Chapter 9

2112 Words

Inabot din ng halos isang oras ang biyahe namin papunta sa bakeshop na napili nila. Pagkahintong-pagkahinto namin sa bakeshop kung saan balak nilang um-order ng wedding cake nila ay mabilis akong bumaba. Napansin ko kasi na nakasilip si Gino sa akin sa rear-view mirror ng van. Ayoko munang makipag-usap kay Gino. Gusto ko munang pahupain 'tong tampo na nararamdaman ko. Ngunit mabilis akong nasundan ni Keith. Ngumiti lang ako nang kalabitin niya ako. Pagkatapos ay sabay kaming pumasok sa loob ng bakeshop habang nakasunod naman sa likuran namin ang iba pa naming mga kasama. "Sabi ko nga kay Kaycee, ako na lang magbe-bake," pag-uumpisa ni Keith sa usapan. "Kaso ayaw, e." "Bakit, ayaw niya ba ng gawa mo?" natatawang tanong ko. "E ako nga raw kasi 'yong best man. Kailangan kong mag-asikaso s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD