Isabella's Pov SA isang bakanteng upuan sa labas ng boutique ako naka-upo, habang hinihintay ko ang kaibigan kong si Dhesa, na nagsusukat sa kanyang napiling damit. Subalit ng pag-angat ko sa aking ulo ay nakita ko kaagad ang lalaking naging dahilan ng aking pagdurusa. Ibang babae na naman ang kasama n'ya at mas bata sa akin. Sa pagka-alala ko ay s'ya 'yong babaeng nasa Ants Café nagtatrabaho. Limang taon na ang nakalilipas, hindi lang pala ako ang kanyang niloloko kundi pati si Astrid na kanyang fiance. Nararamdaman ko na naman ang pagbabadya ng aking mga luha. Hindi ko s'ya kayang makita na may kasamang iba, dahil nasasaktan ako. Pakiramdam ko ay dinudurog ang aking puso ng paunti-unti. "Are you okay, mallows?" Hindi ko napansin ang paglapit ni Dhesa, nasa harapan ko na pala i

