Halos lahat ng sulok ng bahay ay may CCTV. From the gate, patio, garden, sala, kitchen, opisina niya sa bahay at library. Kulang nalang pati CR ay palagyan ni Aaron . Ang tanging walang CCTV lang ay ang masters bedroom namin. Wala naman kasing basta-basta makakapasok roon maliban sa aming dalawa at si Nana Esme. May dagdag pang security si Aaron at bodyguard just in case hindi niya ako masasamahan kapag may appointment sa OB o kaya duty ko sa resort. It's overwhelming to see a lot of bodyguards around us. Naglilibot sa buong bahay kada minuto. Daig pa namin ang president nito. "I think masyado lang tayong nag-over - react sa naging pag-uusap niyo ni Amanda, Aaron " sabi ko sa kanya ng nag-aagahan kami . Halos dalawang buwan na rin ang nakalipas nang huli siyang magkwento sa akin a

