Isang buwan na ang nakalipas mula ng samahan ako ni Samuel sa ospital para magpacheck up. Mula nang araw ding iyon ay halos wala itong palya sa pagpapadala ng kung ano ano. Mga pagkain at groceries, minsan damit na para sa akin at sa baby ko. Books about sa pregnancy at parenting. Ngunit ang pinag tatakahan ko ay kung bakit lagi na lang itong may kasamang white roses. Kapag tinanong ko naman siya ay lagi niyang sinasagot na it's symbolize as friendship. Mas pinili ko namang wag na itong bigyan ng mas malalim na kahulugan. Kasalukuyan akong nakatayo sa harapan ng malaking salamin na nasa loob ng aking kwarto. Mariin kong pinagmamasdan ang aking sarili. Nakikita ko na ang unti unting pagbabago sa aking katawan. May kaunting umbok na ang aking tiyan at bahagyang lumapad na rin ang mukha ko.

