Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm ng cellphone ko. Alas singko y medya pa lang ng umaga. Wala na si Sheena sa kama, at may message sa cellphone ko na nagpapaalam na lilibot lang daw siya sandali kasama si Toni. Pupungas-pungas pa na nag-ayos ako at naligo. Nagsuot ako ng simpleng maluwag na pants at spaghetti-strapped na blouse na kulay cream at sandals. Lumabas ako ng kuwarto at dumiretso sa dalampasigan para magpahangin. Papasikat pa lang ang araw. At paniguradong tulog pa ang ibang mga kasama ko. Nang makalabas ako ay natanaw ko si Keith sa may dalampasigan, nakaupo sa buhanginan. Nakatanaw siya sa malayo. Dahil wala naman akong ibang gagawin, naglakad ako palapit sa kanya. "Lalim ng iniisip a," bati ko sa kanya bago ako sumalampak sa tabi ng kinauupuan niya. Napangiti lang

