NANG makalabas ako sa pagmamay-ari nitong building ay halos liparin ko na ang parking lot kung saan doon ko pinarada ang aking sasakyan.
Hindi ako makapaniwala sa kanyang inakto, ibang-iba siya sa Randolf na nakilala ko noon.
Pabagsak kong isinandal ang aking likod sa driver seat habang marahan na pinunasan ang mumunting butil ng luha sa aking mga mata.
Masakit para sa akin ang mga katagang namutawi sa kanyang bibig, tagos ito hanggang buto pero hindi ako susuko, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya maibalik ko lamang siya sa dati.
Pagdating ko sa bahay ng aking, Auntie Lusing ay deretso kong tinungo ang aking kwarto. Pero bago ko pa ito mabuksan ay narinig ko na ang pagtawag, ni Auntie sa aking pangalan.
"Isabella, ikaw na ba iyan, hija?" Dahan-dahan akong humarap sa kanya at binigyan siya ng matamis na ngiti. "Opo, Auntie.
Ako na po ito at kararating ko lamang." Lumapit ako sa kanya upang kunin ang kanyang kamay at dinala ito sa aking noo.
"Mabuti naman at dumating kana, kanina pa kasi kita hinihintay." wika nito, "pasensiya na po, Auntie masyado po kasing traffic."pagsisinungaling ko sa kanya.
Hindi kasi alam nang, Auntie Lusing ko na sa Maynila ang sadya ko kaya ginabi ako ng uwi. Ang buong akala niya ay sa Bacoor lamang ako naghahanap ng trabaho.
"Oh, siya, tayo na at kumain. Kanina pa ako nakaluto, ikaw lamang ang hinihintay ko." Mabilis naman akong tumalima at nagtungo sa kusina upang makahain na.
Tahimik lang kami ni Auntie, habang nasa hapag tanging ingay lamang ng kutsara at tinidor ang aking naririnig, pero napa-angat ako nang ulo ng bigla na lamang itong nagsalita.
"Kumusta na nga pala ang lakad mo, hija." matagal bago ako naka sagot dahil wala akong mahapuhap na isasagot sa aking Tiyahin.
"Ayos lang po, Auntie." mahina kong sagot na halos ako lamang ang nakakarinig, "naka hanap ka na ba ng trabaho?" naka ngiti ito habang naka tingin sa akin.
Ang totoo niyan ay mayroon naman talaga akong trabaho pero kailangan kong magsinungaling sa tiyahin ko.
Natatakot ako na baka malaman nina mama at daddy na makikipag balikan ako kay Randolf, ayaw ko ng maulit ang nangyari noon.
Hindi na ako papayag pa, at ayaw ko na rin na maulit pa ang ginawa nilang paglayo sa lalaking hanggang ngayon ay siya pa rin ang nagmamay-ari ng puso ko.
Pagkatapos naming kumain ay ako ang nag presentang mag hugas ng pinggan. Habang nag huhugas ako ay hindi nawala sa isipan ko ang kanyang mga sinasabi tungkol sa akin.
"Napakarumi ko na pala sa paningin niya," usal ko sa aking sarili. "May sinasabi ka ba, Isabella?" muntikan ko ng mabitiwan ang mangkok na hawak ko dahil sa biglaang pag sulpot ni auntie Lusing, sa aking harapan. "Wa-wala po, Auntie," pagsisinungaling ko sa kanya.
"Ano iyong narinig kong marumi?" kunot-noong tanong nito sa akin, "naku, Auntie. Mali po kayo ng dinig. Kako itong mangkok ay marumi." wika ko sa kanya.
"Oh, siya. Bilisan mo na riyan para makapag pahinga kana." Tinangoan ko na lamang siya at muling pinagpatuloy ang aking ginagawa, "patawarin mo ako, Auntie.
Kailangan kong magsinungaling sa 'yo, alam kong maiintindihan mo rin ako pagdating ng araw." piping wika ko sa aking sarili.
Pagkatapos ng aking gawain ay pumasok na ako sa aking silid. At kaagad na tumungo sa banyo upang makapag linis na, dahil pakiramdam ko ay sobrang nanlalagkit na ang aking katawan.
Paglabas ko ng banyo ay kaagad akong nagbihis at humiga sa aking kama. Pero ilang oras na akong naka higa subalit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang isang bagay na nakapag palito sa aking isipan.
"Papayag ba ako sa gusto niya, para lamang mapatawad niya ako?" tanong ko sa aking sarili.
Nang sumunod na araw ay muli akong bumalik sa Ants building upang muling makausap si Randolf.
Ngunit nabigo ako dahil ibang lalaki ang nadatnan ko sa kanyang opisina at nagulat pa ito sa aking pagpasok marahil ay hindi niya narinig ang aking pagkatok sa pintoan.
"Yes, how may I help you?" wika nito, seryoso lamang itong naka tingin sa akin.
Dahan-dahan ko naman na isinara ang pintoan habang hindi ko naman inaalis ang mga tingin ko sa kanya.
"Na-narito ba si Randolf?" utal kong wika sa kanya, "what's your name?" diretso nitong tanong sa akin, ni wala man lang itong ka ngiti-ngiti sa labi para bang pasan nito ang mundo. "Maria Isabella Aejares," sagot ko sa kanya.
Nag angat siya ng mukha at mariin akong pinaka titigan sabay abot ng telepono sa kanyang tabi.
Mabilis naman niya itong kinulikot at inilagay sa kanyang tainga. "She's here, she's looking for you." ani ng lalaki sa kausap sa telepono sabay tingin sa akin. "Sungit naman ng lalaking 'to." wika ko sa aking isip. HALOS tatlong oras na akong naghihintay kay, Randolf ngunit tila yata ayaw mag pakita sa akin.
Basta na lamang din akong iniwan ng lalaking masungit dito sa opisina na parang tangang naka tunganga lamang ako sa kawalan.
"Ran, please. Nasaan ka na ba?" mahinang usal ko sa aking sarili habang panay ang lingon ko sa pintoang nakasara.
Nag pasya na lamang akong lumabas ng makaramdam ako ng gutom. Kaya naman ay tumayo na ako at akmang bubuksan ko na ang pinto ngunit siya namang pagbukas nito.
Napaatras naman ako ng mapagsino ang lalaking pumasok, kunot-noo niya akong tinignan mula ulo hanggang paa.
"What are you doing here?" tanong nito sa akin at nilampasan lamang ako. "Ran, gusto ko lang sanang makausap ka ng masinsinan." malamig niya akong tinapunan ng tingin at humakbang palapit sa akin, "what for, Ms. Aejares or should I say, Mrs. Vergara." napalunok ako ng sarili kong laway at nagbaba nang tingin.
"Alam ba ng asawa mo, na pinupuntahan mo ako rito?" umiling lamang ako at sinabing, "wala akong asawa, Ran dahil ikaw lamang ang gusto kong makasama." tumawa siya ng pagak dahil sa aking sinabi.
"Please. Listen to me first, Ran." wika ko sa kanya, ngunit tinitigan niya lamang ako ng maka hulogan bago muling nagsalita. "You can't fool me again, Isabella.
Sa tingin mo ba ay mapapaniwala mo akong muli sa mga kasinungalingan mo? Hindi na ako ang hampaslupang si Randolf, na nakilala mo noon." mahabang salaysay nito, kaya hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan na kumawala.
"Get out!" mariing utos nito sa akin sabay turo ng pintoang ngayon ay naka bukas. "I'm sorry, hindi ko ginusto ang iwan ka, Randolf."
Mabilis ang mga hakbang nitong lumapit sa akin, at mariin akong hinawakan sa aking braso tiyaka pabalyang itinulak palabas. "Umalis ka na, bago pa kita mapagbuhatan ng kamay," mariing wika nito.
"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako mapapatawad, Ran." turan ko sa kanya habang umiiyak.
Muli niya akong hinila papasok sa kanyang opisina, wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na kami ng kanyang mga empleyado.
"Kung gusto mong mapatawad kita, gawin mo kung ano ang gusto ko." wika nito sa akin tiyaka mariin niya akong isinandal sa pader.
Napapikit na lamang ako ng maramdaman ko ang sakit sa aking likod, subalit ipinagwalang bahala ko na lamang iyon.
"Ga-gawin ko na ang gusto mo, Ran. Pumapayag na ako sa gusto mo mapatawad mo lamang ako." mahabang salaysay ko.
"Good girl," bulong nito sa punong tainga ko, tiyaka malagkit niya akong tinitigan sa aking labi.
Ngunit bago pa niya ilapit ang kanyang mukha sa mukha ko ay bigla na lamang tumunog ang kanyang telepono.
Nakita ko siyang ngumiti nang tignan niya ang kanyang telepono, ngayon ko lang ulit siya nakitang naka ngiti. "I missed you, Love." bulong ko sa aking isip.
Pero bigla na lamang akong nakaramdam ng kirot sa aking puso ng malaman kong babae ang kanyang kausap.
"Yes, baby girl," dinig kong ani nito sa kausap, napayuko na lamang ako upang huwag siyang makita na masaya habang may kausap na iba.
Pasimply ko naman na pinunasan ang luhang tumulo sa 'king pisngi tiyaka walang imik na lumabas sa kanyang opisina. Gusto ko na lang takbuhin ang elevator upang makaalis na sa gusaling ito.
Akmang papasok na ako sa nakabukas na elevator ngunit napatigil ako sa paghakbang ng may biglang pumigil sa aking braso.
"Where do you think you're going?" tanong nito habang salubong ang kilay na nakatingin sa akin. "U-uwi na," nauutal kong saad. "Sino ang may sabi sa 'yong uuwi ka na? We're not done yet," kinabahan ako sa kanyang sinabi lalo pa' t may mapaglarong ngiting namutawi sa kanyang labi.
"Gumagabi na kasi, Ran. Baka hinahanap na ako na-,"
"Nang asawa mo?" putol nito sa nais kong sabihin.
"Sabihin mo riyan sa asawa mo na narito ka sa bahay ng kabit mo."
Nauna na itong naglakad pabalik sa kanyang opisina, samantalang ako ay naiwang nagugulohan.