MARIA ISABELLA'S POV LABIS ang lungkot na aking nadarama nang umalis si Randolf, iniwan na naman niya ako. Pero kailangan ko pa ba siyang balikan? Paano kong sa aking pagbalik ay naroon si Astrid, oh, ʼdi kaya ʼyung babaeng kasama niya sa mall noon. Napahilot na lamang ako sa aking sintido dahil sa naturang isipin. Hindi ko na malaman ang aking gagawin, gusto ko siyang puntahan pero mas pinili kong manatili na lamang sa bahay at baka kung ano pa ang mangyari sa aking anak. KINABUKASAN ng tanghali habang nagliligpit ako ng aming pinagkainan ay bigla na lamang tumunog ang timbre sa pinto. Nilapag ko muna ang hawak kong plato sa mesa upang puntahan ang hindi inaasahang panauhin. Subalit naunahan ako ni tiya Damiana at siya na ang kusang nagbukas ng pinto. Pero napakunot ako sa aking noo

