Dahil gabi na rin naman at mukhang hindi naman ito masamang tao ay naisip kong kausapin nalang ito. "Alam mo ba kung saan ko makikita ito?" tanong ko at ipinakita ang maliit na calling card ng Mama ko na ibinigay ng minsan itong dumalaw sa bahay. Ngumiti naman ito sa akin at tumango .Ang hilig ngumiti no? Nakikita tuloy ang magkabila nitong biloy sa mukha. "Address yan ng flower shop ng Mama ko. " pagkuway sabi ko dito. "What a coincidence, malapit lang ang bahay ko rito. Ihahatid na lang kita. " sabi nito sa akin . Nabuhayan naman ako ng pag-asa. "Are you sure?" tanong naman ko dito. "Yeah. " sagot nito at pumara ng taxi. Sumakay kami doon at umalis na. Tahimik lang kami habang nasa taxi.Walang kibuan at nakatingin lang din ako sa lugar na dinadaanan namin. Ang ganda talaga d

