[13] The Shindig

4896 Words
ROSELLA'S POV Dumating na ang pinakahihintay nilang lahat. Tinignan ko ang alarm clock ko, 7:05 it says. Ang aga pa pala. Kadalasan ay mga 9 am ako gumigising kapag weekends. Siguro, excited rin itong katawan ko katulad ng iba. Kinuha ko na ang tuwalya ko at pumasok sa cr saka naligo. Habang naliligo ay hindi ko maiwasang maisip ang nangyari kahapon. Totoo ba talagang nangyari iyon? Ayaw kasi magsink-in sa utak ko ang eksenang nakita ng dalawang mata ko. Those people. I saw nothing in their eyes. As in literally, I didn't see anything in their eyes. Hindi ako makapaniwala. Sila ang pinaka-unang tao na hindi ko nakita ang kamatayan nila. Pakiramdam ko ay isang ordinaryong tao lang ako nung nakaharap ko sila. It's like, their eyes are covered with pure darkness— I only see pitch black. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon. Nagpapatawa ba si tadhana? I can't imagine if their would be— ugh! Umiling-iling ako. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari ngayon. So much weird and strange things are slowly happening in my life. Noon pa man ay yun lang palagi ang iniisip ko, kahit hanggang ngayon. And I really can't imagine kung isang araw ay mangyayari ang kinatatakutan ko. And that... guy. He saved me. He saved my life. Akala ko nga ay isa rin siya sa mga kasama nila pero hindi, mali ako. Bigla naman pumasok sa isip ko ang sinabi niya sakin kahapon. "Be careful next time because I'm not always there to save you." Ayun, tumakbo siya agad na parang takot na takot malaman ang pagkatao niya. Who ever that guy was, I'm very thankful to him. Siguro kung wala siya nung mga oras na yun ay sigurado akong wala ako ngayon sa bahay. I know they're going about to do who-knows-what on me. I have some strength in me but when the moment those person stood there in front of me, it's like they drained my courage and strength against fighting them. I can't really explain that feeling I felt that time. Hindi ko na rin alam kung paano ipaliwanag ang lahat ng pangyayaring iyon. Agad kong pinatay ang shower at pinalupot ang tuwalya sa katawan. Kumuha ulit ako ng maliit na towel at pinahiran ang basang-basa kong buhok. Pumunta ako sa tokador ko at nagbihis. Tumingin ako sa kabilang kama, malinis na ang higaan niya. Gising na yata siya. Nang biglang nakarinig ako na parang may nagpiprito. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas ako at tinungo ang kusina, there I saw her cooking two sunny side up eggs. Sa sink ay may nakita akong bowl na puno ng kanin na sa tingin ko ay gagawin niyang fried rice. "Hmmm?" Naramdaman niya siguro ang presensya ko kaya lumingon siya sakin. "Good morning." Bati niya kaya bumati ako pabalik. "Morning," "You're early today," sabi niya at kinuha ang dalawang itlog mula sa kawali. "Mmmm, may sasabihin sana ako sayo." Sabi ko at narinig ko mula sa sala ang pagtahol ni Spot. Paglingon ko ay nandito na siya sa kusina. Masaya siya ngayon, his tail is wiggling. "Awww haha! Hi cutie Spot!" ibinaba muna ni ate ang hawak niyang spatula at binuhat si Spot. Dahil dakilang paladila ang tuta ay dinilaan niya si ate sa kamay. "Ihhhh! Ang sweet talaga ng asong ito." "Ako na," sabi ko at pumalit kami ng pwesto. Kinuha ko ang spatula at sinunod na niluto ang kanin habang siya ay nanggigigil na nilalaro si Spot. "Ano nga pala ang sasabihin mo sakin?" kumuha ako ng iodize salt at naglagay ng kaunti sa niluluto ko. "My classmate is having a party," binaba na niya si Spot. "Party?" "A birthday party to be exact but he wanted it to a shindig." "Kailan ba 'yan?" "Mamayang hapon, 6 pm." Pagkatapos kong lutuin ang fried rice ay nilagay ko ito pabalik sa bowl. Nagprepare na rin ako ng mga pinggan at kubyertos para sa breakfast namin. Magsasalita na sana siya nang may biglang kumatok sa pinto. Narinig ko rin ang pagtahol ni Spot. "Coming!" Umalis siya sa harapan ko at narinig ko ang pagbukas ng pinto. "Hi ate Riley!" Napatigil ako sa pagprepare ng almusal namin nang marinig ko ang boses niya. Anong ginagawa niya dito? "Kylie. Grabe ah, ang tagal mo nang hindi pumupunta dito." Rinig kong sabi ni ate. "Madami kasing schoolworks eh kaya wala na akong oras na makapgbisita dito." Iniwan ko muna ang lamesa at sumandal sa frame ng pader na nagsisilbing daanan papunta sa kusina. Nakita kong may dala siyang tray at sa ibabaw nito ay may bowl. "Ahh ganon ba? Ay teka, ano nga pala 'yang dala mo?" "Pinapabigay ni ate," "Wow! Adobong manok. Hala ka, shems. Alam na alam talaga ng ate mo ang paborito ko. Hahaha!" "Shempre naman, kayo pa. Malakas kayo sa kanya eh." "Ate, akin na yan." Kinuha ko ang tray mula sa kanya. "Ate Rile, pwede bang sumama si Rosella mamaya?" "Ahh, yung party ng kaklase niyo?" "Yun nga. Inimbita niya kasi kami lahat, sana pabigyan niyo si Rosella." "Sure, sure! Hindi ko ipagkakait itong okasyon na ito sa inyo." "Yes! Thank you ate! Uhm Rosella," marahan kong inilingon ang ulo ko sa kanya. "A-ah ano, tungkol ito mamaya, s-sabi ni Eros ay sa coffee shop daw tayo magkikita lahat, 5:30 ng hapon." "Okay sige. Salamat." Sabi ko at tinalikuran na siya. Ugh! Why am I so scared to face her? Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak-hawak itong tray na dala ko. Bumalik ako sa kusina at pinatong ang ulam sa lamesa habang pinapakinggan sila. "Sorry sa kanya Kylie ah? Ganyan na talaga siya nung... alam mo na." "Okay lang, nakasanayan ko na rin ang kagawian niya sa school." "Haaay nako. Siya sige ah, salamat ulit sa binigay na ulam ni Kelizen." "Welcome ate Riley. Mauna na ako." Kasabay no'n ang rinig kong pagsira ng pinto. Umupo na ako sa silya at nagsimulang kumain. Umupo na rin siya pero hindi niya pa ginagalaw ang pagkain niya. I saw in peripheral vision that she's just staring at me, with those worrying eyes. Siguro ang iniisip niya ay ang tungkol sa amin ni Kylie. Iniisip niya siguro kung bakit hindi pa rin kami bati. Well, bati naman kami, its just— hindi ko lang siya minsan pinapansin. Hindi naman kami kaaway o ano. Hindi naman kasi siya dito ang problema kundi ako. Nang pumatak ang 5:15 pm ay nagbihis na ako. Nagdala ako ng purse para do'n ilagay ang wallet at phone ko. I combed my black, straight hair na hanggang shoulder level ang haba na akala mo ay rebonded sa sobrang nipis. Lumabas na ako sa kwarto ko at nagpaalam na kay ate. "Mag-iingat ka do'n. Ngayon ka nalang ulit kaya dumalo sa isang bonggang party." "I will," "Anong oras ka pala babalik? Nasa iyo na ba ang duplicate key ng apartment natin?" "Yeah, inside my pocket. Siguro kung anong oras rin sila aalis." "Be careful okay? Wag masyadong uminom ng alak." Sabi niya at tinuro ako na may pagbabanta. Tinaas ko naman ang kanang kamay ko. "No liquors or any beverages that can cause me to be drunk. Alis na 'ko." "Sige, mag-ingat ka okay?" she hugged me and I hugged her back. I smiled, her hug was always been the warmest. Kumawala na ako dahil parang ayaw niya yatang akong pakawalan. "Mag-ingat ka hah?" "Yeah, yeah I know. Ilang beses mo na yan sinabi." "Because I'm your sister." Tumango nalang ako at umalis. Habang naglalakad ako sa hallway ay narinig ko pa ang pabahol niyang 'mag-ingat ka!' kaya kumaway ako ng patalikod. Nagcommute ako papunta sa sinasabi nilang meet up place namin which the sa isang coffee shop. Nang huminto ang jeep na sinasakyan ko ay saktong may nakita akong isang coffee shop kaya agad akong bumaba dahil nakabayad naman na ako. Pumasok ako sa coffee shop at sa kasamaang palad ay ako ang pinaka-unang dumating sa kanila. Wala akong may nakita ni anino nila. Gawa sa glass-crystal ang nagsisilbing pader ng coffee shop na ito at malapit dito ang parking area nila kaya kung darating man sila ay tanaw na tanaw ko mula dito. Pagpasok ko ay nag-order ako ng isang iced coffee at isang slice ng chocolate cake. Umupo ako malapit sa bintana. Iinumin ko na sana ang kape ko nang narinig ko ang pagring at vibrate ng cell ko kaya tinignan ko ito. Nakita kong may nagmessage sakin kaya binuksan ko agad ito. Saturday, today From: +63902....... Yow Ro! 'Dyan ka na ba? 5:36 pm Agad akong nagtaka kung sino ang nagtext sakin. Pero pamilyar ang nickname na tinawag niya sakon. Ulit ay nag nagtext ito sa akin. From: +63902....... Si Eros nga pla to hahah! Kuha ko no. mo kay Kylie 5:37 pm Akala ko kung sino eh wala naman akong naalala na binigay ko ang number ko kahit kanino. I typed 'yes, I'm here' and send it to him. Kaka-off ko lang ng cell ko nang nagring na naman ulit ito. Hula ko ay si Mev pa rin ito. Pagbukas ko ng cell ay pinindot ko kaagad ang message niya. Bumungad sakin ang pangalang ni Kylie pagbukas ko ng message. Saturday, today From: Kylie my labs <3 Hey, r u there yet? 5:40 pm Halos ilang minuto kong tinitigan ang message niya. Tinitigan ko ang nickname na lumalabas sa registered name niya. Oo nga pala, noon pa pala ay may number na ako sa kanya. Nakalimutan ko, I'm really a bad friend. Pati number niya lang ay nakalimutan ko. To: Kylie my labs <3 Ya, I'm here Sent Hindi ko alam kung ilang segundo ang lumipas pero agad akong may nakuhang text mula sa kanya. From: Kylie my labs <3 Hlaaaaa talaga?! May kasama ka? To: Kylie my labs <3 Ako palng From: Kylie my labs <3 Cge² wait moko jan After that, I didn't reply back. Ininom ko na ang kapeng naudlok kong inumin kanina. Nakayuko lang ako habang nakatingin sa kapeng umuusok sa init. Iniisip ang nangyari kahapon. Hindi ko ito sinabi kay ate at wala akong balak na sabihin sa kanya ito. Alam ko kasing mag-aalala lang siya. Baka nga ireport pa niya ito sa pulis at ipapahanap ang dalawang taong tinangka akong kunin. I wonder, did they knew that I have this. Hindi na ako nagtagal sa eskinita at binuhat na ang karton. Dahil nakabukas ang ibabaw ng karton ay hindi niya maiwasang mailuwa ang kalahating katawan niya para tignan ang paligid. Habang naglalakad ay may humarang na tao sa harap ko. Puro itim ang suot niya at tinatakpan ng kulay itim na mask ang mukha niya. His eyes are like daggers, sobrang nananlilisik na parang kahit anong oras ay handa itong sugurin ako. Dahan-dahan akong umatras at siya naman ay unti-unting lumalapit sakin. Masama ang kutob ko. Ang bilis na ng kabog ng dibdib ko. Atras lang ng atras ang ginawa ko. Hanggang sa akala ko ay pader ang nasa likod ko pero hindi. Paglingon ko ay isang matangkad na babae. "Hi, little girl." I suddenly felt a creepy tingling in my nape after she said that. Nagulat ako nung may naramdaman nalang akong hinawakan ang braso ko pero hindi ito marahas. "You're coming