CHAPTER 2:Meeting him

1582 Words
Maayos naman kaming nakapag-usap ni Aaron pero nafrustrate ako sa isipin na nagkaroon siya ng pagkakataon na makakita siya ng mali sa trabaho ko. Nalaman ko rin na sila pala ang nagmamay-ari ng area kung saan nakatayo ang maliit kong pwesto. Kinausap ko ang aking mga staff pagkatapos ng pag - uusap namin ni Aaron . Wala namang umamin kung sino ang nakapaglagay ng celery sa dish niya. At kung bakit mali ang naibigay sa kanyang flavor ng coffee. Pinaalalahanan ko nalang ang lahat ng staff ko na mas maging maingat na sa susunod. Maging maingat sa pagkuha sa order. Which is nanggaling kay Aaron . Wala pa rin siyang pinagbago. Arogante pa rin tulad ng dati. "Ma'am Theressa sorry po, ako po ang kumuha ng order ni Mr.Delos Santos kanina. " nahihiyang approach ni Kayla sa akin. Bago palang siya rito, dito na rin siya nag-intern dahil sa school kung saan ako grumaduate siya kumuha ng kursong HRM. "It's okay Kayla, no one is perfect, ganyan talaga sa umpisa. " sabi ko sa kanya just to ease the burden na nararamdaman niya. Naaawa ako sa bata, nakikita ko ang sarili ko sa kanya dati.Naging katulad niya din ako dati. Na nangangapa pa sa una. Sabay kami na lumabas ng restaurant. 9pm na at sigurado akong mahihirapan itong maghanap ng masasakyan kung siya lang mag-isa. Pumara kami ng taxi,at dahil isa nalang ang pwedeng sumakay, pinauna ko nalang muna siya. Pagod man ay naglakad ako patungo sa waiting shade na madalas kong pinupuntahan kapag ganito na wala na masyadong sasakyan. Bus na ang masasakyan ko nito sigurado. Naupo muna ako habang naghihintay. Napalingon ako ng may humintong itim na kotse sa aking harapan. Kinabahan ako at napatayo bigla. "Hop in, ihahatid na kita. " nakita ko si Aaron nang mabuksan nito ang bintana.Akala ko kung ano na. Nakilala ba niya ako? "No thanks Sir. " magalang na sagot ko. Naiilang ako sa kanya. "I insist, don't worry I will not r**e you." sabi nito sabay tawa. "You're not my type anyway. " dugtong pa nito. Napatingin ako dito. Lalo lang akong nairita. Wala pa rin siyang pinagbago.Arrogant as ever. "Mas mabuti pang maglakad kesa sumakay sa kotse ng isang antipatikong tulad mo! " sigaw ko dito at nagsimula na akong maglakad. Natatawa ito habang sumusunod sa akin sa paglalakad. Lalo akong nairita ng businahan niya ako. Nakakainis! Hindi ako tumigil sa paglalakad, at sunod pa rin siya ng sunod. Bahala siya, hmmp! Wala akong nagawa kundi pagbigyan ang alok nito na paghatid sa akin nang magsimula ng umulan. Nakakainis, mukhang nakisama pa sa kanya ang panahon. Natatawa ito sa akin na sinamaan ko lang ng tingin. Paano ba naman, para akong basang sisiw sa back seat.At ang lamig ng aircon, at nanunuot ito sa kalamnan ko. Inihinto niya muna ang sasakyan. "Here. " inabot niya ang towel mula sa paper bag na nasa katabing upuan ng drivers seat.Tiningnan ko lang ito. Bago pa ito, may tag pa eh. Sabi ng utak ko. "Kunin mo na Miss Cabiltes , hindi ka naman mababasa kung sumakay ka agad eh. " sabi pa nito. Inabot ko ang towel, at inirapan ito. Habang pinupunasan ko ang aking buhok napansin kong nakatingin siya sa akin sa salamin. Agad niya itong binawi nang magtama ang aming paningin. At dahil ihahatid niya ako, mas maaga akong makakauwi sa bahay. "Thanks Mr. Delos Santos. " sabi ko nang makababa. Tatalikod na sana ako nang marinig ko siyang magsalita. "Can I have a coffee?" napalingon naman ako sa kanya. "Huh?" nag-aalinlangang tanong ko.Baka nagkamali lang ako ng dinig. "Sabi ko, baka pwede akong makikape" nakangising sagot nito. Nakangisi ito pero bakit feeling ko nagpapacute siya? Tumango nalang ako. Oo nga naman, bakit hindi ko man lang siya inalok. Besides nagmagandang loob naman itong ihatid ako. Kahit pa nakakainis siya. Pinatuloy ko ito at naupo ito sa sala. Maliit lang ang tinutuluyan kong bahay. Isang bungalow house na pinaupahan sa akin ng dati kong land lady hanggang sa ibenta niya sa akin sa murang halaga ng magmigrate ito sa Canada. Bago ako magpunta sa kusina para nagtimpla ng kape ay nagbihis muna ako ng damit dahil sa ginaw. Damit lang naman ang medyo basa. Mamaya nalang ako magbihis ng pantalon ko. Matapos magbihis as dumeretso na ako ng kusina para magtimpla ng kape. Nakita ko siyang nakatingin sa mga frame na nasa cabinet ng makabalik ako mula sa kusina. Nagulat ako nang mapansin ang frame na hawak niya ay yung picture namin ni Claire noong high school graduation . "Small world, kanina ko pa iniisip pero sinarili ko nalang, not until I see these pictures of you with Claire. " narinig kong sabi niya. "Yeah small world, coffee?" sabi ko nalang ng mawala ang namumuong tensyon. "You look different, kunsabagay it's been 10 years. " Sabi pa nito at humigop ng kape. "Hmm, masarap ha. " komento nito at naupo. Dahil lumakas pang lalo ang ulan ay hindi kaagad nakaalis si Aaron . "Gusto mo ng Snack habang naghihintay ka na tumila ang ulan?" alok ko sa kanya. Napaka-awkward kasi ng feeling na kasama ko ngayon ang lalaking napakalaki ng perwisyong ginawa sa buhay ko noong high school. "Snacks sounds good but thanks anyway. " sagot nito. Tumayo ito at tiningnan ang relo. "I think I have to go, unless you want me to spend the night with you here. " at kinindatan pa ako,nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Akala ko pa naman nagbago na kahit paano ang mokong na ito. Hindi pala, at mukhang 'di na siya magbabago pa. Ibinato ko sa kanya ang throw pillow ng sofa. Tumawa siya nang masalo niya ito. "Remember, you're not my type." sabi nito at ibinalik ng bato ang pillow sa akin. Tumawa ito ng matamaan niya ako sa mukha. "Get out!" sigaw ko. Nakakainis talaga ang lalaking ito. "Hey, manners nakita mo ba kung gaano kalakas ang ulan." sabi pa nitong sumilip sa bintana. "I don't care, bastos ka talaga. " napaupo nalang ako sa sofa sa inis. Naiinis talaga ako sa lalaking ito. Bakit ba naman kase nagkita kami ngayong araw na ito? "Mapagbiro talaga ang tadhana ano?" tanong niya sa akin. Napalingon ako sa kanya. This time seryoso naman siya. "Imagine, after 10 years nagkita ulit tayo. " bumalik siya sa pagkakaupo sa sofa. "Siguro isinumpa mo ako noon noh?" dugtong pa nito. Umirap ako sa kanya. "Buti alam mo. " sagot ko sa kanya. "Believe me Theressa , I want to stop it kaya lang pinahiya mo ako eh. " sabi nito at lumingon ako sa kanya. "Stop it!" umingos ako sa kanya. "Yeah and pigs can fly Aaron , hindi kayo tumigil ng barkada mo remember? " sabi ko pa sa kanya. Naalala ko tuloy na nasuspend ito ng na-ospital ako dahil sa palakang inilagay nila sa locker ko. "That frog is not my idea" sabi nito na para bang nabasa niya ang nasa isip ko. Napabuntong hininga ito. "That was Ryan's idea, pero dahil ako ang leader ng barkada, ako nalang ang umako. I can't take na masuspend siya and worst matanggalan pa siya ng scholarship niya sa school. " dugtong pa nito. Napalingon ako sa rebelasyon niyang iyon. And it's look like he's telling the truth. Well, is he? After ng gabing iyon, di na kami ulit nagkita ni Aaron . Though sometimes nakikita ko siyang may ka - meeting sa restaurant ko. Ang dami namang maganda at malaking restaurant bakit sa akin dito? Pero as I promised to him, mas pinagbutihan pa namin ang serbisyo sa restaurant . "Yanna, is it okay na ikaw na muna bahala this weekend? May activity kasi kaming magkakabatch eh. Alam mo na." sabi ko sa assistant ko habang kumakain kami. "Okay po no problem, thanks sa tiwala." sagot nito. "Talaga? Salamat ha." nayakap ko siyang bigla. "Alam mo Theressa , sometimes you need to treat yourself and enjoy. Hindi tamang kadalaga mong tao ay subsob ka sa trabaho. Enjoy-enjoy din pag may time ha? " sabi pa nito matapos ko siyang yakapin at tinapik ang balikat ko. Nag-thumbs up lang ako sa kanya at ngumiti. Sa totoo lang excited talaga ako. Ito yung first time na makakapagrelax ako at the same time may event kaming magkakabatch sa isang resort. Umaga ang activities then sa gabi bahala na kami. Salamat sa may-ari ng resort. Teka sino nga bang may-ari ng resort na ito? Sila nila Claire ang naka-assign sa kitchen. May kanya-kanya silang toka. Sila Matthew, Ryan at Precy ang sa games ng mga bata. "Hmm, I smell something delicious. " sabi ni Matthew at nangulit sa nobya. "Uy, baka langgamin kayo niyan. " biro ko habang inaayos sa pagsalansan ang mga sandwich sa tray. "Ako na ang magdadala niyan. " napalingon ako nang makita ko si Aaron . Fresh looking sa kanyang Hawaiian polo at summer shorts. Ipinaubaya ko sa kanya ang tray na may lamang sandwiches. "I'd better go, baka hanapin ako ng iba nating kasamahan. " pagpapaalam ni Matthew at humalik sa nobya. Natawa nalang kami ni Claire. Mayroong 50 high school students kaming kasama sa resort. Ipinagpaalam pa namin ang mga ito sa mga magulang nila. Nagpledge kami na magbibigay ng tig-2000 na allowance para sa bawat isa at itong treat sa kanila for making their best sa kabila ng kahirapan. Bawat isa sa amin ay nangako na tutulong sa bawat isa. Sobrang mahal namin ang aming paaralan, and it's time to payback. TBC...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD