Clever's Pov NAKAHIGA ako sa aking kama ng tumunog ang cellphone ko. Ano na naman kaya ang kailangan ng babaeng ito sa akin. Inabot ko ang aking telepono na nakapatong sa maliit na mesa. “Yes, Tanya,” wika ko ng sagutin ko ang aking aparato. "I need your help, 'di ba nasa Bacoor ka ngayon?" "Yeah, why?" Kunot-noo kong tugon. Bumangon ako mula sa aking pagkakahiga tiyaka umupo sa gilid ng kama. "Direct me to the point, will you?" Inis kong wika sa kanya sa kabilang linya. "Okay, mayroon akong i-se-send sa 'yo sa email mo, now na." Grabi kung makautos ang babaeng ito ay wagas. Kinuha ko ang aking laptop at binuksan iyon. Nakita ko naman agad ang mensahe at isang litrato ng babae na galing kay, Tanya. May tatlong question mark ako sa aking ulo. Hindi ko mabatid kung bakit niya ako p

