[10] Undone

3583 Words
(a/n: continuation of chapter 7) ~*~ Binilisan ko ang paggawa ng mga morning rituals ko. Alas sais pa lang ay nilalakad ko na ang medyo madilim at malamig na daan na walang katao-katao. Maaga pa ang oras na ito para magising at tsaka hindi mga morning persons ang mga tao dito. Hindi ako makapaniwala. Nagkatotoo ang sinabi ni Rosella. Siya, alam kong siya ang lalaking balak akong patayin. Sigurado ako dahil nakapa ko yung b***l niya sa likod ng pantalon niya. Sigurado akong hindi ‘yon laruan na pwede niyang dalhin kahit saan siya magpunta. Pagdating ko do’n ay mas transparent pa sa crystal ang mga mata ko nang makita ko ang yellow police tape na nakapalibot sa bar. May dalawang police car rin ang nakaparada sa labas. Nakita kong papalabas si Boss Paul na may kasamang detective, nag-uusap silang dalawa. Kahit na malayo ako ay kitang kita ko sa mga mata ni Boss ang malubhang lungkot na dinadama niya. Agad na tumakbo ako papalapit sa kanya. “Boss!” gulat ang mukha niya nang mamataan niya ‘ko. “Kystella! Thank goodness you’re safe.” Bungad niya sakin. Nag-aalala ang tono ng boses niya. “Nakita ko sa isang TV news kaninang umaga ang balitang ito. Boss, anong nangyari?” pero hindi siya sumagot bagkus ay nangalumbaba lang siya at nanahimik. “Boss—“ “Don’t force him kid, his under the pressure of mourning the deaths of your co-workers.” Hindi ko na pinilit pa si Boss. Gustong gusto kong malaman kung ano nangyari pero— haaay guess I’ll wait. “Ah kid, you must be Kystella Castro?” nabaling ang tingin ko sa detective. Kid? Anong kid ang sinasabi niya? I’m a teen! Almost an adult. Kidkirin ko kaya mukha nito? Psh! “Yes sir.” Magalang kong sabi. Shempre, nagbibigay galang pa rin naman ako sa mga mas professional sakin. “I’m Detective Chief Superintendent Eugene Arevalo. Can I talk you for a minute?” tinignan ko si Boss. I’m sure he wants some comfort now. But this detective is meddling in our way. “Perhaps, I could tell you what happened last night.” Automatic na napatingin ako sa kanya. “Don’t worry about me Kystella. I just need to rest. And about what happened, I’ve decided that I’ll temporarily close the bar. Maybe two weeks or more,” “Pero Boss—“ but he cut me off. Aba- kanina ang detective na ‘to tapos ngayon siya naman? Parang ayaw yata nila akong pagsalitain -, - “And here is your early wage,” sabay bigay sakin ang isang envelope. “I added some extra amount of it. I hope na sapat na ‘yan sa mga pangangailangan mo.” Nanlulumo ko siyang tinignan. Of course sobra na nga ito eh. “Detective, Kystella, I’ll leave now. I will sure need a loads of rest today until to the upcoming days.” “Thank you very much for the info’s Sir.” “Sige Boss Paul. Mag-ingat ka paps.” Nakangiting sambit ko at ginulo niya naman ang buhok ko sabay lampas samin. Kahit na ganito ang sitwasyon ngayon ay kailangan ko lang icheer up ng kaunti si Boss. Tinignan ko ang pagpasok niya sa kanyang kotse hanggang sa makaalis siya. “So, just you and me now kid.” Nakataas ang kilay kong ibinaling ng tingin ang isang ‘to. Maldita mode: on. “Magtutuos ba tayo?” tumawa siya ng mahina. Inayos niya ang kanyang necktie na parang handa na sa kahit anong mangyari. “I’m one hundred and one percent sure it will going to happen.” Tinignan ko ang oras ng relos ko. “Nah, don’t rush the time or the time will rush you. Sige ka, mas bibilis pa ang takbo n’yan if every second ay titignan mo ito. Seven thirty pa naman ang klase mo at may isang oras pa tayo.” Teka, paano niya nalaman? Bumuntong hininga ako. Expected ko na dapat ‘yan dahil isa siyang detective. Daig pa ang isang manghuhula ‘yan eh. Well, wala na akong choice. Gustong gusto ko na talaga malaman kung ano nangyari kagabi. I wonder, bakit si Sasha at Loree ang namatay? Bakit dalawa sila? Nung pinanood ko kasi ang balita ay hindi magsink-in sa isip ko. Ang nagsink-in lang talaga sakin ay… wala na sila. “Doon tayo sa playground,” sabi ko at ihahakbang ko na sana ang paa ko nang pinatigil niya ko sa pamamagitan ng paghila sakin. “Nope, dito tayo.” At heto ako, nagpapahila naman sa kanya. Wala eh, nakakatamad kumilos kapag hindi ko kilala ang kasama ko. Nagsalubong ang kilay ko nung binuksan niya ang pinto ng kotse… niya? “Get in,” dumako ang tingin ko sa kanya. Seriously? Sa kotse niya ba talaga kami mag-uusap? Ano ‘to? Sobrang private ba talaga ng pag-uusapan namin para sa kotse niya kami mag-uusap? Eh ikukwento lang naman niya ang nangyari ng crime scene. Humalukipkip ako at tinitigan siya. If you know what I mean. This is my way of gesturing na kapag hindi niya sinabi kung ano pa ang iniisip niya ay hindi ako aalis sa pwestong ito. He sighed like he had no choice. “Okay, tutal wala na akong kawalan sayo. Truth is, there is another matter I have to discuss with you, privately.” He said at diniinan talaga ang salitang privately. “Bakit kasi private pa? Ano ba ‘yan? As if naman may makikinig satin dito.” Sabay tingin ko sa walang katao-taong paligid. Kaming dalawa lang ang nandidito. “You can’t tell that. Malay mo? Maybe someone might be spying on us.” Makahulugang sabi niya. Nagkibit balikat ako saka naunang pumasok sa kotse niya, sa shut g*n seat ako pumaosk. Oh diba? Kanina eh ako pa itong ayaw pero ngayon inunahan ko pa siya. Wala eh, talo na ‘ko sa kanya. “Spill the beans now, Sir.” “Where do you want to start?” “Kung saan nagsimula ang lahat.” “Okay. Naging normal naman ang lahat nung umuwi ka na. Nagtatrabaho sila ng maayos. Pero makalipas ng ilang minuto ay doon na nagsimula. Isa sa mga biktima, si Sasha Morales ay lumabas to throw the garbage out. Ang hindi niya inaasahan ay may biglang yumakap na lalaki mula sa likod niya. The man whispered something to her ear, titili na sana siya pero mas mabilis ang reflexes ng lalaki. He shut her up using the strength of his hand,” “Waiiitttt wait lang teka sandali,” with matching hand waves pa ‘yan na akala mo ay may langaw. “At paano mo naman nasabi na may binulong talaga ang lalaki sa kanya?” “One of the witnesses told me,” tumango-tango naman ako. So ibig sabihin ay may nakakita kay Sasha at nung wirdong lalaking ‘yon? Hindi kaya— “Then everything went rough. Pinipilit niyang kumawala sa yakap ng lalaki pero likas na malakas ito. What happened next was an another victim got out,” “Loree Garcia.” Tumango-tango naman siya. “Yes. Nang makita niya na nasa ganong state si Sasha ay agad niya itong nilapitan at pinilit niyang pinakawalan ang kaibigan sa pamamagitan ng pagsuntok o hampas sa lalaki. Siguro, dala nang inis ay pinutukan niya si Loree sa ulo na ikinamatay nito.” Labis akong nakaramdam ng lungkot nang nalaman ko ang part ni Loree. Pucha, eh walang kalaban-laban si Loree tapos pinatay nung gunggong na ‘yon? Tangina lang ang walang ganti. “Hey easy, relax lang. Nahuli naman na namin ang kriminal eh.” Agad akong tumingin sa kanya. “Sino ang tanginang ‘yon? Pucha, dalhin mo ‘ko sa kanya. Susuntukin ko lang siya ng walang katapusan.” Tumawa naman siya sa sinabi ko. Hah, anong nakakatawa? Seryoso ako! Tae, kaibigan ko ang pinatay ng letseng ‘yon! Putek, dahil sa kanya lahat ng mura ay lumabas na sa bibig ko. “You will know him at the end of the story.” Aba? Binibitin ba ako nito? “Pakibilis na nga. Sabihin mo na rin kung saang presinto siya nilagay.” “Nope. Alam ko ang gagawin mo. Revenge is not the best way for getting justice.” Inismiran ko siya sabay irap. Duh. “Let’s continue. Pagkatapos barilin ng lalaki si Loree ay hindi niya sadyang pakawalan si Sasha at agad naman itong nilapitan ang walang buhay na kaibigan. Sasha saying names to him at dala pa rin ng inis ay hindi nag-alinlangan ang lalaki na hilahin ang gatilyo ng b***l. Ikinamatay agad ni Sasha ang pagbaril ng lalaki sa kaliwang dibdib niya. Hindi ko pa alam kung sapul ito sa puso niya dahil hindi pa pina-autopsy ang katawan niya at ni Loree.” Bumuntong hinunga ako, pinapakalma ang sarili. Pinipilit kong wag kumawala dito sa loob ng mamahaling kotse niya. Mahirap na, baka may masira ako dito. Wala akong pera pambayad. “Bakit hindi agad umaksyon ang naka-witness sa kanila?” “Of course, nataranta siya at natakot. Our brain will stop functioning in a couple of seconds when we saw a b****y mess of an action. I bet, matataranta ka rin at hindi makagalaw kapag ikaw ang nasa sitwasyon nung nakawitness.” “Babae o lalaki?” “Babae,” “Tss! Kaya pala eh!” “Now, now. We can’t put a blame on her. Pasalamat pa nga tayo dahil kahit ganon ang state niya ay kinaya niya pa rin pumunta sa pinakamalapit na police department. Siguro kung iba ‘yon ay naduwag at pinagsawalang bahala nalang nila.” Natahimik ako. May point siya. Haaaay, I can’t believe this. “Sabi sa balita ay lasing daw ang lalaki,” he smirked dahilan na ikinataas ng kilay ko. “And you didn’t hesitate to believed it? Not all the news in a TV news are accurate, Kystella. Ang iba ay binabayaran para takpan ang katotohanan. Even if it’s illegal. Money can change people in just a flick or in a split minimum second.” “Sa tingin mo, pera rin ang kailangan ng lalaking ‘yon?” “Hindi, ikaw.” “Ganon rin ang iniisip ko eh. Bakit ka—“ napaestatwa ako sa sinabi niya. Hinarap ko siya na malaki ang buka ng bibig ko. “HAAAAHH?” “What the heck?” sabay takip ng tenga niya. Oa naman nito, o ako ang oa? Sino ba naman kasi ang hindi magugulat sa sinabi niya? “A-anong ibig mong sabihin? Na a-ako ang pakay niya?” Mamamatay ka sa loob ng pinagtatrabahuan mo mamayang 10:23. Mamamatay ka sa loob ng pinagtatrabahuan mo mamayang 10:23. Mamamatay ka sa loob ng pinagtatrabahuan mo Mamamatay ka sa loob ng pinagtatrabahuan mo Mamayang 10:23. Mamayang 10:23. Tila, parang musika itong nagpaulit-ulit sa isip ko. Sheeett! I get it, I get it all now. Ang lalaki, siya yung lalaki na binastos ako nung nasa trabaho pa ako. He was the same guy who murdered Sasha and Loree. Sigurado ako, 101 percent sure. “The criminal which was the guy who harassed you was the same guy who killed the two victims.” What the hell. Tama nga ako. May parte kasi sakin na medyo hindi ako sigurado pero siya na nagsabi. He erased my doubts, siya ang nagpatunay na totoo lahat ang conclusions ko. But wait, I’m confused of what he said. H-how did he… “P-paano mo nalaman na binastos ako nang lalaking ‘yon? Nandon ka ba sa loob ng bar nung nangyari ‘yun?” pero hindi siya sumagot. Bagkus ay ginawaran niya ako ng isang makahulugang ngiti. O…k? What’s with that smile? It’s creepy. Kumurap ako at umiling. That’s doesn’t matter now, marami pa akong tanong na gusto kong isagot niya. Napatingin ako sa oras ng kotse niya. “Alam mo ba kung anong oras nangyari ang krimen?” atat na atat kong sabi. “Exactly 10:23.” Nahalata niya siguro ang pagmamadali ko kaya diretso niya itong sinagot sakin. "Mamamatay ka sa loob ng pinagtatrabahuan mo mamayang 10:23." It all make sense now. That crime was really meant for me. Akala ko, hindi totoo ang sinabi ni Rosella. Napagkamalan nung lalaki si Sasha na ako ‘yon. Well, we have some similarities though. This is unfair, the world is unfair. That was all a mistake. Ako dapat ang namatay hindi sila! Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito. Kung hindi dahil sakin ay buhay pa sila ngayon. Masayang nag-uusap sa isa’t isa, masayang namumuhay. “Ang b***l. Bakit hindi narinig ng mga tao sa bar ang pagputok ng b***l? Nagbibi-bingian ba sila?!” “That guy has a silencer, maingay ang loob ng bar so obviously hindi talaga nila marinig ang pagputok ng b***l niya. At isa pa, nasa likod sila ng bar nung nangyari ang eksenang ‘yun. Hindi talaga nila maririnig ito dahil malayo at soundproof pa ang pader. Parang pinaghandaan niya ang krimen na gagawin niya but unfortunately, hindi niya inisip ang magiging bunga ng ginawa niya.” Paliwanag niya. This is the most certainly worst that happened in my entire life. Buong buhay ko ay hindi ko narasanas ang isang karumaldumal na pangyayari. Hindi ko akalain na hahantong sa ganitong sitwasyon. Tanginang lalaking ‘yon. Gagawin niya talaga ang lahat para mapilit ako ng makipag-usap na kaming dalawa lang. Puta, nakashabu ba siya? Iparehab ko ang gunggong ko na ‘yon eh ng magkaalaman na. Kahit na anong pilit ko ay ayaw magsink-in sa utak ko ang mga pangyayari, lalo na ang tungkol sa pagkamatay ng dalawa. This is too much, my brain is overwhelming with loads of information. “Kystella, are you okay?” wala sa sarili akong umiling. Hindi. Hindi ako okay, okay? Sinong tanga ang magiging okay sa mga nangyayari ngayon? Sa kabila ng mga nangyari, sino ang magiging okay? My heart sanked when I heard the news earlier. Papasok pa ba ‘ko? Hindi ko kasi kaya itong pakiramdam na ito. Parang ayoko ko nang pumasok at magmukmok nalang sa kwarto ko buong araw. Ayokong pati ang pag-aaral ko ay madadamay dito. Feeling ko, ako ang sisisihin ng iba kapag nalaman nilang ako pala ang pakay ng lalaking pumatay sa dalawa. Na akin pala lahat ng sisi kung bakit wala na sila. Natatakot ako. Parang nakakatakot isipin once na makita ko sila at magbintangan ako. Bubuksan ko na sana ang pinto pero narinig ko ang paglock nito. “Saan ka pupunta?” “Aalis na ‘ko.” “Papasok ka na ganyan ang kalagayan mo?” “Wala akong choice,” “No Miss Castro. Magpahinga ka, ipagpaliban mo muna ang klase mo. Hindi ka man lang ba—“ inis ko siyang tinapunan ng tingin dahilan ng ikinatigil ng pagsasalita niya. “Wala akong pakialam. Bakit ka ba nag-aalala? Detective ka lang naman ah? At hindi kita kilala so pwede ba, iunlock mo na ang pesteng pinto ng kotse mo." “Miss Castro—“ “Detective Eugene Arevalo, can you please unlock the door already?!” wala na, napataas na ang boses. Natahimik naman siya sa sigaw ko. In-unlock niya na ang pinto kaya dali-dali akong lumabas sa kotse at padabog kong isinara ‘yon. Mabibigat na yapak rin ang inihahakbang ko. Namayani ang inis ko. Bakit kasi sila pa ang namatay? Hindi ba pwedeng iba nalang sana? Bakit dalawa pa sa mga naging malapit sakin? Nakakasama ng loob. Masama na ba ako dahil hinihiling ko na iba nalang sana ang namatay at hindi sila? Matigas na sana itong puso ko eh, walang nararamdam, walang pakialam. I continued myself for being that kind of person. Wala naman silang paki, sila ba nagpapakain sakin? Sila ba ang bumubuhay sakin? NO. Kaya wala silang karapatan na husgahan ako dahil hindi nila alam ang kwento ng pagiging ganito ako, mga sakit at luhang pinagdaanan ko. And I hate it. Sometimes, I hate myself for being like this. Kunwari nagtatapang-tapangan, nagmamaldita. Wala eh, wala na akong maisip na ibang paraan pa para protektahan ang puso ko sa mga taong hindi tunay sakin. Gumulat sakin ang mga bulungan at tinginan ng mga tao sakin. Ang mga tingin na parang may scandal ako. Huh? Bakit? Anong nangyayari? Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa classroom ay ganon pa rin ang tingin nila sakin. “Siya ‘yung nasa picture diba?” “Oo nga ‘no? Ang tinutukoy nila na Kystella Castro?” “Yeah. Sayang, ang ganda pa naman niya.” “Hindi natin alam ay p****k pala ‘yan.” “Sa tingin niyo, totoo ang chismis na kumakalat?” “Of course, may patunay na nga eh. Hindi ka pa rin maniniwala?” “Picture lang niya naman na nakasuot na pangwaitress ang nakapaskil do’n eh.” Pumantig ang tenga ko nang marinig ko ang sinabi nung babae. “Ah hello? The word disguise? Sinuot niya lang ‘yun para hindi siya pagkamalan na prostitute.” “Hindi natin alam ang buong kwento kaya wala tayong karapatan na husgahan siya.” “Psh! Whatever Sofia.” Nilapitan ko nga ang tatlong babaeng nag-uusap sa isang sulok. “Excuse me,” nagulat naman sila pwera sa babaeng nasa kaliwa. “A-ano kailangan mo?” psh! Tapang-tapangan ang isang ‘to. Like duh? Nung nakita ko ang mga mukha nila ay hindi naman sila kagandahan. Mabuti pa itong si- ano nga pangalan nito? Sophie? Sofa? Ah basta, siya ang hinarap ko hindi ang dalawang mukhang tubol niyang kasama. Baka masuka lang ako sa walang oras. “Ano ang sinabi mo kanina?” “Ang alin po?” “Ang picture ko na sinusuot ko ang waitress uniform ko sa pinagtatrabahuan kong bar.” Oh ayan, sinadya ko talaga ‘yan para marinig ng klaro ng dalawang kasama niya. Mahirap na, mga bingi pa naman sila. “Ahh, nasa bulletin board po ninyo ng building na ‘to.” What? Bulletin board ninyo sa building na ito? Anong ibig niyang sabihing ninyo? “Anong grade mo na?” “Sophomore po,” binalingan ko ng tingin ang dalawang kasama niya. Ahhh, grade 8 pa lang ang mga ito? Kaya pala hindi sila pamilyar sakin. Wala sa mukha nila, akala ko kasi mga immature na babae na mapanghusga kahit kanino. May mga kalorete pa sila pero itong Sofa na ‘to ay wala. “Kystella po ba pangalan niyo?” “Oo, bakit?” “Mawalang galang na po pero totoo po ba ang mga chismis na nagtatrabaho ka bilang p********e sa isang bar?” tumawa naman ako, a sarcastic one. “At naniwala ka naman?” “Sa totoo po ay hindi dahil wala naman akong karapatan. At tsaka po gusto ko marinig ang katotohanan mula sa inyo hehe.” Sabay kamot nito sa batok na parang nahihiya. “Ano ba pangalan mo?” “Sofia po,” ahh, Sofia pala. Akala ko Sofa. Kulang nalang pala ng i para maging Sofia na. “Sofia girl, alam mo ba ang club?” tumango naman siya agad. “D’yan nagtatrabaho ang mga p********e,” nilapitan ko ang dalawang kasama niya. Ang layo na pala nila saming dalawa, ayaw yata makinig sa usapan namin ni Sofia. O baka ayaw lang nila mahawaan sila ng germs ko? Germs ko sa pagiging maganda. “Hindi sa bar.” I said as I emphasised it. Sabay nila akong tinaasan ng kilay. Aba? Kokontra pa ang mga feeling maganda na ‘to? “Ganito kasi dapat girls, wag puro dada ha? Alamin niyo muna ang kwento bago manghusga. Be knowledgeable, malapit na kayo tumungtong ng Junior tapos wala pa rin ‘yang laman ang utak ninyo?” hindi sila sumagot, nananatiling nakaiwas ang kanilang tingin sakin. “Sa susunod, magpaturok kayo ng isang dosenang pampa-mature at pampatalino sa katawan niyo. Okay?” sabay lampas sa kanila pero napatigil rin agad nang may nakalimutan akong sabihin. “Sofia girl, thanks pala.” At tuluyan na nga akong umalis. Prente kong nilakad ang hallway patungo sa malaking bulletin board ng building namin. Hindi rin nakaligtas ang mga titig nila sakin, ang mga bulungan na dumaan sa tenga ko. Psh! The hell I care. Bahala na sila kung ano ang gusto nilang paniwalaan. Wala na akong pakialam. Pake ko ba? Matagal na rin naman nasira ang reputasyon ko noon pa. Tss. Pagdating ko do’n ay maraming mga estudyanteng nagsisiksikan sa harap ng bulletin board. Gulat ang mukha ko shempre, hindi ko inaasahan na ganito karami ang dadalo sa bulletin board para lang makita nila ang mga pictures ko. Nang makita nila ako ay kapwa umatras silang lahat. They made me a path patungo sa bulletin board. Grabe, ang grande naman ng pagbungad nila sakin. Nagtataka lang ako dahil ang iba ay parang nakakita sila ng multo. Gulat na gulat mga teh? Oh well, what do you expect. Taas noo na may halong inis akong dumaan sa pathway na ginawa nila sakin. Tinignan ko muna ang mga pictures ko. Psh! Ang galing niyang kumuha ah? Professional ang dating. Kinukuha niya talaga ang tamang angle para magmukha akong kasama-sama sa mata ng iba. Inis ko itong pinagkukuha. Tangina. Malalagot talaga sakin ang bwisit na ‘yon! Humanda na talaga siya kapag nalaman ko kung sino siya. Habang kinukuha ang mga litrato ko ay aksidente nahagip sa gilid ng mga mata ko ang isang tao. Niyukom ko ang kamay ko kasabay no’n ang paglukot ng mga litrato ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD