PROLOGUE
KINAKABAHAN akong naka tingala sa matayog na gusali. Alam kong hindi ako sigurado sa aking gagawin pero kailangan kong lakasan ang aking loob dahil alam ko sa aking sarili na malaki ang nagawa kong kasalanan sa kanya. Pero naka handa akong gawin ang lahat, mapatawad niya lamang ako.
Nagsimulang mangatog ang aking tuhod ng tumapak ako sa gusaling pag-aari niya, ngunit hindi ko na iyon pinansin pa at nagpatuloy na ako sa aking paglalakad, hanggang sa narating ko ang kinaroroonan ng elevator.
Dahan-dahan kong pinindot ang pang tatlumpong palapag na button kahit nanginginig ang aking kamay. Mahigpit naman akong naka hawak sa aking bag at humugot ng isang malalim na buntong hininga.
Paglabas ko ng elevator ay dumeretso ako sa desk ng kanyang sekretarya. "Bahala na, kakapalan ko na ang aking mukha maka hingi lamang ako ng tawad sa kanya." munting usal ko habang papalapit sa kinaroroonan ng babae.
Nang makalapit na ako ay bahagya akong ngumiti sa kanya, "goodmorning, can I talk to Mr. RA FORD?" gumanti naman siya ng ngiti sa akin, tiyaka niya ako pinasadahan ng tingin. "Just wait for a while ma'am, mayroon lamang siyang kausap."
Tumango naman ako at naghanap ng pwedeng maupuan, sa bandang dulo ako umupo upang matanaw ko ang buong siyudad.
Mga kalahating oras na akong nag aantay, ngunit bahagya akong napalingon ng bumukas ang pinto ng kanyang opisina, nakita ko ang mga naglalakihang bulto na nagsilabasan.
Kung hindi ako nagkakamali sila iyong mga kaibigan ni Randolf noong nasa kolehiyo pa lamang sila. Tumayo na ako ng sininyasan ako ng sekretarya, kinakabahan ako at nanlalambot ang aking tuhod; bahagya akong kumatok ng tatlong beses ngunit napaigtad ako ng marinig ko ang kanyang baritonong boses, "come in," aniya. Ilang segundo pa ang nakalipas bago ko pinihit ang seradura.
Nang makapasok na ako ay nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha ngunit kaagad din itong napalitan ng kakaibang ekspresiyon madilim at matalim niya akong tinititigan mula ulo hanggang paa nakita ko sa kanyang mga mata ang pandidiri at pagka muhi nito sa akin na akala mo ay mayroon akong nakakahawang sakit.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanyang mesa, mahigpit akong nakahawak sa aking bag na naka sukbit sa aking balikat. "what the hell are you doing here?" unang namutawi sa kanyang bibig na halatang iritado, "can I talk to you for a while?" garalgal kong saad, nginisihan niya lamang ako ng nakaka insulto, muli ay tinignan ako mula ulo hanggang paa at muling bumalik ang mga mata niya at tumigil ito sa bandang dibdib ko.
"What for? Get out b***h, I don't want to see your fuckin face! Get out of my building, ayaw kong pati dito ay magkakalat ka ng dumi mo!" aniya sa akin, masakit man sa aking pandinig ngunit kailangan ko itong tiisin at tanggapin lahat ng mga paratang niya.
Hindi ko naman siya masisisi kung ganyan ang tingin niya sa akin ngayon, kaya ni lakasan ko na ang aking loob at sinalubong ang kanyang matatalim na mga titig na halos bumaon na sa aking kailaliman. "Please Ran, kahit sandali lang." pakiusap ko sa kanya. "Ano ba ang dapat nating pag-usapan? Kailangan mo ba ng pera?!" mapang-uyam nitong wika sa akin. "how much," muling saad nito.
"Hindi pera ang kilangan ko, gusto ko lang humingi ng tawad sa iyo." saad ko sa mahinang boses, "bakit Isabella, natauhan kana ba sa ginawa mo?!" hindi ako sumagot, bagkus ay yumuko na lamang ako. "I'm so sorry, Ran." muli ay nag angat ako ng tingin at sinalubong ko ang kanyang kulay asul na mga mata. "Patawarin mo ako sa lahat ng mga kasalanan ko sayo, Ran."
hindi ko na napigilan ang aking mga luha, kaya naman ay hinayaan ko na lamang itong lumandas sa aking magkabilang pisngi. "Do you think, mapapatawad kita? For all you've done to me huh, Isabella!" pasigaw nitong wika, kaya marahan kong pinunasan ang aking mga luha.
"Hindi ko ginusto ang nangyari, napilitan lamang ako dahil sa aking Ina." tuloyan na akong napahikbi sa harapan niya, "Niloko mo ako Isabella at sumama sa ibang lalaki, sa tingin mo ba ay ganoon na lamang kadali ang patawarin ka? No way!" hindi na ako nahiya at lumuhod na sa kanyang harapan. "get up!" utos nito sa akin pero hindi ko siya pinakinggan at umiling lamang ako.
"Hindi ako tatayo dito hangga't hindi mo ako mapapatawad Ran." sambit ko. Tumayo siya mula sa kanyang swivel chair at mahigpit niya akong hinawakan sa aking braso at pahablot na itinayo. Tiningala ko siya at sinalubong ang kanyang mga mata.
"Ano ang dapat kong gawin, mapatawad mo lamang ako Ran." hinawakan ko siya sa kanyang braso ngunit mabilis niyang iwinaksi ang aking kamay. "Don't touch me, nandidiri ako sayo."
Napayakap na lamang ako sa aking sarili dahil napahiya ako sa kanyang ginawa, kaya tumalikod na ako at akmang lalabas na sana sa pintuan ngunit napatigil ako dahil sa kanyang sinabi. "Have s*x with me." nilingon ko siya ngunit seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin. "I want to taste your fuckin body, and how yummy the b***h like you!"
Hindi ko na siya nilingon pa at tuloy-tuloy ng lumabas sa kanyang opisina. Halos takbuhin ko na ang elevator. Alam kong mahirap. Pero gagawin ko ang lahat upang mapatawad niya.