"Babe" sabi niya habang nakahiga na kami sa kama at nakayakap sa akin. "Hmm,?" tugon ko dahil inaantok na ako sa kakahaplos niya sa buhok ko. "Ilan ang gusto mong maging anak natin?" tanong niya sa akin kaya napaangat ang tingin ko sa kanya. "Bakit, ilan ba ang gusto mo? " balik kong tanong sa kanya. Napangiti naman siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Alam mo naman na dalawa lang kami ni ate diba?" tanong nito sa akin, tumango naman ako sa kanya. "At only child ka lang din" patuloy nito. Tumingin na ako sa kanya. "So... I want a big family this time." dagdag pa nito. Tinitigan ko siyang mabuti, at mukhang seryoso siya. "How big? " natanong ko nalang at bumalik sa pagkakahilig sa dibdib niya. "How about one dozen?" tanong nito na nagpaangat ng ulo ko sa pagkkakahilig

