[14] Death Is Roaming

4422 Words
Ilang minuto makalipas ang party ay naging masaya naman kami lahat. Puro mula sa school ang kasama namin dito. Nandito kami ngayon sa isang bilog na mesa, covering with a white table cloth. Masayang nagkukwentuhan habang kumakain ng iba't ibang mamahaling pagkain. Nakita kong tumayo na naman si Kylie habang hila-hila si Azra papunta sa parihabang mesa. Napailing nalang ako. Hindi ko alam kung nakailang beses na siyang bumalik dyan para lang makakuha ng pagkain niya. Nagulat nalang ako na may humila rin sakin patayo at papunta rin kami sa parihabang mesa. "Ikaw naman Ro eh! Ano? Titingnan mo nalang ba dyan ang mga pagkain?" Sumimangot ang mukha ko. Sa totoo lang ay ito na ang ikatlong beses kong bumalik dito at sa ikalawang pagbalik ko dito ay busog na ako. Hindi ko tinitignan ang mga pagkain, si Kylie ang tinitignan ko. Habang tinitignan ang ibang pagkain, nagbabaka sakaling may pagkain pa akong hindi nakain ng biglang nahagip ng mga mata ko ang isang babae. Mag-isa lang siya at mukhang papasok sa bahay ni Dev. Dala niya pa rin ang hawak niyang plastic kanina. Bigla ko naalala ang nangyari kanina. I have a bad feeling about this. This can't be good. Ipinatong ko ang aking pinggan sa mesa at aalis na sana nang tinawag ako ni Kylie. "Rosel? Saan ka pupunta?" "Cr," maikling sagot ko at hindi ko na inabala pa na marinig ang susunod niyang sasabihin. Susundin ko na sana ang babae nang dumaan si Dev sa harap ko na parang nagmamadali. Bibigay muna ako ng pahintulot sa kanya. Kung dire-diretso lang ako papasok sa loob ng bahay nila ay baka mapagkamalan pa akong magnanakaw. "Devio," tawag pansin ko sa kanya at hinarap niya naman na ako. "Oh, Rosella. Anything you need?" "Pwedeng maki-cr?" "Yeah sure, this way." He lead me the way inside his big mansion. Tumigil kami sa harap ng malaking two-doors sa likod ng bahay nila. "Unfortunately, I can't take you through the bathroom. May aasikasuhin pa kasi ako." "It's okay, I can handle myself." "Magtanong-tanong ka nalang dito sa maids namin. I'm very sorry Rosel." "No worries Dev." "Sige, glad that you came to my party. I'll head outside. Magtanong-tanong ka nalang dyan ah?!" sabi niya habang palayo siya sakin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Tinignan ko ang buong bahay nila. Hindi naman talaga ako magc-cr eh, ang totoo ay gusto kong sundin ang girlfriend niya pero hindi ko alam kung nasaan na siya. Where is she now? Did she went to the bathroom? Naginhawaan ko nang may nakita akong isang katulong na pababa sa hagdan na katabi ko lang. "Uhm, excuse me po." "Ano yun ija?" "Gusto ko po sanang malaman kung saan po dito ang papuntang kusina?" "Sa east wing ija. Malayo na ang narating mo." "Dito po kasi ako dinala ni Devio. Sabi niya daw ay magtanong-tanong lang ako sa mga katulong niya." "Tsk, ang batang yun. Halika, ihahatid kita sa kusina." Tuluyan na siyang bumaba sa hagdan. Nasa unahan ko lang siya habang ako ay sumusunod sa kanya. Napatigil agad siya sa paglalakad. "Naku! Nakawala si Cyzie sa dog house niya." Sambit niya bigla. Patuloy pa rin ang pagtahol ng aso. "Ija, pwede bang ikaw nalang ang pumunta doon? Ibabalik ko muna kasi Cyzie sa bahay niya." "Sige po," "Ang kailangan mo nalang ay dumiretso ka ng daan at bubungad sayo ang dining area. Pagkatapos ay kumaliwa ka, yan na ang kusina. Pasensya na talaga ija at hindi kita maihatid." "Okay lang po, kaya ko naman po mag-isa." "Sige ija, mauuna na ako." Sabi niya at tinalikuran na ako. Ako naman ay sinunod ang sinabi niya, dumiretso ako at tama nga siya. Isang dining area ang nakita ko, sa dulo nito ay may isang pintuan na papasok sa kung anong lugar. She said I have to take a left so why not? Wala naman na kasi ibang pinto dito na papunta sa kusina. Kaya ang ginawa ko ay pumasok ako sa isang pintuan na ang tanging pag-asa ko nalang. Hindi pa ako nakakapasok ng may narinig akong pagkuha ng pinggan. Nataranta ako dahil baka mom or dad o kung sinong pamilya ni Devio ang nandidito. Ito na nga ba ang sinabi ko eh, baka ito na ang oras na pagkamalan akong magnanakaw. Dahil sa taranta ko ay umalis ako sa dining area at nagtago sa pader. Sumilip ako sa loob at nakita ang hinahanap ko. She's here? Hindi ko iniexpect na dito rin pala ang punta niya. Kaya ako pumuntang kusina dahil gusto ko sanang uminom ng tubig dahil walang tubig sa labas. Puro juice, smoothies, beer beverages and other liquids that is sweet to your tongue. I saw her in the dining area, she's serving the favorite food of Shiana. N-no. This can't be. Siya? Siya pa na— how could she do that? Shiana is her friend. Ano ba ang ginawang masama ni Shiana sa kanya at gaganituhin niya ito? Pumasok ako ng dining area ng pumasok siya ulit sa isang pintuan na sa tingin ko ang loob nito ay kusina. That pouch, totoo ba talagang nakita ko yun kanina? Tinignan ko ang pagkaing inihain niya. And it hit me. That's right. Ang lamesang ito, ang lugar, ang pagkain. This is the exact same spot when I saw it in her eyes. So tama pala ako. Ngayon nga mangyayari ang nakita ko sa mga mata niya. "Ay pusa!" tumingin ako sa kanya. Nakahawak siya sa dibdib niya at may dalang orange juice. "Ikaw lang pala! Akala ko kung sino." Napatawa siya sa huling sinabi niya. A light bulb popped above my head. Some random idea that come up to my mind. Okay, here goes nothing. "Can I have some of these?" kukuha na sana ako nang bigla niya itong kinuha. "No! I-I mean hindi pwede. Hehehe, hindi pwede dahil favorite kasi ito ni S-Shiana. Baka magalit siya kapag malaman niyang may kumuha." "Hindi mo naman siguro sasabihin na may kumuha?" "No way, I mean hindi naman talaga." "So can I have at least one of those?" lalapit na sana ako sa kanya pero lumayo siya at tinago ito sa likod niya. Para siyang bata na natatakot maagawan ang pagkain niya. "I-I'm sorry, you can't." "Why?" "Paborito nga kasi ito ni Shiana eh!" hindi na ako nagulat nung sumigaw siya. And she's starting to sweat. "S-sorry, hindi talaga pwede eh." I think I scared her. Hmmm? Hindi ko naman siya tinatakot ah? How funny. Bakit naman siya matatakot? Wala naman siya sigurong dahilan na ikatakot niya? Her face looks guilty. Nagpamulsa ako. "So you're the one," "Huh? What? The one what?" psh. I hate people that they keep being innocent when they are not. I also hate the fact that, I'm also one of those people. Lahat naman tayo ay may tinatagong sekreto. At lahat ng yun ay pwede natin maging dahilan na mag-ibang tao tayo. "You're playing innocent." I franked her. Wala naman na siguro akong iba pang dahilan na pakawalan ko siya? Siguradong sigurado na ako, siya ang magiging dahilan ng pagpatay kay Shiana nung makita ko ang kamatayan niya sa mga mata niya. She laughed, frightened. "I don't know what you're talking about." Hindi makapaniwalang sabi niya. Really? Or she's just playing it safe? "Me? Trying to be innocent? Haha. As if I've done something that it will make me guilty." "You will," "Oh really? Ano ka manghuhula? If it is, name one." Hindi ako sumagot. Dahil kung sasabihin ko ang totoo ay may pagkakataon na tatakas siya dito edi hindi malalaman ni Shiana na itangkang lalasunin pala sana siya ng so-called besty niya. Lalo na't sinira niya pa ang clung ng gate nila Devio. Psh. What a lame plan she had. "Psh! Wala naman pala eh. Pumunta ka dito sa kusina, pumunta ka dito sa bahay nila Devio para lang akusahin ako na nagpapa-inosente ako?" nagkibit balikat ako and she scoffed. "Akusahan mo lang ako kapag may ebidensiya ka na. Then kung meron na, sabihin ko sakin agad ha?" she said as she smiled sweetly. Tss. Plastic attitude. Aakmang lalampasan na niya ako nang tinabig ko hawak niyang pinggan na ikinabasag agad nito at nagsipagulong-gulong naman ang pagkaing nakahain sa pinggan— ang tinutukoy ko ay ang strawberries. "Wha—! What?!" hindi makapaniwalang sabi niya. Hindi ba siya makapaniwala na tinabig ko ang pinggang hawak niya o baka nahihinayang siya dahil hindi na natuloy ang paggawa ng masamang plano niya para kay Shiana? "How dare you! Nandito ka ba para manggulo?!" "No, I'm here to stop you." I was calm, I was being too cocky. I don't know why. Maybe I'm enjoying doing this, making people forcing to admit their approaching crime. "What the hell are you saying?! Stop me from what?!" nagkunwari akong nag-isip na ikinainis naman niya. Heh, she's even more a hot-headed tempered than Kystella. "Stop you from poisoning someone." Napatigalgal siya at halos hindi makasalita. She even gasped of what I said. Then, I saw her hands trembling from the words that came out from my mouth. Sorry, I have a bad mouth to the people who are denying their crime, uhm to do a crime yet. "A-anong— ano b-bang pinagsasabi mo?" from an angry and wild tone turned into a calm and nervous tone. Halata na siya eh. "Still going to deny it?" magsasalita na sana siya nang may narinig kaming yabag ng mga sapatos papunta dito samin. There I saw, Shiana and Devio. Agad silang tumigil sa pag-uusap at paglalakad nang makita nila kami. "Rosella? Larra? Anong ginagawa niyo dit—" napatigil siya sa pagsasalita nang dumako ang tingin niya sa nabasag na pinggan. "My strawberries!" "What happened here? Bakit nabasag ito?" "Well, you see Devio. Kung sasabihin ko sayo ang totoong nangyayari dito ay hindi ka maniniwala. Lalo ka na Shiana." Nabaling naman ang tingin ni Shiana sakin na kanina ay nasa nalaglag na mga strawberries. "Huh? Bakit? Ano bang nangyayari sa inyo?" "Eh kasi—" "It was not her fault!" pagsulpot ni Larra daw ang pangalan kaya lahat kami ay napatingin sa kanya. Bigla naman siya napaayos ng tayo sa kaninang natataranta niyang pigura. "U-uh ano, kasi ahmm ah eh. She, uhmm. S-she was about to help me served the strawberries pero h-hindi niya sinasadyang tinabig ang braso ko ka-kaya nabasag ang pinggan at nahulog naman ang mga strawberries." "Ahhhh, 'yan lang naman pala ang nangyari eh." "Rosel, is Larra telling the truth?" "Of course I'm telling the truth hon!" sabay lapit niya kay Devio at ipinalupot ang kamay sa braso ng binata. I cringe. Psh. Being sweet to his boyfriend is so cliché. "Diba Roselle? Nagsasabi ako ng totoo?" halos umikot ang mata ko sa maling pagbanggit niya ng pangalan ko. "Silence means ye—" "Nah," pagpuputol ko sa sasabihin niya. Jeez. Naniniwala siya dyan? Not all silence is a yes. Pero shempre, dahil gusto niyang pagtakpan ang krimen na gagawin niya palang ay gagawin niya ang lahat para ako ang maging kasama-sama sa mga mata ng dalawang taong nasa harap namin ngayon. "W-what?!" kahit na pinapakita niya ang ngiti niya ngayon ay alam kong nangangati na siya sa galit at anytime ay parang gusto niya akong sugurin at sabunutan. "What do you mean nah?" "Nah, as in no. Nope, rejected, never, objected." "No! She's lying!" sabay turo pa sakin na parang siya yung inosente dito. "You're lying." Pabalik ko sa kanya. Nagsisimulang may namumuong tubig sa mga mata niya. Napangiwi ako saking isipan. You're crying effect won't help you. Tss. Paawa effect is so cliché too. "Larra, please tell me the truth." Mahinahong tanong ni Devio sa kanya saka siya hinarap pero hindi ito sumagot at nakayuko lang habang umiiyak. "I'm— I'm telling the truth hon," "Shiana, some friend of yours wanted you dead." I franked, madiin kong sinabi para maramdaman nila na nagsasabi ako ng totoo sabay tingin ko saking kaliwa. "W-what?" napanganga naman siya sa sinabi ko. Masyado ba akong mabilis? Sorry, gusto ko na kasi itong matapos agad dahil nakakahinayang naman yung iniwan kong pagkain sa mesa kanina. "Rosella, what you are saying is insane." "Not that insane as her." "Look at that attitude!" biglang sabi niya ulit sa matagal niyang pagtatahimik. Oh? Akala ko napipi na 'to dahil wala na siyang masabi at nahuli ko na siya. "Devy! Shanny! Tignan niyo nga siya! She just busted in here and randomly accused me! Baliw!" "Mas baliw ka." "No, she asked me nicely that she wanted to go to the bathro—" agad na napatigil si Devio na parang may napagtanto siya at dahan-dahan niya akong tinignan. "Yes, that's right. I thought magc-cr ka Rosel?" "Hah! Would you look at that. She's trying to use the bathroom but she accidentally got here? Panigurado akong dinahilan niya lang yun para makapunta dito at akusahan ako!" Wow. Malay ko bang nandito ka rin pala? Aba, papakawalan ko pa ba ang oportunidad na nandito ka na? Hindi ko hahayaan na mamatay ang isa sa mga naging kaibigan ko na rin. "Well, if that's what you wanted to think." "Dahil ganon naman talaga!" sabat niya, dinuro pa talaga ako. Wow, look who's talking. Here I am, just telling the truth and her? Hindi ko alam na napakasinungaling pala ito. Plastic na ugali, psh. What a lame person. Bakit kaya naging kaibigan ito ni Shiana? "Rosella, please explain." "Okay, okay. Ang totoo nyan ay hindi naman talaga ako magc-cr. Tapos kanina, hindi ko alam na nabutas ang plastic na dinadala niya. May mga nahulog na nga strawberries. Because I was at her back and maybe I was the only one saw her in that state, I helped her picking up all the strawberries that fell. And then, I saw something weird at her pouch." Sabay tingin ko sa pouch niya na pumapatong sa lamesa na agad-agad niya naman itong kinuha. Oh? Takot yatang mabuwag ko ang nilalaman ng pouch niya. Bukas ang dala niyang maliit na bag kanina kaya agad kong nakita kung ano ang nilalaman nito. A bottle of a poison. A bottle of cyanide. Yes. I saw it with my own two eyes. "Hon, hand it to me." "What? You're now at her side?" "Give it to me Larra," "No! This is mine!" "Please, para matapos na ang lahat ng ito." "You chose the wrong side, Devio." Lumapit naman si Shiana sa kanya na ikinaatras niya naman. Psh, matatakutin naman pala ito. Gagawa ng krimen tapos mabubutas lang pala ang lahat. Wala lang, medyo masaya lang dahil binutas ko ito. Ako ang nagbutas ng masamang plano niya. "Nagmamakaawa ako sayo, Larra. We're.. we're bestfriends right? Hin... hindi mo naman siguro ma-magagawa na patayin ako? Na lasunin ako?" "Haha. Sa tingin mo Shiana nakakatawa ito? Na inahas mo ako?" sumeryoso naman bigla ang mukha ni Shiana. O...kay. She is now at her highest level of being a hot-headed. "A-ahas?" "Hah! Playing innocent?! Yes! I admit it! I want to poisoin you piece of a shit." At last, inamin niya na rin. Matinding pakikiusap pa pala ang gawin para lang umamin ito. "Wala akong alam sa sinabi mo Larra!" "Psh! Maang-maangan ka pa?!" galit na galit na anyo ni Larra ang humaharap samin ngayon. Agad niya naman tinuon ang pansin sa boyfriend niya. "At ikaw! Hindi mo pa rin ba aaminin?!" "Larra, you're talking nonsense." "Nonsense?! Sa tingin mo paniniwalaan kita?!" nakatayo lang ako dito, nakikinig sa away nila. Obviously, there's a love triangle between them. Or not? Baka sobrang in love lang itong si Larra kay Devio na pati si Shiana na inosente ay dinamay pa. Hindi si Devio o si Shiana ang problema sa away nila kundi siya. "Pwede bang magpaliwanag ka muna Larra?! Hindi namin alam kung ano ang pinagsasabi mo dyan!" "Wow, astig mo ah. May karapatan ka pa talagang sigawan ako?" pabalang na sabi nito. Aalis na sana ako because I'm have nothing to do with their business and my work here is done. Nang bigla akong sinigawan sabay turo ni Larra. "Wag kang aalis dyan! Hindi pa tayo tapos." "My business here is finish so...." "Sabing wag kang aalis dyan!" "Larra, hayaan mo na si Rosella. Wala siyang kinalaman dito." "Meron Devio, for accusing me." "But you already admit it right?" "Shut up! Just shut up!" I put my two hands up in the air as if I was surrendering. I smiled, a mocking smile. "Heh? You're too cocky bitch." "Of course, dahil alam kong sa sarili ko na wala akong kinalaman dito at wala akong kasalanan." "Please. Larra please, magpaliwanag ka naman. Maaayos pa natin ito, maaayos pa natin lahat." Larra smiled, a sarcastic one. Mahilig yata to sa sarcasm. "Look around you Shiana, sa tingin mo maaayos pa ang lahat ng ito? Sa tingin mo maaayos pa ang tiwala ko sayo na winasak mo? Do you think it's that easy?!" Hindi nakatakas sakin ang isang luhang tumulo sa kaliwang mata niya na agad naman niya itong pinunasan. I can see it, may nakikita akong sakit sa mga mata niya. "Please Larra, maniwala ka samin. Kung ano man yan ang inaakusa mo sa amin ay hindi yan totoo. Wala kaming alam dyan." "Yeah right. As if I fall for that," she said as she rolled her eyes. I cough a bit, gathering their attention to me and I succeed. "Laura—" "It's Larra, my name is Larra." "Uhm yes, of course Larra," I meant to do that. Sadya kong minali ang pagbigkas ng pangalan niya dahil kanina ay mali rin naman ang pagbigkas niya ng pangalan. Imbes na Rosel ay naging Roselle, bingi lang? Kaya ngayon ay quits na kami. "Nakikita ko sa mga mata nila na nagsasabi sila ng totoo." "Who cares about your opinion?" Nakakainis naman ang babaeng ito. Ayaw niya akong paalisin, ayaw niya rin naman ako pagsalitain. Ngayon ay ayaw niya rin akong pakinggan. Wala naman pala siyang pakialam sa sasabihin ko tapos ayaw niya akong pakawalan? Ano ako? Display? Estatwa? Referee nilang dalawa? Hindi ko nalang pinansin ang komento niya at pinagpatuloy ang pagsasalita. "Kung totoong mahal ka ni Devio at hindi ka kayang saktan ni Shiana, edi sana ay kanina pa nila binuwag kung ano man ang sekretong namamagitan sa kanila." "Tama si Rosel, Larra." "Who knows? Baka pilit pa rin nila ito itatago at magsinungaling sakin para lang hindi nila ako masaktan." "Kung ganon ay hindi mo pa lubusang kilala ng buo ang mahal mo at ang kaibigan mo." "Siguro nga, siguro hindi ko nga talaga sila kilala ng lubusan." "Ibig sabihin ay kailangan mong magpaliwanag." "Magpaliwanag? Hah. Ako pa talaga ang magpapaliwanag?" Wala sa oras akong napahilamos ng mukha. "Hindi matatapos-tapos ang away na ito kapag hindi nila nalalaman ang paliwanag mo." "Dapat nga ay sila pa ang magpaliwanag sa ginawa nilang pang-aahas sakin!" Sabay galit na turo niya sa dalawa. "Just try to explain it to them. Maybe your explanation is the only thing that will changed your current situation." Niyukom niya ang mga kamao niya na tila napupuno na siya samin. Anong dahilan ng pagkagalit niya? Totoo naman ang sinabi ko ah? "Fine! I'll explain everything I saw that day. Nakita ko kayong dalawa, ikaw Devio at si Shiana sa favorite restaurant natin. Nang makita ko kayo, my heart suddenly shattered into pieces. Bigla sumakit at parang tinusok ng mga karayom ang puso ko. I saw the two of you, happy and laughing to each other. Recently kasi ay napapansin ko rin kayong dalawa na masaya kayo palagi kapag nagkakasama niyo ang isa't isa." At nagsibagsakan na nga ang mga luha niyang kanina niya pa pinipigilan but her face is still firm. "So, I came up with this plan. Kahit na labag pa ito sa kalooban ko ay gagawin ko pa rin ito. I've decided to poison you Shiana. And those strawberries?" sabay turo niya sa mga nahulog na strawberries. "May nilagay akong lason dyan, a cyanide." Tumutungo niyang sinabi. Hindi maiwasan ni Shiana na takpan ang bibig niya sa sinabi ng kanyang kaibigan samantalang si Devio ay hindi makapagsalita. "And this girl," sabay turo na naman sakin. Binagsak ko ang aking mga balikat, what now? "She knew that I've put a poison to it. I was surprised and shocked at her from the minute she knew that I wanted to poison you Shiana. And at the same time, a bit amazed of how she knew my plan for you. Such a good observant." Alam kong may sarcasm ang huling sinabi niya para mainis ako. Gusto ko sanang magbow at magpasalamat para rin mainis siya kaso baka magiging anyong dinosaur na naman ulit siya. "And she was a distraction. Hindi natuloy ang masamang plano ko dahil sa kanya. How did you even knew that I'm going to poison Shiana?" "Wala akong sinabi na siya pala ang ilalason mo. I said, someone not Shiana. I wasn't particularly pertaining her until your words slipped and you eventually admitted your upcoming crime." I explained. "Waiiittt, wait a second." Dumako naman ang atensyon ko sa biglaang sigaw ni Shiana. Her face is so confused that even her upper lip are arching upwards. "You mean, lahat ng ito ay misunderstanding lang?" she added while her face is still confused. "Misunderstanding? Anong pinagsasabi mo?" "Lahat ng ito ay misunderstanding lang. You misunderstood that I was losing love on you. You also misunderstood that you thought I'm in love with Shiana." "H-huh? A-anong ibig niyong sabihin? Na mali ako?! Na namamalik mata lang ako nung nakita ko kayo sa isang restaurant na nagdedate?! Wow, ayaw niyo pa rin talagang aminin ha." "Oo, Larra." "Liars. You two are liars!" "Pwede bang makinig ka muna samin Larra?!" tama nga naman si Shiana. Dada kasi ng dada na parang isang armalite ang bibig. So ayun. Hindi na nakapagtimpi si Shiana at sinigaw kung ano ang dinadama niya ngayon. Si Larra naman ay hindi makapagsalita, nagulat yata sa biglang pagsigaw ng kaibigan niya. Ayun nga, in-explain lahat ni Shiana ang side niya. Kinuha naman ni Shiana ang oportunidad na makalapit sa lutang na pigura ng kaibigan. "Hindi totoong mahal ko si Devio. Hindi totoo na may namamagitan samin. At mas lalong hindi totoo na may nararamdaman ako sa kanya. Aba? Hinding hindi ako mai-in love sa mga kapre 'no." sumimangot naman ang kaninang seryosong mukha ni Devio pero agad naman itong napalitan ng may ngiti sa labi. Tumabi rin si Devio kay Larra. "Your friend is right, Larra. Hinding hindi rin ako mai-in love sa mukhang bansot." "Aba? Ako bansot? Wow, kapal ng mukha mo 'tol ah." Nakatitig lang ako sa kanila. Well, now that they are happy my job here is done. Yeah, finally done. No more furious face from Larra, no more ire shouting and most of all, no one's death is going to happen. "Wag kayong lalapit," "Larra? I thought—" "P-please, stay away from me." "KYYAAAAAAAHHHH!!!!" Agad kong nilingon ang ulo ko sa labas. What was that? Did I just heard a scream? O baka ako lang? The scream was so faint almost like a whisper kaya hindi ako sigurado kung totoo yun. "Did you hear that?" "Larra wait!" bigla ay tumakbo si Larra papalabas na agad naman namin siyang hinabol. Pagdating namin sa garden ay bumungad samin sa malayo ang mga nagkukumpulang tao. All of the tables are empty. What's happening there? Dyan ba nagmumula ang sigaw na narinig namin kanina? "Larra!" napatingin naman ako sa tinitignan ni Shiana. "Shiana, let her be. I think she wants some space." Tinignan lang namin ang papalayong pigura ni Larra. "For now ay tignan natin doon kung bakit nagkukumpulan sila." Agad naman akong tumango sa sinabi ni Devio. Tatakbo na sana kaming dalawa ng mapahinto ako dahil nakatingin pa rin si Shiana sa daan na tinahak ni Larra. I know na nag-aalala siya para sa kanya, even though lalasunin na sana siya at alam ko ring maraming bumabagabag na mga tanong sa isip niya pero tama si Devio. Hinawakan ko siya sa kanyang balikat na dahilan ng paglingon niya. Mabilis kaming tumakbo at nilapitan ang mga taong nagkukumpulan. "Excuse me, excuse us people!" pagtawag atensyon ni Devio pero parang wala lang may nakarinig sa kanya. "God! Devio, you're finally here." Biglang pagsulpot ni Rald samin. "Rald, what's the commotion here? Saan ba?" "Tara na, dito tayo." Sinundan namin lahat si Rald. Umikot kami ng daan at agad kaming napunta sa harapan. Shiana gasped of what she saw, napaluhod pa siya habang tinititigan ito. It seems that she's terrified. Si Devio naman ay umiling-iling, hindi makapaniwala sa pinagmamasadan niya ngayon sa harap niya. Miski ako rin. There's a guy, he's head is laying on top of the white table cloth kaya napakavinsible sa mga mata ng lahat ng tao dito ang malapot na pulang bagay na umaagos na nagmumula sa bibig niya pababa sa putting tela ng mesa. He's dead. I wonder why? "Warren! Please gumising ka!" napatingin naman ako sa babaeng nakaluhod sa mesa. Niyuyugyog niya ang patay na katawan ng lalaki. I think it's her close friend? Baka boyfriend? Samantalang may dalawang lalaki at isang babae ang tumatayo sa likod ng inuupuan ng biktima. They look so sad, bigla umiyak ang isang babae kaya napayakap ito sa lalaking katabi niya. Agad naman na lumapit si Devio sa babaeng niyuyugyog ang bangkay at saka ito dinahan-dahan na tinayo. "D-Devio," "Ate," ate? Hindi ko alam na may ate pala siya. "L-lil bro, wala na siya. Wala na si Warren, wala na si Reren. P-patay na siya." Niyakap niya ang kapatid nito at nagsimula ulit itong humagolgol. "Shhh, it's okay ate. I'm here." "Devio, we've been looking for you everywhere." "Sorry ma, may inasikasuhan pa kasi ako." "Help your sister to go to her room." "N-no dad! I'm n-not leaving Warren here!" "Darling, pabayaan mo muna si Deina. She's stressed from school at idagdag mo pa ang biglaang pagkamatay ng boyfriend niya." "Okay but as soon as the police arrive, the party will be over." Tinignan ko lang ang patay na katawan ng isang lalaking na nasa ibabaw ng mesa. Patuloy pa rin ang pagtulo ng butil-butil na dugo mula sa nakabukaka niyang bibig. Napatingin naman ako sa kamay niyang nakahawak sa isang tea cup. The only idea that popped up to my head is someone had put some deadly solid or liquid in to his cup that it became the cause of his death. I'm sure of it. Someone poisoned him. Intentionally. Tsk. Talaga ngang umiikot lang satin si kamatayan. Siguro nga ay katabi lang natin ito, binabantayan ang bawat galaw natin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD