CHAPTER 3

1040 Words
Randolf's POV DALAWANG taon akong under cover sa bayan ng San Diego. Kung saan doon ko nakilala ang babaeng unang itinitibok ng puso ko. Siya si Maria Isabella Aejares. Ang babaeng bumihag sa pihikan kong puso. Bilang isang secret agent ay hindi madaling magpanggap. Dahil sa kaso ng trabaho ko ay nakabaon na ang isang paa ko sa hukay. Nagpanggap ako bilang isang hamak lamang na construction worker, upang mapalapit sa aking target at magmanman sa nakapaligid sa akin. Ang bayan ng San Diego ay pinamugaran ng mga masasamang ihemplo. Nagbebenta ng mga biological weapons, at gumagawa ng mga illegal fire arms. Habang patuloy na lumilipas ang panahon ay nagkapalagayan kami ng loob ni Isabella, subalit tutol sa akin ang kanyang mga magulang. Sa mata nila ay isang hamak lamang akong constraction worker. Walang natapos at walang marating sa buhay. Ano raw ba ang ipapakain ko sa kanilang anak, bato at semento? Ngunit sa kabila ng lahat ay ipinaglaban ako ni Isabella, sa kanyang mga magulang. Nag plano na kaming magpakasal nang matapos ang mission ko ng walang nakakaalam. Subalit ramdam kong may mali sa kanya. Sa araw mismo ng aming kasal ay doon niya na tinuldokan ang lahat sa amin. She run away from me, iniwan niya akong luhaan sa aming kasal. Winasak niya ang puso ko na labis na nagmamahal sa kanya. Dinurog niya ang buo kong pagkatao. Halos sa mga panahon na iyon ay gusto ko na lamang na mawala sa mapaglarong mundo na ito. Gusto ko ng wakasan ang buhay ko dahil sa ginawa niyang pag-iwan sa akin. At ngayon, gusto niyang patawarin ko siya? Hindi ganoon kadali ang magpatawad, lalo pa't nandito pa rin ang mga sugat sa puso ko. Mariin kong naikuyom ang aking mga kamao dahil sa masakit na alaala na iniwan sa akin ni Isabella. At ngayon na nandito na uli siya, I will make her life miserable. Tulad ng ginawa niya sa akin. Sa buhay ko. Bahagya ko siyang nilingon habang nakapikit ang kanyang mga mata. Ngunit natigilan ako ng makita ko na may dumaloy na luha sa pisngi nito. Subalit hindi ko na iyon pinansin pa at muling itinuon ang aking atensiyon sa pagmamaneho. Itinigil ko ang aking sasakyan sa tapat ng lumang bahay ni Alexandra, ang kapatid ko. Nanatili muna kami ng ilang segundo sa loob ng sasakyan. Tahimik kong pinakiramdaman si Isabella, batid ko ang tensiyon sa kanyang dibdib. Alam kong hindi niya inaasahan na rito ko siya dadalhin. Bahagya niya akong nilingon at nagtatanong ang kanyang mga mata. Mataman ko naman siyang tinitigan sa mukha pababa sa kanyang mapupulang labi. "Oh, s**t," mura ko sa aking isip. Bigla namang nabuhay ang pagkatao ko ng kagatin niya ang ibabang labi nito, "baba," utos ko sa kanya. Baka hindi ako makapagpigil sa aking sarili. "Ano'ng gagawin natin dito, Ran?" Tanong nito sa akin, habang diretso ang tingin sa kaharap naming bahay. Hindi ko sinagot ang tanong niya. Humakbang ako palapit sa kanya at hinila papasok sa loob ng bahay. "Linisan mo ang buong bahay na ito. That's why we here." Hindi na siya kumibo at nagsimula nang maghanap ng panglinis. Sa makalawa na ang dating ni Alex, galing Spain. Kaya dapat lang na malinis ang kanyang bahay. Palilinisan ko na lamang itong muli kapag hindi matapos ni Isabella ngayon. "Make it fast, Isabella." Muli kong utos sa kanya, nakita ko kasi itong nakatayo habang himas ang kaliwang balikat nito. Kailangan kong maging strikto sa kanya. Ayaw kong pakitaan siya ng kabaitan oh awa. Kailangan niyang magdusa ngayon at magtiis sa gutom. Habang hinihintay na matapos si Isabella, ay muli akong sumampa sa aking sasakyan upang umidlip. Ngunit bago ko pa ipikit ang aking mga mata ay nahagip ko ang teleponong nalaglag sa upuan ng aking sasakyan. Kunot-noo ko naman itong kinuha, marahil ay kay Isabella ito. Dahil siya pa lang ang kauna-unahang babaeng nakasakay sa aking kotse. Binuhay ko ito at bumungad sa akin ang naka ngiting mukha ni Isabella, maganda pa rin ito tulad ng dati. "Ang ganda mo pa rin, Isa. Ngunit bakit ikaw pa rin? Bakit ikaw pa rin ang isinisigaw ng puso ko, kahit sobrang sakit ang ginawa mo sa akin." Madamdamin kong usal sa aking sarili. Ngunit nagulat ako ng bigla na lang tumunog ang kanyang telepono. Nag dadalawang isip pa ako kung babasahin ko ba ang mensaheng ito. "Bahala na," wika ko sa aking sarili at binuksan ang kanyang mensahe. "Ella, be careful. Hinahanap ka na nila. Natatakot ako para sa 'yo." Napakuyom ako sa aking kamao ng mabasa ko ang mensahe na nanggaling sa nag ngangalang Yanah Ysabelle. Hindi ko alam kung sino ang naghahanap kay, Isabella. Pero kailangan ko siyang protektahan, mananatili siya sa poder ko hangga't hindi ko malalaman kung sino ang mga taong naghahanap sa kanya. Muling tumunog ang hawak kong aparato at binasa ang mensahe roon. "Text me back, Ella." Hinayaan ko na lamang iyon at ibinalik ang telepono sa pinagkuhanan ko. Hindi ako mapakali sa aking nalaman, gusto kong tanungin si Isabella, tungkol dito. Pero nag dadalawang isip akong kausapin siya. Nang matanaw ko siyang papalapit sa kinalalagyan ko ay hindi ko maiwasang maawa sa kanya. Sobrang pawis na pawis ito at pagod na pagod. Mabilis naman akong bumaba at binigyan siya ng maiinom. "Are you done cleaning?" walang gana kong tanong sa kanya. Subalit tanging tango lamang ang kanya isinagot sa akin. Nababakas ko naman sa kanyang mukha ang pagod at gutom. "Ran..." Natigil ako sa aking ginagawa ng sambitin niya ang aking pangalan na tila musika sa pandinig ko. "What?" Iritabli kong turan. "I'm hu-hungry," utal nitong wika sa akin. Binuksan ko ang baggage compartment ng sasakyan ko at kumuha ng isang puting kamiseta. "Change your clothe." Sabay hagis ng kamiseta sa kanya. Mabilis naman siyang pumasok sa bahay upang magbihis. Ilang segundo na ang nakalipas ngunit wala pa ring Isabella na lumabas. Mabilis naman akong sumunod sa kanya baka tinakasan na ako ng babaeng 'yon. Padabog kong binuksan ang pinto at tumambad sa akin ang magandang tanawin na naka umbok sa harapan niya. Mabilis naman niya itong tinakpan gamit ang mga braso niya. "Lumabas ka na please," utos nito sa akin habang nanatiling naka yuko. Sinunod ko naman siya at muling bumalik sa sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD