Minutes had passed, we can hear a faint approaching sound of sirens coming from a police car. Umalis muna ang mga magulang ni Devio para papasukin ang mga pulis na bagong dating lang.
Napatingin ako sa tatlong tao na sa tingin ko ay kaibigan nung ate ni Devio. Nakaupo na sila ngayon at walang humpay pa rin ang pag-iyak ng babae. Hinahagod naman ng lalaki ang likod niya, pinapatahan. Ang isa naman ay nakayuko lang, tila malalim ang iniisip.
“Ano ba talaga ang nangyari dito?”
“Hindi namin alam. Nagkukwentuhan lang naman kami ng marinig namin ang sigaw ng ate ni Devio.” Sabat ni Kylie. Nilingon ni Shiana ang ulo niya sakin.
“Rosella, diba narinig rin natin yun?” tumango ako bilang sagot.
“Saan ba kayo nagpunta?”
“May gustong asikasuhin si Devio. Sakto naman at nakita ako ni Shiana kaya sinama niya nalang ako sa kanya para tulungan si Devio sa ginagawa niya.” Yun nalang ang naging palusot ko.
“Sabay kaming pumunta dito dahil may narinig kaming sigaw.”
Lalapit na sana ako sa bangkay nang makarinig ako ng sigaw mula sa malayo. Inilingon ko ang ulo ko doon at nakita ang mga magulang ni Devio na may mga kasamang pulis, papunta sila dito ngayon.
“Everyone! The party is over!” Sigaw nito kaya naman unti-unting nagsi-alisan ang mga pumapalibot na tao sa walang buhay na katawan ng biktima. Kaya agad na umaksyon ang mga pulis.
“Hey kids, kasama rin ba kayo sa nangyaring krimen dito?” tanong ng isang pulis samin nang makalapit siya.
“Hindi po, bisita lang rin po kami dito."
“Hindi po namin kilala ang biktima. Ang namatay po kasi ay boyfriend ng ate ng kaklase namin.”
“Sino 'yang kaklase mo ang at kapatid niya?”
“Si Devio po ay kaklase namin at si ate Deina naman po ang ate niya.”
“Where are they now?”
“Sa loob po ng bahay nila,” sabat ni Shiana.
“Sir, we could help you.” Biglaang sambit ko. Alam kong ang ilan sa kanila ay gulat, baka nga lahat sila ay nabigla rin sa padalos-dalos kong pagdesisyon.
“No need, mga bata pa lang kayo. At diba sinabi niyo na rin sakin na wala kayong kinalaman sa krimen?" Ilang sandali naghintay ang pulis sa pagsagot ng iba. Hindi makaimik dahil totoo naman talaga ang sinabi niya.
“Correction sir, hindi kami mga bata kundi mga high school student na.”
“Even so, ayaw niyo naman sigurong madamay?"
“But sir, we are sincerely want to help. Bilang kaklase ay tutulungan namin siya na alamin kung sino ang pumatay ng boyfriend ng ate niya.” I can feel the shocking feeling of the people around me. At alam kong gulat silang nakatingin sakin.
Gusto ko patunayan sa iba na hindi lang kami basta-basta mga bata, we are now teenagers and we’re almost catching to be adults. Maturity is slowly running through our body. Gusto kong tumulong sa kapwa ko na bukal sa puso, hindi para sa kapakanan ko.
The police sighed as if like he had no choice. “Oh sige, hindi ko kayo mapipigilan. Basta magdahan-dahan lang kayo, kung hindi ay matatagalan natin malaman kung sino ang pumatay sa biktima.” All of them shouted ‘yes!’ as if they won in the game.
“Eh kayong tatlo?” sabi nung pulis habang sa likod namin ang atensyon niya kaya lumingon rin kami.
Dumako ang tingin ko sa nanginginig na kamay ni Kylie. A memory suddenly popped in my head.
Takot nga pala si Kylie sa mga patay. Ilang beses na kasi siyang nakakita ng patay na mga hayop nung mga bata pa kami tapos hindi ko pala alam ay umiiyak na siya. And now, it’s not a dead animal but an actual dead body of a person.
Siguro naman ay matataranta rin kayo kapag nakakita tayo ng isang katawan na wala ng buhay.
“D-dito nalang po kami, hihintayin po nalang n-namin na matapos ang pag-iimbestiga.” Sambit ni Azra.
Hinubad ko ang suot kong denim jacket at lumapit sa kanya. Nagulat pa siya sa ginawa kong paglagay ng denim jacket ko sa balikat niya. Bakit kasi isang off shoulder pa itong sinuot niya? Tss! Hindi man lang nagdala ng jacket o kahit hoodie nalang.
“S-salamat,” nakangiting sabi niya at mas niyakap niya pa ng mahigpit ang jacket ko sa katawan niya.
“Come with me kids,” sabi nung pulis kaya sabay kaming sumunod sa kanya. Hindi naman nakawala sakin ang pag-ismid na ginawa ni Kystella sa sinabi ng pulis.
“I’m SPO1 Joel Antonio, you can call me sir Joel.” Pagpapakilala niya at nagpakilala naman kami sa kanya.
“Bago kayo magsimula ay sumuot muna kayo ng gloves at masks.” Lumapit siya sa isang investigator pagkatapos ay binigyan siya ng mga medical gloves at masks. Binigyan niya kami ng tig-isa na agad naman namin sinuot, inabutan rin niya kami ng dalawang flashlight.
“You can start investigating now,” kinuha ko yung tali ko sa bulsa ng jeans ko at tinalian ang buhok ko into ponytail. Ganon rin ang ginawa ni Kystella pero bun ang ginawa niya.
“Magiging masaya ito! First time kong mag-investigate.”
“Pareho naman siguro tayong apat dito na first time.”
Naghiwalay na kami at sinimulan ang pag-iimbestiga. Inaya ko si Mev na pumunta sa mahabang lamesa na kung saan kami kumukuha ng iba’t ibang uri ng pagkain. Inihawi ko ang mahabang tela ng lamesa at pinako doon ni Mev ang flashlight niya.
“Wala naman siguro tayong makikita dyan,” aalis na sana si Mev ng may nakita akong kuminang nung dumaan ang ilaw ng flashlight niya sa tinitignan ko.
“Wait,” pagpipigil ko sa kanya. Hinawakan ko siya sa kanyang pulsuhan at tinuon ang ilaw ng flashlight niya sa tinitignan ko. Agad siyang lumuhod katabi ko.
“Teka, nakikita mo ba yan?” ipinasok ko ang kalahating katawan ko sa ilalim ng mesa at kinuha ang bagay na kumikinang. Pagkatapos kong kinuha ito ay lumabas ako at tumayo, tinitignan ang nakuha ko.
“Gotcha,” bulong ko. I know who’s the criminal now. I thought this will be difficult but oh well. I, therefore, conclude that this case is now closed.
“Same.” Ngumiti naman ako sa sinabi niya.
“You saw that too?” Tanong ko habang nakatingin pa rin sa bagay na kumikinang.
“Oo pero nakapagtakaka lang dahil hindi niya man lang napansin na nawawala.”
“SPO1 Joel Antonio, Sir. Sorry for the delay of my arrival.”
“Okay lang, Detective Arevalo."
Wait, that voice. It’s so familiar, parang narinig ko na ito noon. Lumingon ako sa likod ko and I was right. There I saw a very familiar face to my eyes. Hindi ako nagkakamali, he’s the detective that helped me solved the unfinished case of my mother and father.
I hope he won’t recognize my face.
Sinundan ko sila ng tingin at pumunta sila sa harap ng tatlong kaibigan ng ate ni Devio. Ahh, yes some detective doings. Hindi ko naman sadyang mapatingin kay Mev na nakayukom ang kamao.
“Are you okay Mev?” tanong ko pero hindi niya ‘ko sinagot. Nakatingin lang siya sa kung saan at parang may iba sa kanya.
“H-huh?”
“Okay ka lang?” tumungo siya pero ang kamay niya ay ganon pa rin, still clamping it into fist.
“Y-yeah, I-I’m okay.” He's weird.
Iniiling ko nalang ang ulo ko at pinukos ang atensyon sa ginagawa namin. Inaya ko siyang tumayo na at para maibigay na namin itong nakuha namin sa mga kasamang imbestigador na nilagay naman agad nila ito sa isang sealed plastic. Lumapit naman kami kay Kystella at Tyrone na naghahanap pa rin.
“May nakuha kayo?”
“Yeah, a big catch though.”
“Talaga? Ano?” iginala ni Mev ang kamay niya sa isa sa mga parte ng ulo niya.
“Wow, talaga?"
“Siguraduhin lang talaga ng pumatay sa boyfriend ng ate ni Devio na valid ang reasons niya.”
“Come on, let’s go back to them.” Iniwan na namin ang ibang imbestigador dahil alam naman naming wala na kaming may makukuha pang ibang ebidensya.
Sapat na ang ebidensya namin at derterminado kaming siya ang pumatay sa biktima. Hindi ko akalain na makakapatay siya ng tao, lalo na sa boyfriend pa ng kaibigan niya. Kaibigan niya ito, hindi ba siya kokonsensyahin sa ginawa niya?
Tago akong umiling habang nakatingin sa kanya, kasama ang detective na kilala ko. Nasa sa tamang katinuan pa ba siya? Tama nga naman si Kystella, dapat ay siguraduhin niyang katanggap-tanggap ang mga dahilan niya.
Habang naglalakad kami ay halos tumaas ang kilay ko sa taong kilala ko, samin siya nakatingin at ngumingiti pa.
“What?!” biglaang pagsigaw ni Kystella sa hindi ko alam na dahilan.
“Miss Castro, such a coincidence. Small world indeed.”
“A-anong ginagawa mo dito?!” pabulong na sigaw nito nang makalapit ang detective samin. Magkakilala sila?
“Shempre bilang isang detective, nandito ako para magtrabaho. Ano pa ba ang gagawin ko?"
“Bukod sa pag-iimbestiga, bukod sa papakinggan ang mga kasinungalingan ng mga suspect, ano pa nga ba?” the detective playfully smirked.
“Well, I also have my own reasons to be here too.” Hindi ko alam pero pakiramdam ko sumulyap siya sakin.
“Magkakilala kayo?”
“Oh yes indeed. To the bar where Kystella’s working, I was the one that hired to investigate.” Oh, so that’s how they met.
“Pangalan niyo po?”
"I’m Detective Eugene Arevalo,” sabay pakita ng I.D niya samin.
“I work from the LE Agency. And I’m one of the highest top most ranking detective.” Magsasalita sana ako pero hindi na natuloy nang may lumapit na isang police sa kanya at may binulong.
“Excuse me, I have some work to finish with.” Sabi niya at sabay silang dalawa umalis sa harap namin.
“Kylie, okay ka lang ba?” agad naman akong lumingon saking kanan dahil sa sinabi ni Azra. Dali-dali naman kaming lumapit sa kanila nang makita namin si Kylie na nanghihina.
“Ano nangyari sa kanya?”
“E-ewan ko Rosel, bigla nalang siya namutla at nanghina.” Nakasubsob ang mukha ni Kylie sa mesa at parang sobrang lalim ng paghinga niya. Tinapik ng mahina ni Tyrone ang bilakat niya pero umungol lang siya ng mahina.
“M-medyo masama ang p-pakiramdam ko,"
“May ginawa ka ba o kinain na magpapasama ng pakiramdam mo?”
“N-naparami yata ang cake nakain ko.”
“Kailangan mo ng umuwi,” sabi ko naman at dahan-dahan siyang itinayo.
“H-hindi ka sasabay?”
“P-pero guys, once na makauwi ako na hindi kayo kasama ay h-hindi na ipapabalik ni daddy ang v-van dito.
“Kylie please, don’t be such a hard-headed.” Yumuko naman siya sa sinabi ko. Ugh! Good job Rosella. I didn’t mean to say that. Tsk, kahit kailan talaga ay napakatigas pa rin ng ulo.
“S-sorry."
“Kayo rin, Azra, Kystella at Von.” Sumang-ayon naman sila sa sinabi ko.
“And please, take care of Kylie.”
“Rosella, Mev, dito lang kayo. Ako na bahala kay Kylie.” Tumango naman kami agad ni Mev saka rin tinulungan ni Von sa pag-akay ni Tyrone kay Kylie.
Nakatingin lang kaming dalawa ni Mev habang papalayo sila samin.
“Rosella? Iro?” tumalikod naman kami at nakita si Devio na papalapit samin.
“Nasa’n ang iba?”
“Pinauwi na namin si Kylie kasama si Azra, Von at Kystella. Bigla kasi sumama ang pakiramdam ni Kylie."
“Kayo? Hindi pa ba kayo uuwi?” umiling naman kaming dalawa sa tanong ni Devio.
“Ah eh, Dev pwede bang ihatid mo kami pagkatapos nito? Hindi na kasi babalik ang service namin eh."
“Yeah sure. You can spend the night here para hatid ko kayo bukas. Anong gagawin niyo dito ngayon?”
“Tumulong kami sa pag-imbestiga,”
“O-oh, is there a-anything you got?” ngumiti naman si Mev na parang nahula niya ang gustong tanungin ni Devio sa amin.
“Yup and we know who killed the boyfriend of your sister.”
“Talaga? S-sino?”
“Malalaman mo rin kung sino so let’s not worry about a thing. Eh ikaw Devio? Okay ka lang ba?”
“N-not quite though but thanks for asking,”
“How’s your sister?” he heave a heavy sigh as if it was the biggest problem that he got in to his luxurious life. I pity him. May problema na nga siya tungkol sa girlfriend niya tapos bigla naman nangyari itong kaso ng ate niya.
“Hindi siya okay. Nagwawala siya doon sa kwarto niya. Our maids kept calming her but I think it’s no use.”
“How did your sister got those bruises on her arms?” he frozed to the question I’ve asked as he drove his arms to his nape na parang nagdadalawang isip na sagutin ang tanong ko.
“Sa totoo lang, kung hindi sana siya pinatay ng kung sino man ay ako talaga ang papatay sa kanya pero alam niyong hindi ko yun magagawa.”
“Palagi ba sila nag-aaway?”
“Just a little jealousy and misunderstanding.”
"Pero ganon niya na sinasaktan ang ate mo?”
"He’s an immature. Pini-pisikal niya agad ito. Sa pagsasama lang ni ate sa mga lalaking kaklase niya ay nagseselos— no, nagagalit actually. Nagagalit agad siya kapag may ibang lalaking kasama si ate.” Singhal nito sabay hawak sa kanyang ulo.
“I threatened her that I will kill Warren kapag hindi niya sasabihin sakin ang nangyayari sa pagitan nilang dalawa.”
“Did it work?”
“Yes it worked. And now she thinks that I was really the one who killed his beloved boyfriend.” He laugh with sarcasm.
“Kahit na gusto kong patayin ang gagong yun, alam niyong hindi ko yun magagawa because I know where these bullshit is going to lead. Guys, naniniwala kayo sakin diba?”
Nagkatinginan si Tyrone at Mev na parang hindi sila sigurado sa isasagot nila. Habang ako ay huminga ng malalim.
“Yes Devio. But as much as we want to believe you, you’re one of the primary suspects."
“Sorry for my intrusion,” sulpot ng detective na ikinalingon naman namin sa kanya.
“Oh hey, are you Devio? Deina Castillo’s brother?”
“Y-yeah, I am.”
“Can I talk to you for sec?”
“Sino ka?”
“I’m Detective Eugene Arevalo,”
“N-no, wala akong kinalaman sa pagkamatay ng b-boyfriend ng ate ko.” Kinakabahang sabi niya at ngumiti naman si Mr. Arevalo.
“Yup, some alibis are really convincing but you’re one of the suspects. So mas mabuti na ang sigurado kesa sa hindi.” Magsasalita pa sana si Devio pero hinawakan ko siya sa kanyang balikat. Alam kong takot siya na madamay siya dito but as long he’s telling the truth, hindi siya mapapahamak sa sitwasyon ngayon.
“Sige na Devio. Kung sasabihin mo lang ang totoo at ang mga nalalaman mo ay hindi ka madadamay sa kasong ito.” Lumunok muna siya at tinignan ang nakangiting mukha ni Mr. Arevalo.
“Okay, so let’s go somewhere more private.” Hinawakan niya si Devio sa kanyang balikat. Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik lang nang nilampasan niya ako at may sinabi siya sa kanya.
Umupo kami sa isang table. 20 minutes. Dalawangpung minuto na ang nakalilipas simula nung kinausap ng masinsinan ni Mr. Arevalo si Devio. Dalawangpung minuto na rin ang pag-upo namin dito habang nakatingin lang sa kanila na nag-uusap. Nakikiramdam lang kami sa mga nangyayari.
“Sigurado ba kayo na siya ang pumatay kay Warren?” pagbabasag ni Tyrone.
"101% sure. Kahit lapitan mo pa siya pagkatapos ay tignan mo ang likod niya.” Habang nag-uusap silang dalawa ay kinuha ko ang phone ko at tinext si ate.
To: Ate Ryle
Ate, baka dito ako matutulog sa classmate ko
Tinago ko na ang phone ko at nakisali sa usapan ng dalawang kasama ko.
“It’s just, wala kasi sa itsura niya ang pumatay.” Tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Tyrone.
“Innocence can masked someone’s real visage.” I said.
Napatingin naman ako sa kanan ko, papalapit samin si Sir Arevalo samantalang si Devio ay sa ibang daan ito patungo. Papasok yata sa bahay nila while stamping his feet. Tumayo naman agad ang dalawa.
“Sir, okay lang ba si Devio?” tanong ni Tyrone habang nakasunod ang tingin niya kay Devio. Lumingon naman siya sa likod at tinignan rin ang kaibigan naming nakapasok na sa loob ng bahay nito.
“Nope, nagalit yata sa pagbanggit ko sa pangalan ni Warren.”
"Eh sir, kilala mo na rin siguro kung sino siya?”
“The person who killed that guy? Oo, kanina pa. I don’t know or if it’s just me but that person is so damn idiot. No offense.” Natatawang saad nito. Tatayo sana ako para kumuha ng pagkain nang tinawag niya ako na ikinabalik ko sa pag-upo.
“Miss Escobardo, do you have a minute? I want to talk to you.” Tila, bigla sumeryoso ang mukha niya.
Hindi ko alam kung bakit gusto niya akong kausapin. Wala naman kaming dapat pag-usapan. Bumuntong hininga ako saka tumayo na nga, wala naman akong dapat pag-aalahanin. Mag-uusap lang naman kami. Nauna siyang lumakad kaya sinundan ko siya.
Tumigil ako sa paglalakad nung tumigil siya sa harap ko. Ngayon ay malayo kami sa mga tao, nasa ilalim kami ng malaking puno, hindi kami makikita pero kami ay makikita namin sila.
“Miss Escobardo, do you remember me?” tanong niya habang nakatalikod pa rin sakin. Tumahimik muna ako saglit.
He called me by my surname. It means he still know me.
So I answered, “Why?”
“That’s a yes or no question Miss Escobardo."
“Kung sasabihin kong hindi, anong gagawin mo?” nakapamulsang tanong ko and he chuckled.
“Nothing, it’s just that you’re obviously lying.” Agad kong iniwas ang tingin ko sa likod niya nung humarap siya sakin. Even if I’m not looking, I’m sure that he has this playful smirk sticking on his lips. Tss, still the chillin’ detective I met that day.
“Ano ang gusto mong pag-uusapan natin?” I heard him sighed.
“It’s about your parents,” mas mabilis pa sa alas kwatro kong inilingon ang ulo ko sa kanya. Buti nalang at nakayuko siya kung hindi ay saktong magkikita ang mga mata namin.
“You were right about back then. Naaalala mo pa ba nung araw na nagkita tayo? Nung nag-usap tayo tungkol sa kaso ng mom mo?” napaisip ako sa sinabi niya. Hmmm, oh right. Naalala ko na.
Nang makita niya ako ay saktong hinahanap niya rin daw ako dahil gusto niya akong kausapin. Our convo didn’t end well.
Basta, nag-away kami no’n. Hindi niya kasi ako maintindihan pero ngayon, he just came here and unexpectedly changed his mind of what he said to me a couple of years ago.
“Yeah, I perfectly remembered our nonsensical conversation that time.”
“Uhmmm nonsense is too much to put it in. Well maybe, ahhh just little misunderstanding?” his shoulders raised like he was not sure of his answer. His face is also saying that I’m-not-sure-look. Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya.
“Let’s not put this matter into fight, Rosella. I know that I was wrong."
“Mama ko yung pinag-uusapan natin noon Sir Arevalo. I’ve known my parents in my whole life more than you knew them.” Kahit na madilim ay alam kong umikot ang mga mata niya sa sinabi ko. Psh, childish prick.
“Yes, yes I know that Miss Escobardo. Hindi mo na kailangan ipamukha sakin because I was really ashamed to myself back there."
“Tss, dapat lang.” inis na bulong ko at buti ay hindi niya narinig.
“But my point is, I have this feeling that I’m close to those persons who killed your parents.” Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Wait, hanggang ngayon pala ay sinosolve niya pa rin ang kaso ng mga magulang ko? What? How come?
“What do you mean by that?”
“Alam kong kailangan ko magpaliwanag kaya—” he stopped talking as I shake my head and massage my temples. He’s unbelievable.
“Anong kapalit?” Sumalubong naman ang kilay niya sa sinabi ko na parang nalilito siya.
“Kapalit?”
“Oo, kapalit. Hindi ka naman siguro magtatrabaho na walang kapalit? Pera ba?”
“Wala akong habol sayo at lalong hindi ko kailangan ng kapalit para lang masolve ang kaso ng mga magulang mo. I did this from the buttom of my heart.” Saka siya ngumiti ng nakakaloko. Umikot ang mga mata ko, yung akala mo ay seryoso na yun pala nagbibiro pa rin.
“No seriously, bukal sa puso ko itong ginagawa.”
“Bakit?”
“Uhhhh hindi pa ba sapat ang sagot ko?”
“Hindi dahil alam kong may iba ka pang dahilan.” He chuckled. Okay, anong nakakatawa sa sinabi ko?
“Ohhh, I know now,” napahilamos siya ng mukha na parang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya.
“You don’t trust me,” iling agad naging sagot ko.
People are hard to trust these days, kahit sa mga kilala mo pa.
“Look I can prove it to you, minsan ay hindi mo kailangan ng kapalit dahil may mga bagay na pwede mong magawa na bukal sa puso.” kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa, tumabi siya sakin saka iniharap samin ang cellphone niya. A video. Ipiplay na niya sana ito pero napatigil siya at tinignan ako. Oh? Problema nito?
“You will be watching with a rated SPG program. Please be guided—”
“Pwede bang iplay mo nalang?” nakakainis naman ang lalaking ito. Hindi naman niya siguro ipapakita sakin kung walang kwenta naman ito?
“Totoo naman eh, this video has a brutal scene. And your father is involve here.”
Ang… ang video kung paano.. paano namatay si papa?
Hindi ko makakayang makita kung paano siya namatay pero para yatang sobrang importante nito. Sigurado akong nakuha niya ito sa CCTV kung saan nakunanan ang nakakapikit-matang aksidente ni papa.
“Iplay mo na.”
October 22, 20**
11:53 pm
Agad ko namang iniwas at ipinikit ang mata ko sa napanood ko ng ilang minuto. I bit my lower lip, pinipigilang lumabas ang mga luha sa mata. Bago ko pa ibalik ang tingin ko ay nakarinig ako na parang isang static, yung kumukurap kapag nawawalang ng signal ang TV.
“Yun lang ba?” tanong ko habang nasa ibang direksyon pa rin ang tingin ng mga mata ko.
“That was not it, may ipapakita ako sayo— p-pero picture na ito, hindi na video.” Ilang pindot muna ang ginawa niya bago niya ipinakita sakin ang litrato. Wait, scineenshot niya ang part kung saan binangga ng truck ang kotse ni papa.
“Tignan mo ng maigi,” sinunod ko nga ang sinabi niya. I look every inch of the picture. Ilang minuto ko na ito tinititigan pero wala akong may nakitang wirdo.
“May nakikita ka ba?” iling ang naging sagot ko sa kanya.
“Yes, that’s right. Yan rin ang akala ko nung unang tingin ko palang. Hindi ko na nga mabilang kung ilang ulit ko ng pinapanood ang video na ito pero tila wala talaga akong may nakita. But as I lift up the brightness and contrast of this pic,” sabi niya sabay pindot sa isang buttom kaya mas lalong lumiwanag ang picture na ikinaliit ng mata ko. Wait, parang may nakikita ako. Bakit parang may—
“You saw something weird right?” dahan-dahan akong tumango habang nasa isang pigura sa picture ako nakatutok. Ano ito? Parang pigura ng… nakatayong tao. Malapit ito sa gas station at parang makatayo siya sa madilim na part ng kalsada.
“Tao ba talaga yan?”
“Oo at tumatayo siya,”
“So?” tumawa naman siya sa inakto ko. Bakit ba? Eh hindi ko alam ang gustong ibig sabihin nyan eh.
“Hindi mo ba gets? Nakita niya ang insidente, how come na nakatayo pa rin siya dyan na parang mannequin? Ano? Tutunga lang ba siya dyan habang buhay?” he has a point.
“Hindi siya tumawag ng tulong bagkus ay tinignan niya lang kung paano sumalpok ang truck sa kotse ng papa mo. This person here isn’t human. He doesn’t have a conscience.”
“Baka siguro mannequin lang talaga yan. And also, because he witnessed a brutal accident, it made him stop from his trail.” Bumagsak naman ang mga balikat niya sa sinabi ko.
“Really? You believe that it was just a mannequin, standing as it watched the two locomotives collide to each other? And really? Siya nagulat? May nagulat ba na nakapamulsa?” dahan-dahan akong tumango, hindi sigurado sa sagot.
“Nakapagtataka rin na parang wala siyang pakialam sa nakita niya. I feel like he was just standing there, waiting something to happened.” Hmmm, hindi yun sumagi sa isip ko ah. Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil sa mga nangyayari sa paligid.
“Why are you doing this?” mahinang tanong ko pero sapat na para marinig niya.
“Masama bang tumulong sa kapwa? And that’s how I work, that’s how a detective helps his people who badly needs it.” Umiling-iling ako, hindi pa rin kasi ako kumbinsido na walang magiging kapalit itong ginagawa niya.
I barely even know him tapos nandito siya sa harap ko, pinapakita na bukal sa loob niyang tinutulungan ako? Hindi ko alam kung ano ang gusto ng lalaking ito pero may masamang kutob ako sa kanya. I really don’t get him.
“Hindi pa rin ako naniniwala na hindi mo kailangan ng kapalit sa ginagawa mong ito.” Dahil sa sinabi ko ay hinawakan niya ang kanyang noo, siya pa yata dito ang nafu-frustate sa mga nangyayari. Wala siyang kamao-mao na ako din.
“Look me in my eyes, see it if I’m lying.” Agad kong iniiling ang ulo ko.
No way, tapos makikita ko ang kamatayan niya? Hindi ko kaya. Kaya nga ako umiiwas ng tingin kahit sa mga kilala ko. Ayaw ko silang mapahamak dahil lang sa nakita ko ang kamatayan nila. Kada nakikita ko ang mga walang buhay nilang katawam ay hindi ko mapigilan na sisihin ang sarili ko.
I don’t know but I’m blaming myself. Hindi biro ang mga pinagdaanan ko. It’s really difficult to look at their eyes.
Lalo na sa mga taong hindi ko kilala. Akala nila ay baliw ako o di kaya takas sa mental. Judgemental people sucks.
“Miss Escobardo, ilang ulit ko bang sasabihin sayo na hindi ko kailangan ng kapalit para itapos itong kaso ng mga magulang mo. Gusto nga kitang tulungan,”
“Bakit nga? Bakit gusto mo akong tulungan?”
“Tinatanong pa ba yan? Does it have to be a logical answer?” tinalikuran ko siya. Alam ko na ang susunod na lalabas sa bibig niya at ayaw kong pakinggan yon.
“Look me in the eye young lady, harapin mo ako.” Hindi ko siya pinakinggan. Nanatili akong nakatalikod sa kanya. No, I don’t want to look your death.
“Noon ko pa yan napapansin sayo. And I would like to ask you this,” no, hindi hindi. Hindi ko kayang sagutin yan. Hindi ko ka—
“Why are you avoiding your eyes?” umiling agad ako sa tanong niya.
“That was not a yes or no question Miss Escobardo. That question will only be answered specifically.” Hindi ako sumagot, pinatili kong sarado ang bibig ko. Paano ko masasagot ang tanong niya kung ang tamang sagot sa tanong na ito ay hinahanap ko pa rin?
“Miss Escobardo, titignan mo lang naman ako sa mata dahil gusto kong makita mo na totoo ang sinasabi ko.” napakagat ako saking labi.
Aalis na sana ako ng biglang may kamay humawak sakin at pinilit akong pinaharap. And unfortunately, nagtama ang mga mata namin. l
But his eyes, ang kaninang nakangiting mata niya ay naging cold and emotionless. His eyes are just like mine, perfect copy of my eyes.
But most shocking part was… I didn’t saw his death.
Ilang minuto na naging ganon ang posisyon namin, ilang minuto kong tinitigan ang mata niya but I saw nothing. I literally saw nothing. Kahit na anong pilit kong makita ang kamatayan niya ay hindi ko makita.
Why... why can't I see his death?
Sinyales ba ito na unti-unting nakukuha ang kakayayan ko? Nagising lang ang diwa ko nung ngumisi siya. A playful but serious smirk.
“You can’t see my death, don’t you?” halos mawalan ako ng hininga sa sinabi niya.
Dahil sa sinabi niya ay may sumagi bigla sa isip ko. Right, those people. Hindi ko rin nakita ang kamatayan nung dalawang yun. Hindi kaya..?
Dahan-dahan niya akong pinakawalan sa paghahawak niya sa balikat ko saka siya nagpamulsa. Hindi pa rin namin iniiwas ang mata namin sa isa’t isa.
“Y-your… you’re one of t-them?” halos garalgal ang pagkasabi ko. Dahil sa sinabi niya ito, nanuyo bigla ang lalamunan ko dahil sa kanya.
“I see,” ang tanging sabi niya. What the?
“Anong ibig mong sabihi—”
“Rosella!” naputol ang sasabihin ko nang may tumawag sakin. Agad naman lumingon ang ulo ko sa taong sumigaw ng pangalan ko, it's Shiana.
“Si Larra! Nawawala!”