Chapter 20: Napatingin ulit ako sa cellphone ni Samuel. Baste calling... Nakailang tawag na ito… Emergency siguro, kaya hindi pa rin tumitigil sa pagtawag! Sa isip ko. Akma ko na sana itong dadamputin para sagutin ng may isang kamay na nauna sa akin. "Naiwan ko pala!" Nakangising sabi ni Samuel. Inirapan ko ito at inis na tiningnan. "Oo, kanina pa may tawag ng tawag sayo!" Mataray na sagot ko sa kanya . "Sorry may nakita lang akong kakilala kaya natagalan!" Tugon naman nito "Ms. Gulias, nakaready na po!" Narinig kong sabi ng isang nurse. kaya pareho kaming natigilan at sabay na napalingon sa gawi nito. Tumayo ako at lumapit sa hospital bed. "Tsk! Nakakainis talaga ang lalaking ito! Hindi mapalagay!" Narinig ko pang sabi ni Samuel. Nang lingunin ko siya ay abala ito sa pagp

