“Nakita mo ba kagabi ang balita?”
“Huh? Anong balita ba?”
“Yung bar malapit sa St. Scholastica Elementary School,”
“Bakit? Anong meron?”
“May dalawang waitress daw na namatay.”
“Hah?! Kailan lang?”
“Kahapon, binaril daw.”
Naging trending dito sa school ang balita tungkol sa nangyari sa bar na pinagtatrabahuan ni Kystella.
Anyway, ang mahalaga ay naniwala siya sakin. Hindi siya namatay o kahit nasugatan man lang. Mabuti at pinaniwalaan niya ako. Bahala na kung tatadtarin niya ako ng mga tanong. Everything has it’s own reason ika nga nila, so ang gagawin ko lang ay magsinungaling sa kanya.
Aakyat na sana ako ng may narinig akong takbuhan sa likod ko. Dahil sa kuryusidad, sinundan ko sila. Teka, patungo sila sa bulletin board. Pagdating ko doon ay marami nagkukumpulang mga estudyante. Bakit? Anong meron?
Lumapit ako at may nakitang mga picture. Hindi ko mawari kung ano ang nakapaskil na mga litrato pero ang iba sa kanila ay gulat. Meron ring iba na nandidiri pa. Ang iba ay may ngisi na pinipikturan ang litratong ito, may babae pero karamihan sa kanila ay lalaki. Ano bang pinipcituran nila?
Nakipagsiksikan ako at nagsalubong ang mga kilay ko nung malinaw na nakita ko ang nakapaskil na mga litrato. Si Kystella, nasa loob siya ng bar at nagtatrabaho. Ang ibang litrato ay may dala-dala siyang tray, ang iba naman ay nakangiti niyang sinisilbihan ang mga customers.
Masasabi kong hindi ito edited dahil mukhang eksperto ang kumuha. Ang gaganda pa ng angle kaya hindi mo maiiwasan na ang mabuti at walang malisya mong ginagawa ay naging kabaliktaran ito.
“Ang nagmamaldita pala ay p****k. Hahaha!”
“Eww, akala mo kung sinong maganda. ‘Yun pala ay pokpok.”
“Sabi-sabi daw eh isa siya sa mga binaril sa bar na ‘yan.”
“Huh?! Edi deds na siya?!”
“Ewan.”
“Grabe pre, hindi ko akalain na sexy pala ‘tong si Kystella babes.”
“Oo nga eh, ang ganda ng hubog ng katawan niya.”
Grabe talaga makahusga ang mga estudyante dito. Ang tatalim ng mga dila. Hindi na ako nagulat. Tsk. Wala talagang sikreto na hindi nabubuyag. Aalamin at aalamin nila para masira ka sa paningin ng iba. Bahala sila d’yan, wala na akong pakialam kung pagpyestahan nila ang litrato niya. Sila na ang bahala humusga.
Umalis na nga ako doon, hindi ko na kaya makipagsiksikan sa mga walang modo at walang hiya. Liliko na sana ako nang marinig ko ang pagsinghap at tili nila. Ano na naman ba ginawa nila?
Lumingon ako at nakita ko ang hindi makapaniwalang itsura ni Kystella habang nakatingin sa malaking bulletin board. Gulat at inis ang makikita mo sa mata ng mga nagkukumpulang estudyante. Akala siguro nila isa sa mga namatay si Kystella kaya ganon nalang ang ekspresyon nila. Nagtago ako sa pader, hinihintay ang susunod niyang gagawin.
Nilapitan niya ito at galit na pinagkukuha ang mga nakapaskil na litrato niya. Dahil malelate na ako sa klase ay dumiretso na ako sa hagdanan. Pero bago ako umalis ay nakita kong sumulyap pa siya kung nasaan ako. Hindi niya naman siguro ako kakasuhan. Alam kong hindi siya ganon kababaw na tao para gawin ‘yun.
Tinungo ko na ang daan papunta sa room at binuksan ito.
“Good morning Ro!” boses agad ni Mev ang bumungad sakin kaya napatingin ang ibang classmates namin sakin. Kay aga aga, napakaingay. Hindi ko siya pinansin at pumunta sa desk ko. Nandyan na rin si Kylie at Azra na katabi lang pala niya.
“Morning Rosel,” tango lang ang tinugon ko sa kanya. Habang inaayos ko ang bag ko ay nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang paglapit ni Mev sakin. Tinukod niya ang dalawang braso niya sa desk ko saka nilapit sakin ang mukha.
“Nabalitaan mo na ba?” umiling ako pero alam ko na kung anong balita ang sinasabi niya. Gusto ko lang malaman kung ano ang sasabihin niya.
“Patay na raw si Kystella.” Bulong niya. Seriously? Pati siya nahulog sa patibong ng iba? Kung sino man ang nagkalat ng balita na ‘yan ay napakachildish niya. Halata na matindi ang galit niya kay Kystella.
“Oo, narinig ko rin ang bulungan ng iba tungkol d’yan.” Sulpot ni Kylie.
“Hindi ako makapaniwala na isa pala siyang p********e, naaawa ako sa kanya.”
“Maski ako, kahit na kahapon ko lang siya nakilala.”
“Totoo kayang namatay siya?”
Pabagsak na bumukas ang pinto kaya nakuha ng lahat ang atensyon nito at lahat sila ay narinig kong suminghap, lumunok at nagtilian. Katulad na katulad ng mga estudyanteng nagkukumpulan kanina sa bulletin board ang ekspresyon ng mga kaklase ko ngayon. Pwera sakin na nakatingin lang ako sa diretso sa harapan. I bet ako agad ang lalapitan niya.
“Rosella, pwede bang—“
“Good morning class.”
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang pumasok si Ma’am Eril na first subject teacher namin. Nagsi-ayusan naman ng upo ang mga tao sa paligid. Pero nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtaka sa mukha ni Kylie nang nilapitan ako ng maldita kuno na classmate namin. Sumulyap muna si Kystella sakin bago umupo sa kanyang upuan na nasa unahan lang ni Kylie.
Hindi tulad kahapon, nakikinig na ako ngayon sa discussions ni Ma’am Eril. Minsan nahuhuli ko pang pasulyap-sulyap ng tingin dito si Kystella na parang atat na atat na siyang makausap ako. Minsan ay sadya niyang hinuhulog ang ballpen niya para mapulot ito sabay sulyap sakin. Panay rin ang tingin niya sa kanyang relos na parang nagpapanic.
Nakikita ko ring nagnanakaw ng tingin sakin si Kylie. Marahil ay nagtataka siya kung bakit nilapitan ako at kinausap ako ni Kystella. Buti at hindi napapansin ni Mev dahil nasa harap ang atensyon ng mga mata niya at busy sa pagtetake down notes sa mga sinasabi ng guro.
Saktong pagkatapos kong kumompya sa mga cartolinang nakapaskil sa blackboard ay nagbell na. Niligpit ko na ang mga gamit ko at ipinasok sa bag.
“Rosella, kailangan natin mag-usap.” Agad na sabi niya sakin. Hindi ko siya pinansin dahil nililigpit ko pa ang mga gamit ko. Narinig ko ang marahas na pagtulak ng upuan dahilan upang magitla si Mev.
“Hoy, hoy, hoy. Wag ka ngang lumalapit sa kanya. Baka mahawaan mo pa siya sa pagiging minamaldita mo.” Singhal ni Kylie sa kanya. Kystella hissed.
“Bakit? Kaibigan ka ba niya? Eh hindi ka nga niya pinapansin,” kahit na hindi ako tumingin ay alam kong inirapan ni Kystella si Kylie.
“Aba, aba? Eh ikaw nga kanina ay hindi ka rin niya pinansin! Kahit ngayon nga nung kinausap mo siya!”
“Teka, awat muna girls. Ano nangyayari?” Pagsulpot ni Mev.
“Wala kang pakialam so please shut up ka?”
“Anong shut up? Hoy, Kystella na feeling maldita may bibig ako at malaya akong makapagsalita. Hindi ka batas para sundin ko.”
“Pwede ba Kylie? Wala akong oras makipagtalo sa—“
Tinulak ko ng mahina ang upuan ko dahilan ng pagtigil ng away nila at pagbaling ng tingin sakin. Tinignan ko ang crest ni Kystella at tumango, alam niya naman siguro ang ibig kong sabihin.
Mapang-asar niyang nginisihan si Kylie na parang nanalo sa away nila. Gulat man ang itsura ni Kylie ay hindi niya nalang ito pinahalata at tinakpan ng pagkainis ang ipinalit niya. Si Mev naman ay nakataas ang kilay, tila hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa pagitan naming tatlo.
Nauna akong naglakad habang nakasunod sakin si Kystella.
Tahimik lang namin nilalakad ang daan patungo sa pupuntahan ko. Sa library sana ang lugar kung saan kami mag-uusap pero may mga tao ito sa ganitong oras kaya napagpasyahan kong sa isang lugar kung saan isa rin sa mga tambayan ko nalang ang pupuntahan namin.
Habang naglalakad kami sa hallway ay may biglang humarang na apat na kababaihan.
“What? You’re back from the dead?”
“Did you sell your soul from a demon kaya ka buhay ngayon?”
“Too bad, nabuhay ka pa.”
“For your information guys, p****k pala siya.” Sabay tawa nilang apat. Guess who? I’ll give 100 points who ever guess it right.
“Pwede ba Lizy? Pabayaan niyo kami? May dapat pa kaming asikasuhin.” Inis na sabi niya at lalakad na sana nang hinarangan siya ng isa sa mga alipores ni Lizy.
“And who do you think you are? Maldita ka lang. Kung makapagsalita ka ay akala mo ang taas-taas ng rango mo dito. p****k naman.”
“Eh ano kung p****k ako? Edi sundin niyo ‘ko. May angal kayo? Alam niyo, inggit lang yan dahil marami na akong nabingwit na gwapo kahit na natural lang ang itsura ko. Di tulad niyo, nagmumukha kayong clown sa sobrang kapal ng mga make up niyo.” I vote with her. Magsasalita na ulit sana ito ng hinarang ni Kystella ang kamay niya sa mukha ng babae.
“Hindi lang pala kayo nagmumukhang clowns dahil clowns talaga kayo.” Sabay-sabay silang humawak sa kanilang dibdib as if na may laman ‘yan. Kasabay no’n ang pagkabuka ng mga bibig nila na tila hindi makapaniwala sa sinabi ni Kystella.
“You b***h! Why would we be envious to you? At ano sinabi mo? Itutulad rin ang sarili namin sayo na maging p****k kami? Hahaha! Talking like a real slut.” At nagtawanan ulit sila. Marami na ring mga estudyanteng nakatingin samin at nagbubulungan. Seriously, kanina pa ang bulungan na ‘yan. Pwede ishare naman nila samin?
This is nonsense. Kaya nga inuna ko na ang pag-uusap naming dalawa ni Kystella para matapos agad ito at para makakain na ako. Pero bigla humarang ang apat na clowns na ‘to. They’re a waste of time. Nakakainis. Wag na wag lang nila ulit akong puntiryahan dahil nabad mood na ako sa kanila no’n.
“Teka nga, baka naliligaw kayo? Eskwelahan ito, hindi birthday party ng mga bata.”
May narinig akong mga tawa sa paligid. Tss. Akala ko ay dumadaan lang sila ‘yun pala ay may dalang pagkinig. Jeez! Dalian mo Kystella, tapusin mo na ‘yan para tumigil na ‘to sa pagkalam ng sikmura ko. Gutom na gutom na talaga ako.
“How dare you!” galit na sigaw ni Lizy at tinaas ang kamay niya na parang kating-kati na isasampal si Kystella.
Pero hindi ko sila pinansin at nilingon ko ang ulo ko sa likod. May mga naririnig akong yapak ng mga paa, parang tumatakbo. Paglingon ko ay tama nga ako, may isang lalaki na tumatakbo sa direksyon namin. Binigyan ko siya ng daan para makadaan siya at nilampasan ako. Dire-diretso lang ang takbo niya, sinundan ko pa siya ng tingin pero nawala na siya nung lumiko siya sa kanan.
Napatulala ako sa nakita ko. Did I… Did I just saw that? Nakita ko ba talaga ‘yun? Yung lalaki kasi, hindi ko naman alam na susulyap pala siya ng tingin sakin. Tila bigla nagslow motion ang pagtakbo niya nung nakita ko ang mga mata niya. May mga butil ng luha pa ang namumuo pero dahil sa hangin ay kusa itong pumatak.
Hindi ko akalain na titingin pa siya sakin nung nilampasan niya ‘ko. Hindi na ako nagtaka nung biglang kumabog ng mabilis ang puso ko.
Another one has yet come. Nakita ko…. Nakita ko ang kamatayan niya. At alam ko kung saan ito mangyayari.
Pinahiran ko ang pisngi ko gamit ang kamay ko, nabahiran kasi ng luha niya. Tinignan ko ulit ang daan na tinungo ng lalaki.
Magpapakamatay ba talaga siya?
*PAK!*
Napatingin ako sa gawi nila Kystella. Nakayuko na ang ulo ni Lizy at may bakas ng kamay at mapula ang pisngi niya. Ahh, nasalo niya pala ang kamay ni Lizy kaya hindi niya inaksaya ang pagkakataon na sampalin siya. Serves her right pero may kailangan muna akong ayusin.
“O-oy, Rosella! Sandali lang!”
Tumakbo ako ng tumakbo. Tinungo ko kung saan patungo ang daang pupuntahan niya. Kinakabahan ako na baka huli na ‘ko. Wag naman sana, konsensya ko nalang. Wala na akong pakialam sa mga taong nakakabangga ko.
I want to save lives, their lives. Hindi ko alam pero kating-kati ako na makasagip ng mga tao ngayon. Parang may nag-uudyok sa isipan ko na gawin ko ang bagay na ito.
“And who are you? A trying hard hero who wants to save the wrong victim?”
Biglang bumagal ang pagtakbo ng mga paa ko. Hingal na hingal ako kaya agad akong napatukod saking tuhod. Hindi ko alam kung bakit ‘yun sumagi sa isip ko bigla.
Anong ibig niyang sabihin? I’m not a trying hard hero here, dammit. Magpapakasuper hero pa ba ako kung na ganito kaseryoso ang sitwasyon? Sinabi ko na, I’ll save lives even if it costs my life.
Agad ulit akong napatakbo at umakyat. Nasa fourth floor pa ang rooftop. Wala pa namang elevator dito, hagdanan lang. Tig-dalawa ang hakbang na ginawa ko sa hagdanan para mas bumilis ang takbo ko. Please, please lang sana nakatayo pa siya. Sana hindi na natuloy ang pinaplano niya
Ngayon ay nasa harap ko na ang isang pinto na gawa sa kahoy, sa likod nito ay ang rooftop. Hindi ako nag-atubiling sinipa ito at bumungad sakin ang lalaking nasa bangin.
KYSTELLA’S POV
“O-oy, Rosella! Sandali lang!”
Aba’t— tinakbuhan ako?! Saan naman pupunta ‘yun?! Iniwan niya pa ‘ko sa mga clowns! Nakakainis! Inisahan yata ako ng babaeng ‘yun! Marami pa akong tanong na tanging siya lang ang makasagot tapos tatakbuhan niya lang ako?!
Inis kong iniharap ang apat na clown. Nakatulala pa rin si Lizy habang hinihimas-himas niya ang kanyang maputi at makinis na pisngi na sinampal ng palad ko. Kasalanan niya ‘to eh. Kung hindi na sana siya humarang ay lahat ng katanungan ko ay nasagot na.
Bwisit na babae, kulang ng aruga at atensyon. Hindi ba siya binibigyan ng atensyon sa bahay nila kaya’t dito niya naisipan na magpabida?
“Ikaw! Kasalanan mo ‘to! Papalampasin ko muna ang ginawa mong ito, hindi pa tayo tapos.” Nangangati sa galit kong sinabi sa kanya at padabog na iniwan siya habang nakatulala at hawak-hawak pa rin ang pisngi niya.
Pinagtutulak ko ang mga taong humaharang sa daan ko. Mga chismoso’t chismosa. Wala eh, galit ako. Ewan ko ba sa babaeng ‘yun.
Nakayuko akong naglalakad sa hallway, iniisip ang nangyari kagabi.
“Aray ko.” Napatigil ang pag-iisip ko at napayuko ang katawan. Shet lang ah, ang sakit no’n ah, hinimas-himas ko naman ito para mawala. Buto ko pa talaga natamaan.
Teka, ba’t pala may lamesa dito? Sa hallway, may lamesa? May balak ba silang gawin sa lamesa na ‘to? Anong— tinignan ko nga ang paligid. Sumimangot ang mukha ko ng napagtanto kong nasa loob na pala ako ng cafeteria.
“Okay ka lang ba Kystella?” binalingan ko ng tingin ang isang pamilyar na boses. They are four, one girl and three boys. Though hindi lalaki ang isa sa kanila. Tinaasan ko sila ng kilay.
“Ay, maldita ka na n’yan?” pang-iinis sakin ng bakla kong classmate. Tss! Isa pa ‘to eh. Ewan ko ba pero kada makikita ko talaga ang baklang ‘to ay kumukulo agad ang dugo ko. Siya rin naman eh, hate namin ang isa’t isa. The feeling is mutual though.
“So? Wala kang pakialam,”
“Duh? Wala naman talaga akong pakialam lahat ng nasa iyo.”
“The feeling is mutual, Marv.”
“What did you just call me?!” ayun, nainis sa tinawag kong pangalan sa kanya. Tumayo pa nga at hinampas ang lamesa. Napatawa ako saking isipan.
Ayaw na ayaw niya na tinatawag siyang Marv dahil pang-lalaki daw pakinggan. Tss. Eh lalaki naman talaga siya! Duh? Bobo lang? Kasalanan niya kung bakit naging babae ang immature niyang kaluluwa.
“Vinnie, calm down.” Pag-aawat ni Shiana sa kanya. Walang kahirap-hirap niya tinabig ang kamay ng kaibigan niya sa kanyang braso.
“Sampalan nalang oh?” hamon niya sakin. Lumapit siya sakin kaya naging pantay ang height namin. Nagcompete kami sa pagtitigan. Chinicheer pa kami ng dalawang mokong na sina Rald at Dev na classmate rin namin. Pinaghahampas nga sila ni Shiana at pinapatahimik.
I don’t know if I’m gonna laugh or not. Pagsabi niya kasi ng mga salitang ‘yun ay lalaking lalaki ang dating. Kaso panira lang ang word na ‘sampalan’.
“I don’t have time to argue with a gay. And my level is higher than you so I’m going to get a fight that is more, more worth it than with you.”
Bubuka na sana ang bibig niya ng may sumigaw sa pangalan ko. Ugh! Here we go again. Seriously? Nakakainis na ang mga nangyayari sa buhay ko. Ba’t kaya ang malas ko?
“Hoy! Kystella na feeling maldita!”
Nilingon ko na may matamis na ngiti ang isa sa fans ko. Kasama niya si Azra na nakayuko at si Iro na prenteng ngumunguya ng gum.Tsk. Sobrang ganda ko na ba talaga kaya magpapansin siya sakin? Nahuhulog na ba siya?
“Yes bungangerang Kylie?” balik ko sa kanya. Mas lalong nag-usok ang ilong nito sa tinawag ko sa kanya. Isa pa ‘to eh. Kontento na ako kay bakla na makipagbangayan pero dumagdag pa siya. Pakioffer na rin sarili niyo para mas marami, mas masaya.
“Bungangera your face! Nasaan si Rosella?!” what the? Problema ba ng babaeng ‘to? Palaging naninigaw, palaging nakalunok ng microphone pero kung si Rosella na ang kaharap ay nagiging maamong kuting. Ang lapit-lapit pa ng mukha niya sakin nung sinigaw niya ‘yun, siguro deds na ang eardrums ko.
Naging seryoso ang mukha ko nung binanggit niya si Rosella. Oo nga pala, malapit ko ng makalimutan ang tungkol sa kanya. Buti pinaalala niya sakin.
“Tinakbuhan niya ‘ko.” Simpleng sagot ko. Nilayo niya ang mukha niya sakin na may pagtataka.
“Ano? Tinakbuhan ka? Saan siya nagpunta?” naging seryoso rin ang mukha niya. Kibit balikat ang naging sagot ko dahil sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung ano ang dahilan kung bakit tumakbo ang weird na ‘yon.
Ewan ko pero simula nung sinabi niya na malapit na ako kukunin ni kamatayan ay bigla ako nakaramdam ng matinding pagkalito at kaba. Tama siya, ay hindi pala.
Hindi lang basta tama kundi tumpak na tumpak siya. Akalain mo ‘yun? Nahula niya. Like, wow. Paano niya nagawa ang bagay na ‘yun? Saan niya natutunan manghula?
Sa totoo lang, natakot ako nung sinabi niya sakin ‘yun. Kasi naman, bihira lang siya nagsasalita sa room. Ay mali ulit, dahil hindi talaga nagsasalita ang babaeng ‘yun. Siguro bumubuka lang ang bibig niya kung tatanungin siya ng mga subject teachers namin.
Nagulat pa nga ako nung sinundan niya pala ako para lang sabihin ang mga salitang nagpalito sakin. Akala ko nga ginu-good time niya lang ako pero ng makita kong hindi siya tumatawa at tahimik ay doon na ako pinasukan ng kaba.
Tapos, paano niya nakilala si Dalia? Doon na nagsimula nanginig ang katawan ko. I thought, is she some kind of a maniac stalker?
Nagbell na sinyales na tapos na ang break time kaya’t bumalik na kami sa room dahil class time na naman. Ugh! Nakakainis na ang ganitong buhay! Sarap tumigil sa pag-aaral at magtrabaho nalang ng magtrabaho. Gusto ko ng yumaman.
Bago pa tumapak ang paa ko sa sahig ng classroom ay huminto ako. Parang may pumupigil saking pumasok at may nagbubulong sakin na pumunta ako sa rooftop. Tila inuudyok ako.
“Tabi nga, tss. Hindi kadyosahan ang face mo para humarang sa may pintuan.” Sabay tabig ng balikat niya sakin. Nagpakawala ako ng matatalim na tingin sa kanya. Bwisit talaga ang baklitang ‘to, nagpapansin ba siya sakin?
“Tulong!” agad akong napalingon sa paligid. Wait, did I just hear somebody yelped for help?
“Tulungan niyo ‘ko!” and there is it again. Meron talaga. Kahit nagriring pa rin ang school bell ay naririnig ko pa rin.
Dahil sa pinakadulo ang pwesto ng room namin ay pumunta ako sa maliit na garden box sa labas lang ng lobby nito. Hindi ito sakop sa bubong ng room kaya makikita mo ang ibang bahagi ng building na ‘to.
Tumingala ako at parang biglang huminto ang oras sa nakita ko. May taong nakasabit, ang tanging hinahawakan niya at ang nagpipigil sa paghulog niya ay railings sa rooftop. What the—
“Miss Castro, ano pang tinutunganga mo d’yan? Pumasok ka na para makapagsimu— Miss Castro!”
Hindi na nga ako nagpatumpik-tumpik pa at tumakbo na. Narinig ko rin na sinigaw ni Sir Amiel ang apilyedo niya. What the? Crush ba ‘ko ng babaeng ‘to?
“Hoooyy! Saan ka pupunta?!”
“Pake mo ba?!”
“Grrr! Nakakainis ka! Alam kong alam mo kung saan tumakbo si Rosella! Nagsinungaling ka pa sakin!” Hindi ko talaga at kailan man maintindihan ang mood ng babaeng ‘to.
Wala na kaming pakialam kung sinisita o pinapagalitan kami ng mga gurong dinadaanan namin. Ang nasa isip ko ngayon ay ang lalaki sa rooftop. Paanong hindi maririnig ng mga taga-third floor ang sigaw na ‘yon? Nagbibingi-bingian ba sila? At bakit nakasabit do’n ang lalaki?
Tinatangka niya bang magpakamatay? Eh bakit sumasabit pa siya sa railings? Wag mong sabihin na nagbago isip niya at napagdesisyunan na wag nalang magpakamatay sa oras na nahulog na siya?
Sumusunod lang sa likod ko si Kylie. Tumigil lang kami sa pagtakbo nang nasa harap na namin ang pinto papasok ng rooftop. Teka, parang sinipa yata? Parang galit ang nagsipa nito dahilan ng pagkawasak at pagkabutas sa gitna nito.
Dali-dali kaming pumasok at inikot ang mata sa paligid.
“Rosella!”
Tinignan ko kung saan nakatingin si Kylie at doon ko nakita si Rosella na nakayuko ang kalahating katawan niya. May lalaki pa siyang kasama na mukhang pamilyar, tinutulungan niya din si Rosella sa paghila ng lalaking nakita ko kaninang nakasabit sa railings. Agad namin silang nilapitan at tinulungan din.
Is this… coincidence? Siguro. Yeah, this is all just a coincidence after all.