with us," sabi ng lalaki na ngayon ay katabi ko na. Dahil sobrang lapit niya ay hindi ko sadyang mapatingin sa walang emosyon niyang mga mata. Hindi ko alam kung totoo ba itong nakikita ko. Wala akong may nakita. Hindi ko nakita ang kamatayan niya. Mas lalo akong nakipagkompitensya sa kanya. Mata sa mata pero wala talaga. Wala akong may nakikita sa mga mata niya. Tumawa ng mala-demonyo ang babae dahilan ng paglingon ko sa kanya. There, our eyes met. I also saw nothing to her eyes. W-what? What is happening to me? Ba't hindi ko nakikita ang mga kamatayan nila? "A-anong gagawin n-niyo sakin?" "Oh, it's a secret a darling. You will know it after we arrive to that place." We? Sinong nagsabi na sasama ako sa kanila? Nagsimula akong pumilit na kumawala sa hawak ng lalaki pero tinulungan ito ng kasama niya. Sa isang kurap ko lang ay biglang may isang itim na van na sa harap namin. "Pakawalan niyo ko!" Dahil sa sobrang pagwawala ko sa paghahawak nila sakin ay nahulog ko ang kahon. "Sasama ka o papatayin kita?" mas hinigpitan niya ang paghawak sa braso ko kaya napangiwi ako sa sakit. "Cut that out already," "I'll do everything what it takes just to make this weakling come with us." Halatang inis na siya nang sinabi niya ito sa kasama niya. Pinipilit ko pa rin pumiglas sa paghahawak nila sakin kahit na nasasaktan na 'ko. Hindi ako titigil hangga't hindi ako makawala sa paghahawak nila sakin. Ipapasok na sana nila ako sa loob ng van nang huminto ang lalaki. "Wait," he started smelling the place. Alam ko yun dahil gumagalaw ang ilong niya sa loob ng suot niyang mask. "Bakit ba?" "I smell something weird," "Maybe it's 007, sinabi niya satin kanina na susunod siya dito diba?" "No, it's not 007. This is not his scent." What? Gaano siya kasigurado na hindi nga ito ang tinutukoy ng babae? Paano niya naman nalaman na hindi nga ito ang tinutukoy nilang 007? Ang talas naman ng pang-amoy nito kung ganon. "What?!" inis na sigaw ng babae na halos mapatalon ako. "I smell trouble," sabi niya sabay lingon sa kanan kaya lumingon rin ako. Sa isang iglap ay may lalaking nakaitim ang bumulaga sa harap namin. Kalahati rin ng mukha ang hindi ko makita, natatakpan ng isang kulay itim na mask. "The Anonymous," bulong nung lalaki. "You again?" sambit ng babae. I heard a small tapping of nails on the road. There I saw Spot running towards us, angry barking at these people beside me. Hindi na ako nagulat nung sinimulan kagatin ni Spot ang paanan ng babae at naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak niya sakin. "Arrgggg! Get off of me you shitty dog!" bigla ako nakaramdam ng inis nang sinipa-sipa niya lang si Spot na parang isang basura at walang silbi. So I took the chance to escape. Siniko ko ng higit sa makakaya ko ang tyan ng lalaki kaya't naging dahilan nito ang pagyuko at agad kong kinuha si Spot. Hindi ako nag-alinlangan na lumayo sa kanila. "Don't let her escape!" sigaw nung babae at may lumabas na tatlong lalaking nakaitim rin mula sa van. Tumakbo ako papalayo sa kanila but I didn't hear their footsteps running and chasing after me. Lumingon ako at nakita nalang na nakikipag-away ang lalaking bagong dating kanina sa tatlong kaaway. Agad akong napahinto at tinignan sila. Wait, hindi nila yan kasama? Halos sumigaw ako nang naglabas ng isang matalim na dagger ang lalaki at sinaksak ito sa isa sa mga kaaway niya. Nanlaki ang mga mata ko sa sumunod na nangyari. Hindi ko alam kung nagfa-function pa ba ng maayos ang mata ko. Hindi ko rin alam kung