Napapangiti ako na nakatingin sa cellphone ko. Nagtext si Theressa at papunta na raw sila sa OB niya. I wish I could be there for them. "Ok, take care babe. I love you." reply ko at napaangat ang tingin kay dad ng tawagin ako nito. "Let's go son, papunta na raw sila."saad nito at nauna na itong nagtungo sa pinto. "Yes dad." tumayo na ako at binitbit ang bag ko at sumunod sa kanya. While on the elevator ay inaalala ko pa rin si Theressa. Her mom is not with her at tanging dalawang bodyguards lang ang kasama nito. I know I should not worry, lalo na at inaabangan na nila Adrian ang pagdating ni Amanda galing ibang bansa, para arestuhin ito. Siya ang lead suspect sa nangyaring sunog sa warehouse, na kahit walang nasaktan ay natigil ang trabaho ng mga empleyado at hindi na magagamit pa ang

