Sa kwarto niya kami matutulog ngayon. Walang masyadong gamit na kung ano-ano. Makikita lang ay may kalakihang walk-in Closet, study table, maliit na library sa corner, shoe rack at ang king size na kama. "So mahilig ka palang magbasa?" tanong ko sa kanya, nang mapansin ang maraming libro. Economics ang karamihan sa mga libro niya. Business oriented talaga. "Yeah. "sagot niya at ngumiti,namangha naman ako. Ang sa akin naman puro sa pagluluto ang mga libro ko. Natawa nalang ako sa naisip. Nauna na akong nag shower,I use his shower gel. Wala naman kasi akong dala. Mabango pa naman ito kaya siguradong magkaamoy na kami nito. Natawa na naman ako sa naiisip ko. Sa toothbrush naman ay may spare toothbrush, at iyon ang ginamit ko. At ng matapos ay nagbihis na ako ng damit na galing sa ate n

