitaw sa akin si Kate at niyakap ang Kuya nya napangiti naman ako. "Nay ako na po" Sabi nya sabay kuha ng pamaypay sa akin. "Wag na anak ako na. Matulog ka na" Sabi ko at inagaw kong muli pamaypay pero di nya iyon binigay. "Nay ako na alam kong pagod at inaantok na kayo" Sabi nya saka dahan dahang tinanggal ang kamay ni Kate na nakapulupot sa kanya at umupo para mapaypayan nya kaming lahat. "Sigurado ka?" Nagaalangan kong tanong nginitian nya lang ako at tinanguan "Pagmapagod at inaantok ka na gisingin mo nalang ako huh? " Sabi ko. "Opo. Good night nay" Nakangiti nyang sabi saka ako hinalikan sa pisngi. "Good night din baby" Mahina kong sabi. Tumagilid ako paharap kay Klave at doon na tumulo ang luha ko. Alam kong nahihirapan na si Ciro sa kalagayan namin lagi nyang ipinapakita na kaya nya, na okay lang pero ang totoo ay umiiyak sya ng palihim. Hindi lang ito ang unang beses na nangyari to sa amin. Nung dati nagbrown out sa amin anim na taon pa lang sya nun, madaling araw ng gisingin ko sya para sya naman ang nagpapatuloy sa pagpapaypay sa mga kapatid nya, papasok na kasi ako nun dati kasi ay alas tres talaga ako non alas dos palang ay gigising na ako para magayos. Labag man sa loob kong gisingin sya ay kailangan eh wala naman akong ibang maaasahan kundi sya lang ang mga kapatid ko kasi ay sa bayan sila nanunuluyan nagaaral kasi sila, nasa bayan din sila nanay at tatay nun nandoon kasi yung pinagkakakitaan nila. Doble kayod pa kami nun dahil sa kabi-kabila utang namin sa pagpapagamot kay Kate. Tumalikod ako sa kanya pero naabutan ko pa din syang napapahid ng luha nya alam kong umiyak sya nun binalewala ko nalang iyon dahil kailangan kong kumayod para may makain kami. Tatlong araw nyang ininda ang p*******t na balikat nya, wala syang pinagsabihan non nakikita ko nalang sya na hinihilot hilot nya balikat nya. Mas lalo akong nakonsensya dahil doon. Siguro tama si Kanvin. Kung nandoon sila sa puder nya di na sila mahihirapan lahat ng gustuhin nya makukuha nila. Makakapagaral pa sila sa magandang eskwelahan. Ayokong magpakaselfish kahit masakit sa aking mawalay sila sa akin. Makita ko lang na maganda ang buhay nila okay na ako doon. Siguro naman ay okay lang kay Kanvin na dalaw dalawin ko sila. Pinunasan kopang luha ko at hinarap si Ciro. Dahan dahan kong inalis ang yakap ni Klave sa akin at tinapik tapik sya. Umupo din ako at kinuha ang pamaypay kay Ciro. "Baby halika" Sabi ko at hinila sya papunta sa harap ko. Tumalon naman sya at dahang dahang lumaday at umupo sa tabi ko. "Ahmm. Gu..gusto mo bang makita daddy mo? " Kinakabahan kong tanong. Natahimik kami saglit. "He's here right? What for? Mamalimos na naman tayo nanay? No way in hell I would do that again, Il'd rather die than beg to him to lend us some money" Madiin nyang sabi. Kung ano ang itsura ni Kanvin paggalit ay ganon pa ganon din ang itsura ni Ciro ngayon. "Hindi ganon Ciro. Makinig ka. Nagbago na sya tanggap ka na nya kinukuha ka nga nya gusto nya daw bumawi sayo" Mahina at mabagal kong sabi para maintindihan nya ang punto ko. "And then ganon nalang yun nay? Ibibigay nyo ko sakanya" May hinanakit na sabi nya. Agad ko syang hinawakan. "No baby hindi ganon yun. Kung nandon ka sa daddy mo mas giginhawa ang buhay mo kaya nyang ibigay sayo ang lahat di mo na kayang mapakahirap pa. Alam kong nahihirapan na na sa buhay natin ngayon" Basag ang boses na sabi ko"Diba nga plano mong magtayo ng sarili mong kompanya yung malaking malaki. Kaya kang pagaralin ng daddy mo sa sikat at malalaking school kahit saan mo man gustuhin. Matutupad mo na pangarap mo" Pagpapatuloy ko at pinipilit kong pinapasahan ang boses ko kahit na malapit ng tumulo ang luha ko. Galit nyang iwinaksi ang kamay ko. "I don't care about his wealth, I don't care on what he can give me. I only need you, my siblings, Tito, Tita, Lola and lolo. I don't need him to accomplish my dream, I can do that on my own" Matigas nyang sabi sabay talikod sa akin. "Alam ko anak pero pag sa daddy mo di mo na kakailanganing magtrabaho, di ka na maiinggit sa mga kaklase kong may mga bagong gamit at laruan, lahat ng gusto mong kainin makakain mo, hindi ka na nila muling tutuksuin na taong grasa o putok sa buho, lahat ng gusto mong bilhin mabibili mo, may maayos din na tirahan ang daddy mo hindi tulad nito nakailangan mo pang magpakapuyat para paypayan ang mga kapatid mo pag walang kuryente at hindi ka na mamromroblema sa mga tulo pagumuulan at sa mga lamok na kakagat sayo" Umiiyak kong paliwanag sa kanya habang hawak sya. Napaiyak na din sya. "Pabigat po ba ako nay kaya gusto nyo akong ibigay sa lalaking yun? Isusunod nyo din ba sila Klave at Kate? Pabigat na po ba kami sa inyo kaya gusto nyo na kaming paalisin?!" Galit nitong sigaw. Sunod sunod na iling ang sinagot ko dito. "Hindi. Hindi ganon anak kailan man hindi kayo naging pabigat sa akin" Humihikbing sabi ko. "Sinungaling! "Sigaw nito bago nagtatakbo at lumabas ng kwarto. "Ciro! " Tawag ko dito pero di ako nito pinansin akmang hahabulin ko sya ng umatungal si Klave at parang hinahanap ako, humina nalang muna ako at tinabihan si Klave. Bukas ko nalang kakausapin si Ciro tiyak na nasa lolo at lola nya yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD