Ezekiel's Pov NAGUGULOHAN ngayon ang dalawang lalaki sa aking harapan. Nakatingin sila ng masama sa akin samantalang ako ay nakangisi lamang ng nakaloloko sa kanila. “What did you say, M-16. Do you have a half-sister?” Tumayo si Terence at lumapit sa aking kinatatayuan. Kunot na kunot ang kanyang noo na tila ba ayaw maniwala sa aking sinabi. “Yes, 9-MM but she didn't know that she have a brother.” ngumiti ako sa kanya tiyaka kinuha ang gamot ni Randolf at inabot ito sa kanya. Pero alam ko kung nasaan ngayon ang kapatid kong babae. Nasa Bacoor ito ngayon kasama si Isabella, ayon sa aking private invistegator. “Si Dhesa ba ang tinutukoy mo?” Dahan-dahan akong tumango kahit nagulat ako sa kanyang tanong ay tiningnan ko sʼya ng may pagtataka. “Paano mo s'ya naging half-sister? Magkapatid

