Theressa Nagising ako ng marinig ang iyak ni baby Adam. Napaupo ako at nagkusot ng mata at nakita kong kalong na ito ni Aaron at pinapatahan. Hawak nito ang bote ng gatas. Napangiti ako habang nakatingin sa mag-ama ko.Naka-sideview ang mga ito sa akin. "Tahan na baby, baka magising si mommy. Nandito naman si Dada." kausap nito sa anak namin ng inaalis nito ang bote. Pero mayamaya naman ay tumigil na ito at dumedede na. Nakangiti akong humiga ulit at inunan ang dalawang kamay ko habang nakatingin sa kanila. Adam is 4 months now. At hindi biro ang puyat naming mag-asawa sa pag-aalaga dito. Gusto sana kumuha ni Aaron ng yaya para may katuwang daw ako kapag wala siya. Pero ang sagot ko sa kanya ay masaya naman ako sa ginagawa ko, hindi naman ako against na kumuha kami ng katuwang sa bahay.

