CHAPTER 1:Réunion
Isang linggo palang ang nakakaraan mula ng nangyari sa quadrangle ng school, at heto na naman ang mga bully.
Akala ko talaga titigil na sila. Pero mukhang hindi pa sila tapos sa pagbu-bully sa akin. Napailing nalang ako.
Kung anuman ang balak nilang gawin hindi ko alam pero kinakabahan ako.
Nagpapractice kami para sa field demonstration ng mga kaklase ko. Pinalitan nila ang sound,at natigilan kaming lahat.
"You're just too good to be true... can't take my eyes off over you..." kumakanta kanta pa si Aaron habang papalapit sa direksyon ko. Nakatingin lang ito sa akin na para bang ako lang ang nakikita niya at nakangiti pa.
May dala itong bouquet ng white roses. Natigilan ako.Anong ibig sabihin nito? Ano na naman ang palabas nila ngayon?! Napatingin ako sa mga kasama ko dito.
Naghihiyawan na ang mga naroon at sumisipol pa ang iba.
Namumula na ako sa magkahalong galit at pagkapahiya. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Lumapit siya sa akin ng nakangiti, at ng iaabot na niya ang bouquet,isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanyang pisngi.
Bagay na nagpatigil sa sigawan at napalitan ng tawanan lalo na ng mga barkada niya.
"Ohhh...sakit non ah!" sabay-sabay pang sabi ng mga ito at nagtawanan ulit. Lahat ng tao doon ay nagbulong-bulongan na at kung ano-ano na ang sinasabi dahil sa natunghayan nilang ginawa ko.
Nagulat din ako sa ginawa ko at napatingin sa sariling kamay . Gusto kong pagsisishan iyon, pero sa kabilang banda hindi ko ito pinagsisisihan.
"You will pay for this. " galit na sabi niya sa akin habang dinuduro ako.
Natakot ako sa mga mata niya,galit na galit siya. Siguro dahil sa imbes na ako ang napahiya ay siya itong napahiya.
Nakarinig ako ng iba't - ibang komento lalo na sa mga girls na may gusto sa kanya. Ang iba inis na inis sa akin.
Naisip ko, kayo kaya sa katayuan ko?
Sigurado na kukunin agad nila ang bulaklak "sagot ng kabilang isip ko. Napailing nalang ako.
"Naku Theressa , galit na galit sa iyo si Aaron " sabi ni Claire, ang kaisa-isang kaibigan ko.
"Claire hindi ko sinasadya, alam mo namang ako ang laging pinagti-tripan ng grupo nila eh. " sagot ko dito.
Ilang araw pa ang lumipas at naging maayos naman ang buhay ko. Wala na ang mga bully. Naisip ko baka nagsawa na sila sa akin. Madalas ko silang makita sa gym kapag may magkasabay kami na class pero hindi na nila ako ginugulo.
At masaya naman ako sa isiping iyon. Until one day pagbukas ko ng locker. Iyon ang hindi ko inaasahan.
"Ahhhh...." sigaw ko. May palaka sa loob ng locker ko. Basa pa ito at nakatingin sa akin, kadiri.
Napalingon naman ako sa paligid, nakita ko si Aaron na tumatawa sa di kalayuan kasama ang barkada niya. Napalunok ako,nanginginig ang buong katawan ko.
Takot ako sa palaka at takot ako kay Aaron, anong gagawin ko?
"I told you...you will pay for what you did " nakangising saad nito .
Hindi ko na narinig pa ang iba niyang sinasabi at nawalan na ako ng malay.
~~~~
After 10 years
"Look who's here. " kumaway si Claire. Napakaganda talaga niya,no wonder na maraming mga kalalakihan ang nagkakandarapa sa kanya.
Hindi niya ako pinabayaan since high school kami, we're inseparable .Nawalan lang kami ng komunikasyon ng nagpunta ito ng ibang bansa.
She's my best friend, the one and only.
Para siyang model na naglakad sa long black dress na may slit sa gilid na suot niya ngayon. Bumagay sa apple cut hair niya. Walang ibang alahas maliban sa earrings at bracelet. Ngumiti ako sa kanya, kababalik niya lang mula sa Australia at siya ang nagpumilit sa aking umattend ng Réunion na ito.
"Wow, you look amazing Claire " puri ko sa kanya sabay beso.
"Thanks Esa(short for Theressa) " sambit niya at niyakap ako nang mahigpit.
"It took me sometime para hanapin ang f*******: account mo ha. " sabi nitong tila nagtatampo pa.
"Claire, alam mo naman ang dahilan di ba?" sagot ko at naupo kami sa couch.
"You look gorgeous by the way " sabi nito habang nakangising pinagmamasdan ako.
"Uy, don't tell me na natitibo kana ha. " sabi ko sabay tawa.
"Loka, seriously... you're beautiful" sabi pa nito at napangiti.
"Thanks Claire , I owe you a lot. " sagot ko. Beautiful? Di nga?! sigaw ng utak ko. Kunsabagay ang laki na ng pinagbago ko.
Hindi na ako ang chabilita noong high school na madalas mapagtripan at pagtawanan ng mga bully. After high school, sabay kaming kumuha ni Claire ng HRM sa isang university sa Manila. Lalo akong tumaba noon,pero dahil sa pagiging broken hearted ko sa first boyfriend ko.
Tinulungan ako ni Claire na ayusin ang sarili ko. Kahit pa nagkahiwalay kami after two years ng makagraduate sa college hindi siya tumigil na tulungan ako.
For her, walang puwang ang mga taong mapang-api sa mundo. Dahil tulad ko, biktima rin siya ng mga bully noong high school kami. Nauna nga lang siya sa akin.
"Bagay sa iyo ang red. " dugtong pa nito. Namula naman ako.
"Iba yata ang trainor ko. " sabi ko sabay kindat. I'm wearing my off shoulder red dress na hanggang tuhod. Pinarisan ko ito ng beige wedge sandals. Isang simpleng relo at pearl earrings. Light make-up at red lipstick. Bumagay ito sa hindi naman kasexyhan kong katawan.
"Hi Hon. " napalingon ako ng makita ang isang pamilyar na mukha.
Matthew Laurel, isa sa mga barkada ni Aaron noong high school. Ewan ko ba kung paanong naging boyfriend ito ni Claire. Lumingon ito sa direksyon ko.
"And who's this beautiful lady with you hon?" pagkuway tanong nito.
"Ma. Therissa Cabiltes " sagot ko at inilahad ang kamay ko sa kanya.
Natigilan ito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Sorry? " pagkuway sabi nito, bakas sa mukha ang pagtataka at pagkamangha. Lumingon ito kay Claire na natatawa sa reaksyon ng boyfriend niya.
"Yes, hon...si Ma. Theressa Cabiltes" pag-confirm ni Claire at natawa na ito ng tuluyan.
Bakit ganoon nalang ang pagkabigla nito, ano bang ineexpect nila? Isang matabang babaeng may makapal na eyeglasses at may baong malaking bag ang makikita nila ngayong reunion? Naiinis tuloy ako sa isiping iyon.
"Sorry Theressa , nagulat lang talaga ako. " narinig kong saad ni Matthew.
Lumakas tuloy ang confidence ko. Kung ganito ang reaksyon ni Matthew malamang ganito rin ang reaksyon ng iba.
"Why don't you join us. " pagkuway aya nito sa amin. Sumunod naman ako sa kanilang dalawa. Lumingon si Claire at sumenyas ng "RELAX" sa akin.
Natawa naman ako. Iba na ako ngayon, mas matapang na ako at matured enough para patulan sila sakaling maging bully sila ulit. Nagkakasayahan ang mga nasa table na iyon ng makalapit kami.
May hinahanap ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit,pero hinahanap ng mga mata ko ang lalaking iyon.
Nakahinga ako nang maluwag ng malamang wala ito. Ang sabi ni Ryan isa sa mga barkada nila Matthew hindi raw ito makaka-attend dahil sa importanteng bagay na dapat tapusin sa office.
Marami ang pumuri sa akin, natuwa naman ako dahil worth it ang pinagpaguran namin ni Claire . Ang pinagpaguran ko.
Two years kong pinagpaguran ang pag-maintain ng figure kong ito. Hindi man ako kasing sexy ng iba at least physically fit ako at iyon ang mahalaga. Worth it ang pagworkout ko, lalong na boost ang confidence ko. I'm flattered sa mga papuri nila sa akin.
Bago matapos ang gabi nagkakuhaan pa ng contact details ang isa't - isa. Si Claire ang naging president ng aming batch. Magkakaroon kami ng fund raising para sa mga less fortunate high school students ng dati naming school.
At kahit wala si Aaron , siya ang campaign manager ng programa. Ganoon kalaki ang tiwala sa kanya ng mga kabatch namin. No wonder, nasa business world ang pamilya nito at maimpluwensya pa. Kaya siguro abusado noong high school, mapera kase sila eh.
"Chef, may nagrereklamo po na costumer sa labas. " sabi ng isa sa mga service crew ng maliit kong restaurant. Ako ang manager at the same time Chef nito. Nagtataka man ay ngumiti ako rito.
"Don't worry, I'll handle it " assurance ko rito. Lumabas ako ng kusina at nakita ang isang nakatalikod na lalaking costumer na kinakausap ang isa pa naming crew. Inayos ko muna ang sarili at inalis ang apron at chef hat ko.
"I want to talk to your manager. " sabi pa uli nito.
"Excuse me Sir, may problema po ba?" tanong ko agad nang makalapit. Muntik na akong mapaatras ng mapagsino ang costumer na nagrereklamo. Si Aaron Delos Santos .
"Are you the manager here?" tanong nito.
"Yes Sir. " maikling tugon ko. Mukhang hindi ako nakilala ng mokong na ito ah.
"Can we talk in private?" tanong uli nito. Napansin kong kumukuha na ng atensyon ang pag-uusap namin kaya naman tumango ako at iginiya siya sa maliit kong opisina.
"Have a sit sir. " sabi ko pa. Napansin kong nakatingin siya sa pen holder ko na may yari sa marble. Nakaengrave kase roon ang pangalan ko.
"Ma. Theressa Cabiltes. " sabi pa nito at tumingin sa akin.
"Ano pong maipag-lilingkod ko sa inyo Sir?" tanong ko sa kanya. Hindi ko ineexpect ang pagkikita naming ito ngayon.
"So you are the manager here. " sabi pa nito na tila naiinis.
"I saw something sa kinakain ko kanina, and hindi ko nagustuhan ang meat na sinerve sa akin. " sabi nito.
"Sorry Sir, I'll note to that. Hindi po namin nais na magkaroon ng bad impression ang mga costumer namin rito. " napayuko ako sa kahihiyan. Ano bang nangyari?
"I'm very sorry sir. " dagdag ko pa.
TBC...