Nang lumabas ito ng kusina ay kasama na nito sila mama, mommy at Nana Esme. At pareho silang nagmamadaling pumunta sa kinaruruunan ko. Pare-pareho silang nanlalaki ang matang napatingin sa akin at mayamaya naman ay napahingang malalim. Nakatayo lang ako doon at tiningnan lang sila ng walang buhay. Seriously? Masasabunutan ko talaga si Amanda kapag nagkita kami. She's doing this to my family. Agad naman na lumapit si Aaron sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "You're ok, ayos lang kayo ni baby." humiwalay ito sa yakap at hinawakan ang mukha ko. Napahinga na lang ako ng malalim. I think we really need to talk. I ned to talk to them. Mawala lang ako saglit sa paningin nila ay hahanapin kaagad nila ako. Ni ayaw na nila ako halos pagalawin. Bawat galaw ko ay nakasunod sila. Naintin