ilusyon lang ba ang nakita ko. I saw him, thrusting the dagger to his enemy. After that, he then vanished. Yes, the guy who he thrust with his dagger was just suddenly vanished into thin air, like magic. Ganon rin ang ginawa niya sa dalawa pang natira at katulad nang unang sinaksak niya ay nawala rin ito na parang hangin. Tinago na ng lalaki ang hawak niyang dagger at tumingin sa direksyon ko. Napaatras naman ako nang dumako ang atensyon niya sakin. Karga-karga ko pa rin si Spot at hindi nabibitawan kahit na naginginig ang mga kamay ko. Si Spot naman ay tinatahulan niya ito. Lalapit na sana siya sakin nang natanaw kong may tinapon na kung anong bagay ang babae papunta sa kanya. "Look out!" sigaw ko at agad siyang umaksyon. Umiwas nga siya pero dumaan pa rin ang bagay na tinapon ng babae sa kanya at nagkasugat ang kaliwang braso niya. Agad niya naman itong tinakpan, pinipigilan ang paglabas ng dugo. Humigpit ang hawak ko kay Spot. "Hahaha! Thanks for the blood fella!" the evil-looking girl said. I just realized na isang boomerang pala ang tinaboy ng babae sa kanya. Isang boomerang na gawa sa metal at sobrang talim nito na naging bunga ang paglitaw ng sugat ng lalaki sa braso niya. Dali-dali pumasok ang dalawang at iniwan kami. Pinagmasdan ko lang paglayo ng van na sinakyan nila. Bakit nila ito ginawa? Bakit gusto nila akong dakpin? Anong gagawin nila sakin? Napunta ang mga mata ko sa lalaki. Nasa van pa rin ang tingin niya habang nakahawak sa kaliwang braso niyang natamaan ng boomerang. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, walang ingay na binubuo but I failed. Naramdaman siya siguro ang presensya ko kaya agad siyang lumingon at lumayo. "Be careful next time because I'm not always there to save you." Sabi niya at dali-daling tumakbo. "S-sandali lang!" hahabulin ko na siya pero nawala na siya sa paningin ko. Hindi nalang ako nag-abalang sundin siya dahil malamang ay malayo na siya sakin ngayon. Binaba ko muna si Spot at kinuha ang box niya saka siya doon nilagay. "Salamat," "Hey! Rosella!" Naputol ang pag-iisip ko nung may dalawang lalaki ang papunta sa direksyon ko. It's them, ngiting aso si Mev samantalang si Tyrone ay seryosong nakatingin lamang. Umupo sila sa harap ko. Their outfits are cool though. Semi-formal attire. "Papunta na raw si Azra dito kasama si Von." Ani Tyrone habang nakatingin sa cellphone niya. "Excited na 'ko sa party guys! Enjoy natin ito na magkakasama-sama ah?! Oy Ro, mag-enjoy ka rin ah? We're all in this together." Bilang pagsang-ayun ay tumango lang ako sa sinabi ni Mev. Napatingin ako sa kanan ko at nakita ang dalawa na papunta dito. "They're here," kumaway si Mev para makuha ang atensyon nila at hindi naman siya nabigo. May ngiting kumaway si Azra, si Von tumango lang kaya pumasok na sila sa loob ng coffee shop. Ilang minuto kaming naghintay sa iba pa naming kasama. Masaya silang nag-uusap samantalang ako ay nakikinig lang habang nakatingin sa parking lot ng coffee shop, sumasagot naman ako kapag tinatanong nila ako pero maikli lang. Hindi pa rin kasi talaga ako sanay na may kasama at may kumakausap sakin. Still adjusting myself to the people around me. Ilang sandali pa ang lumipas ay may isang dumating na. "Like duh? Wala pa si Kylie?" bungad nito samin pagdating niya. Halos lumitaw ang kaputian at ang kagandahan ni Kystella dahil sa suot niya. Isang sexy croptop ang suot niya kaya litaw na litaw ang puson at ang mala-coca cola na katawan nito. Isang maong shorts naman na pinaseran