“Okay ka na ba? Aray!”
“Tanga mo talaga! Sinong tao ang magiging okay sa nangyari kanina?!"
“Eh mag-iisang oras na siyang nakayakap sa kanya! Baka nananantsing na ‘yan!”
“Ano namang katangahan ang pumasok sa kokote mo Kylie at naisip mo ‘yan?”
“Bakit kasi hindi nalang natin siya dalhin sa clinic?!”
“Pwede ba Kylie?! Tumahimik ka nga muna! Kahit 10 minutes lang!”
Hindi ko pinansin ang pagbabangayan nilang dalawa at tinuon ang pansin sa lalaking nakita ko kanina sa hallway na nakayakap sakin ngayon.
Ano kaya ang nangyari sa kanya? Ang payat payat niya at parang hindi nakakain ng ilang araw. May mga galos at pasa ring pumapalibot sa braso at leeg niya. What happened to him?
“Okay ka na?” mahinahong tanong ko at sa ikasiyam na pagkakataon ay umiling siya. Nanginginig pa rin ang katawan niya dahil sa kaninang nangyari.
Nandito kami ngayon sa tabi ng pinto, nilock pa namin ito para walang sasabagal dito samin at binabantayan namin siya ng maigi, baka kasi gagawin niya ulit ang ginawa niya kanina. I wonder, what made him do this?
Hindi ako nag-atubiling sinipa ito at bumungad sakin ang lalaking nasa bangin. Tumakbo ako kaagad papalapit sa kanya. Bago pa siya lumingon ay nahawakan ko na ang kamay niya kaya’t hinila ko siya papalayo do’n.
Sa lakas ng pagkahila ko ay nawalan siya ng balanse kaya natumba kami sa isa’t isa. Dahan-dahan akong bumangon at tinignan siya. Lumaki bigla ang mga mata ko nung napagtanto kong hindi siya ang lalaki na nakita ko kanina sa hallway.
“T-Tyrone?” mula sa nakangiwing mukha ay unti-unti siyang namulat at tinignan ako. Ang kaninang nakangiwing itsura niya ay napalitan ng gulat. Isa kong kaklase si Tyrone Villadolid simula 1st year high school ako. At hindi ito ang pinakaunang pagkakataon na nag-usap kami.
“Ro.. Rosella."
Hindi.
Hindi hindi hindi.
Hindi pwede ‘to. Maling rooftop ba ang pinuntahan ko? Bakit si Tyrone ang nadatnan ko dito? Siya ba talaga yung nakita kong lalaki na tumatakbo sa hallway? O baka guni-guni ko lang na ibang mukha ang nakita ko? Pero hindi, walang bakas ng luha ang mata at pisngi niya. Imposible na natuyo agad dahil ilang minuto lang naman ang lumipas.
Umayos ako at umupo katabi niya. Yumuko ako, wala na. Am I too late? O baka mali talaga ang napuntahan kong rooftop? Pero hindi eh, ganitong lugar ang nakita ko sa mga mata niya. Itong rooftop pinili niya para magpakamatay.
“Rosella? Okay ka lang ba?” umupo siya at pinagpag ang polo niya.
Wala akong kwenta. Naalala ko noon, dito rin ako nagtangkang magpakamatay. But the view was always on the way of my nearly death. Naramdaman kong tumayo siya.
“I’m not intending to give my soul for Death. Marami pa akong pangarap na tutuparin.” Dagdag pa niya at nakita ko ang pag-alay ng kamay niya sakin. Walang emosyon ko itong tinignan. Ilang sandali ko muna ito tinitigan bago ito hinawakan. Tinulungan niya akong tumayo tsaka ko rin pinagpag ang uniform ko.
Aalis nalang ako. Tutal wala rin namang saysay ang pagpunta ko dito. Babalik nalang ako sa room at isubsob ang ulo ko sa desk.
“Hey, are you okay?” umiling ako at naglakad na.
“Gusto mo punta tayo ng clinic?” muli ay umiling ako. Gusto ko ay umalis dito. Nakayuko ako at yakap yakap ang sarili kong tinungo ang pinto na sinipa ko kanina.
Huminto ako sa paglalakad nang narinig ko ang pagbell kasabay no’n ang pagsigaw ng isang tao.
“Hmm? May problema ba?”
Huminto rin siya sa paglalakad at pinakiramdaman ang paligid.
Meron. Meron talagang sumisigaw. Hindi ko mawari kung sumisigaw ito ng tulong dahil sa nakakabinging school alarm. Halos trenta segundo ang tinagal ng pag-bell. Ibig sabihin, tapos na ang break time. Ilang minuto akong tumayo, nagbabasakaling marinig ko ulit yung munting sigaw na narinig ko.
“Rosella, kailangan na nating bumalik sa room.” Sabi ni Tyrone. Isang tango lang ang naging sagot ko kasabay ang pagsuko ko sa paghihintay na umalingawngaw ulit ang boses na narinig ko. Baka guni-guni ko lang ‘yun. Tuluyan na sana akong aalis nang narinig ko muli ang sigaw na “Tulong!”
Kapwa napatigil kaming dalawa ni Tyrone. Nagsalubong ang mga kilay niya at palinga-linga siya sa paligid.
"Narinig mo ba ‘yon?”
Suminghap ako nang may nakita akong kamay na humahawak sa railings. Bumilis rin ang t***k ng puso ko.
Agad kong nilapitan kung saan ko nakita ang kamay nito at tumingin sa baba. Nasa likurang bahagi pala siya ng rooftop, hindi sa harap.
“Tulong! P-please! T-tulungan mo ‘ko!” ramdam mo talaga ang takot sa boses niya, umiiyak na rin siya. Bumitaw ang isang kamay niya kaya agad akong napaaskyon. Inialay ko sa kanya ang kamay ko at inabot niya naman ito.
“S-salamat,” humihikbing sabi niya.
“Von?!” gulat na sigaw ni Tyrone. Teka, kilala niya?
“Tyrone, tulungan mo akong hilain siya.” Sabi ko na agad niya namang sinunod. Kung hindi ko siya sinabihan ay hindi agad siya gumalaw. Inabot niya rin ang isang kamay niya at hinawakan naman niya. Pinipilit namin siyang inaangat pero parang natatakot ang lalaki.
“Wag kang matakot Von. At wag na wag kang tumingin sa baba. Use your feet to guide you up, wag kang mag-alala hindi ka namin bibitawan.” Kahit na nag-aalanganin pa itong sundin ang sinabi ni Tyrone ay wala na siyang nagawa. Sa mga oras na ‘to ay wala na siya iba oang uunawain kundi ang sarili niya. Pilit muli namin siyang inangat at sinunod ang payo na sinabi ni Tyrone sa kanya.
Hindi ako sanay sa mga ganitong sitwasyon. Nakakatakot.
“Rosella!”
Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano nung narinig ko na isinigaw ang pangalan ko na nagmumula kay Kylie.
Naramdaman ko ang pagtakbo niya papalapit samin pero hindi siya nag-iisa. Kasama niya si Kystella. Tinulungan nila kami at dahil sa tulong nila ay tuluyan na namin naaingat na walang kahirap-hirap ang lalaki na nagngangalang Von.
Agad niya akong ginawaran ng yakap nang nakatapak na ulit siya ng semento. Nanginginig pa ang mga binti nito nung inihakbang niya sa railings ang kanyang mga paa papalapit sakin. At doon na siya lalo humagulgol at umiyak.
“Von, ano nangyari sa katawan mo?” tanong ni Tyrone habang nakatingin sa mga pasa na natamo nito.
“Naku Von! Hindi na ‘yan makatarungan ang mga pinaggagawa nila sayo. Sabihin mo samin kung sino dahil uupakan talaga namin.” Mahinang hinampas ni Kystella ang braso ni Kylie.
“Kani-kanina lang ay inaakusahan mo pa siya ng tsansing tapos ngayon— may bipolar disorder ka ba?”
“Hehe, shempre nag-alala rin naman ako ‘no! Bakit? Hindi ba pwede pabago-bago ng mood?” irap ang tinugon ni Kylie sa kanya.
“Von, ano ba talaga nangyari? Bakit sumasabit ka sa railings? Don’t tell me trip mo lang?”
Hindi sumagot si Von sapagkat ay ibinaon pa ang katawan niya sakin. Para siyang bata kung gumawi. Sa katunayan nga ay mas maliit siya kumpara sakin, mga ilang inch lang naman.
Pero teka nga, bakit kilala nila ang lalaking ‘to samantalang ako ay hindi?
“Sino siya?” mahinahong tanong ko. Ang kaninang atensyon nila kay Von ay lumipat sakin. Oh, bakit? Masama bang magtanong? Ilang sandali nila akong tinitigan bago humagalpak ng tawa si Kylie at ang dalawa naman ay ngumiti lang.
Sumalubong ang mga kilay ko dahilan ng pagwala ng ngiti ng dalawa pero si Kylie ay sige pa rin sa pagtawa na wari’y mo ay walang katapusan. Nakipagyakap na nga siya sa sahig at minsan ay hinahampas ito. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa tanong ko pero para siyang baliw.
“Siya si Von Espinosa, Rosel. Classmate natin siya at top 4 sa klase, magkasunod lang kayo ng top.” Pakikilala ni Tyrone. Ah, kaklase pala namin siya? Hindi ko siya napansin. Eh shempre, wala naman akong pakialam at hindi naman ako tumitingin sa mukha nila.
"At ikaw! Ba't wala ka kanina sa room?" Tyrone shrugged at the question of Kylie.
"Nandito sa rooftop, nagsa-soundtrip. Hindi ko kasi feel pumasok kanina."
“Wow ah. Pero waaahh! Sinipa ni Rosel ang pinto! Diba? Diba?” Natatarantang sabi ni Kylie.
“Oo nga, nabutas pa sa sobrang lakas.” Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na bumaling ng tingin ni Tyrone sakin.
“Hindi ko alam na marunong ka pala magkarate,” natatawang sabi nito.
“Imposible na hindi mo narinig ang pagsipa ni Rosel sa pinto, Tyrone.” Saad ni Kystella.
“Hindi ko naman talaga narinig dahil habang nakatayo ako do’n ay may earphones ko, nakikinig ng kanta habang nakatingin sa view ng school.” Sabay kuha nito sa bulsa at tinaas para makita namin. Binalik niya rin naman agad ito.
“Edi punta tayong clinic para magamot natin si Von, gamutin na rin natin ang tenga mo hehe. Tara na guys.” Tumayo na silang dalawa pwera samin ni Tyrone.
“Oh? Ano pang tinutunganga niyo d’yan?” malditang sinabi niya.
“Si Von,” simpleng sagot ng katabi ko. Nang napagtanto nila ay bumalik agad sa pag-upo ang dalawa.
“Nagka-cutting ba tayo?” napatingin ako sa gawi ni Kylie. Agad siyang umiwas ng tingin nang binato ko siya nang pansin.
“Hindi ‘no! Ang tinatawag na cutting ay lumalabas sa school para gumala, uminom o kung anu-ano pa. Actually, hindi naman na cutting ang ginagawa natin. Pansamantala lang naman, shempre alam mo naman ang nangyari.”
“I wonder, hinahanap kaya tayo ni Iro?”
“Oo malamang, Sali mo na rin si Azra.”
Natigil ang pag-uusap nila nang kumalas sa pagyayakap sakin si Von at umupo ng indian style kaya umayos na rin ako ng upo dahil medyo sumakit ang likod ko sa hindi maayos na pagkakasandal ko sa pader.
“Von, okay ka na ba?”
“Wala na bang may sakit sayo?”
“Sinabing punta na nga tayo sa clinic eh.”
“O-okay naman na ako. M-medyo nahi.. nahimasmasan na.” Tumango si Kystella sa sinabi niya samantalang ay naginhawaan si Kylie.
“Von, ano ba talaga ang nangyari?” sabay marahan na humawak si Tyrone sa balikat niya.
Pero hindi sila sinagot ni Von. Nananatili itong tahimik at parang ayaw magsalita tungkol do’n. Malamang, ganon rin ang gagawin ko dahil ayokong buksan ang topic na ayaw ko at baka mas lalo pa masira ang mood ko.
“We’re not invading your privacy ha? Nag-aalala lang naman kami sayo. It’s up to you kung ikukwento mo sa amin.”
“Maybe sa ibang oras nalang.”
Sandaling katahimikan ulit ang namayani.
“I…”
Umabante ng upo ang dalawa, atat na atat marinig ang mga salitang lalabas sa bibig ni Von.
“Ina… inaabuso a-ako.”
“Huh?! / Ha?” sabay na sigaw ng dalawa.
“P-palagi ito nangyayari.. s-sakin. Walang araw na inaabuso nila ako,”
“Who?”
“Mga m-magulang ko.”
“Bakit hindi ka lumalaban?”
“Kung lalaban ako, ikukulong nila ako sa kwarto ko habang buhay.”
“Parang ‘yun lang, magpapakamatay ka na? Tss.”
“Wag ka ngang ganyan Kystella. Kita mo namang dinadala niya ang lahat ng sakit. Hindi tayo nandito para palalain ang sitwasyon niya.” Umiling nalang siya sabay irap. Hinimas-himas ni Kylie ang likod ni Von nang bigla itong umiyak ulit. Kumuha naman ng panyo si Kylie mula sa bulsa niya at pinahiran ang mga luhang pumapatak sa pisngi niya.
“Nakita kitang umiiyak habang tumatakbo sa hallway,” lumipat na naman ulit ang atensyon ng tatlo sakin.
“Talaga? Kailan Rosel?”
“Nung kasama ko si Kystella,”
“Hah?! Nung hinarangan tayo ng mga clowns?!” tumango ako ng isang beses.
“Paano mo nakita si Von, Rosel?”
“Tumatakbo siya at nilampasan ako.” Doon ko na rin nakita ang pagplano ng pagpapakamatay niya.
“Ahh, so that’s what happened.”
“Pero bakit hindi ko siya nakita?! Kahit na nahagip lang ng mata ko ay wala!”
“Aba? Sinisisi mo pa si Rosel sa pagiging bulag mo?”
“Wala akong sinabi na ganyan at pwede ba, hindi ikaw ang kinakausap ko kaya wag kang sabat ng sabat d’yan.”
At nagsimula na naman sila magbangayan. Eh kani-kanina lang ay maayos na sana silang dalawa, kung hindi sana sinimulan ni Kylie. Habang abala sa sila sa kanilang pagbabangayan, biglang nagbell kaya tinignan ko ang aking relos. Alas dose na pala, ibig sabihin lunch time na.
Ang bilis ng oras. Parang kani-kanina lang nililigtas pa namin si Von pero ngayon lunch time na pala.
Binalingan ko ng tingin si Von. “Ano ang dahilan?”
“L-lasinggero si tatay. Palagi siyang umuuwi na lasing na ikinagagalit naman ni nanay. Si nanay naman ay palaging n-nagtatahor kasama ang mga kaibigan niya. Minsan ay panalo pero kadalasan ay talo. S-sakin nila pinapalabas ang galit nilang dalawa sa pamamagitan ng pag-abuso nila sakin.” Paliwanag niya. So that’s why. What kind of parents let their child be physically and emotionally in pain?
That’s too tough to conceal and endure the pain. Nakakaawa si Von sa sitwasyon niya ngayon. Hindi ko akalain na maraming siyang pinagdaanang hapdi at sakit. Nanggaling pa mismo sa mga magulang niya na walang ginawa kundi ang priyoridad nila ay kanilang mga sarili.
Tumayo na ako, ayokong magtagal dito dahil nagugutom ako. Siguro sa sobrang kaba at takot na naramdaman ko kanina. Pupunta din agad kami sa clinic para magamot si Von.
Napatigil naman ang dalawa sa ginagawa nila at tumingin sakin. Pinagpagpag ko ang uniform ko, kasunod no’n ang pagtayo ni Tyrone. Tumayo na rin ang dalawa pero si Von ay hindi pa. Ganon pa rin, nanginginig pa rin ang binti niya. Pilit siyang tumayo pero parang hindi niya kaya, agad siyang mauupo ulit kapag pinipilit niya.
Inialay ko ang aking kamay sa kanya. Napatingin siya rito, ilang saglit niya itong tinitigan at hinawakan niya rin. Tinulungan rin siya ni Tyrone, hinawakan niya ang likod nito at inilagay ang braso sa leeg nito.
“Makakapaglakad ka ba?” umiling siya sa tanong ni Tyrone.
“In that case,” tumalikod siya, nagbend at tinapik niya ng tatlong beses ang likod niya. Ah, alam ko na ang ibig niyang ipahiwatig. Mas mabuti na ‘yan kesa maglakad siya, para hindi siya mahirapan pa.
“Sige na, sa clinic agad tayo pupunta para magamot ang mga sugat at pasa mo.” Sabi ko sa kanya. Tumango siya at sumampa sa likod ni Tyrone. Walang kahirap-hirap na binuhat niya ang payat na katawang ni Von.
“Woah, you’re so light. May natitira pa kaya sayo?” biro ni Tyrone, hindi namin inaasahan ang pag-iling ni Von. Nanlulumay siyang umiling, parang anytime rin ay iiyak siya.
Umalis na kami sa rooftop. Tinungo namin ang daan papunta sa clinic. Habang tinatahak ang daan patungo sa clinic ay hindi ko maiwasan na mapatingin sa dalawang nagbabangayan na babae sa harap. Bumuntong hininga ako.
Sunod kong tinignan ay ang kaliwang bahagi ko. Sinasampa ni Tyrone ang mahinang katawan ni Von. Ito ang sinasabi ko, nanganganib ang buhay ng isang tao kapag kasama ako. Patunay na doon si Kystella at Von. Wala akong magagawa, katabi ko palagi si kamalasan. Ayaw din yata ng tadhana na may mga kaibigang pumapaligid sakin and that’s okay by me.
I heave a sigh. Pero ano ba ‘tong ginagawa ko? This isn’t going to be good. Hindi ko gustong masira ang kanilang mga buhay at mamatay sila ng maaga ng dahil lang sakin.
Ilang araw pa lamang nila ako nakakasama pero naging ganito na agad ang sitwasyon. Two nearly deaths in just two days. Kailangan kong paghandaan ang sarili ko. Baka mamaya, meron na naman. We don’t know what’s going to happened in the future, might as well be prepared.
I know this sounds ridiculous but sometimes, future can be predictable. Ewan ko pero ganon minsan ang nararamdaman ko. Is it because I have this weird ability? Siguro, siguro hindi.
Only their deaths I can see, nothing more nothing less. Minsan, hindi ko talaga maiwasan na hindi mapatanong; bakit kaya ako ginawaran ng ganitong kakayahan? Ano bang meron sakin na wala sa iba?
Nang marating namin ang clinic ay agad na inihiga ni Tyrone si Von sa higaan. Gulat ang mukha ng nurse nung tinignan niya si Von.
“Ano nangyari? Binully ba siya?” hindi kami sumagot. Wala kaming karapatan dahil baka magalit si Von kapag sinabi namin.
“Masama ang kondisyon ng katawan mo, ang dami kasing pasa na natamo sayo.”
“M-malala po ba?”
“Oo at kapag naulit pa ito ay madadamay na ang mga buto mo. Ang payat payat mo pa, kumakain ka ba sa tamang oras?” yumuko siya at bahagyang umiling.
“Tsk tsk. Hindi ‘yan makakabuti sayo. Kumain ka dapat ng tatlong beses sa isang araw at wag mong isagot sakin na nagda-diet ka. Uminom ka rin ng mga vitamins dahil mahina ang resistensya mo.” Tumayo ang nurse. Binulsa niya ang dalawang kamay niya sa bulsa ng putting uniform niya at tinignan kami.
“A-ahh, kasi miss m-mahirap lang sila kaya wala silang pambili ng gamot.” Sulpot ni Kylie.
“Ahh, I see. I’ll volunteer to buy his meds. Para na rin ito sa kalusugan niya.” That’s good to know. Gusto ko rin sanang tumulong but no, hindi pwede. Kapag tumulong ako, the five of us will be closer and closer until the day comes, the strings I’ve cut and avoided will attached again. Hindi pwedeng mangyari ‘yun.
“Ahh miss, pwede bang dito na kami maglunch? Para mabantayan ang kaibigan namin.” Saad ni Kylie.
“Napakawalang hiya mo talaga.” Marahil, walang pakialam si Kylie kay Kystella kaya hindi pinansin ang komento nito.
“Yes, of course you can.”
Umalis kaagad ang nurse nung may estudyante na kailangan ng tulong niya. Pero hindi ako pwedeng sumama sa kanila. Hindi ako sanay. Gusto ko ay ako lang mag-isa. Sa library palagi akong naglulunch.
“Guys, kunin lang namin ang mga bags niyo.” Sabay hila kay Kystella.
“Hah?! Ba’t pati ako?!”
“Duh? Obvious ba? Para may tumulong sakin magbuhat ng mga bags natin! Hindi ko kaya na pagsukdulan lahat ng bags niyo.” Nagrereklamo pa si Kystella pero sumasabay rin naman siya lumakad kay Kylie. Nakatingin lang ako sa likod nilang papalayo.
Mga babaeng ‘yun, I hope ang pagbabangayan nila ang magbibigay closure sa kanilang dalawa. I’ll be happy for that, for Kylie. Noon ay ako pa ang hinihila at kinakaladkad niya, ngayon iba na. Medyo masakit pero kasalanan ko rin naman.
Patago akong umiling. Kung wala lang itong kakayahan ko, shempre katulad pa rin noon ang ngayon. Wala namang problema sa kanya, ako lang. May humahadlang sakin at ang sarili ko pa. May oras na gustong gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Yung ipaparamdam ko na sa kanya na mahal na mahal ko siya pero hindi pwede.
This is for the best of us. I will never forgive myself if something bad will happen to her.
“Kanina pa kita napapansin, Rosel. Okay ka lang ba talaga?” tinignan ko ang crest niya. Tumango nalang ako. Nahalata niya pala? Ganon na ba talaga ako halata? Hindi lang siya siguro sanay na tahimik ako. Idagdag mo pa ang itsura ko na parang lahat ng problema ay sinasampa ko. Binalingan ko ng tingin si Von, nakatingin siya sa kisame.
“Von, if you don’t mind?” napakunot naman ang noo ni Tyrone. Nagtataka siguro kung ano ang ibig kong sabibin. Bahagyan siyang tumango, buti at naintindihan niya.
“Paano ka sumabit?”
Nanaig agad ang katahimikan sa pagitan namin. Pero ilang sandali pa ay nagsalita na siya.
“May tumulak sakin,” mahinang sambit niya. Halos ibulong niya nalang ito.
“What? Hindi mo sinadya na magsuicide?” nope, sinadya niya talaga ‘yun pero meron pang isa na nangyari. Umiling siya, like what I’ve said.
“Totoong magpapakamatay talaga ako, pero nagulat nalang ako na nakahawak na pala ako sa railings. Inunahan niya ang kilos ko. Doon ko nalaman na may tumulak sakin,”
“Babae o lalaki?”
“Babae siya, hindi ko nga lang makita ang mukha niya dahil may suot siyang hindi pangkaraniwang maskara.”
This cannot be good. May tumangkang pumatay sa kanya, at kinuha talaga ng pagkakataon ang nagtulak sa kanya ang advantage ng suicidal niya.
“Mahaba ba ang buhok niya?” ngayon si Tyrone naman ang nagtanong.
“Oo, hanggang bewang niya.” Ibig sabihin, plinano na ang lahat.
Alam niya na mangyayari ito. Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko, posible kayang…. May kakayahan din siya katulad ko? Sinimulan akong kabahan. Hindi maaari. Hindi rin imposible.
“May iba ka pa bang weird na nakita sa kanya?” Parang imbestigador na 'tong si Tyrone kung makatanong.
“May suot siyang bracelet,” dahil sa sinabi ni Von ay mas lumapit pa sa kanya si Tyrone. What the? Bigla yata siya naging interesado sa topic na ito?
“Nakauniform?” tumango siya sa tanong ko.
“Shempre naman, Rosel. Paano siya makakapsok dito kung hindi siya estudyante?” umaayos ako ng upo.
“It’s possible that she only dressed herself to disguise here para akala ng guard ay isa siyang estudyante dito.” Bigla napatigil si Tyrone sa sinabi ko. Yumuko siya at hinawakan ang bibig.
"Yeah, tama ka."
Mula sa paghiga ay bumangon siya. “P-pero Rosella, Tyrone please wag niyo itong ipaalam sa iba. H-hindi ko gustong may makaalam sa nangyari at palabasin nalang natin na nagtangka akong magpakamatay.”
“We will and we promise.” Sagot ni Tyrone at sinulyapan ako. Wala naman akong magagawa, ako ang nagbukas ng topic na ‘to kaya natural lang na wag ko itong ipagsabi sa iba.
Yumuko ako, hindi pwede ito. Ito na ba yung sinasabi ko na madadamay sila? Pero bakit parang iba?
“She still spying,” bulong ko. Ewan ko pero bigla bigla nalang ‘yan lumabas sa bibig ko.
“Huh?” tinignan ko ang bintana na pumapagitna sa kanila.
“Dahil once na malaman niya ito, mas magiging determinado siya sa masamang balak niya sayo Von.”