Chapter 4

1590 Words
"Is everyone ready?" Napalingon ako kay Gino nang magsalita siya mula sa likuran namin. Sheena and I was checking our luggages. Ngayong araw ang alis namin papuntang Pagudpod for the preparations of Gino's wedding. Alas singko pa lang ng umaga, medyo madilim pa. Sabi ni Gino halos kulang-kulang walo o siyam na oras ang byahe mula Makati hanggang Pagudpod. "Si Maja, 'di pa ready," nang-aasar na sabi ni Sheena. Pinandilatan ko siya. "A, hindi, okay lang ako. May hinahanap lang," sagot ko. I cleared my throat and acted normal. "Alin, 'yong pag-asa na magiging kayo? Ay naku beh, wala na 'yon, nag-disappearing act na noon pa," bulong ni Sheena. Hindi niya talaga ako tatantanan hangga't hindi niya ako naaasar. Siniko ko siya sa may bandang tagiliran. "Anong hinahanap mo 'tol? Bilisan mo at parating na raw sila Kaycee," sabi ni Gino habang nakatutok sa phone niya. "Hindi, okay na," sagot ko. Wala ako sa mood dahil buong gabi akong 'di nakatulog kakaisip sa kung anong mangyayari ngayon. To be honest, hindi ko alam kung paano ko haharapin ang fiancée ni Gino. I don't want to be harsh nor awkward around her dahil baka mahalata niya na gusto ko ang fiancé niya. And besides, I don't want Gino to notice dahil baka masira ang pagkakaibigan namin. Martir na kung martir, pero ang hirap talagang mag-move-on lalo na kung sa kaibigan mo ikaw nagkagusto. There's a fine line between friendship and romance at madalas, napagkakamalan natin na 'yong mga mumunting kilos niya ay may ibig sabihin. Turns out that we're only making ourselves hope in vain. Siguro, kug kasing dali at kasingbilis lang ng pagluluto ng adobo ang pamo-move on, e 'di sana matagal ko nang nakalimutan ang feelings ko kay Gino. "Hay, martir," bulong sa akin ni Sheena habang nakatitig kay Gino. He's busy on his phone, smiling widely while texting. We keep on hearing notification sounds from his phone. I fumbled my phone in my pocket but Sheena stopped me. "O, kakausapin mo? 'Wag na sis, e-extra ka lang." Natigilan ako. Tama naman si Sheena e. At saka baka mawirduhan si Gino na china-chat ko pa siya e magkatabi lang naman kami. And besides, fiancée niya ang kausap niya. I don't want to get in the way, because three makes a crowd. Mayamaya ay may humintong itim na van sa harapan namin. Gino placed his phone back in his pockets and excitedly went towards the van's door. Bumukas 'yon at bumaba ang isang babae na tingin ko ay mga nasa twenty-five ang edad. Nakasuot siya ng simpleng floral na sleeveless dress at nakatali ang buhok niya. She has a heart-shaped face, with thin, red lips. She kissed Gino and it felt like I was being stabbed thousand times, especially when Gino mouthed "I love you" on her ear. Napalingon siya sa akin. She screamed and squealed in joy as she rushed towards me. She then embraced me. "O my gosh, you're Maja, right? I've been dying to meet you!" excited na sabi niya. "Wow, sikat na pala ako," tipid na sagot ko habang naaasiwang ngumiti. Iniiwas ko ang mga mata ko sa kanya para 'di niya mapansin ang pamumula ng mga 'yon dahil sa kakaiyak buong magdamag. "I'm Krystal, Gino's fiancée," pakilala niya bago niya inilahad ang kamay niya. Nag-loading ang utak ko nang saglit. I don't want to shake hands with her but I also don't want to look rude and scare her off. Ano ba namang kasalanan niya sa'kin? She's Gino's happiness. I'm just a mere bystander. "Maria Sonja. Maja na lang. Ako 'yong best friend n'yang panget na 'yan," sabi ko sabay turo kay Gino. Nakipagkamay ako sa kanya. Pagkatapos, nagpakilala rin siya kay Sheena. Mayamaya ay lumabas ang driver ng van na kahawig ng fiancée ni Gino, at ipinakilala niya 'yon bilang ang Kuya Keith niya. Sa tantiya ko, kasing-edad namin si Keith. In fairness, pareho silang may itsura. Tinulungan kami ni Keith na maisakay lahat ng mga gamit ni Sheena. Marami kaming bitbit na bag dahil halos isang buwan din kami do'n. Dalawang malalaking travelling bags ang bitbit ko habang si Sheena naman ay may dalang maleta. Pagkatapos, sumakay na kaming lahat. Umupo sina Gino sa harapan, habang kami naman ni Sheena ay napiling umupo sa may likuran ng sasakyan. My head feels like exploding and my heart being stabbed. I tried to calm myself as I remembered that I still have a month to endure this. A month before Gino get married. Isinandal ko ang ulo ko sa bintana at ipinikit ang mga mata ko. Kailangan ko ng pahinga. I felt Sheena's hand on top of my leg. She mouthed "Are you alright?". Tumango