MARIA ISABELLA'S POV PAKIRAMDAM ko ay gumaan ang aking katawan dahil nailabas ko na ang dalawang supling sa aking tiyan. Habang karga nina Dra. Cassidy at Clever ang kambal namin, ako naman ay inalalayang tumayo ni Ran. “Dadalhin pa ba natin sila sa hospital?” tanong ni Ran sa doctorang si Cassidy. “Hindi na Ran. Ako na ang bahala sa kanila. Since, ako naman ang OB niya kahit noong nasa Bacoor pa ako na-assigned. Kayang-kaya ko na ito lalo na at kasama ko si Clever, right, babe?” naka ngiting wika nito kay Ran, saka bumaling bigla kay, Clever habang may nakapaskil na mapanuksong ngiti sa kanyang mga labi. “Hu-huh?” tanging sambit ni Clever. Hindi ko inakala na magkakilala pala sila ni Ran. Ngayon ko lang din nalaman na half-brother niya si Raven. Kaya pala noong una ko pa lamang siya