ng isang kulay asul na rubber shoes ang pang-ilalim niya. "Wala pa eh," "Psh! Sabing wag nalang siya magvolunteer eh. Late na ang bungangera." Sabi niya at umupo sa tabi ni Azra. Tumingin ako sa relos ko, oo nga 6:07 na. Unti-unti na rin dumidilim. I think, nagsisimula na ngayon ang party ni Devio. "Nah, hindi naman siguro ipapastart ni Devio ang party niya kapag hindi pa kompleto ang mga inimbitahan niya." "There she is," biglang sabi ni Tyrone kaya napatingin kami sa bintana. Dumating ang isang SUV na kulay puti at lumabas doon si Kylie. Dali-dali siyang bumaba at patakbong papunta sa coffee shop. Pagpasok niya ay tinawag nila siya at kinawayan. She sighed in relief nang makita niya kami at lumapit siya samin. "Hey guys!" "You're super duper late." Kylie rolled her eyes of what Kystella said. "Wow, thank you ah? Gandang bungad yan para sakin." "You're welcome." "At anong super duper late? 6:16 palang naman. Nagtext sakin si Dev na magsisimula daw ang party ng 7 dahil hihintayin pa daw nila ang ibang relatives niya na magpunta galing abroad. Here's the proof!" sabi ni Kylie at in-emphasise talaga ang salitang 'proof'. She unlocked her phone at pinakita ang tinext ni Devio sa kanya. Saturday, 5:53 pm From: Devio And oh, I just want you to know na nimove nila mom and dad ng 7 pm ang pagsastart ng party. We're still waiting for our few relatives from abroad to arrive. Ipaalam mo nalang ito sa iba. Thanks for understanding and thanks for greeting. Be safe kayong lahat sa pagpunta "Intindes?" She said as she emphasised her words again to Kystella. Ginawa naman ni Kystella ang nakasagawian niyang gawin— she rolled her eyes at her. Nakita kong nagtype si Kylie, replying to the text of Devio. "Edi ano pang hinihintay natin?" Nagchi-cheer silang umalis sa coffee shop. Dahil sa ginawa nila ay may ibang napapatingin samin pero dahil wala silang hiya ay hindi nila ito pinag-ukulan ng pansin at diretso lang kami ng punta sa parking lot. "Lezzgoo—" "Ouch," "Hala! Sorry Tyrone." Pagpapaumanhin ni Kylie sa hindi sadyang pagtabig niya ng braso ni Tyrone. Hinawakan naman ni Tyrone ang braso niya na namimilipit sa sakit. "Okay lang," "Napaano ba yan?" "Nahulog kasi ako kanina sa hagdanan namin." Ahh, kaya siguro suot niya ay long sleeves. "Gosh! Hindi ko alam na may pagka-clumsy ka rin pala." Ngumiti si Tyrone pero alam kong pilit ito. Alam kong namimilipit siya sa sakit. "Bro, okay ka lang ba talaga?" "Yeah, okay lang ako Iro." "Psh! Siguro kung nagpunta ka nalang kanina ng ospital para ipagamot yan." "Okay lang talaga ako, wag niyo nalang ito pansinin. Tara na, baka malate pa tayo sa birthday ni Devio." Sabi niya kaya wala na kaming magagawa at pinagpatuloy ang lakad papunta sa SUV. "Shotgun!" "Tss. You don't have to shout 'shotgun' when you see a car. At isa pa, sayo naman talaga ang van kaya malamang sa malamang ay ikaw talaga ang uupo sa shotgun." Sumimangot naman ang mukha ni Kylie sa sinabi ni Kystella. "Kontra bida mo talaga!" "Correction— kontra bidang maganda." "Aba? Inamin mo talagang kontra bida ka!" "At least maganda." "Ewww! Too much confidence will kill you, you know?" "Diba dapat love na dyan?" "Share mo lang Iro?" Nagsi-asaran sila pagpasok na pagpasok pa lang namin sa loob ng SUV. Samantalang ako ay tahimik na pumunta sa pinakalikod at doon naupo. Ayun, nagkwentuhan nalang sila. Kasama na si Kylie na parang isang desisyon niya lang ay iiwan niya na ang shotgun seat at lumipat dito. Sa paglipas ng 30 minutes ay puro kwento lang nila ang naririnig ko. Minsan ay pinapansin nila kami ni Kystella na walang ginawa kundi manahimik sa isang sulok. Habang nagkukwentuhan sila ay saktong pumasok sa isang subdivision ang SUV. Tumingin lang ako sa mga bahay na nadadaanan namin. Ilang liko pa ang ginawa nung driver bago tumigil ang van sa harap ng isang malaking bahay kaya bumaba na kami at pinagmasdan ito. Tumingin ako sa paligid. Puro malalaking bahay lang ang makikita mo dito. Ang gagrande pa ng mga exteriors ng mga bahay, exclusive na exclusive ang dating. Tila, mapagkamalan mong may nakatirang isang artista dito. Binalik ko na ulit ang tingin ko sa bahay na nasa harap namin. Pero hindi namin alam kung ano na ang mga ganap sa loob dahil sa mataas ng pader na pumapalibot sa bahay nila. Pinindot ni Tyrone ang doorbell. Ilang sandali pa ay bumukas ang gate at lumabas doon ang isang security. "Sino po sila?" "Ah, magandang gabi po manong. Ito po ba ang bahay ni Devio Castillo?" "Oo, bakit?" "We are his classmates and he invited us to attend his party." "Ahh, mga pangalan ho nila?" sabi niya at may nilabas siyang isang listahan saka tinignan yun. Pagkatapos binanggit ni Tyrone ang mga pangalan namin ay tumango-tango ang security guard. "Tuloy po kayo mga ma'am, sir." Nakangiting sambit niya at pinapasok na kami. Hinintay muna namin siya na sinarado ang gate dahil hindi namin alam kung saan ang daan papunta sa loob ng bahay ni Devio. Ang laki-laki ng bahay nila. "Dito po tayo." The security was about to lead the way when suddenly, we heard a loud and long honk of a car. Tinignan namin ito, katulad namin ay pumarada rin ito sa harap ng bahay ni Devio. Pagpatay niya ng mga lights ng sasakyan niya ay dali-dali siyang lumapit sa gate at pinindot ang doorbell. "Sandali lang po ah," tumayo lang kami doon at tinignan si manong na pabalik sa gate. "Ay ma'am! Mabuti at nandito na kayo." Rinig kong sabi ni manong at pinasok ang babae. Bumungad samin ang isang average na babae. Morena siya pero kahit ganon ay litaw pa rin ang ganda niya. "Thank you po manong Robert! Ay nga pala, nasaan na pala sina Shiana at Dev?" "Nadoon po sa garden ma'am, sandali lang po isasarado ko lang itong gate." Tumango naman ang babae. Tinignan ko siya ng maigi. May dala siyang regalo na sa tingin ko ay ibibigay niya siguro kay Devio at ang isang kamay niya naman ay may dalang puting plastic. "Hi," nakangiting bati nito samin. "Hello po," "Sino nga pala kayo?" "Mga kaklase po kami ni Devio." "Oh really? That's nice. And please, stop mentioning the 'po'. Dalawang taon lang naman ang agwat natin." "P-po? May mga inimbita rin si Devio na mga college student?" takang tanong ni Azra. "Oh, no. Just me because I'm his girlfriend." Wait, what? I didn't know Devio has a girlfriend, until now. "Bestyyyyy!!" Biglaan ay may sumigaw sa likod namin. Shiana and the college student girl hugged each other. "Buti nandito ka na!" Masayang sabi ni Shiana sabay hiwalay sa pagyayakap sa kaibigan niya. "Hi guys! Glad you could make it." Sabi niya at ngumiti ang iba samin sa kanya. Tinuon niya na ulit ang atensyon sa babaeng kaharap niya. "Hmp! Tampo ako sayo." Pagkukunwaring inis niya sabay crossed arms nito at tinalikuran ang babae. "Awww why?" "Eh kasi late ka na!" "Hahaha. I'm sorry. Pumunta pa akong Baguio just to get you this." At pinakita niya kung ano ang laman ng dala niyang plastic. Bigla naman lumiwanag ang mukha ni Shiana. "Waaaahhh! My favs!" "Soooo?" "Tsk. Sige na nga, apology accepted." "Oh guys, nandito na pala kayo. Kanina pa ba kayo dito?" Bungad ni Devio pagkakita niya samin. Kasama niya rin si... ahhh sino nga ito ulit? Ronald? Robin? Ruddy? Tss. I'm really bad at remembering name to someone I barely know. At kasama rin ang bakla nilang kasama. "Kakadating lang," sagot ni Tyrone. "Happy birthday nga pala Devio!" "Hahaha, thanks Kylie." "Yeah, thanks for inviting us." "Happy birthday, salamat sa pag-imbita." "By the way Dev. Wala kaming dalang regalo, sinabi mo yun kanina na hindi ito required." "Of course. Hindi na binabawi ni Dev ang mga sinasabi niya." "Hi hon, happy birthday." "Oh hey, hon. Haha, thank you. Mabuti nandito ka na." "Here's my gift for you." "Haaay nag-abala ka pa. Sinabi ko na sayo diba? Kahit wala ng regalo basta nandito ka." "Sana all sweet." "Now come on guys, the party will start in any minute." Aalis na sana kami nang magsalita si manong. "Ah sir Devio," "Ano yun manong Robert?" "Ang gate po kasi, nasira yata ang clung nito." "Kakaayos lang yan last week ah?" "Oo nga po eh pero nasira ulit." "Hayaan nalang dyan. Sige manong, salamat. If you need anything, nadoon lang kami garden." "Sige po sir." "Tara na guys." Naunang lumakad si Devio at kami naman ay nakasunod lang sa kanya. Dumaan kami sa harap ng mansyon ni Devio at hindi ko maiwasan na mapamangha. Habang pinagmamasdan ang malaking mansyon nila ni Devio ay may narinig akong paghulog ng isang bagay. "Shoooot!" sabi niya habang nakatingin sa mga naglalaglagan mula sa plastic na hawak niya. Nabutas yata ang plastic. Dahil nasa likod niya lang naman na ako ay tinulungan ko siyang ipulot lahat ng nahulog. Tila, bumilis bigla ang t***k ng puso ko nang maanigan ng mga mata ko ang mga bagay na nahulog sa plastic niya. W-what? What is this? Pakiramdam ko ay tumigil ang oras nang hinawakan ko ito. Napatigalgal ako. Pinakatitigan ko naman ito. Imposible. H-hindi kaya—? No. Hindi pwede. What's the meaning of this? Hindi. Nagkataon lang ito, oo tama. This is just a coincidence. "Uhhh..." kinuha niya sa kamay ko ang bagay na nahulog sa plastic niya. "Are you okay?" titingin na sana ako sa mata niya pero agad kong pinigilan ang sarili ko. Wag. Please don't. Control it. Don't let it win Rosella. Don't let the curse inside you win from your weak body. Kayanin mo. Tinignan ko mga bagay na ngayon ay hinahawakan na ng dalawang kamay niya. "Oh, do you want some?" sabay abot niya nito sakin. Imbes na umiling ako ay hindi ako sumagot at tumayo. "Rosel?" tumingin ako sa likod niya at nakita kong papalapit dito si Tyrone samin. "Sige, I'll go na. Thanks for the help by the way." Pagkatapos ay patakbo niyang sinundan sina Dev. Sinundan naman siya ng tingin ni Tyrone sabay tingin ulit sakin. Ako? Just staring at her back. Napatigalgal talaga ako sa nakita ko. Could it be? Ngayon kaya mangyayari iyon? Ngayon na ba mangyayari ang kinatatakutan ko? "Rosel, okay ka lang?" Imposible ang iniisip ko. Hindi pwede dahil— it's just not— arrrgg! Ah basta, hindi lang talaga pwedeng mangyari ang iniisip ko. Hindi pwede mangyari ang kinatatakutan. Umiling-iling ako, kinukuha ang iniisip ko. Please, mawala ka na sa isip ko. "You're not feeling well?" Umangat ng kaunti ang ulo ko sa kanya. "Huh? A-ah, hmmm— I-I mean I'm okay." "Are you sure?" I hummed in agreement. Mabilis namin silang sinundan at bumungad samin ang napakaraming tao. May mga nakaformal attire pero meron ring hindi. So, I think my greatest fear will not be a fantasy anymore.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD