"It says that the number I've dialled is unattended."
"What? Eh kani-kanina lang ay tinawagan ko siya tapos sabi it can't be reach siya daw."
"Maybe she changed her sim."
"Damn it."
"So what are we going to do now?"
"I-I... I don't know."
Inis na sinabunuton ni Devio ang buhok niya. He look so stressed and pissed off. Sunod-sunod na ang mga hindi inaasahang pangyayari sa buhay ni Devio. Kung ako siguro ang nasa sitwasyon niya ay ganon rin ang mararamdaman ko.
He had a fight on his girlfriend, then a murder case got into his ground and now her girlfriend is missing?
"Shiana, tumawag ka na ba sa mga police?"
"Yes. As I got on to my phone, I was calling the parents of Larra at agad naman silang nataranta nung kinukwento ko ang lahat ng nangyari saka sila tumawag ng pulis, except from the part that uhm..."
"The what part?"
"N-nothing, personal matter."
"Sinabi na rin namin ito kay SPO1 Joel Antonio at saka doon sa detective na si Mr. Arevalo. Aaksyon agad daw sila pagkatapos na ikulong nila si Melissa." dagdag naman ni Rald.
Yup, Melissa was the one who killed the boyfriend of her friend. Halos mahimatay nga ang ate ni Devio ng malaman niyang bestfriend niya ang pumatay sa boyfriend.
Her motive to kill him? Well, sabi niya ay nao-obsess na daw itong Warren na ito which is her friend too, sa bestfriend niyang si Deina. Hindi sila makapaniwala. Wala daw sa itsura ni Melissa ang pumatay, dahil na rin daw babae siya.
Dahil babae siya? Didn't she know that there are also girls who are psychopaths?
But the point is, we're obly humans and we do sins. Everything in this world is not perfect.
We really can't guess human minds, unless you have an ability to do it. Unless, you're peculiar.
Bigla sumagi sa isip ko ang kausap ko kanina. That detective. I really can't believe. I also saw nothing to his eyes. I wonder if he's one of those people who wanted to kidn*pped me one day ago. That was really strange though. I don't understand, what is really happening to me?
Because of that move I did, a dozen of question marks are now floating above my head. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin kong iisipin. Ang dami na ngang problemang pumapasok sa buhay ko tapos dumagdag pa ito. Minsan na nga lang naging tahimik ang buhay ko tapos magkakaganito pa.
"Talaga bang nawawala siya?" tanong ni Mev.
"N-not exactly but I called her for almost three hours pero hindi niya ito sinasagot kaya do'n na ako nagtaka."
"So you just concluded that she's missing? Without any thought that maybe she really wants us to give her space?" hindi makapaniwalang sabi ni Devio.
"Yes! Because I was so damn worried about her!" sigaw ni Shiana. Sinabunutan niya kanyang buhok at nagdabog na parang batang inagawan ng laruan.
"Kaloka ghorl! Eh wala pang apat na oras nung umalis siya tapos nawawala na pala siya?"
Nandito kami ngayon sa loob ng kwarto ni Devio. Lahat ng kasama namin dito ay may kanyang-kanyang gawain. Pabalik-balik naman ng lakad si Shiana habang hawak-hawak ang kanyang selpon at pinipindot ito. Si Devio naman ay nakakrus ang kanyang mga braso habang sumasandal sa study table niya, hawak-hawak ang cellphone at sa sahig lang ang tingin, tila may malalim na iniisip. Si Rald naman ay nasa harap ng bintana at may tinatawagan habang si Marvin ay hinihilot ang kanyang sentido. As for the three of us, nakaupo lang kami sa kama niya at nag-iisip na pwede maging solusyon at plano kung paano mahahanap si Larra.
"Shiana, talaga bang tinawagan mo ang mga magulang niya?"
"They're not answering my calls."
"Mine too, damn it!"
"Maybe they are just hiding her,"
"Or maybe she's the one who is hiding." tumingin naman sila lahat sakin.
"What do you mean she's hiding? Hiding from what?" tanong naman ni Rald.
"Not what, who." sagot ni Tyrone. Yup, pareho kami ng iniisip. Tumingala naman ang ulo ni Devio at tumingin siya samin.
"Who? To whom she's hiding from?"
"Sa inyo, sa atin." he scoffed of what I said.
"Bakit naman siya magtatago satin?"
"Alam mo ang dahilan kung bakit Devio." nakalimutan na niya agad ang eksenang nangyari sa kusina nila? Nagtaka naman ang mukha ng apat. Parehong nakakunot ang noo ni Mev, Tyrone, Rald at Marvin. Oh yeah, hindi nga pala nila alam ang nangyari doon sa kusina.
"Nag-away ba kayo Dev?" humarap si Rald samin na kanina ay nasa bintana ang tingin.
"Just uh, a little jealousy I guess?"
"No. It was not." inis na ipinukol ni Shiana ng tingin si Devio.
"That was only a misunderstanding, she only misunderstood it."
"Shiana—"
"They are our friends too Dev. Hindi pwedeng hindi natin ito sasabihin sa kanila,"
"You've said it Shiana. You said a minute ago that it was a personal matter."
"Yes I know that. But now that they opened this topic, wala na tayong kawalan."
"Goisss! Like haler? Alien language ba ginagamit niyo? Pwede tagalog nalang? Marunong naman kayo siguro gumamit ng language na yun?" hindi nila pinansin ang komento ni Marvin.
"Devio, it's time they know." nagkatitigan naman silang dalawa, mata sa mata ang kompetisyon. Ilang minuto ang lumipas ay sumuko ang isa sa kanila. Umiiling-iling siya and he raised his both hands like he surrendered.
"Fine. Ikwento mo sa kanila. Let's see if they won't change their mind from finding Larra after they hear your story."
"Devio, ano bang pinagsasabi mo?"
"Larra wanted to poisoned me." nakayukong sabi ni Shiana, iniiwas ang mga tingin ng kasama niya.
"What?!" sabay na sigaw ni Rald at Marvin. Si Mev at Tyrone naman ay tahimik lang. Sinking to their minds of what Shiana said.
"Maybe that's the reason why she's hiding from you. Gusto niya kayong layuan." saad ni Tyrone na parang hindi na nagulat.
"But I already forgave her! Alam kong alam niyang hindi ko siya matitiis. She's my bestfriend!" biglang sigaw ni Shiana.
"Well for her, not anymore." tumayo ako at inayos ang aking damit. Napatigalgal naman siya sa sinabi ko, umaawang ng kaunte ang bibig niya na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"H-how... how can you say that?"
"You gave her space. She took her chance to escape of course."
"Y-you mean, she wanted to cut ties from us?" my only answer was shrugging my shoulders to the question Devio asked.
"Maybe not just from us, pati siguro sa pamilya niya."
"She... she will never do that!"
"Kung hindi niya ito gagawin ay bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag niyo sa kanya? You said that she's unlikely to do this." pagkasabi ko ng mga katagang yun ay doon na bumuhos ang mga luha niya.
"You're kinda harsh." bumulong rin si Mev sakin. Kinagat ko ang aking kuko. Napaluhod naman siya sa sahig habang umiiyak. Sa totoo lang, naaawa ako ngayon sa lagay ni Shiana. I mean, masakit naman talaga sa damdamin kapag iniwan ka ng bestfriend mo na wala man lang paalam, ni kahit isang text ay wala.
Tinulungan naman siya ni Rald at Marvin na itayo sabay pinaupo nila ito sa upuan.
"H-how? Bakit niya naman yun gagawin?"
"Nakita niya kami sa restaurant ni Shiana. Nung araw ng anniversary namin,"
"Kailan lang ito nangyari?"
"Kanina nung nasa kusina kami."
"Shhh, Shiana tahan na," hinahagod naman ni Marvin ang likod ng umiiyak niyang kaibigan.
"Myghad naman! Ano na ba nangyayari sa friendship natin?!"
"Sa totoo ay hindi naman kayo ang problema dito kundi si Larra." biglang sabi ni Tyrone kaya bumaling lahat ng atensyon sa kanya.
"Natakot siya na baka iiwan siya ni Devio kaya plinano niyang ilason si Shiana." dagdag pa niya.
"Devio, gagawin mo ba yun sa kanya?"
"N-no! I wouldn't do that to her. Hindi ko sasayangin ang dalawang taon naming relasyon and I love her."
"Good because I'm gonna tear up your b****y skin if you do that." lumunok naman si Devio sa pananakot ni Shiana sa kanya.
Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko kaya kinuha ko ito. Sigurado akong si ate ito.
Sunday, today
From: ate Ryle
Roseeeeell alam kong gising ka na ngayon at may favor sana ako
8:42 am
Tss, hindi nga ako nakatulog eh. Well, not literally didn't sleep. Only 2 hours I've slept, I think.
To: ate Ryle
What is it?
From: ate Ryle
Sabi na nga ba, may ipapabili sana ako may pera ka pa ba dyan?
To: ate Ryle
Yeah
From: ate Ryle
Good. Buy dozen of eggs and instant noodles. 4 packs of bacon and 5 yogurts. Kasya ba pera mo?
To: ate Ryle
Yup, got it
Saka ko na tinago ang cellphone ko.
"Guys, I have to go." saka ko sinukbit ang dala kong sling bag.
"You're going now?"
"Mmm, may ipapabili si ate sakin."
Tumayo na si Devio at kinuha ang susi ng kotse niya. "Sige, hatid na kita." tumango nalang ako saka ko binalingan ng tingin ang dalawa.
"You're not coming with?" I ask and they both shake their heads.
"Sorry Ro, tutulong pa kasi kami sa paghahanap kay Larra."
"Okay lang na mauna ka. Alam kong pagod ka rin. Kami na ang bahala sa kanila." tinapik ko muna ang mga balikat nila saka umalis kasama si Devio.
SHIANA'S POV
"Rosella sandali," agad naman siyang lumingon pero hindi siya sa mga mata ko nakatingin, sa damit ko ang atensyon ng mga mata niya. Minsan talaga ay nagtataka ako kung bakit hindi siya sa mga mata ko nakatingin, hindi lang sakin kundi pati sa iba.
"Hmmm?"
"S-salamat sa pagtulong mo samin," sabi ko at tumango lang siya saka tuluyan na silang umalis ni Devio. Sinabunutan ko ulit ang aking buhok saka umupo sa kama.
Ugh! Larra, where could you be? Wala naman kaming hideout dito dahil hindi kami yung tipo na tinatago o minumukmok ang sarili sa isang lugar.
"Guys, let's wrap it up. Magpahinga muna tayo lalo na ka na Shiana." sabi ni Tyrone. Agad akong umiling, hindi aprubado sa sinabi niya. No, I won't stop until I find Larra. Hindi muna ako magpapakampante. Paano kung may masamang nangyari na pala sa kanya?
"No, hindi pwede. Hindi ako magpapahinga hangga't hindi ko siya makitang ligtas."
"Shiana, hindi ka nakatulog dahil sa pag-aalala mo sa kanya. You should give your body a rest," ani Rald pero nagmatigas ako.
"Hindi ako papayag. Hindi ako titigil sa paghahanap sa kanya."
"Shanny ghorl, alam mo mawawala yang beautyness mo kapag hindi ka pa magpahinga."
"I don't care about that."
"Kahit na ano pa ang sabihin niyo ay hindi ko kayo papakinggan. I'll never stop searching her until she's visible in my eyes." huli kong sinabi sa kanila saka nagmartsa papuntang sala. Kung gusto nilang itigil ang paghahanap kay Larra, edi itigil nila dahil ako ay hindi.
Kinuha ko ang cellphone ko saka dinial ang number niya.
"Come on. Please Larra answer my calls." ilang ulit na rin akong nagsend sa kanya ng voice mail but I didn't receive any calls from her. Napaupo nalang ako at tinukod ang siko sa tuhod habang nasa mukha ko ang mga palad ko. This is the worst thing that happened to my life. One of my love ones got missing because of me.
Larra would never do such a thing. I didn't doubt her but she doubted me. She doubted my actions towards her boyfriend. Ito na kaya ang nararamdam niya kapag kasama ko si Devio? Pero sinabi ko na sa kanya, hinding hindi ako magkakaroon ng feelings sa lalaking bestfriend ko lang ang tingin para sa mga mata ko and so as Devio.
Hindi pa ba yun sapat para sa kanya? Anong gusto niyang gawin ko? Layuan ko si Devio? That could be arranged basta wag lang siyang magtanim ng galit o inggit sakin.
Magsosorry ang unang gagawin ko sa kanya kapag nakita ko siya. Hindi ko akalain na ganon na pala ang nararamdaman niya. Yun pala, tinatago niya ang totoong damdamin niya. I was such an idiot, bestfriend niya 'ko pero hindi ko man lang pinakiramdaman ang totoong nararamdam niya.
Aalis na sana ako nang tinawag ako ni Rald.
"Where do you think you're going?" umikot ang mga mata ko sa tanong niya. Such a dumb question.
"To find Larra of course."
"Shiana, would you just give it a rest for minute? Buong magdamag kang hindi natulog kakatawag sa kanya."
"And I'll still do it for the rest of the days." umiling siya at lumapit sakin saka pinatong ang mga kamay niya sa balikat ko.
"I know you're worried-sick about her,"
"Kaya nga eh, so why are you guys making barriers in front of me from finding her?" he frustratedly cupped his face.
"You've done enough, let us handle this matter."
"Larra is my bestfriend, I won't stop looking for her even if it could take me weeks to find her." pagmamatigas ko saka winakli ang mga kamay niya sa balikat ko. Padabog akong lumabas doon saka dumiretso sa dalang motor ko at pinaharurot ito. Pagkalabas ko ng Subdivision ay hindi nakatakas sa tingin ko ang kotse ni Devio papalabas pero dahil malayo na ako sa kanila ay hindi ko na sila pa naabutan.
Huminto muna ako saka tumingin sa kaliwa ko, tinitignan ang papalayong kotse niya.
I hope he's not lying about what he said. Siguraduhin niya lang talaga na hindi niya niloloko si Larra. Sana ay hindi siya mawawalan ng pagmamahal kay Larra habang wala pa ito. Sana ay hindi siya magiging katulad sa ibang lalaki na kapag malayo ang girlfriend nito ay itetake advantage niya ang pagiging malaya.
Bumuntong ako ng malalim na hininga sabay pinaharurot na ulit ang motor. Hinayaan ko lang ang katawan ko na kontrolin ang dinadalang motor. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa paligid ko. Why is everything tearing apart?
Larra is all over my head, ngayon niya lang ako pinag-alala ng ganito. Hindi ba talaga sumagi sa isip niya na mag-aalala kaming lahat sa ginagawa niya? How idiot could she be?
*BEEEEEEPPPP*
*SCREEEECCCHH*
Halos lumipad ako sa pagpihit ng brake para lang huminto ang motor ko.
"Hoy babae! Gusto mo ba magpakamatay?!" Sigaw nung driver nang nilampasan niya ako.
"S-sorry!" pagpapaumanhin ko.
Grabe. Kinabahan ako do'n ah? Pakiramdam ko nga ay pati ko kaluluwa ko ay sasama rin sa paglipad nung biglaan kong hininto ang motor.
Tumabi muna ako sa sidewalk at doon pinarada ang motor. Kinuha ko ang aking helmet saka napahilamos ng mukha. Nagpahinga ako saglit. Madidisgrasya talaga ako nito kung ganito ang lagay ko, lutang na lutang ang isip. Tama siguro si Rald, kailangan ko ng pahinga lalo na't may klase pa ako bukas.
Finding Larra could really take a while.
Pinaandar ko na ulit ang motor ko at pumunta sa isang lugar na tanging alam ko kung saan siya tumitira. Pagdating ko do'n ay may dalawang nakaparadang sasakyan ng pulis sa labas. Pinark ko ang aking motor sa ilalim ng puno saka dali-daling pumunta sa condo niya.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin ang tatlong pulis na nakatayo sa sala habang nag-uusap. Tumigil ang pag-uusap nila at bumaling lahat sila sakin.
"Can we help you miss?"
"Sandali lang, parang ang pamilyar mo yata." sabay lapit nila sakin.
"I-I'm Shiana, bestfriend of the missing girl who lives here."
"Ah!" nagitla ako sa biglang pagsigaw ng isa sa kanila.
"Kaya pala ang pamilyar mo. You must be the girl in this picture," sabay abot sakin ng isang picture na kinuha ko naman agad. Nanlulumo kong tinignan ang picture naming dalawa. Ito ang unang pagsasama namin sa isang bakasyon.
Mga bata pa kami dito. I was sticking out my tongue while I'm closing one of my eye while she puckered her lips and made a peace sign. Nakaakbay pa kami sa isa't isa. Ito ang isa sa mga pinakamasayang araw namin noong mga bata pa kami.
"Excuse me miss but can we ask you about her?" matamlay akong tumango habang nasa picture pa rin ang atensyon ko.
Umupo sila sa couch samantalang ako sa sofa, nakaharap sila sakin. Nakayuko lang ako habang hawak-hawak pa rin ang picture naming dalawa ni Larra.
"Alam mo ba ang dahilan kung bakit bigla nawala ang kaibigan mo?"
"Hindi ako sigurado kung ito nga ang dahilan ng pagkawala niya,"
"Ano yun?"
"Gusto niya akong lasunin," I saw in my peripheral vision that they glanced at each other.
"Bakit ka naman niya gustong lasunin?"
"She thought that I'm having a secret relationship to her boyfriend which is my bestfriend too,"
"Ah, love triangle isn't it?" mahina akong umiling.
"Hindi dahil hindi naman ako inlove sa boyfriend niya,"
"Name of her boyfriend?"
"Devio Castillo."
"Saan siya nakatira?"
"Canetown Subdivision,"
"Wait, yun ba ang lugar kung saan may namatay rin?" tanong ni Daniel na ikanataas ng ulo ko. Hindi na dapat ako magtaka dahil mga pulis sila.
"Oo. Namatay rin ang boyfriend ng ate ni Devio."
"Wow, such a big coincidence. Eh puro pala pag-ibig ang problema ng mga kasong yan." hindi ako sumagot sa sinabi niya dahil hindi ako sang-ayon. Hindi pag-ibig ang dahilan ng lahat kundi pagkakaibigan.
Kaya lang naman pinatay ni ate Melissa ang boyfriend ni ate Deina dahil inaabuso niya ito. Konting hindi pag-iintindihan ay pinipisikal niya na. Daig pa ang mag-asawa eh. Hindi alam ng mga magulang niya ang tungkol sa pagsakit ng boyfriend niya sa kanya. Napakamartyr ni ate Deina sa totoo lang.
Nagpapakamartyr siya sa pag-ibig at sa isang hindi worth it na lalaki?
Wala akong paki kung ilang years na ang relasyon nila, may pakialam ka pa ba sa kanya kung palagi ka niyang sinasaktan? Hindi pa nga kayo mag-asawa tapos ginaganon ka na niya?
It's better to break up kahit na ito ang magiging bunga ng pagkawasak ng puso mo kesa mahalin pa rin ang lalaking puro sakit lang naman ang ginagawa sayo.
"Paano mo nalaman na lalasunin ka niya?"
"Hindi ako ang nakaalam,"
"Sino?"
Sasagot na sana ako ng may lumabas na dalawang pulis galing sa kwarto ng condo niya.
"Shiana Fernandez, nandito ka na pala." tumayo naman agad ako at nilapitan si SPO1 Joel.
"Sir, any findings yet?" hinaplos niya ang kanyang batok saka umiling.
"Yes and so far, we found this." sabay pakita ng isang pakete ng sealed plastic. Umiling-iling ako habang kinukuha ito.
"Sa kanya ba yan?" tumango naman ako sa tanong niya. Tinignan ko naman ang kapareho nito sa kamay ko.
She torned our friendship bracelets. Kaya pala nung dumalo siya kahapon ay hindi ko nakitang suot niya ito. Because she torned it apart. May tumulong luha sa kaliwang mata ko na agad ko namang pinahiran. Bigla ko naalala ang sinabi ni Tyrone at Rosella sakin.
"Larra wanted to poisoned me."
"What?!"
"Maybe that's the reason why she's hiding from you. Gusto niya kayong layuan."
"But I already forgave her! Alam kong alam niyang hindi ko siya matitiis. She's my bestfriend!"
"Well for her, not anymore."
"Well for her, not anymore."
"For her, not anymore."
"For her, not anymore."
"Not anymore."
Para itong sirang plaka na paulit-ulit sa isip ko. Siguro nga ay totoo ang sinasabi ni Rosella na tinapos na niya ang pagsasamahan namin.
"Sir p-pwedeng pumasok sa kwarto niya?"
"Yeah sure," sabi niya at binigyan ako ng daan kaya dali-dali akong pumasok.
Pagpasok ko ay bumungad sakin ang malinis na pader. Halos wala kang may makikitang sumasabit na ano mang bagay. Sumalubong naman ang kilay ko dahil sa nadatnan ko.
Our pictures, it's gone. How?
"Sir, we found something." lahat kami ay lumingon sa pulis na nasa pintuan. Pumasok siya at lumapit sa direksyon namin.
"Habang iniikot namin ang paligid ay may nakita kaming mga abo,"
"Saan?"
"Malapit ito sa may abandunadong bahay, may mga kakahuyan kasi doon."
"Can you identify the burnings?"
"Yes sir, mga litrato ito," sabay bigay nito kay Sir Joel. Bigla akong kinabahan. Lumapit naman ako sa kanila at tinignan ito. Halos manlumo ako sa nakita ko.
"Shiana, kilala mo ba ang mga batang 'to?"
Hindi ko siya pinansin at kinuha ang litrato mula sa kanya. Hindi ko na mapigilang umiyak. N-no, no way. Larra would never do this. She will never burned our pictures because these are so precious and we treasured them all. No. B-baka iba ang gumawa nito, hindi si Larra ito. Hindi niya gagawin ito.
"S-saan mo ito nakuha?" I said between my sobs.
"Doon po ma'am malapit sa may abandonadong bahay," nang sinabi niya yun ay hindi ako nagdalawang isip na lumabas at pinuntahan ang tinutukoy niya.
"Ma'am! Sandali lang po!"
Pagkalabas ko ay tinignan ko ang paligid, hinahanap ang isang abandonadong bahay. Nakita ko ito at nasa kabilang kalsada ang pwesto nito. Mula dito ay kita kong may lumabas na dalawang pulis sa gilid ng bahay. Agad naman akong gumalaw at tumakbo papunta doon.
"Ah ma'am ano po kailangan niyo?" hinarang ako ng isa sa kanilang dalawa at tinanong. Hindi ko siya pinansin at tinabig ang kamay niyang humaharang sa katawan ko.
"Ma'am, you're not authorised to go there." habol pa niya pero hindi ko pa rin siya pinansin. Pumunta ako sa likod ng abandonadong bahay at doon ko nga nakita ang hinahanap ko. Nilapitan ko ito at lumuhod.
Sinunog nga niya talaga ang mga litrato namin.
"Ma'am, you can't be here. It's an—"
"Lance, let her be. She's the friend of the missing girl we're seraching."
Hindi ko na nga mapigilang umiyak at tinakpan ang aking bibig. How could she do this to us? Ganon na ba talaga siya nasaktan nung akala niya ay may relasyon kaming dalawa ni Devio? The heck! Bakit dinamay niya pa ang mga litrato namin?! If she wanted to end our friendship, we can arrange that but burning our most treasured thing?
"Larra."