Kung sino ang sumundo, sila rin ang naghatid sa mga bata. Pero bago sila umuwi ng hapon na iyon, may pahabol pang blessings kami na ibinihay sa kanila. May grocery items sila na worth 500 pesos. Ang saya-sayang pagmasdan ang tuwa sa kanilang mga mukha.
"Sigurado akong nag-enjoy ang mga high school students. " nakangiting sabi ko kay Claire habang pinagmamasdan ang mga pictures na kuha ni Charles , ang aming photographer.
"Pero mukhang nag-enjoy ang mga mokong. " natatawang saad
niya at tinuro ang grupo nila Aaron na nakikipaglaro sa ilang high school boys nanatira ng basketball.May mga nagpaiwan saglit at malapit lang ang bahay sa resort.
"Oo nga. " natatawang pagsang-ayon ko. Napailing nalang ako sa pinag - gagawa nila.
"Guys tara na, nagsimula na ang bonfire. " yaya ni Mike. Agad naman kaming sumunod sa kanya. Halos naroon na ang lahat. May kanya-kanyang partner samantalang ako wala.
Umupo ako sa 'di kalayuan, pinagmamasdan ko lang sina Claire at Matthew na nag-aasaran. Natawa ako ng makitang mukhang napikon na si Claire .
"Alone?" napalingon ako at nakita si Aaron na may dalang drinks. Inabot niya ang isa sa akin at kinuha ko naman ito.
"Ang lamig no?" sabi pa niya nang mapansing niyakap ko ang aking sarili .
Tumango lang ako, maya-maya'y naramdaman kong may malaking scarf na bumalabal sa akin.
Si Aaron pala ang naglagay noon. Napatingin ako sa kanya,ngumiti lang siya at uminom ng dala niyang wine.
"Want some?" alok niya, umiiling lang ako at natawa naman siya.
"Don't worry, hindi kita lalasingin." sabi niya.
"You're not my type. " ako na ang nagdugtong. Sabay tawa.
Napansin kong sumeryoso siya dahil doon pero wala namang na siyang ibang sinabi pa.
Nagkayayaang maglaro ng truth or dare. Hindi dapat ako sasali pero ayokong matawag na KJ. Nananalangin akong hindi sa akin tumigil ang bote, pero sa kasamaang palad, ako talaga ang naturo. Kinabahan tuloy ako.
" Okay, Truth or Dare. " tanong ni Missy.
"Dare nalang." huli na para mabawi ko pa ang sinabi ko. Nagpalakpakan ang lahat at sumipol ang ibang lalaki.
"Bawal ang KJ ha..." narinig kong sigaw ng karamihan.
"Kiss mo si..." hindi pa man natapos ay nagvolunteer na si Aaron .
Nanlaki ang mga mata ko. Naiinis ako sa ginawa niya. Ang lakas talaga ng trip ng mokong na ito.
Hindi ko inaasahang magbo-volunteer siya. Mukhang mapapasubo pa ako nito. Tumingin ako kay Claire at sumenyas pa ito ng ok.
"Kiss him!"
"Kiss him!" sabay-sabay na sabi ng mga kasamahan namin. Parang nang-aasar pa si Aaron nang bumaling ako sa kanya.
Ngumisi ito at itinuro ang labi niya.
Umiling-iling ako,pero I have to do this. Sa pisngi ko lamang balak humalik sa kanya.
Ngunit bago pa man ay kinabig na ako ni Aaron sa batok.
Naglapat ang aming mga labi. Tila may boltahe ng kuryente na dumaloy sa aking katawan.
Sandali lang ang halik pero parang magkalapat parin ang aming mga labi ng maghiwalay kami. Hinawakan ko ang aking labi, hiyawan naman ang lahat ng makitang sumenyas si Aaron at nagthumbs up pa. Muling pinaikot ang bote. This time kay Aaron naman tumapat.
"Truth or Dare. " nakangisingtanong ni Matthew. At parang may iba sa ngising 'yon.
"Truth. " sagot nito.
"Anong gusto mong sabihin kay Theressa ?" si Matthew ulit . Napalingon ako sa aking katabi.
"I want you Theressa. " seryosong pabulong na saad nito. Ngumiti lang ako.
Akala ko ba you're not my type? sigaw ng utak ko. Asaran na naman ang namayani sa amin. Para kaming mga bata, like those high school students kanina. Ilan pang truth or dare ang nilaro bago paunti-unti ay nagpaalam na ang mga kasama namin.
Sumama si Claire kay Matthew sa cottage na tinutuluyan nito. Pabalik na ako ng cottage ng tawagin ako ni Aaron .
"Matutulog kana ba?" tanong nito.
"Siyempre, di naman pwedeng bantayan ko ang mga lovers. " sagot ko dito.
"Tara samahan na kita. " sabay akbay sa akin at nagtungo kami sa cottage. Feeling close ang isang 'to ah.
"Aaron , I don't think it's a good idea na nandito ka sa kwarto na ito. " pagkuway sabi ko sa kanya ng makarating sa cottage na tutuluyan ko. Naupo siya sa kawayang sofa.
"Go and sleep, dito nalang ako sa upuan. " saad nito at pumuwesto na ng higa. Pilit na pinagkasya ang kanyang sarili sa sa upuan.
Napabuntong-hininga akong iniwan siya doon.
Pumasok ako sa kwarto at kinuha ang extra pillow at blanket. Ibinigay ko ito sa kanya,tinanggap naman niya ito at sumenyas na pumasok na nga ako sa loob.
Dahil may tama na rin ako minabuti kong magpahinga na rin. Inilapat ko ang pagod at medyo tipsy kong katawan sa malambot na kama. Ok kaya siya roon?
Naalimpungatan ako sa lakas ng hanging dumadampi sa aking mukha. Lalong lumamig dahil sa ulan. Naalala ko si Aaron sa labas. Dahan-dahan akong lumabas at nakita ko siyang nakabaluktot na nang higa. Mukhang lamig na lamig na siya . Bakit ba kasi laging umuulan kapag magkasama kami?
Lumapit ako sa kanya, at napansin kong mahimbing naman ang tulog niya. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Kahawig niya talaga si Ian Veneracion.
No wonder, marami ang nagkakacrush sa kanya noong high school palang kami. Lalo na kapag naglalaro sila ng basketball o kaya nagpapractice ng baseball. Humihiyaw ang mga girls noon at kapag naman exam week hindi ito nagpapahuli sa top ng kanilang class.
Arogante at antipatiko nga lang. Natawa ako sa isiping iyon. Ang dami ko palang alam tungkol sa kanya. Nagulat ako ng gumalaw siyang bigla.Nataranta ako at sa kakamadadali na hindi niya ako makita ay nabunggo ko ang mesa.
"Ouch!" pinipilit kong hindi makalikha ng ingay. Napaupo ako sa sahig. Ang sakit ng tuhod ko. Lalo akong kinabahan ng makita ko siyang nakaupo na sa sofa.
"What are you doing?" tanong niya nang makita akong nakaupo sa sahig.
"Hey, okay ka lang ba?" dugtong pa niya ng mapansing nakahawak ako sa tuhod.
"Yeah, I'm fine. Nabunggo ko kase ang mesa. " pag-amin ko habang hinihimas ang tuhod na nasaktan .
"And why are you here?" tanong nito habang inaalalayan akong makaupo sa sofa. Doble ang kabang nararamdaman ko. Parang may kuryente na naman kaseng dumaloy sa katawan ko ng magkalapit kaming dalawa.
" Don't worry, I'll be fine" sabi ko nalang sa kanya. Nahihiya akong tumingin sa kanya. Baka mapansin niyang 'di ako komportable sa sitwasyon namin na dalawa na magkalapit.
"I'll check kung may ice ang mini ref. " sabi niya at umalis. Sinisisi ko tuloy ang sarili ko. Bakit ka pa kase lumabas ng kwarto?
Pagbalik niya, may dala na siyang ice cubes at ibinalot sa maliit na towel at nilagyan ang parte ng tuhod kong tumama sa gilid ng mesa.
"Next time, sabihin mo sa akin kung gusto mo akong katabi sa pagtulog. " sabi nitong tila nang-aasar at nakangisi.
"Ang kapal ng mukha mo ha. " sabay irap ko.
"And care to tell me, why are you here?" tanong niyang nakangisi pa rin .
Hindi ko masagot ang tanong niya. Bakit nga ba ako nandoon? Paano ko sasabihing nag-aalala ako dahil umuulan. Bumuntong hininga nalang ako at napakagat-labi. Narinig ko siyang natawa.
"Are you trying to seduce me Theressa ?" tanong niya. Nanlalaking mga matang napatingin ako sa kanya.
" Aba'y ang kapal talaga..." sabi ko sa kanya sabay tayo.
"Seduce? My God Aaron , ni sa hinagap hindi ko naisip yan. " sabi ko sa kanya at tumalikod na.
Paalis na ako nang hilahin niya ang kamay ko.
Dahilan para ma-out balance ako at bumagsak sa katawan niya at na napahiga sa sopa.
"Aminin mo na kasi Theressa. " sabi pa niya. Hindi ako makapagsalita. Masyadong magkalapit ang mga mukha naming dalawa at naduduling ako. Napalunok nalang ako.
"Get off me. " sabi ko pero mas kinabig niya pa akong palapit sa kanya.
"Aaron please. " napapikit ako at pinipilit kong itinutulak ang dibdib niya.
Nagsisimula na akong matakot. Bagay na hindi nakaligtas sa kanyang mga mata.
"Are you still afraid of me Theressa ?" tanong niya. Tumango lang ako at iniwas ang tingin ko sa kanya. Biglang lumuwag ang pagkakahapit niya sa akin.
Pagkuway tinulungan niya akong makatayo. Napansin kong nagbago ang expression ng mukha niya. Sumeryoso siya.
"You can go back to your room now. " sabi pa nito. Bumuntong hininga na para bang nadisappoint sa kung ano.
"Sorry if I make you feel that way again. " narinig ko pang dugtong niya. Pumasok ako ng kwarto,hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Pumasok na ako at nahiga. Pero bigla akong napaupo at nagsumiksik sa gilid.
Biglang kumulog kaya napasigaw naman ako sa takot. Narinig ko ang katok sa pinto pero hindi ko binuksan. Kumulog ulit. At sumigaw din ulit ako.
Nakita ko si Aaron na pumasok sa kwarto ko. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
"Hey, are you okay?" sabi niya ng makalapit. Nakaupo ako sa sulok at nakatakip ang mga kamay sa tainga ko. Takot ako sa kulog. Bagay na hindi ko maintindihan sa sarili ko. Basta takot talaga ako sa kulog.
"Theressa , I'm here" sabi pa niya. Nanginginig ang buong katawan ko. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. Napatingin ako sa kanya.
"It's okay, I'm here. " sabi pa niya. Lalong lumakas ang ulan. Tila may bagyong paparating.
"Come on, try to get some sleep, I'll be just right here." sabi niya pa at bigla akong binuhat. Inilapag niya ako sa kama.
Binantayan niya ako na parang bata na takot na takot. Napatitig ako sa kanya at ganoon din siya. Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Takot sa kulog, o takot dahil kasama ko si Aaron.
Takot sa kanya dahil sa mga nangyari noon ma mahirap kalimutan basta-basta. Nakita ko naman na sincere ang pahingi niya ng tawad sa nangyari. Pero there's still a doubt in my heart. Matthew also apologized of what happened before, kasama niya si Ryan na humingi ng tawad.
Naiintindihan ko naman eh, ganoon talaga ang mga kabataan. Maghahanap ng libangan at nagkataon na ako iyon. Pero para sa akin hindi pa rin tama ang mag bully nang kapwa mo para sa pansariling kasiyahan. Hindi maganda na hanapin ang kasiyahan na iyon sa iba kung makakapanakit ka naman.
"You should sleep. " hinaplos nito ang aking ulo at napapikit naman ako.Binantayan niya ako hanggang sa makatulog at nakatulugan ko ang pag hum niya ng isang kanta. Kanta na ikinanta niya noon sa akin, na sampal naman ang isinukli ko. Napangiti ako at tuluyan ng nakatulog.
TBC...