lang ako pagkatapos ay bumalik ulit sa pagkakapikit. "Buksan ko 'yong radyo a?" Paalam sa amin ni Keith. I heard everyone said yes. Kunsabagay, kailangan niyang manatiling gising dahil walong oras pa ang byahe namin. "I've known you for so long you are a friend of mine, but is this all we'd ever be?" Napamulagat ako nang pumailanlang ang kanta ni Odette Quesada na "Friend of Mine". Napatingin ako kay Sheena na tatawa-tawa habang nakatingin sa akin. Ang bruha, sumabay pa sa pagkanta ng radyo. "You tell me things I never known, I shown the love you never shown. But then again when you cry I'm always at your side. You tell me 'bout the love you've had and I listen very eagerly, but deep inside you'll never see this feeling of emptiness that makes me feel sad." "Ang ganda ng kanta Maja 'no?" Inirapan ko na lang siya at bumalik sa pag-idlip. 'Di ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako sa tama ng sikat ng araw sa mukha ko. Nang mapatingin ako sa labas ng bintana ay puro palayan na sa magkabilang gilid ang dinadaanan namin. Tulog na si Sheena at Gino, habang tumutugtog pa rin ang radyo na ngayon ay may kantang pinapatugtog na 'di ko alam kung ano ang titulo. May hinahanap naman ang fiancée ni Gino sa isang malaking bag na bitbit niya. Nang mapansin niya na gising na ako, lumingon siya. "Gising ka na pala. Ayos lang ba pakiramdam mo?" mahinang tanong niya. "Nasa'n na tayo?" tanong ko habang hinihilot ang sentido ko. "Nasa may Tarlac na tayo, halos dalawang oras na ring bumibiyahe. Kani-kanina lang nakatulog si Sheena at saka si Gino." Inayos ko ang pagkakaupo ko pagkatapos ay tumitig sa labas. May mangilan-ngilan kaming mga bahay at taong nadadaanan, pero karamihan ay puro palayan. "Maja, kain ka muna," sabi ng fiancée ni Gino bago niya ako inabutan ng plastic na may lamang sandwich. Kinuha ko 'yon. 'Di naman niya siguro balak na lasunin ako, 'no? I took a huge bite on it. To be honest, it's actually good. May pipino at melted cheese sa ibabaw ang pinaghalong mayonnaise at manok. The bread is a little bit toasted, at talagang masarap siya. "Ang sarap a! Ikaw ba gumawa nito?" sabi ko. Ngumiti siya. "Oo, alam mo na, nag-aaral akog magluto. Mag-aasawa na ako e. At saka favorite kasi ni Gino 'yan kaya sinubukan kong gawin." Parang bumara sa lalamunan ko ang pipino nang bumalik sa alaala ko na fiancèe nga pala siya ni Gino. I know I shouldn't feel bitter or what, however I can't help it. But I don't want to ruin things between them. Sa kanya masaya si Gino, e. May magagawa ba ako? "Nice," ang tanging nasabi ko. I don't know what to say. Naalimpungatan si Gino sa pag-uusap namin. Tumuwid siya ng upo at pupungas-pungas pa nang halikan sa pisngi ang fiancée niya. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin. "Good morning 'tol." "Panget mo, may muta ka pa sa magkabilang mata o." Tatawa-tawa lang ang fiancée niya habang nakikinig sa amin mag-asaran. Nang mapagod si Gino, she gave him a sandwich. Mayamaya lang, nasa sariling mundo na naman nila silang dalawa, naghahagikhikan at nagbobolahan. I sunk on my seat, trying to divert my attention away from them. Kung puwede ko lang hampasin ng tubo si Gino, kanina ko pa ginawa. Kung puwede lang na bumalik ako sa Makati, baka kanina pa ako naglalakad pabalik. Pero hindi puwede e. I chose this path, I chose Gino's happiness over mine. I just can't. Mayamaya ay huminto kami sa isang gasolinahan para magpa-gas at makaihi at stretch na rin. Nagpunta sina Gino sa kalapit na fast food joint habang si Keith naman nagpapagasolina. I'm stuck with Sheena, ayokong maiwan sa van dahil hindi naman kami close ni Keith at ayokong maki-third wheel. Inaya ko siya na magpunta sa banyo. Nang makapasok ako sa cubicle, 'di ko na napigilan at tuloy-tuloy na ang pagdaloy ng mga luha mula sa mga mata ko, parang walang katapusan. Sheena stood behind the cubicle door, listening. "O 'di ba, sinabi ko na sa'yo na mangyayari 'to? 'Di ka nakinig e. O ayan, i-enjoy mo ang byahe. Pinili mo 'yan e. Tapos ngayon, ngangawa-ngawa ka." Lumabas ako ng cubicle habang pinupunasan ang mga luha ko gamit ang tissue na iniabot sa akin ni Sheena. Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala sa akin. "O ano, kaya mo pa? Puwede pa naman tayong umuw—" Ngumiti lang ako. "Kakayanin. And'yan na e. May magagawa pa ba ako?" Nagpatiuna akong bumalik sa van at nagtalukbong ng jacket sa ulo ko sa tabi ng bintana. I have to rest now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD