Noon ay palaging lungkot at walang emosyon akong gumigising, hanggang nga pagdating ko sa school ay nakabusangot pa rin ang mukha ko. Pero ngayon ay may ngiti na.
Ewan ko ba, pagtingin ko nalang ng salamin sa cr ay may umuukit na ngiti sa labi ko. I know this is weird pero gusto kong sulitin ito. This is not happening everyday so might as well make this day a remembrance.
Ang saya saya sa pakiramdam. Sa ilang taon lumipas ay ngayon ko nalang ulit ito naramdaman. And it makes me weird, medyo weird sa pakiramdam.
Ironic right? Ang isang wirdo ay nawiwirduhan sa isang tao. Well, everyone has a weird side.
Hinawi ko ang bangs ko sa kanan at nakita ko ulit ang tinatago ko. Malungkot akong ngumiti nang sumagi sa isip ko si mama.
“Good morning ma.” Sabi ko habang nakatingin sa peklat ko. Pagkatapos ng kompetesyong nakikipagtitigan sa sarili ko ay naligo na ako. Nagbihis agad ako ng uniform pagkatapos kong maligo. May nakaipit pang suklay sa ulo ko habang papunta sa kusina. Agad akong nagluto ng breakfast namin ni ate.
Nang natapos ko na lahat ng niluto ko iseserve ko pa lang sana ang fried rice ng may narinig akong pagbukas ng pinto. Napaaga siguro ang uwi niya.
Mabilis kong isinerve ang mga niluto ko at pinuntahan ang sala. Bumungad sakin ang isang pigura ng babaeng pagod na nakaupo sa couch habang katabi niya ang isang itim na backpack. Nakapatong ang dalawang braso niya sa sandalan, malaki ang espasyo sa pagitan ng dalawang hita niya, sirado ang mga mata niya at umaawang ng kaunti ang bibig niya. Halatang pagod na pagod siya.
Nang maramdaman niya ang presensya ko ay umangat ang ulo niya sakin at nagtatakang tinignan ko. Agad ko namang iniwas ang mata ko at tinuon ito sa backpack niya.
“Oh? Nandito ka pa pala. I thought you’re already gone at school.” Nagtatakang sabi niya sabay upo ng maayos. Umiling lang ako at bumalik ulit sa kusina para ayusin ang naudlok kong pag-aayos ng breakfast namin. Kasunod no’n ay narinig ko ang pagtayo niya sa couch at pumunta din siya dito sa kusina.
Nahalata niya pala na nakatingin ako sa kanya kaya pinagpatuloy ko ulit ang pag-aayos ko ng kanin sa lunchbox ko. Hindi nakatakas sa gilid ng mga mata ko ang pagsandal niya sa lababo na katabi ko lang dahil dito ko sinasalinan ng kanin ang lunchbox ko na nagmumula sa rice cooker.
“You seemed,” kinabahan naman ako. Napansin niya kaya?
“Oh, I know now. You’re blooming,” sabi ko na ikinakunot naman ng noo ko. Ano daw? Ako? Dito sa mukha kong blangko? Narinig ko ang pagtawa niya ng mahina.
“Don’t try to hide it, Rosel. Nakatingin ako ngayon sayo, live na live.” At do’n na sumagi sa isip ko ang ginagawa niya. Is she teasing me?
“What’s the reason behind that blooming face of yours? Hmm?” mala-detective niyang tanong. Oo nga confirmed, tinutukso niya ‘ko. Hindi ako sumagot. Natapos ko nang ayusin ang lunch ko kaya umupo na ‘ko at sinimulang kainin ang breakfast na hinanda ko. Alam kong tinititigan niya ako ngayon. Does my face really that obvious?
Pero blangko naman ito ah? Walang umaarkong ngiti, cold eyes— expressionless talaga. At anong blooming? Hindi ba pwedeng masaya lang? Yung normal na masaya na kadasalan nakikita sa isang tao.
“Ah, I get it know. Is that a secret? I think it’s a secret.” Halos ayaw nang malunok ng lalamunan ko ang kinakain ko.
Tumigil muna akong kumain. "I want to change,” maikling sabi ko. Huminto siya sa pagnguya ng pagkain niya at kumurap ng ilang beses.
“Huh? You want to change? Change what? Change wardrobe? Change school? Change living? Change—” napatigil siya sa pagsasalita na parang alam niya na kung ano ang ibig kong sabihin. Samantalang ako ay pinagpatuloy ko na ulit ang kain. I saw in my peripheral vision that an evil smirk arch on her lips.
O…k? What’s that smirk supposed to mean? Pakiramdam ko ay kikilabutan ako. Nagsalin siya ng tubig sa kinuha niyang pitsel kanina sa ref at inilagay ito katabi ng pinggan ko. Am I going to thank her for this?
“I see. Hmmm, lalaki ba ang dahilan kung bakit gusto mong magbago?” bigla niyang sabi kaya biglaan rin na nabilaukan ako kaya dali-dali kong tinungga ang tubig na binigay niya sakin. Ahh, kaya pala nagsalin siya dahil alam niyang mangyayari ito.
“What the heck?” ang nasabi ko nalang. Shempre, nagulat talaga ako. Hindi ko iniiexpect ‘yon eh. Kaya rin pala sumilay ang mala-demonyong ngisi niya. Tss!
“Hahaha! Your expression is pretty obvious. That cold and expressionless face of yours suddenly turned into pissed.” Sabay tawa niya. I hissed and rolled my eyes at her. Bibilisan ko na nga ang kain ko, for sure ay tutuksuhin lang ako ng magaling kong ate.
Oh wait, may sasabihin pala dapat ako sa kanya. Ang tungkol kay Spot, gustong gusto ko talaga siyang iuwi at alagaan. Alam kong mas lamang na hindi ang lalabas sa bibig ni ate, but atleast I tried right? Gusto ko lang makasigurado kung talaga bang hindi ang sagot niya.
“Ate,”
“Hmmm?” she questionably hummed while drinking water. Inubos niya munang ininom ang tubig bago niya ako seryosong hinarap. I inhaled and exhaled heavily.
“Pwede ba akong mag-alaga ng aso dito sa apartment?” that was almost a whisper, narinig niya pa kaya ‘yon? Ilang minuto ako naghintay ng sagot niya. Yup, kinain na naman kami ng katahimikan.
“No,” mautoridad niyang sabi. I heave a sigh. Okay, sabi na nga ba. Hindi talaga ang magiging sagot niya. Even though, alam ko naman na hindi ang sagot niya ay nalungkot pa rin ako.
Haaay, wala akong choice. Hindi ko na pipilitin pa si ate, alam kong magagalit lang siya tungkol dito. I come up with the idea na kay Kylie ko nalang siguro ibibigay si Spot, pansamantala lang. Kung malaki-laki na siya ay do’n ko nalang siya ibibigay sa—
“Hindi pwede dahil hindi ako papayag na ikaw lang ang mag-aalaga sa kanya.” Nagulat ako. What? Hindi ang sagot niya dahil ayaw niyang ako lang ang mag-aalaga kay Spot? Anong ibig niyang sabihin? Hinarap ko siya na ngayon ay kumakain na.
“H-huh?”
“Oh? Gulat ka dyan?”
“Y-yung allergy mo kasi ate, baka—”
“Matagal nang nawala ang allergy ko, two years ago pa kaya pwedeng pwede ka nang mag-alaga ng doggy! Yey!” masayang sambit niya with matching palakpak pa. For that moment, she looks like a child.
“Bakit? Bibili ka ba?” umiling ako.
“Honestly, I saw a stray puppy a couple of weeks ago.”
“Naks, puppy. Okay yan para may stress reliever naman ako pagdating dito.” Uminom muna siya ng tubig at nagsalita ulit. I wonder, ilang baso na ba niya yan? “Basta, wala yang sakit ah? Asong-gala pa naman yan. Saan mo nga pala siya nakita?”
“Sa isang eskinita malapit dito.”
“Ahh, may pangalan ba siya?”
“Spot,” pagkatapos ay tumango-tango siya. Hindi na ko makapaghintay na maalagaan dito si Spot sa apartment namin. Medyo weird nga na may alagang aso ka sa isang apartment, buti sana kung condo ito o bahay. Buti nalang talaga at allowed ang mga hayop dito, basta responsibilidad namin na linisin kapag nagdumi ito o umihi sa isang sulok.
“Una na ko sa kwarto Rosel, magpapahinga na ko. At diretso ka kaagad sa school pagkatapos mong kumain dyan, ako nang bahala manghugas mamaya.” Sambit niya sabay alis at narinig ko ang pagsara ng pinto. Kakausapin ko pa sana siya tungkol kay Spot, marami akong gustong sabihin sa kanya pero naiintindihan ko siya.
I’m going to change, even though I still smell a small hint of hesitation from me. But nonetheless, I will still try my best. Dahil alam kong tutulungan rin nila akong magbago, alam kong nandyan sila sa tabi ko, para sakin. Gusto kong ibalik ang dating ako, ang dating Rosel na masayahin.
Tulad ng sinabi ni ate sakin kanina ay agad akong umalis pagkatapos kong kumain. Habang tinatahak ang daan patungo sa school ay may pamilyar na boses ang tumawag ng pangalan ko. Paglingon ko ay namataan ko si Mev na tumatakbo papunta sakin.
“Good morning!” may ngiting bati nito sakin. I half smiled.
“Good morning,” bati ko pabalik. Medyo nagtaka ako nung unti-unti nawawala ang ngiti niya at napalitan ng pagkagulat.
“Woah! What was that?” hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya. Lumingon ako sa likod ko pero wala namang tao. Anong tinutukoy niyang ‘what was that’?
“Did I really saw that?”
“Saw what?” hindi ko na mapigilan ang pagtaas ng kilay ko.
“That!” he gasped, napatakip siya ng bibig at tinuro ang mukha ko na naging dahilan ng paglayo ng mukha ko sa kanya. Kung hindi ko pa nilayo ang mukha ko ay siguro ay naduling na ko. Teka, may morning glory ba ako? Hinipo ko nga ang mata ko, wala naman. Sunod kong hinawakan ang mukha ko, wala naman siguro akong dumi sa mukha?
“Wait lang,” umayos siya ng tayo at tinignan ako habang ang kamay niya ay nasa chin niya. O…k? Anong ginagawa niya? Is he observing me? Medyo nailang ako sa titig niya kaya nagsalita na ‘ko.
“I-I’ll go first,” utal na sabi ko at iniwan siya. Weird ngayon ni Mev. May nangyari kaya?
“Sandali lang,” tumabi siya sakin.
“Iba ang aura mo ngayon ah? Mukhang blooming ka.” Sabi niya. Halos matigil ako sa paglakad nang marinig ko ulit ang salitang ‘blooming’. Kanina ay si ate tapos ngayon ay siya naman?
“May nangyari bang kababalaghan sayo?” hindi ako umimik. Oo Mev, marami. Kung alam mo lang talaga.
“My sister agreed that I’m going to take Spot with me.” Sagot ko para matigil na ang observation na ginagawa niya sakin. Oo, tinitignan niya pa rin kasi ako.
“Naks naman! Kaya pala blooming ka eh!” sabi niya at tumawa.
“Meron rin kasing may nangyaring kababalaghan sakin.” Hindi ako umimik.
“Gusto mo bang malaman?” hindi pa rin ako umiimik.
“Sige na kasi! Sasabihin mo lang ay ‘oo’, ganon lang kasimple.” Sabi niya sabay yugyog ng balikat ko. Sa totoo lang, hindi ko alam kung binata na ba talaga tong si Mev o baka binata na kinuha ang I at n. I sighed in defeat. Mas makulit pa to kesa kay Kylie.
“Oo,”
“Ayown. Ang nangyaring kababalaghan sakin ay…” pagbibitin niya.
Habang hinihintay ang sasabihin niya ay may nakita akong tatlong batang tumatakbo, naghahabulan yata. Parang sa gitna ng kalsada sila pupunta. Tumingin ako sa kalsada at may paparating na kotse patungo sa kanila. Tumigil ako sa paglakad at pinagmasdan ang tatlong batang naghahabulan.
Wala akong naririnig ngayon kundi ang masayang tawanan nila, they really seemed happy. Napatingin ako sa batang nasa unahan na parang siya ang may pasimuno ng maglaro sila ng habulan. Tila, bigla naslow motion ang lahat.
Nagkatinginan kami, mata sa mata.
Nakita ko.
Nakita ko ang kamatayan niya.
At mangyayari ito ng ilang segundo.
Weird, I don’t feel anything. Wala akong nararamdaman, kahit awa sa tatlong bata na masasagasaan ng kotse ay hindi ko maramdaman. What’s happening? Bakit ganito? Parang naghihintay ako na may mangyayari. This is really weird.
Narinig ko nalang ang nakakabinging pagbusina and the sound of a screeching car.
Pakiramdam ko ay tumigil ang oras. Biglang umihip ang hangin na parang may mabilis na dumaan sa harap ko. Doon lang namulat ang diwa ko.
“What the.” Tumingin ako sa kaliwa ko at nagulat. W-what? Anong? Paano nangyari ito? Bakit sila nandito? Paano napunta ang tatlong batang ito samin? Tulad ko ay gulat din sila. Siguro nagtataka kung paano sila nakarating dito sa kabilang kalsada eh ang layo-layo nila.
Pinako ko ulit ang atensyon ko sa kotse. Nakahinto na ito at nakita kong tinitignan nung lalaking driver ang ilalim ng kotse niya. Tumingin siya sa paligid at sakto naman napunta ito samin. Tulad ko at ng tatlong bata ay gulat din ang mukha niya.
This is crazy. What the hell is happening?
Lumapit ang driver samin. “H-how did you three—” sabay lingon sa kotse niya tapos humarap ulit samin.
“What?” halatang naguguluhan siya. Wala na siyang ibang magawa at kinamot nalang ang ulo niya.
“Good morning po, may kailangan po ba kayo samin?” tanong ng kasama ko. Teka nga, hindi niya ba nakita ang eksenang ‘yun?
“These three kids, do you know them?” tanong nito samin sabay turo sa tatlong bata. Sabay kaming tumingin ni Mev sa kanila.
“Ahm hindi po eh, bakit po?” inilapit naman ni Mev ang mga bata sa kanya. Huh?
“N-no, it’s what you think. Hindi ako isang kidnapper. May nangyari kasing hindi kapani— a-ano, well— ugh!” sabay sabunot ng buhok niya. Nafrustate yata sa nangyari. He sighed in frustration and faced us.
“Nevermind.” Sabi niya sabay alis. Pagpasok niya sa kanyang kotse ay agad niya itong pinaharurot. Wait, I just realized something. Kung kalsada ito, ibig sabihin ay may— tama. Kailangan ko itong makita. Hindi lang ngayon dahil alam kong sasama itong katabi ko, gusto ko ay ako lang mag-isa.
Lumuhod si Mev sa harap ng mga bata.
“Hey there kids, did you know that guy?” umiling ang batang lalaki na natitigan ko kanina.
“Hindi po pero nakapagtataka kung paano kami napunta dito.”
“Hmm? Anong ibig mong sabihin, totoy?” to— this guy. Ang baduy naman. Totoy pa talaga. Pinagkrus nung bata ang braso niya.
“Hindi totoy ang name ko. My name is Richard.” Matapang na bata.
“Oo na, sorry naman bro Richard. Ako naman si kuya Eros niyo.”
“Ako po si William,”
“And I’m Trinity.”
“Ano pala ang sinasabi mo Richard kung paano kayo napunta dito? Saan ba kayo galing?”
“Galing po kami do’n,” sabay turo ni William sa kabilang kalsada.
“Tapos?”
“And we were absolutely shocked when we got here.” Sabat naman ni Trinity.
“Shempre may mga paa kayo. Malamang sa malamang ay ginamit niyo ang mga paa niyo papunta dito.” Pabalang na sabi ni Eros. Tinignan siya ng masama ni Richard, nagtataka naman ang mukha ni William samantalang si Trinity ay pumeywang.
“Mga bata pa kasi kayo kaya hindi niyo pa yan alam. Malalaman niyo rin yan kapag mga teens na kayo katulad namin.” Hindi ko alam kung sadyang nagbibiro itong si Mev o nagkukunwaring bobo siya. Nagpapatunay ang kainosente niya, kuno, na hindi niya talaga nakita ang nangyari kanina.
“Let me,” umusog ng kaunti si Mev at lumuhod rin ako sa harap ng mga bata.
“You see kids, masasagasaan sana kayo.”
“What?!”
“Huh?!”
“Really?!”
“Weeehh?!” I make a blank face and look to my left. Umiwas agad siya ng tingin nung lilingon pa lang ang ulo ko. Pati siya ay nakikisigaw rin. Well, I can’t blame him. Sino naman ang hindi magugulat na malapit na sana mangyari ang katapusan ng tatlong batang ito?
“Paano mo naman po nasabi yan? Sino po ba kayo?”
“I’m Rosella,” and I can see your deaths.
“Ang lalaking lumapit samin kanina, hindi ba kayo nagtataka kung bakit siya lumapit satin at tinanong kami ng kuya Eros mo kung kasama ba namin kayo?” napaisip silang tatlo.
“Oo nga po ‘no?”
“Ngayon lang pumasok sa isip ko.”
Tinignan ako ng seryoso ni Richard. “Ano bang nangyayari?” kahit na gusto kong ipaliwanag sa kanya ang mga nangyayari ay hindi pwede dahil hindi niya rin naman ito maiintindihan.
“I don’t know but I only know one thing for sure— strange and weird things are happening sometimes.” Nagkatinginan naman silang tatlo, tila tinatanong ang bawat isa kung naintindihan ba nila ang sinabi ko. Well, they’re just kids. Hindi pa nila maiintindihan ang mga salita ng mga malalaki.
“Sa susunod ay tumingin kayo sa dinadaanan niyo, don’t be off-guarded to a place that you think it’s safe.”
“Kahit po hindi namin maintindihan ang sinasabi niyo ay mag-iingat na po kami sa susunod.”
“Yeah, we will never let it happened again.”
“Bakit kayo naghahabulan?”
“Hindi po kami naghahabulan, nagmamadali kaming tumakbo dahil late na po kami.” Hmm? Late? Late saan? Ngayon ko lang napansin na may mga dala silang bag. Ahh, siguro papunta sila sa eskwelahan nila.
“Okay! Let’s wrap it up kids. Wait nga lang, saan ba dapat kayo pupunta? Late kayo saan?”
“Sa school po,”
“Saang school?”
“Sa St. Scholastica Elementary School kuya.” Ahh, malapit lang dito ang school nila.
“Then let’s go! Hatid na namin kayo.” Sabi ni Mev kaya imbes na dumiretso kami ay binalikan namin ang daan kung saan kami galing. Pagdating namin doon ay nagsisimula na nga ang klase nila.
Bago sila pumasok ay binigyan pa sila ni Mev ng tig-isang maliliit na pack ng marshmello. I can see that he has an addiction to sweet-tooths. Noong araw na tinulungan ko siyang hanapin ang room namin ay may nginunguya siyang gum.
“Bye po ate! Salamat po kuya Eros sa marshmello.”
“Thanks very much ate, kuya!”
“Walang suhol to ah?” natawa naman si Mev sa sinabi ni Richard.
“Aba shempre libre yan. Sige na pumasok na kayo. Mag-iingat kayo palagi ah!”
“Promise!”
At pumasok na nga sila. Bumalik na rin kami sa paglalakad ni Mev. Naging dahilan ng pagbaba ang mga balikat ko nung tinignan ko ang aking relos.
“We’re late,” sabi ko habang hindi iniiwas ang tingin sa relos.
“Nah, don’t worry. At least ay may natulungan tayo.” Pagdating namin sa eskwelahan ay wala ng estudyanteng gumagala, napakatahimik. Tanging mga sapatos lang namin ang nagbibigay ingay.
Tumigil ako sa pag-iisip nung nay narinig akong pagbukas ng plastic na bagay. I look at my left and saw Mev opening a piece of candy. Isang Mentos candy. Naramdaman niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya agad kong ipinukos ang tingin sa harap. I heard him chuckled.
“Want some?” rinig kong tanong niya. Aayaw pa ba ako? Walang lingon-lingon kong inilahad ang kamay ko sa kanya at binigyan niya naman ako ng tatlong pirasong kinakain niya.
I saw him in my peripheral vision that he smiled. Kanina pa siya dyan, masaya yata siya ngayon. Pagdating namin ng room ay saktong wala pa si ma’am Eril. Pagkabukas ko ng pinto ay halos lahat ng atensyon nila ay nakapukos saming dalawa. Hindi ko nalang 'yon pinansin at dumiretso sa desk ko. Pag-upo ko ay narinig kong tinanong ni Mev si Kylie kung pumasok na ba si ma’am Eril.
“Oo, nag-attendance na nga eh. May kinuha lang siya sa Dean’s Office.”
Ilang sandali pa ay bumalik na si ma’am kaya nagsimula na ang klase. Pagkatapos ng ilang oras na pagkaklase ay lunch time na. Ang bilis lang talaga tumakbo ng oras. Minsan ay lumulutang ang isip ko. Bilang estudyante ay hindi mo talaga maiwasang magawa ito.
Aalis na sana ako nung pinigilan ako ni Kylie. Hindi ko siya nilingon, nananatiling nakatayo lang ako habang diretso ang tingin sa blackboard.
“H-hey Rosel, gusto mo bang sumama samin? Sa rooftop kami maglalunch.”
Magsasalita na sana ako nung sumulpot bigla si Mev samin.
“Shempre, sasama naman talaga si Ro satin. Diba Ro?” sabay akbay sakin.
“May pupuntahan pa ako.” Kinuha ko ang pag-akbay niya sakin at nauna na.
Sasama naman talaga ako sa kanila. Pupunta lang ako ng caf dahil may bibilhin lang ako. Nakakaabala naman kung sasama pa sila sakin. Nilakad ko ang hallway papunta sa cafeteria nang hinabol ako ni Mev.
“Teka, sandali lang Ro, hindi ka ba sasama samin?” malungkot ang tinig ng boses niya. Nilingon ko naman siya.
“Sasama,” pagkasabi ko no’n ay unti-unti siyang ngumingiti. I’d said it to myself, magbabago ako. I’ll stand my word. Lumapit siya sakin, ako naman ay nanatiling nakatayo, tinitignan ang crest ng uniform niya.
“Pero ba’t ka umalis?”
“Bibili sa caf.” Nawala ang ngiti niya at napalitan ng pagtataka. Nakataas ang kilay siyang tumingin sakin.
“Hihintayin ka namin sa labas ng room.” Sabi niya at sabay naming tinalikuran ang isa’t isa. Sinukbit ko ng maayos ang bag ko saking balikat. Habang tinatahak ang hallway na puno ng estudyante ay nahagip ng dalawang mata ko ang isang babae at tatlong lalaki sa kanan.
Tumigil ako sa paglalakad at tinignan sila. Hindi ko mawari kung talagang ang isa sa mga kasama niya ay lalaki, para kasi kung kumilos ay babae. Bakla ba kamo? Baka naman hindi. Masaya silang nagtatawanan. Nakita ko na naman ulit sila. Bigla sumagi sa isip ko ang nangyari noong nasa library ako.
Tumigil ang isa sa kanila sa pagtawa at tumingin siya sa direksyon ko.
I feel my heartbeat is starting to draw a fast pace.
No.
Halos tumayo lahat ng balahibo ko. It can’t be. Nang makita niya ako ay ngumiti siya sakin at kumaway. Pagtataka naman ang lumabas sa mukha ng tatlo niyang kasama nung ginawa niya yun sakin. I lifted my right hand, not saying any word.
Pagkatapos ay umalis na sila sa paningin ko. Tinitigan ko ang mga likod nilang papalayo. Parang kani-kanina lang ay bigla siyang sumagi sa isip ko. Hindi pwede, another one has yet to come. This is bad, really bad.
Another death has yet to come.
“Shiana.”